You are on page 1of 27

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1-2

Kasanayan sa Pagkatuto at Koda: Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa


paikot na daloy ng ekonomiya (AP9MKE-III-a)

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Ang makroekonomiks ay sangay ng pag-aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuan ng


pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan, kung saan napapabilang ang mga pinakamaliit na yunit
ng mga kasapi nito. Sinusuri nito ang malawakang kaganapang pang-ekonomiko kabilang na ang
kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo. Ang mga
sumusunod ay pangunahing pinagtutuunan ng makroekonomiks:

✓ Binibigyang pansin nito ang kabuuang antas ng presyo. Ang mga gumagawa ng batas o patakaran
ay pangunahing tinututukan at binibigyang –pansin ang pagtaas ng kabuuang presyo na higit na
nakaaapekto sa mga mamamayan sa kabuuan.
✓ Binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang produkisyon o ang bilang ng kalakal at
paglilingkod na nagawa ng ekonomiya. Sa pamamagitan nito, nasusukat ang kakayahan ng isang
ekonomiya kung papaano tinutugunan ang pangangailangan ng lipunan at ng buong bansa.
✓ Ang empleyo o paghahanap-buhay ay binibigyang pansin ng makroekonomiks. Ito ay mahalaga
para sa mga nagpaplano para sa ekonomiya na siyang bumubuo sa mga patakarang
pangkabuhayan nang sa gayon ay maseguro na may mapagkukunan ng kabuhayan ang bawat
pamilya sa lipunan.
✓ Tinitingnan din ng makroekonomiks ang ibang bahagi ng mundo at ang ugnayan nito sa panloob
na ekonomiya. Ang mga pangyayari o pandaigdigang kaganapan ay hindi maihihiwalay sa
panloob na ekonomiya ng bansa. Ang kalagayang pang-ekonomiko ng ibang bansa ay may
malaking epekto sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigidig.

Ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay presentasyon ng isang konsepto o kaganapan.


Nagbibigay ito ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya bilang bahagi ng pag-aaral ng
makroekonomiks. Sa madaling salita, ang paikot na daloy ng ekonomiya ay bahagi lamang ng

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

napakaraming konseptong dapat matutunan sa makroekonomiks na tatalakayin sa mga sumusunod na


aralin.

Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay denisenyo ng isang ekonimista sa katauhan ni Francois Quensay
sa kaniyang aklat na Tableau Economique, inilathala noong 1758. Mula sa orihinal na zigzag diagram,
ipinakita ni Quensay sa modelong ito kung sino ang gumagawa ng mga produkto at kung sino ang
gumagasta bilang paraan para mas maunawaan at maipaliwanag ang dahilan ng paglaki nito. Bilang
batayan, ang kasalukuyang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng mga interaksiyon sa mga
mahahahagang sektor na kabilang sa isang market economy. Nakaangkla sa dalawang pangunahing
gawain- ang produksiyon at pagkonsumo.

Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Unang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Inilalarawan ng unang modelo ng ekonomiya ang isang simpleng ekonomiya. Sa modelong ito na ang
sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring komokonsumo nito.
Ang suplay ng bahay kalakal ay ayon sa demand o pangangailangan ng sambahayan. Halimbawa nito
ay kung ikaw ay napadpad sa isang isla at walang tao na maaaring makatulong sayo. Ano ba ang iyong
gagawin para ikaw ay mabuhay? Maaring ikaw ay maghahanap ng makakain na tutugon sa gutom na
iyong nararamdaman, gagawa ng pansamantalang masisilungan para ikaw ay may matulugan, o
maghanap ng materyales na pwedeng gawing damit para hindi ka malalamigan. Sa makatuwid, ang
sambahayan at bahay kalakal ay ikaw lamang. Ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon ay
itinuturing na kita sa isang simpleng ekonomiya. Ang halaga ng produksiyong inaasahan ay siya ring

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

inaasahang dami ng produktong ikokonsumo. Sa ganitong uri ng daloy ng ekonomiya, kailangan ng


aktor na maitaas ang kaukulang produksyon at pagkonsumo nito.

