You are on page 1of 3

YUNIT III

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


EKONOMIKS
3rd Quarter-Week 6

INIHANDA NINA:
Gng. Mary Jane G. Oira
Bb. Ana Fe Gaudiano
PATAKARANG PISKAL
AP9MAK-IIIf-13

PANGALAN: _________________ ISKOR:_________________


SEKSIYON:___________________ PETSA:_________________

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal

KONSEPTO:
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay
tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. Sa
madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet. Ayon kay Maynard Keynes (1935),
ang pamahalaan ay may malaking bahaging ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng
ekonomiya. Ang paggasta ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng
ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na
matatamo mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment.
May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal
upang pangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.

1. EXPANSIONARY FISCAL POLICY


 Layunin nito na mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ginagawa ito
upang isulong ang ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession.
 Kabilang dito ang pamumuhunan ng pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na
buwis
 Ang ganitong gawain ay magpapataas sa demand, magpapababa ang presyo ng
kalakal at magpapalaki sa output ng ekonomiya.
2. CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
 Ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang
presyo sa ekonomiya.
 Kabilang sa hakbang nito ang pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan,
pagsasapribado ng ilang pampublikong korporasyon at pagpapataas sa singil ng
buwis
 Ang ganitong gawain ay magpapabab sa demansd, magpapataas sa presyo ng
kalakal at pagbabawas sa output ng ekonomiya.
JUNOB NATIONAL HIGH SCHOOL
Talay, Dumaguete City
S.Y. 2023-2024
Pagsasanay sa Araling Panlipunan 9
Week 6

I. Panuto: Sagutin ang pamprosesong tanong. (3 points each)


1. Ano ang patakarang piskal?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Kailan isinasagawa ng pamahalaan ang expansionary fiscal policy?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
3. Kailan ipinatutupad ng pamahalaan ang contractionary fiscal policy?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

II. Panuto: Tukuyin kung expansionary fiscal policy o contractionary fiscal policy ang mga
patakaraan sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
______________________1. Pagdaragdag ng supply ng salapi
______________________2. Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan
______________________3. Pagbaba ng singil ng buwis
______________________4. Pagtaas ng singil ng buwis
______________________5. Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
______________________6. Pagtaas ng kabuuang demand
______________________7. Pagbaba ng kabuuang demand

Paalala: Isulat ang sagot sa isang buong papel.

You might also like