You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang…


1. Natutukoy ang bumubuo sa sector ng Pananalapi;
2. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng bawat sector ng pananalapi sa pagsulong ng ekonomikong
pag-unlad ng bansa; at
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga sector ng pananalapi sa kaunlarang panlipunan at sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
II. Paksang Aralin
Paksa: Patakarang Pananalapi
Kagamitan: Chalk, Eraser, Projector at Laptop
Sanggunian: Ekonomiks: Modyul para sa mag-aaral (Modyul 16 page 1-17)

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtsek ng attendance
B. Pamantayan
Magandang hapon din po Maam!
Magandang Hapon klas!
Bago tayo tumungo sa bagong paksang aking
tatalakayin. Ano dapat ang taglayin ng mga
mabuting estudyante habang ako ay nagsasalita dito Makinig, Huwag maingay at Mag focus Maam.
sa harapan?

Maaasahan ko ba iyan sa inyo klas? Opo! Maam.

C. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa ating paksang tatalakayin .


Meron muna akong ipapakitang short video sa inyo.

Ano ang mga nakita ninyo sa video? Pera, Salapi, Banko, Palawan, Mlhuilier etc……

Tama merong Salapi o pera.


Sa inyong palagay ano kaya ang gamit ng salapi o Pambili ng pagkain at mga bagay na gusto
pera? namin.

Tama! Ang Salapi o pera ay ginagamit natin bilang


pamalit sa produkto o serbisyo.

Ang pera ay instrumento ng mamimili, pamalit ng


produkto at serbisyo. Ito ay tinatawag na Medium
of exchange.
Ang salapi ay ginagamit din bilang Unit of exchange
o pamantayan ng halaga ng isang produkto o
serbisyo

At Store Value o taguan ng halaga

Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao,


ngunit ang pangangasiwa dito ay isang malaking
hamon kahit na sa ibang bansa. Ang dami ng salapi
na dumadaloy o umiikot sa ekonomiya ay maaaring
magdulot ng kasaganaan o problema sa mga
mamamayan. Dito pumapasok ang konseptong
Patakarang Pananalapi.

D. Paglalahad

Ang tatalakayin natin ngayong hapon ay ang


Patakarang Pananalapi.

Ano ang Patakarang pananalapi?

Ito ay isang Sistema na pinaiiral ng pamahalaan, sa


pamamagitan ng Bank Sentral ng Pilipinas upang
makontrol ang dami ng salapi na dumadaloy sa
ekonomiya.

Maaring ipatupad ng pamahalaan ang Expansionary


money policy at Contractionary money policy
depende sa sitwasyon.

Ipinapatupad ng banko Sentral ang Expansionary


money policy kapag nais ng pamahalaan na
mahikayat ang mga negosyante na magpalawak o
magbukas pa ng bagong negosyo. Ibinababa ng
Banko sentral ang interes sa pagpapautang na
siyang hihikayat sa mga negosyante na mangutang
upang mapalawak ang kanilang negosyo. Ito ang
lilikha ng maraming trabaho kaya mas marami ang
magkakaroon ng kakayahan na makabili ng mga
produkto o serbisyo na sya naming magpapataas sa
kabuuang demand ng sambahayan at mga bahay
kalakal.

Ipinapatupad naman ng pamahalaan ang


Contractionary money policy kapag inaasahang
tataas ang pangkalahatang presyo sa pamilihan.
Dahil sa labis na salapi na umiikot sa ekonomiya.
Itinataas ng Banko Sentral ang interes sa pautang
upang mabawasan ang puhunan ng mga bahay
kalakal na siyang magpapababa sa produksyon. Ito
ang magiging dahilan upang bawasan din ng
sambahayan ang kanilang paggastos na siya ring
magpapababa sa pangkalahatang demand.