Ikalawang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng bahay-kalakal at sambahayan bilang pangunahing sektor ng


paikot na daloy ng ekonomiya. Sa modelong ito ay magkaiba ang sambahayan at bahay- kalakal. Ang
sambahayan ang pinagmumulan ng mga salik ng produksyon subalit walang kakayahan na gumawa ng
tapos na produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang
lumikha ng mga produkto at serbisyo subalit kinakailangan niya ang salik ng produksyon na nagmumula
sa sambahayan. May dalawang uri ng pamilihan ang makikita sa ikalawang modelo. Una ay ang
pamilihan ng salik na produksyon o factor markets. Dito inilagak ng sambahayan ang mga salik ng
produksiyon gaya ng kapital, lupa, paggawa at pagnenegosyo. Ang pangalawa ay ang pamilihan ng tapos
na produkto o commodity markets. Dito dinadala ang tapos na produkto at serbisyo mula sa bahay-
kalakal para ibenta sa sambahayan. Makikita sa modelong ito ang ugnayan ng sambahayan at bahay-
kalakal kung saan sila ay magkaiba subalit kinakailangan nila ang isa’t isa. Tinatawag ang ugnayang ito
na interdependence.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Ikatlong Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Sa ikatlong modelo, ipinapakita ang presensiya ng dalawang pangunahing sektor- ang sambahayan at
bahay-kalakal kung saan isinaalang-alang ng dalawang sektor na ito ang mga desisyon sa hinaharap.
Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga
produkto at serbisyo. Mula sa kita na halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay maari ang buong kita ay hindi ginagamit. Maaari itong itabi o itago bilang savings
o ipon. Ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos (Farmer, 2002). Ang investment naman ay
paggasta ng bahay kalakal sa mga kapital upang mapalago ang produksyon. Nagkakaroon ng investment
kapag ang ipon ay inilalagak para sa negosyo. Ang isang indibidwal o sambahayan ay maaari din isalin
ang kanyang ipon bilang financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds. Ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagaganap sa pamilihang pinansiyal
o financial market. Habang ang bahay kalakal ay may pagnanais na magpalawak ng negosyo sa iba’t
ibang panig ng bansa at hindi lamang nakatuon sa tubo. Ang pagpapalawak ng sakop ng produksiyon

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ay magbibigay daan sa pagbuti ng kalagayan ng negosyo subalit maaring hindi sapat ang puhunan para
gawin ito. Mula rito, maaring manghiram ang bahay kalakal ng karagdagang salapi na gagamiting
puhunan para maisakatuparan ang nasabing plano. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa
pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. May kapalit na kabayaran ang panghihiram ng puhunan ng
bahaykalakal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad na may interes sa hiniram na puhunan kapalit ng
kapakinabangang natamo ng bahay-kalakal. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng malaking ipon ng
sambahayan ay isang paraan para mapatatag ang ekonomiya gayun din ang sapat na dami ng
bahaykalakal na handang mamuhuhan. Sa ganitong pamamaraan, tataas ang produksiyon ng mga kapital
na produkto na magbibigay daan sa pagbubukas ng maraming trabaho para sa paggawa. Ang
pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok at pamumuhunan ay binibigyang halaga sa ganitong modelo ng
ekonomiya.

Ikaapat na Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Sa ikaapat na modelo, makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan.


Bukod sa pagpapatupad ng mga batas, programa at mga polisiya sa bansa, tungkulin ng pamahalaan ang
pangongolekta ng buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kita mula dito ay tinatawag na
public revenue. Ito ay ginagamit para makalikha ng pampublikong serbisyo at proyekto na tumutugon

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa modelong ito, naitatakda ang kita ng


ekonomiya batay sa kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Ang positibong
motibasyon ng pamahalaan gaya ng paghahatid ng pampubikong paglilingkod na ipinapangakong
isasakatuparan sa pagsingil ng buwis ay isa sa mga paraan para mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Sa
paraang ito, makikita ng bawat sektor ang kinahihinatnan ng buwis na kanilang binabayad. Hindi man
maiwasan ang pagtaas ng buwis na sinisingil, ang mahalaga ay hindi maramdaman ng mga sektor ang
pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan nito. Mahalagang mapag-ibayo ang mga kaalaman
at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal sa aspektong gastusin ng pamahalaan. Ang pampublikong
paglilingkod ay dapat produktibo.

Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ang ikalimang modelo ay tinatawag na open economy dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na
nangangasiwa ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Ang perspektiba ng mga naunang apat na
modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya ay sarado o domestic. Sa modelong ito,
nagaganap ang kalakalang panlabas kung saan may mga gawain ng pagluluwas (export) at pagaangkat
(import) ng mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa. Ang kalakalang panlabas ay ang
pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Maaring may sambahayan at bahay-kalakal ang mga dayuhang ekonomiya at maaring may
pagkakapareho ng pinagkukunang-yaman subalit maari din na magkaiba ang kaayusan at dami ng mga
ito. Ang pakikipagkalakalan ay nagaganap base sa pangangailangan ng pinagkukunayang-yaman. May
mga sangkap na mahalaga sa produksiyon sa pambansang ekonomiya na kinakailangang angkatin mula
sa ibang bansa. Gayundin ang kalagayan ng mga dayuhang ekonomiya. Magkapareho man ang mga
produkto o magkaiba, nakikipagpalitan ng produkto ang mga bansa sa isa’t isa. Mahalaga ang papel na
ginagampanan ng panlabas na sektor dahil iniuugnay nito ang ating pamilihan sa pakikipagkalakan sa
ibang bansa. Nabibigyan ng pagkakataon ang ating lokal na mga produkto na makilala at maibenta sa
ibang bansa na maaring magdulot ng mas malaking kita sa ating ekonomiya. Sa kabilang banda, ang
mga dayuhang produkto ay nakakapasok sa ating bansa na maaring tutugon sa kakulangan ng mga hilaw
na materyales na mahalaga sa pagbuo ng bagong produkto at serbisyo.

TANDAAN:
1. Ang makroekonomiks ay sangay ng pag-aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pagaaral ng kabuuan ng
pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan, kung saan napapabilang ang mga pinakamaliit na yunit
ng mga kasapi nito. Sinusuri nito ang malawakang kaganapang pang-ekonomiko kabilang na ang
kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.
2. Ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay presentasyon ng isang konsepto o kaganapan.
Nagbibigay ito ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya bilang bahagi ng pag-aaral ng
makroekonomiks.
3. Interdependence ang tawag sa ugnayan ng bahay-kalakal at sambahayan sa isa’t isa.
4. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay mga gawain ng pamilihang pinansiyal na magiging mahalaga
lamang kung ang dalawang aktor ay mayroong pagpaplano sa hinaharap.
5. Ang buwis ay sinisingil ng pamahalaan para kumita at ito ay ginagamit para lumikha ng pampublikong
paglilingkod.
6. Ang panlabas na sektor ay tagapangasiwa sa gawain ng pag-aangkat (import) at pagluluwas (export)
ng mga produkto o pagpapalitan nito mula sa ating bansa tungo sa ibang bansa.
7. Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay mahalaga dahil ito ay isang paraan para makiala ang mga
local na produkto ng bansa at maaring magpasok ng malaking kita sa pambansang ekonomiya. Ito rin
ay paraan para makakuha ng mga materyales o sangkap na mula sa ibang bansa na mahalaga sa
produksiyon ng ating pambansang ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN

WEEK 3

Kasanayan sa Pagkatuto at Koda: Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng


pambansang kita. (AP9MKE-III-a)

PAMBANSANG KITA

Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng


produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng atng ekonomiya at malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

Gross National Income (GNI)


✓ Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product (GDP) ay
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat
quarter o sa loob ng isang taon.

