You are on page 1of 24

en.wikipedia.

org
Mga Bumubuo sa

Sektor ng Pananalapi

Rengie P. Sison

Luis Aguado National High School


http://s616.photobucket.com

Paunang Salita

Sa makababasa ng modyul na ito iyong matututunan ang malaking bahagi na

ginagampanan ng sector ng pananalapi. Ang pangunahing sector na nagpapatupad

ng mga patakaran sa pananalapi at nagbibigay suporta sa mga institusyon ng

pananalapi ng bansa. Ang mga institusyon ng pananalapi ay may gamapanin

upang mapanatili ang magandang kalagayan ng ekonomiya.

Batid nating lahat sa isang ekonomiya, ang pag-iimpok ay mahalaga at

kailangan para sa kinabukasan ng tao at upang mayroong magamit ang prodyuser

na pamumuhunan sa tulong ng bangko.

Sa modyul na ito ipapaliwanag at tatalakayin ang mga uri ng institusyon na

tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na iniimpok ng mga tao at negosyante.

Ito ang ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga nag-iimpok, namuhunan at

produyser. Halina’t simulan mo ng basahin at unawain.

1
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga

pangunahing kaalaman tungkol sa pambansag ekonomiya bilang kabahagi sa

pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang

kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap:

Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang

pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa

pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagkatuto:

Natataya ang bumubuo ng sector ng pananalapi. APMAK9-IIIi-20

Mga Layunin:

1. Natatalakay ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan.

2. Natutukoy ang mga simbolo at gampanin na bumubuo sa sektor ng pananalapi.

3. Napahahalagahan ang mga gampanin ng bawat sektor ng pananalapi.

2
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap . Piliin ang titik ng tamang sagot:

Si Raymundo ay isang manggagawa na nasa pribadong sektor. Buwan-buwan ay


kinakalatasan siya ng bahagi ng kanyang sweldo o kontribusyon para sa kanyang
panseguridad o benepisyo sa kanyang pagtanda,
4 na pinalalago at muling ibinabalik sa
mga kasapi ng panahon upang ito ay mapakinabangan.

1. Ayon sa teksto si Raymundo ay mangagawa na nasa pribadong sector. Saang

ahensiya ng gobyerno na nagbibigay seguro sa mga kawani napupunta ang

kinakaltas sa bahagi ng kanyang sweldo?

A. Government Service Insurance System (GSIS)

B. Insurance Comapnies

C. Pagtutulunngan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno

(PAG-IBIG Fund)

D. Social Security System (SSS)

2. Ano ang mangyayari sa perang naihulog ni Raymundo kung hindi niya

maipagpapatuloy ang kanyang kontribusyon?

A. Makukuha ng buo

B. Hindi makukuha ng buo

C. Maghihintay pa ng sapat na edad

D. Walang makukuha

3. Anong benepisyo ang maaaring makuha ni Raymundo sakaling matapos niyang

hulugan ang kanyang konribusyon?

A. Magkakaroon ng buwanang pensyon

B. Pangkalusugang benepisyo

3
C. Scholarship ng mga anak

D. Maaaring makapangutang

Si G. Dela Cruz ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya sa Cavite.


Siya ay tumatanggap ng buwanan sahod na 40,000.00 ang limang libong piso sa
kanyang sahod ay kanyang inilalaan sa pag iimpok. At ang mga matitira ay gastusin
ang kanyang pamilya.

4. Saang institusyon ng pananalapi maaring ilagay ni G. Dela Cruz ang limang

libong piso ng kanyang naimpok?

A. Commercial Bank

B. Rural Bank

C. Specialized Government Bank

D. Thrift Bank

5. Ano benepisyo na maaaring matanggap ni G. Dela Cruz sa kanyang perang

inilagay sa bangko?

A. Interes

B. Dibedendo

C. Loan

D. Pension

6. Ano ang kahalagahan ng pag iimpok?

A. Maisasakatuparan ang magandang buhay sa hinaharap.

B. May pambili ng mga gadyet.

C. Makapunta sa ibat-ibang lugar

D. May pambayad utang

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa bangko?

A. Kooperatiba

B. Bangkong Komersiyal

4
C. Bangkong Rural

D. Al-Amanah

8. Ang mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong sector ay maaaring

maging kasapi nito. Itinatag ito upang tulungan ang mga kasapi sa panahon ng

kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.

A. GSIS

B. SSS

C. Pag-IBIG Fund

D. PhilHealth

9. Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653 bilang central monetary

authority ng bansa. Pangunahing layunin nito ay mapanatili ang katatagan ng

halaga ng bilihin at n gating pananalapi.

