You are on page 1of 8

Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 – 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 6
Learning Activity Sheets

Araling Panlipunan 9

1
Pangalan: ________________________________ Ikatlong Markahan- Ika-Anim na Linggo
Taon at Pangkat: _________________ Petsa:______________________

Patakarang Pananalapi
Susing Konsepto
Ang salapi ay ginagamit sa pagbili ng produkto at bilang kabayaran sa nakuhang
serbisyo. Dahil dito, itinuturing ang salapi bilang isang instrumento sapagkat ito ang nag-
uugnay sa palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng prodyuser at konsyumer. Sa
kasalukuyan, hindi lamang ang mga perang papel o barya ang itinuturing o kinikilalang
pambayad sa mga produkto at serbisyo. Maaari na ring gamitin ang Automated Teller Machine
(ATM), credit card, tseke, at electronic money (G-Cash, Paymaya at iba pa). Sa pagkakaroon
ng salapi o pera, nagkakaroon ng unit of account kung saan naitatakda ang halaga ng binibili
o ibinebentang produkto at serbisyo. Ito ay sa pamamagitan ng pagkalkula o pagkompyut sa
mga halagang nagastos sa mga salik sa paggawa (lupa, lakas-paggawa, kapital at
entreprenyur). Nagkakaroon din ang salapi ng store of value maari itong magamit o maitago
sa mahabang panahon ng hindi napapalitan ang halaga.
Noong Enero 3, 1949 itinatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP bilang
pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng Pilipinas. Sa bisa ng Republic Act No. 7653 o ang
the New Central Act noong Hulyo 13, 1993 sa ilalim ng pamunuan ni dating pangulong Fidel
V. Ramos, lalong pinag-igting ang patakarang pananalapi sa bansa. Ang pamahalaan sa
pamamagitan ng BSP ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang patuloy na magkaroon ng
mas matatag na ekonomiya ang bansa at magkaroon ng pangkalahatang presyo. Sa
pamamagitan nito, binibigyan ng seguridad ang mga mamamayan na magkaroon ng
kakayahan na makabili at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang patakarang
pananalapi ay isang sistema na pinapairal ng BSP upang makontrol ang dami ng suplay ng
salapi o pera na umiikot sa bansa.

DALAWANG PAMAMARAAN NG PATAKARANG PANANALAPI


1. Expansionary Money Policy o Easy Money Policy
Ang expansionary money policy ay naglalayon na mahimok ang mga negosyante o
namumuhunan na magbukas ng mga bagong negosyo o mas lalo pang palakihin ito. Upang
mahikayat ang mga negosyante, ibinababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang sa
pamamagitan ng mga bangko, credit company at mga kooperatiba kung saan kasapi ang
isang indibidwal. Sa pagbubukas ng mga bagong negosyo, dadami ang mga produktong
tatangkilikin at bibilhin ng mga konsyumer sa merkado. Sa pagtaas ng demand ng mga
produkto at serbisyo, tataas ang pangangailangan sa lakas-paggawa na magiging dahilan ng
pagbaba ng unemployment rate o ang bahagdan ng mga taong walang hanapbuhay na isa
sa suliranin sa mabagal na pag-usad ng ekonomiya. Subalit sa patuloy na pagtaas ng demand
sa produksiyon at pangangailangan ng mas maraming manggagawa, maaari itong
humantong sa pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo dahil sa pagtaas ng halaga ng
mga salik sa produksiyon.

2. Contractionary Money Policy o Tight Money Policy


Layunin ng contractionary money policy na mabawasan ang labis na paggasta ng
sambahayan at ng mga negosyante o namumuhunan. Pinapatupad ang patakarang ito upang
maiwasan o makontrol ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo. Ito ay

2
isinasagawa sa pamamagitan ng pagbabawas ng puhunan kung saan tataasan ang interes
sa pagpapautang. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng produksiyon at pagbabawas ng mga
sahod ng manggagawa na nagiging dahilan ng paglilimita sa paggasta ng mga mamamayan
at ang pagbaba ng demand sa mga produkto at serbisyo.