Upang lalong mapatatag ang ating ekonomiya ay


kaagapay ng pamahalaan sa pagpapatupad ng
patakarang pananalapi ang mga institusyon na
inaasahan ng pamahalaan na mamahala sa paglikha,
pag supply at pag salin-salin ng salapi sa ating
ekonomiya

Ang sector ng pananalapi ay binubuo ng mga


 Institusyong bangko
 Institusyong Di-bangko
 Regulator
Upang lubos ninyong maunawaan ang mga sector
ng pananalapi meron ako ditong tree diagram na
nagpapakita ng konsepto sa sector ng pananalapi.
Sektor ng Pananalapi

Institusyong Institusyong Mga


Bangko Di-Bangko Regulators

Commercial Bangko
Kooperatiba Sentral ng
Banks
Pilipinas
Pawnshop o
Thrift Bans Philippine
Bahay Deposit
sanglaan Insurance
Corporation
Rural Banks Pension
Funds Securities and
Exchange
Specialized Commission
Government
Banks Insurance
Commission

E. Quiz Bowl
Ngayong hapon klas ay magkakaroon tayo ng Quiz
Bowl. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo . ang
Unang Grupo ay tatawagin kong Black Bulls at ang
pangalawang Grupo naman ay tatawagin kong
Golden Dawn. Ang una nyong gagawin ay paunahan
kayo sa pagsagot ng aking tanong. Ang unang
makakapagtaas ng letra at makasagot ng tama ay
syang panalo. Magbibigay lamang ako ng 10
segundo para sagutin ang tanong. Sa 1st round ay
magbibigay ako ng isang puntos sa unang grupo na
makakasagot ng tama sa 2nd round naman ay
magbibigay ako ng dalawang puntos sa unang
makaksagot na grupo at sa 3rd round ay magbibigay
ako ng tatlong puntos. Ang Grupong may
pinakamaraming puntos ay syang tatanghaling Opo, Maam!
panalo.
Naiintindihan ba klas?

Ok! Sa Unang tanong,


1st Round questions (1 puntos)
1. Ito ay isang sektor ng pananalapi na
tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan bilang deposito
at nagkakaroon ng tubo pagdating ng A. Mga Institusyong Bangko
panahon.
a. Mga Intitusyong Bangko
b. Mga Institusyong Di-Bangko
c. Mga Regulator
d. Mga kompanya ng Seguro
2. Ano ang tawag sa mga sumusunod na
institusyong pananlapi na napapalooban ng
bangko sentral ng Pilipinas (BSP) Phil. B. Mga Regulator
Deposit Insurance Corp. (PDIC), Securities
and Exchange Commission (SEC) at Insurance
Commission (IC)
a. Mga Institusyong Di-Bangko
b. Mga Regulator
c. Mga Kompanya ng Seguro
d. Mga Institusyong Bangko
3. Alin sa mga sumusunod na institusyon ng
pananalapi ang tumatanggap ng
C. Mga Institusyong Di-Bangko
kontribusyon mula sa mga miyembro,
pinalalago at muling ibinabalik sa mga kasapi
upang ito ay mapakinabangan pagdating ng
panahon?
a. Mga Kompanya ng Seguro
b. Mga Institusyong Bangko
c. Mga Institusyong Di-Bangko
d. Mga Regulator
nd
2 Round questions (2 puntos) C. Development Bank of the
4. Ang layunin ng bangkong ito ay mapaunlad Philippines
ang sektor ng agrikultura at industriya lalo
na sa mga programang makatutulong sa
pag-unlad ng ekonomiya.
a. Commercial Banks
b. Thrift Banks
c. Development Bank of the
Philippines
d. Land Bank of the Philippines

