You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9

3rd Quarter Week 7

Pangalan:___________________________________Grado/Seksiyon:_________________________Petsa:_________

Paksa: Patakarang Pananalapi

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.

Gawain 1: Suriin ang larawan Bumuo ng pamagat ayon sa nakikita mo sa larawan at sagutin ang pamprosesong
tanong.

Pamprosesong tanong:

1. Anong pamagat ang iyong naisip? Bakit?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Tumutugma ba ito sa inilalahad sa larawan?____________________________________________________

3. Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Konsepto:

PATAKARANG PANANALAPI

 Ang salapi na umiikot sa ekonomiya ay tinatawag na money supply. May ilang uri ng salapi ang bumubuo
sa money supply ito ay ang papel na pera, barya (coins), at mga pandepositong tseke ( checking deposit).
 Lahat ng mga salapi ay pinahihintulutan na magamit sa ekonomiya ng mga bangko sentral.
 Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang may awtoridad sa sistema ng pananalapi ng bansa.
 Ang patakarang pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon. Kaugnay nito ang BSP ay maaring magpatupad ng expansionary money policy at
contractionary money policy.
Expansionary money policy

 Pinaiiral kapag labis na matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan ng money supply
 Patataasin ang money supply kapag may depression o recession.
 Iniiwasan ang na maging zero ang produksiyon ng pambansang ekonomiya at ang paglala ng kaso
ng unemployment
 Layunin nitong pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag ng money supply

Contractionary money policy

 Isinasagawa ng BSP upang mabawasan ang labis na paggasta , mabawasan ang money supply at
hadlangan ang implasyon.
 Magkakaroon ng implasyon kapag nagkakaroon ng overheated economy kung nagkakaroon ng
pagtaas ng kabuuang demand bunga ng labis na paggasta at hindi makaagapay ang produksiyon sa
dami ng kabuuang demand

Gawain 2: Kompletuhin ang Dayagram:

Gawing batayan ang konsepto sa pagbuo ng dayagram.Tukuyin kung kalian isinasagawa ang bawat
patakaran.

PATAKARANG
PANANALAPI

Expansionary money policy Contractionary money

policy
Gawain 3: Iguhit ang kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at naman kung

Contractionary money policy.

_____ 1. Maraming nagsarang kompanya dulot ng pamdemyang COVID 19.

_____ 2. Dahil sa digmaan sa Israel ,maraming Overseas Foreign Workers (OFW) ang umuwing walang naipong pera.

_____3. Tumanggap ng tulong pinansiyal ang ilan sa ating mga kababayan sa kalagitnaan ng krisis sa COVID 19 na
tinatawag na Social Amelioration Program o SAP.

_____4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW.

_____ 5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.

Gawain 4. Ipaliwanag ang pangkalahatang pagsasalarawan sa patakarang pananalapi batay sa ibaba.

Kalagayang ng Ekonomiya

Inflation Depression, Recession,

Patakarang Unemployment
Pananalapi
Mataas na Money Supply
(BSP)
Mababang Money Supply

Sektor ng Pananalapi
Babaan
Taasan

_______________________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

Buong husay Naaayon sa Inaasahan May pagkukulang

PAMANTAYAN
5 4 3

Kawastuhan ng ideya
batay sa aralin.

Organisado at
malikhain ang
paglalahad ng ideya
ayon sa paksa ng
araling inilahad.

Tandaan Natin:

Ang patakaran sa pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng salapi sa sirkulasyon at
ang antas ng interes upang mapanatiling matatag ang presyo. Sa pangunguna ng Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP) ,ang sistema ng pananalapi at pagbabangko ay maisasaayos para sa katuparan ng
layuning mapanatili ang katatagan ng halaga ng piso at presyo.

Sanggunian :

EKONOMIKS: Araling Panlipuna Modyul para sa Mag-aaral ph. 306 – 308

EKONOMIKS : Mga Konsepto at Aplikasyon ph. 272-274

https://www.istockphoto.com/vector/businessmen-pull-the-rope-with-money-icon-business-concept-tug-of-war-
background-gm1166946441-321642002

Inihanda ni:

DAISY Z. OLODIN
Digos City National High School

NOTE:

a) Ito ay eksklusibo para sa DepEd-Digos City Division lamang.

b) Tinatanggap ng Dibisyon ang mga mungkahi para sa pagbuo ng worksheet na ito.

You might also like