Gross Domestic Product (GDP)


✓ Ang Gross Domestic Product (GDP) naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga
ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob
ng isang bansa. Ibig sabihin lahat ng salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto
at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay
kasama dito.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Pagkakaiba ng GNI sa GDP

✓ Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income (GNI) ang kabuuang pampamilihang


halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa sa
itinakdang panahon. Anumang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo ng mga mamamayan
ng isang bansa, halimbawa ang mamamayang ito ay isang OFW sa Saudi Arabia ang kanyang
kabuuang halaga at serbisyo nabuo sa bansang iyon ay maibibilang sa GNI.

✓ Habang ang Gross Domestic Product (GDP) ay ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Anumang serbisyo o produkto na
ginawa sa loob ng isang bansa ay maibibilang dito. Halimbawa na lang ang ginawang motorsiklo
ng mga Hapon dito sa Pilipinas ay maibibilang sa GDP. At upang malaman kung nagkaroon ng
pagbabago sa GNI at GDP sa bawat taon ginagamit ang pagsukat ng growth rate.

Mga Paraan ng Pagsukat sa Gross National Income (GNI) at Gross National Product (GDP)

Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income:
✓ pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach),
✓ pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach)
✓ pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach)

1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach) - ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat
na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.

Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

✓ Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain,
damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga
mamamayan ay kasama rito.
✓ Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahaykalakal tulad ng
mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba
pa.
✓ Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng
mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

✓ Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export
sa inaangkat o import.
e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman
kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan
ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag
ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng
bansa. Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o
expenditure approach ay: GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

2. Paraan Batay sa Kita ng mga Sangkap ng Produksiyon (Income Approach)


✓ Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay – kalakal
at pamahalaan.
✓ Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng
pampamahalaan at iba pang negosyo.
✓ Depresasyon- pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga ng tuloy tuloy
na paggamit sa paglipas ng panahon.
✓ Di-tuwirang buwis at subsidiya
1. Di-tuwirang buwis- kabilang ditto ang sales tax, custom duties, lisensiya at iba pang di-tuwirang
buwis.
2. Subsidiya- salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na
produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ay ang pag-ako ng pamahalaan ng ilang bahagi ng bayarin
ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.

3. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin)


✓ Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic ang mga produkto
ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing
industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa
kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa
kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN

WEEK 4

Kasanayan sa Pagkatuto at Koda:


• Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok – AP9MAK-IIIc- 6
• Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok -AP9MAK-IIIc – 7

UGNAYAN NG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO

• Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang libong piso o higit pa.
Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag nakakahawak ng pera ay nag-iisip kung
papaano ito palalaguin. Mayroon namang impulsive buyer, basta may pera bili lang nang bili
hanggang sa maubos ito. At kung wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang
pangangailangan. Alin ka sa mga halimbawang nabanggit kapag ikaw ay may hawak na pera?
Ano para sa iyo ang pera at paano ito dapat gamitin? Ang pera, katulad ng ating mga
pinagkukunang-yaman, ay maaaring maubos.

• Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan
din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang
nasasayang. Ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kanyang kita. Ang kita ay
halagang tinatanggap ng tao kapalit ng mga produkto o serbisyong kanilang ibinigay. Sa mga
nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang tinatanggap. Ang kita ay maaring gastusin sa mga
pangangailangan at kagustuhan at iba pang mga bagay na kinukonsumo. Maliban sa paggasta ng
pera, mayroong pang ibang bagay na maaring gawin dito. Maari itong itabi o itago bilang savings
o ipon.

Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang savings ay paraan ng


pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton at Schug (2008), ang ipon o savings ay
kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginamit upang
kumita ay tinatawag na investment. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo. Ang

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon sa mga financial assets katulad ng stocks,
bonds, o mutual funds. Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong
naipon bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang
mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at
sa nais umutang o mag-loan.

• Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset
(pagmamayari) na may ekonomikong halaga o bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong
inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo. Kung itatago mo
nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang
halaga dahil sa implasyon. Ang implasyon ay ang pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga
presyo ng mga kalakal (goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya. Bukod dito, dahil sa
pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa
supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba
pang financial intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:


1. Ang pera ay tulad ng ating pinagkukunang yaman ay maaaring maubos.
2. Ang pagkonsumo gamit ng pera o salapi ay kinakailangan din ng matalinong pagiisip at
pagdedesisyon upang mapakinabangan ito nang husto at walang nasasayang.
3.Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong ibinibigay. Ang tawag sa
tinatanggap ng mga empleyado ay suweldo o sahod.
4. Merong pang ibang bagay ang gamit ng pera bukod sa paggasta. Ito ay maaring itabi o itago bilang
savings o ipon.
5. Ayon kay Roger E.A. Farmer sa kanyang aklat na Macroeconomics 2002, ang savings daw ay paraan
ng pagpapaliban ng paggastos.
6. Ayon naman kina Meek, Mortar at Schrug (2008) ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa
pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan.
7. Ang investment ay ipon na ginamit upang kumita.
8. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

9. Ang isang tao ay maaaring maglagak ng ipon sa mga financial assets tulad ng stocks, bonds o mutual
funds.
10.Ang mga bangko ay tinatawag din na mga financial intermediaries ay nagsisibilbing tagapagitan sa
mga nag-iipon ng pera at sa mga nais umutang o mag-loan.
11. Ang mga umu-utang o borrowers ay maaaring gamitin ang nahiram na pera o salapi sa pagbili ng
asset (pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o kakayahang gamitin para sa karagdagang puhunan.
12. Ang pera na naipon o nailagak sa mga bangko o financial intermediaries ay maaring kumita ng
interest o dibidendo.
13. Kung itatago nang matagal na panahon ang inyong pera sa alkansiya hindi ito kikita at maaaring
lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon.
14. Ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at magpapababa sa halaga ng
pera. 15. Ang pagtatago ng pera nang matagal na panahon sa alkansiya ay magdudulot ng kakulangan
ng suplay ng pera sa sirkulasyon.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN

WEEK 5
Kasanayan sa Pagkatuto at Koda: Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon – AP9MAK-
IIId-8

IMPLASYON
Alam mo ba na ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay
karaniwang nagaganap? Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo,
pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon.
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo
ng piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin
at Bade (2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba
sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto
na maaaring mabili ng mamimili.
Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa ilang mga bansa tulad ng Germany noong dekada
1920, Hungary noong 1946 at Zimbabwe noong 2007 hanggang 2009 (Fernando, 2020). Kahit sa
kasalukuyan, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad
ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo.

Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo


Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan
ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong
nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing
pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Mula sa market basket, ang price index ay

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin.
Ang Price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong suriin.

Iba’t ibang Uri ng Price Index


1. Consumer Price Index (CPI) Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang basket ng
mga produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng isang sambahayan (household) sa isang taon
kumpara sa presyo nito sa itinakdang taon (base year). Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at
dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market
basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga
konsyumer. Ang Phillippine Statistics Authority (PSA) ang pangunahing ahensya ng pamhalaan na
nangungulekta ng datos at nagtutuos ng CPI. Ginagamit ang sumusunod na formula upang matuos ang
CPI.

2. Wholesale Price Index (WPI) Ito ay index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi
para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.

3. Producer Price Index (PPI) Ito ang index ng presyo ng producer ay binubuo ng isang tinimbang na
index ng mga presyo ng kalakal sa pakyawan.

4. GNP Deflator Panukat na pang-ekonomiya na nagkakaroon ng mga epekto ng implasyon sa gross


pambansang produkto ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng pagconvert ng output nito sa isang
antas na nauugnay sa isang tagal ng base. Inflation Rate Ang inflation rate at tumutukoy sa antas ng
pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Ito ay nako-compyut gamit ang sumusunod na formula:

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Kung saan: P2=bagong presyo P1=luma/dating presyo

Halimbawa: Ang facemask na dati ay nabibili lamang ni Aling Rosa na P90 pesos bawat kahon bago
nagkaroon ng pandemya ay biglang tumaas ang presyo nito sa P150 bawat kahon nuong nakaraang taon
ng itinalaga ng pamahalaan ang paggamit nito bilang bahagi ng proteksyon sa sarili laban sa COVID
19. Gamit ang formula, ang inflation rate ng facemask ay 66.66%.