5. Alin sa mga sumusunod na specialized


government banks na itinatag sa
pamamagitan ng R.A No, 3844 na ang
layunin ay mapagkalooban ng pondo sa mga
programang pansakahan at iba pang A. Land Bank of the Philippines
negosyante para sa kanilang puhunan?
a. Land Bank of the Philippines
b. Development Bank of the
Philippines
c. Al-Amanah Bank
d. Rural Banks
6. Kung ikaw ay isang mamamayan na dagliang
nangangailangan ng pera para sa isang
emergency na pangangailangan at walang
paraan upang makalapit sa mga bangko
ngunit mayroon kang mga alahas at
kasangkapan na maaaring isangla, saan ka D. Pawnshop
dapat magtungo upang matugunan kaagad
ang iyong pangangailangan?
a. Kooperatiba
b. GSIS
c. SSS
d. Pawnshop
rd
3 Round questions
7. Kabilang ito sa institusyong di-bangko na
binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang
pangkabuhayang layunin, nag-aambag ng
puhunan at nakikibahagi sa tubo,
pananagutan at iba pa pang benepisyo. Iba-
iba ang kita ng mga kasapi nito base sa laki
B. Kooperatiba
ng naiambag na puhunan. Ano ang tinutukoy
dito?
a. Insurance Companies
b. Kooperatiba
c. GSIS
d. SSS
8. Bawat pension funds ay may magandang
layunin at benepisyo. Alin sa mga A. GSIS
sumusunod na ahensiya and nagbibigay ng
seguro sa mga kawaning nagtatrabaho sa
mga ahensiya ng gobyerno, local na
pamahalaan, mga guro ng pampublikong
paaralan?
a. GSIS
b. SSS
c. Pag-IBIG
d. Pre-Need
9. Ang PDIC ay nasa ilalim ng Department of
Finance na naatasang magbigay-proteksyon
sa mga depositor at tumulong mapanatiling
matatag ang sistemang pinansyal sa bansa.
Maraming layunin ang PDIC gaya ng A. Bilang tagaseguro ng deposito
sumusunod maliban sa:
a. Bilang tagaseguro ng deposito
b. Bilag receiver at liquidator ng
nagsarang bangko
c. Bilang imbestigador
d. Bilang Tagatala sa mga
kompanya sa bansa
Time Breaker Question
10. Ito ay isang polisiya na nais ng pamahalaan
B. Expansionary money policy
na mahikayat ang mga negosyante na
magpalawak o magbukas pa ng bagong
negosyo. Ibinababa ng Banko sentral ang
interes sa pagpapautang na siyang hihikayat
sa mga negosyante na mangutang upang
mapalawak ang kanilang negosyo.
a. Fiscal Policy
b. Contractionary money
policy
c. Expansionary money policy
d. Monetary Policy
IV. Pagtataya
Sektor ng Pananalapi
Talasalitaan: Ibigay ang nawawalang titik
upang mabuo ang konsepto. Ipaliwanag ang
nabuong konsepto ng bawat bilang.
Commercial Bank

1. S E K __ __ __ ng P A N __ __ __ __ __
PI
Rural Bank
(Bangko at hindi bangkong institusyon)
2. C O M __ __ __ C I __ __ B A __ __ __
Koopertiba
(Bangkong nagpapautang ng malaking
kapital)
3. R __ __ A L __ __ N __ S
(Bangko sa kanayunan) Pawnshop

4. K __ __ P __ __ A T I __ __
(Kapisanang may nagkakaisang
Government Service Insurance System
pangkabuhayang layunin)
5. P A __ __ S H __ __ P
(Bahay-sanglaan) Social Security System
6. G O V E R N __ __ __ __ S E R __ __ __
__ I N S __ __ __ __ __ __ S Y __ __ __
__
Pag-ibig Fund
(Seguro sa mga kawani ng pamahalaan)
7. S O C I A L __ __ __ U R I T Y S Y S __ __
__ Bangko Sentral ng Pilipinas
(Seguro sa mga kawani sa pribadong
sektor)
8. P A G __ __ __ __ F __ __ D
Philippine Deposit Insurance Corporation
(Pabahay ng mga empleyado)
9. __ __ __ __ K O S E N __ __ __ L ng P I
__ __ P I __ __ S
(Central monetary authority)
10. P H I L I P P I N E D E P __ __ __ __ I __
__ U R __ __ C E C O R __ __ __ __ T I O
N
(Magbigay proteksyon sa mga
depositor)
V. Takdang Aralin
1. Basahin ang Pag-iimpok at
pamumuhunan sa Module 6
ikatlong kwarter.
2. Sagutan ang Subukin page 1 sa
Module 6.
Inihanda ni:

Wendelyn P. Credo

You might also like