A. Bangko Sentral ng Pilipinas

B. Philippine Deposit Insurance Corporation

C. Securities and Exchange Commission

D. Insurance Commission

10. Layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon

ng puhunan at mapunlad ang kanilang kabuhayan.

A. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines

B. Land Bank of the Philippines

C. Development Bank of the Philippines

D. Bank of the Philippine Island

5
Talakayan

Mga Uri ng Bangko

1. Bangko ng pagtitipid (Savings/ Thrift Bank)

Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit

na negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositing tinanggap ay

ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang panustos ng

mga ito sa kanilang negosyo. Ang thrift banks ay pinapayagan ding

magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng

mga government securities. (p. 287, KAYAMANAN-Ekonomiks, 2015)

Savings and Pinakamarami sa uri ng thrift bank


Mortgage Bank Tumatanggap ng deposito at sangla ng mga mamamayan

Tumatanggap ng mga impok ng mga kasapi Savings and Loan


Nagpapahiram ng salapi Association
Nagbibigay dibidendo sa mga kasapi

Private Tumatanggap ng mga deposito ng mga tao


Development Nagpapahiram ng puhunan sa small and
Bank medium scale Industries. Ang ganitong
bangko ay suportado ng DBP

(p. 287, KAYAMANAN-Ekonomiks, 2015)

6
2. Bangkong Komersyal ( Commercial Bank)

Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na uri ng bangko sa bansa. Ito

ang bangko na nakikipag-ugnayan sa mga nag-iimpok, mga prodyuser, at kapitalista.

Nagpapautang ito ng puhunan sa mga prodyuser. Ito ay nagkakaloob ng auto loan,

housing loan, car insurance at iba pang serbisyo. Ito ay tumatanggap sa lahat ng uri

deposito ng mga tao tulad ng savings deposit, time deposit, demand deposit o current

account sa pamamagitan ng paggamit ng tseke at dollar deposit . (p. 287, KAYAMANAN-

Ekonomiks,2015) Tumatanggap din ng letter of credit, isang dokumentong iniisyu ng

bangko na nagpapahintulot sa may-ari na tanggapin ang salapi na mula sa kanilang

bangko sa ibang bansa. (p. 310, Ekononiks-Modyul para sa Mag-aaral).

3. Rural na bangko ( Rural Bank)

Ito ay naitatag noong 1952 sa pamamagitan ng Batas Republika Blg.

720. Ito ang pinakamaliit na uri ng bangko. Naglalayong tulungan at suportahan ang

mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon ng puhunan. Ang bangko rural

ay nagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda at mga kooperatiba sa mga

lalawigan. Tumatanggap din ito ng deposito ng mga taong nais mag-impok. (p.287,

KAYAMANAN-Ekonomiks 9, 2015).

4. Espesyal na Bangko (Specialized Government Banks)

Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa

mga tiyak na layunin ng pamahalaan.

a. Landbank of the Philippines (LBP)- Naitatag sa pamamagitan ng Batas Republika

Blg. 3844 na sinusugan ng Republic Act No. 7909, layunin ng LBP ang

magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang

iba pang negosyante sa kanilang pangangailangan sa puhunan.

7
b. Development Bank of the Philippines (DBP)- Unang natatag noong 1946 upang

matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo sa mapanirang

Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pangunahing layunin ng DBP ay tustusan

ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sector nf agrikultura at industriya.

Prayoridad ng DBP ang mga small and medium scale industry. Malaking bahagi

ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong ito. (p. 310-311,

Ekonomiks-Modyul pra sa mag-aaral).

c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-AMANAH)- Itinatag sa

ilalim ng Republic Act. No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga

Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang knilang

kabuhayan. Ang Al-Amanah ay may walong (8) sangay. Lahat ng sangay ng

nasabing bangko ay matatagpuan sa Mindanao.

Mga Institusyong Di-Bangko

Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang

mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi,

pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon

upang mapakinabangan.

a. Kooperatiba-isang kapisanan ng binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang

panlipunan o pangkabuhayang layunin. Para maging ganap na lehitimo ang

isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development

Authority (CDA). Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng

puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pang benepisyong mula sa

kita ng kooperatiba.

8
Ang puhunang nakalap ay ipinauutang sa mga kasapi ng kooperatiba at sa

takdang panahon, ang kinita ng kooperatiba ay pinaghahati-hatian ng mga

kasapi.

b. Pawnshop o Bahay-Sanglaan-Itinatag ito upang magpautang sa mga taong

madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga

bangko. Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahalagang ari-

arian tulad ng lahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping

katumbas ng isinagla, kasama na ang interes.

c. Pension Funds.