Dahilan ng Implasyon
1. Demand-pull-nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ng
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand
ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa
pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.
2. Cost-push-ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas sa presyo ng
mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, halimbawa ay lakas-paggawa, ay magkakaroon ng
pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.

Iba pang dahilan at Bunga ng Implasyon


Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa pagkakaroon ng implasyon.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 6
Kasanayan sa Pagkatuto at Koda: Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal
AP9MAK-IIIg-13

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL


• Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating sinuri ang malaking
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon. Ito ay isang
katotohanan ng buhay na hindi magagawang matakasan ninuman. Bagamat isang malaking
suliranin ang implasyon sa pambansang ekonomiya, ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong
para maiwasan ang paglala nito. Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin
ang isang pamamaraan ng pamahalaan upang matutugunan ang negatibong epekto ng implasyon.
Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan, inaasahang matatamo ang
katatagan ng ekonomiya. Sama-sama nating unawain ang maaaring impluwensiya ng
pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang piskal. Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay
ng bagong aralin upang iyong maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng
pamahalaan at upang matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito
• Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang Latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o
bag. Sa paglipas ng panahon, ang salitang ito ay iniuugnay sa bag ng salapi o patikular sa salaping
hawak ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nangungulekta ng salapi sa pamamagitan ng buwis.
Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa gawain ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis. Isinasaad sa aklat nina Balitao et. Al (2014) na ang patakarang piskal ay tumutukoy
sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya
Ayon kay John Maynard Keynes (1935), malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan
upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya mula sa pangongolekta ng buwis sa mga
mamamayan, negosyante, at kompanya hanggang sa paggasta ng mga salaping nalikom nito.
Ang paggasta ng pamahalaan ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos
ng isang ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Dalawang uri ng Patakarang Piskal

May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang
mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito at upang maiwasan ang labis na implasyon at recession
bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.