Mga Bumubuo sa Sektor ng Pananalapi


A. Mga Institusyong Bangko ay ginawa upang makatulong sa mga mamamayan,
namumuhunan at pamahalaan na palaguin ang kanliang mga salapi sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng interes sa kanilang mga deposito. Nakatutulong din ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpapautang sa mga mamamayan at namumuhunan.
1. Commercial banks- mga bangkong may kakayahang magbukas ng ibang mga
sangay sa ibang mga lugar dahil sa laki ng kapital na mayroon ito. Sila ay kalimitang
nagpapautang sa mga malalaking korporasyon o namumuhunan.
2. Thrift banks- mga bangkong di-kalakihan na kadalasang nagsisilbi sa mga
nagsisimula o may maliit na negosyo.
3. Rural Banks- kalimitang nakikita ang mga bangkong ito sa malalayo sa siyudad ng
Maynila na kadalasang nagpapautang sa mga magsasaka at may maliit na negosyo.
4. Specialized Government Banks ay mga bangko na itinatag at pagmamay-ari ng
pamahalaan upang matugunan ang layunin nito.
• Land Bank of the Philippines (LBP)- nagbibigay ng kapital sa mga programang
pansakahan.
• Development Bank of the Philippines (DBP)- ito ay kaagapay ng sektor ng
agrikultura at industriya na naglalayong mapaunlad ang mga proyektong
pangkaunlaran.
• Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)-
pangunahing layunin nito ay matulungan ang mga Muslim na mapaunlad ang
kanilang kabuhayan sa pagbibigay ng puhunan at pagsisimula ng negosyo.

B. Mga Institusyong Di-Bangko ay tumatanggap ng kontribusyon mula sa mga kasapi nito,


pinalalago at ibanabalik sa tinakdang panahon upang magamit ng mga kasapi nito.
1. Kooperatiba- ito ay itinatag ng mga kasapi nito ng may isang layunin na magkaroon
ng magandang kabuhayan. Ang mga puhunan mula sa ambag ng mga kasapi ay
ipinapautang sa mababang interes. Ang mga kasapi ay naghahati-hati sa dibidendo
o kita ng kooperatiba.
2. Bahay-Sanglaan o Pawnshop - ito ay nagpapautang ng salapi sa mga indibidwal
na walang kakayahang lumapit sa bangko na may kapalit na kolateral (alahas at
mamahaling kagamitan).
3. Pension Funds
• Government Service Insurance System (GSIS) ay nagbibigay ng life
insurance sa mga kawani ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga
korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
• Social Security System (SSS) ay nagbibigay ng life insurance sa mga kawani
ng mg pribadong kompanya at mga negosyante o namumuhunan.
• Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno
(Pag-IBIG Fund) ay tumutulong sa mga kasapi nito na magkaroon sa sariling
ari-arian (bahay at lupa) sa pamamagitang housing loan.

3
4. Registered Companies ay mga rehistradong kumpanya mula sa Securities and
Exchange Commission (SEC)
5. Pre-need Companies ay mga rehistrado sa SEC na may lisensiya na magbenta o
mag-alok ng mga pre-need plans na nagbibigay ng mga serbisyo o pera sa takdang
panahon ng pangangailangan.
6. Insurance Companies (Kompanya Seguro) ay mga rehistradong korporasyon sa
SEC at binigyan ng karapatan na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

C. Mga Regulator
1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naatasang maglimbag at mapanatili ang
katatagan ng salapi sa sirkulasyon.
2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay may layunin na magbigay ng
proteksiyon sa mga nagdedeposito sa bangko.
3. Securities and Exchange Commission (SEC) ay nagrerehistro ng mga negosyo at
kompanya sa bansa.
4. Insurance Commission ay ahensiya na nangangasiwa at nagbibigay patnubay sa
negosyo ng pagseseguro (insurance business)

Pamantayang Pagkatuto:
Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.

Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng patakarang pananalapi.
2. Nasusuri ang layunin ng patakarang pananalapi
3. Nasusuri ang pamamaraan ng patakarang pananalapi

Pagsasanay 1
A. Panuto: Magbigay ng mga salita na makapaglalarawan sa pera o salapi na ginagamit sa
Pilipinas. Isulat ang mga sagot sa loob ng parihaba.

1.1a. .

4
B. Pamprosesong Tanong
1. Anu-ano ang gamit ng pera o salapi? Paano ito nakatutulong sa konsumer, prodyuser at
pamahalaan?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Pagsasanay 2
Panuto: Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salita na inilalarawan sa
bawat bilang.

PAHALANG
1. Instrumentong ginagamit upang makabili ng pangangailangan.
2. Isang institusyon o lugar kung saan maaaring ilagay ang iyong mga impok o ipon.
3. Nagbibigay ng housing loan o pabahay sa mga kasapi nito.
4. Halagang ipinapatong sa salapi o perang nautang.
5. Institusyon na naglilimbag ng salapi o pera ng bansa.

5
PABABA
6. Natatanggap mula sa pagreretiro ng isang empleyado.
7. Ang mga benepisyo ng institusyong ito ay para lamang sa mga kasapi nito.
8. Lugar kung saan maaring isangla ang mahahalagang gamit gaya ng alahas.
9. Ahensiya ng pamahalaan kung saan nirerehistro ang mga kompanya o negosyo
10. Ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng life insurance sa mga kawani ng gobyerno.

Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin kung anong institusyon o sangay ng pamahalaan ang kailangan ng mga
sumusunod na indibidwal. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Bangko Pawnshop Pag-IBIG Fund SEC


Kooperatiba SSS GSIS PhilHealth

_________________1. Si Maria ay nagkaroon ng isang malubhang karamdaman. Upang


mabawasan ang bayarin sa ospital ito ang kanyang malalpitan
_________________2. Si Gng. Feliciano ay nagturo sa isang pampublikong paarlan nang
higit sa tatlong dekada. Sa kanyang pagreretito ito ang kanyang kaagapay.
_________________3. Upang masimulan ang negosyong inaasam, ito ang
makakapagpautang kay Sophia ng sapat na kapital.
_________________4. Sa pagsisimula ni Basty ng kanyang pamilya, ito ang makakatulong
sa kanilang mag-anak upang magkaroon ng sariling bahay.
________________5. Si Seanna ay nagkaroon ng problemang pinansiyal dahilan upang
isangla niya ang kanyang gintong kuwintas.

Pagsasanay 4
Panuto: Isulat kung saang hanay naaangkop ang arrow sa mga salita na maglalarawan sa
galaw ng mga ito sa dalawang pamamaraan na ginagamit sa patakarang pananalapi.
Expansionary Contractionary
Money Policy Money Policy
Halimbawa: Pamumuhunan

1. Presyo ng mga produkto at serbisyo.

2. Trabaho

3. Negosyo

4. Sahod ng manggagawa

6
Pagsasanay 5
A. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang salitang PERA kung ang pahayag ay tama at KAHON kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Maaaring gamitin ang credit sa pagbabayad ng produkto o serbisyo.
______2. Sa Expansionary Money Policy, tinataasan ang interes sa pautang upang
manghikayat ng mga mamumuhunan.
______3. Ang patakarang pananalapi ay pinapairal upang makontrol ang suplay ng salapi
sa serkulasyon.
______4. Sa Contractionary Money Policy, nililimita ang labis na paggasta ng mga
mamamayan.
______5. Ang salapi ay isang instrumento sapagkat ito ay ginagamit bilang pamalit sa
nakuhang produkto at serbisyo.

B. Panuto:Isulat sa patlang ang inilalarawan sa bawat pangungusap.


____________________1. Konsepto ng patakarang pananalapi kung saan ang salapi ay
maaaring magamit sa matagal o mahabang panahon.
___________________2. Inatasan ng pamahalaan na magtatakda ng mga
pamamaraan upang patuloy na magkaroon ng mas matatag na ekonomiya ang bansa at
magkaroon ng pangkalahatang presyo.
___________________3. Batas na kilala din bilang New Central Act.
___________________4. Pamamaraan ng patakarang pananalapi na naglalayon na
maparami ang mga namumuhunan.
___________________5. Konsepto ng patakarang pananalapi na nagtatakda ng presyo
ng produkto o serbisyo ayon sa mga pinagsama-samang halaga ng hilaw na materyales
at lakas-paggawa

Pagsasanay 5 (Performance Task)


Panuto: Kumpletuhin ang nasimulang pangungusap sa ibaba ayon sa natutunan sa paksang
tinalakay. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap.

Ang patakarang pananalapi ay may kakayahang


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

7
8
Teacher I - Tagaguhit
PAUL MARION R. VALLENTOS
Teacher I - Manunulat
APRIL JOY F. ZARATE
Inihanda ni:
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1: A. Ang mga mag-aaral ay maaring magkakaiba ang sagot.
B. Ang mga mag-aaral ay maaring magkakaiba ang sagot.
Pagsasanay 2: Pahalang: 1. Salapi 2. Bangko 3. Pag-IBIG 4. Interes 5.BSP
Pababa: 6. Pension 7. Kooperatiba 8. Pawnshop 9.SEC 10. GSIS
Pagsasanay 3: 1. Philhealth 2. GSIS 3. Bangko 4. Pag-IBIG 5. Pawnshop
Pagsasanay 4:
Presyong mga produkto at
serbisyo
Trabaho
Negosyo
Sahaod ng manggagawa
Pagsasanay 5: A. 1. Pera 2. Kahon 3. Pera 4. Pera 5. Pera
B. 1. Store of Value 2. Bangko Sentral ng Pilipinas
3. Republic Act No. 7653 4. Expansionary Money Policy 5. Unit of Account
Pangwakas na Gawain: Ang mga mag-aaral ay maaring magkakaiba ang sagot.
Modyul para sa Mag-aaral Pahina 337-360
Apollo D. Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., Mondejar, Irene P. Ekonomiks
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Mga Sanggunian:
araling ito.
5 Malinis at maayos na naisulat ang ideya ayon sa natutunan sa
sariling pangungusap ayon sa natutunan sa araling ito.
5 Naipahahayag ang ideya sa pamamagitan ng pagsusulat ng
ayon sa natutunan sa araling ito.
10 Naipahahayag ng kumpleto at may kahusayan ang ideya na
puntos
puntos makuhang
Nakuhang Maaring Batayan sa pagmamarka
Rubrik sa pagmamarka

You might also like