 Government Service Insurance System (GSIS)- ito ay ahensiyang

nagbibigay seguro (life insurance) sa mga karaniwang nagtatrabaho

sa mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga

korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga guro sa

mga pampublikong paaralan. Ang buwanang kontribusyon ng mga

kasapi ng GSIS ay pinagsama-sama at ang pondong nalikom ay

inilalagay sa investment para kumita. Ang paraan ng pagbabayad ng

mga kasapi ay sa pamamagitan ng pagkakaltas ng sweldo (salary

deduction).

 Social Security System (SSS)- ay ahensya ng gobyerno na

nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa

kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng kanilang

pagkakasakit, pakabalda, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-

tao kung ang kawani ay babae. Ang segurong ito ay ibinibigay ng

estado upang maiwasang maging pasanin ng lipunan ang kawaning

nawalan ng hanapbuhay.

9
 Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at

Gobyerno (PAG-IBIG Fund)- ay itinatag upang matulungan ang mga

kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailan lalo na sa

pabahay. Ang mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong

sector ay kinakailangang maging kasapi nito. Ang mga taong may

sariling negosyo at mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay

maaaring maging boluntaryong kasapi. Ang pangunahing produkto

ng PAG-IBIG Fund para sa mga kasapi nito ay ang pautang sa

pabahay (housing loan). Bukod ditto, ang Pag-IBIG ay nagbibigay ng

iba’t ibang uri ng mga pautang sa mga kasapi nito, tulad ng calamity

loan at short term loan.

d. Registered Companies- ang mga rehistradong kompanya ay yaong mga

kompanyang nakrehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan (Securities and

Exchage Commission) matapos magsumite ng basic at additional documentary

requirements, at magbayad ng filing fee. Magkaiba ang basic, additional

requirements, at filing fee sa pagpaparehistro ng stock at non-stock corporations

at partnership.

e. Pre-Need- ay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na

ipinagkalooban ng nararapat na lisensya na mangalakal o mag-alok ng mga

kontrata ng pre-need plans. Ang Pre-Need Plans ay mga kontratang

nagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang panahon o ang

pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng

pangangailangan. Ang mga kontratang nabanggit ay matatamo sa pagbabayad

ng katumbas sa perang halaga na napagkasunduan o nakasaad sa kontrata.

Maaari itong bayaran ng buo o hulugan.

10
f. Kompanya ng Seguro ( Insurance Plan )- Ang insurance companies ay may

rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng

Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa

Pilipinas.

Pandaigdigang Bangko

Asian Development Plan

Nagsimula sa operasyon ng ADB noong Disyembre 1966 na ang

tanggapan ay nasa Manila. Ang mga kasaping bansa nito ay nagmula sa rehiyon

ng Asya at Far East, kasama ang South at Pacific. Ang layunin nito ay tulungang

magkaroon ng pang-ekonomiko at panlipunan na pag-unlad ang mga umuunlad

na bansang kasapi nito sa pamamagitan ng pagpapautang ng pondo at tulong

teknikal.

World Bank

Dating kilala sa tawag na International Bank for Reconstruction and

Development (IBRD), ito ay naglalayon na tulungan na makabangon

muli ang mga bansang napinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinauutang ng WB ang mga kasaping bansa na nagnanais palawakin at palaguin

ang pamumuhan sa ekonomiya. Maging ang mga mahihirap na bansa ay

pinauutang din, ngunit maraming kondisyon na dapat sundin ng nasabing bansa.

Palaging minomonitor ng WB ang takbo ng ekonomiya ng isang bansa upang

matiyak ang pag-unlad nito.

International Monetary Fund (IMF)

Ang pangunahing layunin nito ay magkaloob ng pautang sa mga

bansang kasapi nito, lalo na ang mga mahihirap at umuunlad na bansa.