A. Expansionary Fiscal Policy


Ang expansionary fiscal policy ay ginagamit ng pamahalaan upang isulong ang ekonomiya lalo na sa
panahon ng recession. Ayon sa International Monetary Fund (2009) ang recession ay isang ekonomikong
pangyayari kung saan ang dalawang (2) magkasunod na kwarter ng real GDP ng bansa ay bagsak o
mababa. Sa panahong ito, karaniwan na mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang
insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Ang ganitong sitwasyon
ay magdudulot ng malawakang kawalan ng trabaho at mababang koleksyon ng buwis para sa
pamahalaan. Isa pa sa mga hamong dapat pagtuunan ng pansin ay ang Implasyon. Ito ang pagtaas ng
pangkalahatang presyo sa loob ng partikular na panahon (IMF, 2009). Sa panahong nararanasan ito
maaaring mapansin ang pagdami ng mga gawaing pang-ekonomiko gayun din ang pagtaas ng mga
bilihin na mas nakaaapekto sa mga mahihirap. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang
pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng patakaran upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
Dito ipinapatupad ang patakarang expansionary fiscal kung saan nagdagdag ng gastos ang pamahalaan.
Bumibili ito ng mas maraming kalakal at paglilingkod na magdudulot ng pangyayaring magpapataas sa
produksyon at lilikha ng mas maraming trabaho. Ang ganitong pangyayari ay magdudulot ng pagtaas sa
kabuuang demand na magiging dahilan upang tumaas ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan na
maaaring magresulta ng pagtaas ng presyo ng mga produkto o ng implasyon. Batay sa batas ng suplay,
ang mataas na presyo sa pamilihan o implasyon ay humihikayat sa mga prodyuser ng kalakal at
paglilingkod na gumawa ng marami. Para magawa ito, kailangang kumuha ng karagdagang mga
manggagawa. Dahil dito, ang mangagawa ay magkaroon ng maraming opportunidad na makapagtrabaho
at mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng mga bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang
kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkaroon ng panggastos ang mamamayan at bahay-kalakal na
makapagpapasigla sa ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Gayundin naman kung babawasan ng pamahalaan ang singil sa buwis, ang mga tao ay magkakaroon ng
karagdagang salapi upang gastahin. Mas malaking bahagi ng kita ang mga bahay-kalakal na magagamit
upang gastusin sa lupa, paggawa, at capital. Ang ganitong gawain ay magpapataas sa kabuuang
produksyon, demand, at presyo ng mga produkto.
B. Contractionary Fiscal Policy
Ang paraang ito ay ipinapatupad upang matugunan ang problema sa implasyon o pagtaas ng
pangkalahatang presyo sa pamilihan. Kapag lubhang mabilis ang pag-lago ng ekonomiya, mataas ang
antas ng paggasta ng mga mamamayan dahil sa mataas ding antas ng kanilang kita na maaring mabilis
na magpataas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Idadag pa dito ang mataas posibilidad na hindi
na masabayan ng mga prodyuser ang mataas na kabuuang demand na dulot ng mabilis na paglago ng
ekonomiya. Kung kaya’t kailangang pabagalin ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng
Contractionary Fiscal Policy. Sa paraang ito, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin
o di kaya ay taasan ang buwis na siningil upang mahila pababa ang kabuuang demand o Aggregate
Demand. Inaasahan na sa pagbaba ng kabuuang demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng
insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Sa patakarang ito, mapapabagal ang
paglago ng ekonomiya. Kapag ang pamahalaan ay nagbawas ng gastos o bumili ng kaunting kalakal o
paglilingkod, magdudulot ito ng pagbaba ng kabuuang demand. Ang mababang demand ay magbubunga
ng pagbaba ng presyo. Ayon sa batas, ang mababang presyo ay hihikayat sa mga prodyuser na magbawas
ng produksiyon o magbawas ng manggagawa. Ang mababang produksiyon ay magpababa sa mga
gawaing pangekonomiya. Samantala, ang pagtaas ng singil sa buwis ay nangangahulugan ng kabawasan
sa perang gagastusin ng mga tao. Babawasan din ng mga bahay-kalakal ang paggastos sa lupa, paggawa,
at kapital. Ang pagbaba ng presyo. Ang mga prodyuser ng kalakal at paglilingkod ay magbabawas ng
produksiyon. Ang pangyayaring ito ay magpapabagal din sa pagtaas ng gawaing pang-ekonomiya. Ito
ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal o
balanseng direksyon ang ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 7
Kasanayan sa Pagkatuto at Koda: Nakapagpapaliwanag sa mga layunin ng patakarang pananalapI –
AP9MAK-IIIh-18

PATAKARANG PANANALAPI
Ito ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon.

• Expansionary Money Policy


Ito ay pamamaraan ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
Ipinapatupad ito ng pamahalaan upang mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng
bagong negosyo. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming
mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo.
Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng kakayahang bumili ng
mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal.

Contractionary Money Policy


Ito ay pamamaraan ng pamahalaan kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya. Kapag ang demands ay mas mabilis tumaas kaysa produksiyon, tataas ang presyo. Kapag
tumaas na ang presyo, ang mga manggagawa at mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod.
Magbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag tumaas ang presyo ng mga
bilihin at ng mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang pangkalahatang presyo.
Upang maiwasan ito, ipapatupad ng BSP ang contractionary money policy upang mabawasan ang
paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang
produksiyon. Kasabay rito ang pagbabawas ng sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o
demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan ng pagbagal ng
ekonomiya.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

Bangko- ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga
ito sa mga pagpautang o hindi tuwirang pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi
tuwirang pagpapautang gaya ng merkado ng mga capital.