11
WORLD BANK

Nasa kamay ng IMF ang paglikha ng International


UMUNLAD NA Reserve Currency o Special
BANSA
Drawing Rights (SDR) na nag halaga ay katumbas ng average na halaga ng
INTERNATIONAL
limang salaping
MONETARY FUND
papel, US dollar, Japanese Yen, Pound Sterling, French Franc,
Tulong Pinansyal
Deutsche Mark na ipinahihiram sa mga kasaping bansa upang ipambayad sa
MAHIHIRAP NA ASIAN DEVELOPMENT
deposit ng kalakalan.
BANSA BANK

Mga Regulator:
WORLD BANK

1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, aang BSP ay

itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing

institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at

n gating pananalapi. Ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa

pananalapi, pagbabangko at pagpapautang ay nagmula sa BSP ang

tanging kapangyarihang maglimbag ng pera sa bansa at nagsisilbi ito

bilang opisyal na bangko ng pamhalaan. Ito rin ang naatasang tumingin sa

pagpapatakbo ng mga bangko at naglalayong mapanatiling matatag ang

pagpapatakbo sa mga ito.

2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)

Nasa ilalim ng Departmant of Finance (DOF), ang PDIC ang

sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga

depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal

sa bansa. Mga layunin ang PDIC. Ito ay ang mga sumusunod:

 Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer)

12
 Pagbabayad ng nakasegurong deposito

Sakaling magsara ang isang bangko, dagliang

sinusuring PDIC ang mga record patungkol sa mga deposito

pati na rin ang mga record ukol sa assets ng bangko upang

maihanda ang listahan ng mga insured deposits sa nagsarang

bangko.

 Assessment at Collection

Ang assessment ay ang halagang binabayaran ng

mga bangko upang maseguro ang kanilang deposit liabilities.

Ibinibigay ng PDIC ang assessment na dapat bayaran ng bangko.

Ang PDIC din nangongolekta ng assessment mula sa mga

bangko. Ang halaga ng assessment na kinokolekta ng PDIC ay

katumbas sa 1/5 ng 1% ng kabuuang deposit liabilities ng bangko.

 Risk Management

Ang PDIC ay may kapangyarihan na suriin ang

mga bangko sa pahintulot ng Monetary Board (MB) ng BSP.

Isinasagawa ng PDIC ang ganitong pagsusuri upang matiyak ang

kalagayan ng bangko at makapagmungkahi ng karampatang

lunas kung kinakailangan, Sa ganitong paraan, maiiwasan na

lumala ang suliranin ng bangko.

 Bilang Receiver at Liquidator ng nagsarang bangko

 Namamahala ng sa nagsarang bangko

 Pagbebenta ng ari-arian ng nagsarang bangko

13
 Bilang imbestigador

Sa ilalim ng Repeblic Act 9302 na sumusog sa Republic Act 3591,

binigyan ng kapangyarihan ang PDIC na mag-imbestiga sa mga

anomaly sa bangko tungkol sa unsafe and unsopund banking

practices at magpataw ng karampatang multa batay sa tuntuning

nakasaad sa batas.

3. Securities and Exchange Commission

Nasa ilalim ng DOF, ang SEC ang nagtatala o nagrerehistro sa

mga kompanya sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa

pagbili ng mga panagot at bono. Nag-aatas din ito sa mga kompanya na

magsumite ng kanilang taunang ulat. Nagbibigay din ang SEC ng mga

impormasyon upang maging gaby sa matalinong desisyon sa

pamumuhunan.

4. Insurance Commission (IC)

Sa bisa ng Presidential Decree No. 63 na ipinatupad noong

Nobyembre 20, 1972, ang IC ay itinalaga bilang ahensya na

mangangasiwa at mamamatnubay sa negosyo ng pagseseguro (insurance

business) ayon sa itinalagang insurance code. Ang ahensya ay nasa

ilalim pamamahala ng DOF. Layunin ng IC na panatilihing matatag ang

mga kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-

arian, kalikasan at iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang

publiko sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbabayad ng

kaukulang benepisyo at insurance claims ng mga ito.

14
Gawain 1 : Nalaman Mo,Isulat Mo !

Punan ang talahanayan ng mga institusyong bangko at di-bangko. Isulat ang gampanin nito.

BANGKO GAMPANIN HINDI BANGKO GAMPANIN

Gawain 2: Sagutin Mo ‘To

Hanapin sa Hanay B ang banking inilalarawan sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik

ng tamang sagot.

A B

1. Dahil sa malaking kapital , ang mga A. Bangkong Pagtitipid

bangkong ito ay nagpapautang para B. Land Bank of the Phils.

sa ibang layunin tulad ng pabahay atbp. C. Bankong Komersiyal

2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na D. Development Bank of the

hikayatin ang mga tao na magtipid at Philippines

mag-impok. E. Bangkong Rural

3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang

Pangkabuhayan sa kanayunan.

4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng

pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.

5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang

sektor ng agrikultura at industriya, lalo na

sa mga programang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

15

Panghuling Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawain.Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong sector ay maaaring maging

kasapi nito. Itinatag ito upang tulungan ang mga kasapi sa panahon ng kanilang

pangangailangan lalo na sa pabahay.

A. GSIS

B. SSS

C. Pag-IBIG Fund

D. PhilHealth

2. Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653 bilang central monetary authority

ng bansa. Pangunahing layunin nito ay mapanatili ang katatagan ng halaga ng

bilihin at n gating pananalapi.

A. Bangko Sentral ng Pilipinas

B. Philippine Deposit Insurance Corporation

C. Securities and Exchange Commission

D. Insurance Commission

3. Layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng

puhunan at mapunlad ang kanilang kabuhayan.

A. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines

B. Land Bank of the Philippines

C. Development Bank of the Philippines

D. Bank of the Philippine Island

16

Si Raymundo ay isang manggagawa na nasa pribadong sektor. Buwan-buwan ay


kinakalatasan siya ng bahagi ng kanyang sweldo o kontribusyon para sa kanyang
panseguridad o benepisyo sa kanyang pagtanda, na pinalalago at muling ibinabalik sa
mga kasapi ng panahon upang ito ay mapakinabangan.
4. Ayon sa teksto si Raymundo ay mangagawa na nasa pribadong sector. Saang

ahensiya ng gobyerno na nagbibigay seguro sa mga kawani napupunta ang

kinakaltas sa bahagi ng kanyang sweldo?

A. Government Service Insurance System (GSIS)

B. Insurance Comapnies

C. Pagtutulunngan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno

(PAG-IBIG Fund)

D. Social Security System (SSS)

5. Ano ang mangyayari sa perang naihulog ni Raymundo kung hindi niya

maipagpapatuloy ang kanyang kontribusyon?

A. Makukuha ng buo

B. Hindi makukuha ng buo

C. Maghihintay pa ng sapat na edad

D. Walang makukuha

6. Anong benepisyo ang maaaring makuha ni Raymundo sakaling matapos niyang

hulugan ang kanyang konribusyon?

A. Magkakaroon ng buwanang pensyon

B. Pangkalusugang benepisyo

C. Scholarship ng mga anak

D. Maaaring makapangutang

17

Si G. Dela Cruz ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya sa Cavite. Siya ay


tumatanggap ng buwanan sahod na 40,000.00 ang limang libong piso sa kanyang sahod ay
kanyang inilalaan sa pag iimpok. At ang mga matitira ay gastusin ang kanyang pamilya.
7. Saang institusyon ng pananalapi maaring ilagay ni G. Dela Cruz ang limang libong

piso ng kanyang naimpok?

A. Commercial Bank

B. Rural Bank

C. Specialized Government Bank

D. Thrift Bank

8. Ano benepisyo na maaaring matanggap ni G. Dela Cruz sa kanyang perang inilagay

sa bangko?

A. Interes

B. Dibedendo

C. Loan

D. Pension

9. Ano ang kahalagahan ng pag iimpok?

A. Maisakatuparan ang magandang hangarin sa buhay.

B. May pambili ng mga gadyet.

C. Makapunta sa ibat-ibang lugar

D. May pambayad utang

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa bangko?

A. Kooperatiba C. Bangkong Rural

B. Bangkong Komersiyal D. Thrift Bank

18
Pagkatapos ng iyong pag-aaral at pagsusuri sa mga bumubuo sa sector ng

pananalapi. Ang mga nabanggit na institusyon ng pananalapi ay kabalikat ng

bansa sa layunin nitong panatilihing matatag at maayos ang takbo ekonomiya.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyong pananalapi sa

ekonomiya. Lumilikom ang mga ito ng malaking pondo upang matustusan ang mga

mamumuhunan. Nagpapautang ang mga ito ng salapi sa mga tao upang patuloy

na may makabili ng mga kalakal at serbisyo. Nagsisilbi din silang tagpagmasid sa

mga nais mamuhunan at namumuhunan.

BINABATI KITA !

19
Kasagutan sa Paunang Pagtataya Kasagutan sa Panghuling Pagtataya

1. D 1. C

2. B 2. A

3. A 3. A

4. A 4. D

5. A 5. B

6. A 6. A

7. A 7. A

8. C 8. A

9. A 9. A

10. A 10. A

20
Sanggunian:

Modyul ng Mag-aaral sa Ekonomiks, 2015

Kayamanan, Ekonomiks Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Book Store, 2015

Ekonomiks 9, The Library Publishing House, 2017

On-line References:

en.wikipedia.org
http://s616.photobucket.com
.

You might also like