MGA URI NG BANGKO


1. Bangkong Komersyal- tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito tulad ng savings deposits gamit ang
tseke, nagpapautang ng malaking halaga ng puhunan. Hal: BDO, BPI, Land Bank, PNB, China Bnak at
iba pa.
2. Thrift Banks- tinatawag na “savings bank” na humihikayat sa mamamayan na mag-impok. Hal: Allied
Bank, BPI, City Saving Bank at iba pa.
3. Bangkong Rural- Layong tulungan ang mga magsasaka, maliliit na negosyante at iba pang kanayunna
upang mapa-unlad at magkaroon ng puhunan. Hal: One Network Bank, Eastwest Bank, Katipunan Bank,
Rizal Bank, Rizal Rural Bank.
4. Specialized Government Bank
a. Land Bank of the Philippines (LBP)- Pangunahing bangko ng pamahalaan na ang layunin nito ay
magbigay at magpahiram ng pondo sa mga programang pansakahan.
b. Development Bank of the Philippines (DBP)- Tumutulong sa pamahalaan na mapaunlad ang
proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng Agrikultura at sektor ng Industriya at prayoridad din ng
pamahalaan ang mga small and medium scale industry.
c. AL-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AL-Amanah)- Pangunahing layunin ang
tulungan ang mga Muslim upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Mga Institusyong Di-Bangko
1. Kooperatiba- layunin nito ay programang panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at
pagkakaisa. Hal. Zaneco Electric Cooperative, Paglaum Cooperative.
2. Bahay Sanglaan o Pawnshop- nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral. Hal. Palawan Pawnshop,
Cebuana at iba pa.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

3. Pension Funds-
a. Government Service Insurance System (GSIS)- nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga
kawani na nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari
at kontrolado ng gobyerno.
b. Social Security System SSS)- nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa
kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro,
pagkamatay, at pagdadalan-tao.
c. Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw Bangko, Industriya at Gobyerno (PagIBIG Fund)- layunin
nito na tulungan ang mga kasapi sa papubliko at pampribado na kawani sa pabahay.
4. Registered Companies: ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga
kompanya na nakarehistro sa komisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC.
5. Pre-Need- Maaaring magbenta ang isang Pre-need company ng “single” at “multiplan”, layunin nito
na maibigay ang karampatang serbisyo sa takdang panahon o pagbibigay ng naaayong halaga ng pera
sa takdang panahon ng pangangailangan.
6. Insurance Companies- ay mga rehistradong korporasyon sa SEC na bibigyan ng karapatan na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
Mga Regulators:
1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)- Itinuturing na bangko ng mga bangko ang Bangko Sentral
ng Pilipinas dahil sinusubaybayan nito ang lahat ng institusyon sa pananalapi.
Mga Tungkulin ng BSP
• Mapanatili ang katatagan ng pananalapi
• Maitaguyod ang pagtaas ng antas ng produksiyon, empleyo at tunay na kita ng mamamayan
• Mapangalagaan ang internasyonal na halaga ng piso at ang palitan nito sa dayuhang salapi
• Mapanatili ang katatagan ng presyo na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya
2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)- layunin nito na mabigyan ng proteksiyon
ang mga depositor at mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa.
i. Bilang taga seguro ng depositor (Deposit Insurer)

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
GOSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Gosi Sur, Tuguegarao City

ii.
Pagbabayad ng nakasegurong deposito
iii.
Assessment at Collection
iv.Risk Management b. Bilang Receiver at Liquidation ng Nagsarang Bangko
v.Namamahala sa nagsarang bangko
vi.
Pagbebenta ng ari-arian ng nagsarang Bangko (Liquidation of assets of closed
bank)
3. Securities and Exchange Comission (SEC)-Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa
bansa.
4. Insurance Commission (IC)- Nanganagsiwa at namamatnubay sa mga negosyo ng
pagseseguro (Insurance business) layunin nito na panatilihing matatag ang mga kompanyang
nagseseguro sa buhay ng tao.

Address: Gosi Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 377-3306
Email Address: 300671@deped.gov.ph

You might also like