You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

ARALING PANLIPUNAN – Grade 9


Kwarter 3, Linggo 8
Modyul 6

PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

Kasanayan sa Pagkatuto

Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang


isang salik ng ekonomiya

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimulang Mensahe

 Para sa Mag-aaral.
Mahal naming mag-aaral, lugod naming ipinagkakaloob sa iyo ang Modyul na
ito na naglalaman ng mga aralin patungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya. Inaasahang magagabayan ka ng
mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung ano ang mga kahalagahan ng
pag-iimpok at pamumuhunan sa buhay ng nakararaming Pilipino.

 Para sa Magulang o Tagapagdaloy


Minamahal naming mga magulang at guro, para mas mapa-unlad at
mapalinang pa ang kaalaman ng ating mga mag-aaral, kayo ay hinihiling na
patnubayan ang ating mga estudyante alisunod sa mga angkop na gawain,
katanungan at pagsusulit na nakapaloob sa modyul na ito.

Panimula

Binuo ang modyul o self-learning kit na ito para sa iyo upang matulungan kang
mapalawak ang iyong kaalaman at mapa-unlad ang iyong kasanayan tungkol sa mga
gawain ng ekonomiya sa kabuuhan. Hinihikayat ang bawat isa sa inyo na suriin at tuklasin
ang mga kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa buhay ng nakararaming Pilipino.
Kalakip dito ang mga babasahin at mga katanungan na kailangan mong sagutan. Ikaw ay
pinapakiusapan ko na alagaan at ingatan ang modyul na ito at iwasang sulatan ang
anumang pahina upang sa gayon ay magamit pa ng ibang mag-aaral.

Alamin

Sa modyul o self-learning kit na ito, inaasahan din na malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na layunin:
1. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pag-iimpok at pamumuhunan;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang
salik ng ekonomiya ng bansa;
3. Naipakikita ang ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa daloy ng kalakal at
serbisyo; at
4. Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya .

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Subukin

Panuto: Sagutan ng TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.

1. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay magkakapareho lamang.


2. Ang mga mamumuhunan ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
3. Mabilis na makakaahon sa krisis ang isang ekonomiya kung maraming
savings o reserve ang mga tao.
4. Ang pamumuhunan ay maaari lamang isagawa ng mga mayayamang
negosyante.
5. Ang pamumuhunan ay nagkakaloob ng trabaho sa mga manggagawa.
6. Mas mainam mag-impok sa alkansiya kaysa sa mga bangko.
7. Sa kasalukuyan ang deposit insurance ng perang ideniposito sa bangko ay
nasa Php250,000.00 bawat depositor.
8. Halimbawa ng pamumuhunan ang pagbubukas ng bagong negosyo.
9. Ang perang ideniposito sa bangko ay may kaukulang tubo o interes na
matatanggap.
10. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay parehong nakakatulong sa pagsigla ng
ekonomiya ng isang bansa
Balikan

Panuto: Basahin ang mga kahulugan o deskripsyon na nasa loob ng kahon. Ilagay ito sa
tamang palaso kung saan ito napabilang.
 Upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan
 Layunin nitong mapababa ang implasyon
 Ipinapatupad kung may depression o recession
 Upang mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong
negosyo

EXPANSIONARY MONEY POLICY CONTRACTIONARY MONEY POLICY

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Tuklasin
Basahing mabuti ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong
tanong.

KALAYAAN SA KAHIRAPAN
Kathang isip ni: Martiniano D. Buisimay

Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon siyang baon na


dalawampu’t limang piso(Php25) bawat araw. Ang kanyang pamasahe ay Php10
papasok at Php10 rin pauwi. Sumakatuwid, mayroon lamang siyang Php5 para sa
kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan. Upang makatipid, gumising siya
ng maaga at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin sa pagpasok. Kung
maaga pa, naglalakad na lamang siya papasok sa paaralan. At sa uwian sa
hapon, naglalakad rin siya kung hindi naman umuulan o kung hindi nagmamadali.
May mga pagkakataon na hindi niya nagagastos ang kaniyang allowance, dahil
may nanlilibre sa kanya ng meryenda, at minsan naman ay ibinabayad na siya ng
kaibigan ng pamasahe. Basta may natirang pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang
savings.
Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas ng Php100 hanggang sa
Php150 daang piso at idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang natural na
proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon, bilhin ang kailangang bilhin, at wag
bilhin ang hindi kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings. Sa tuwing may
okasyon at may nagbibigay sa kanya ng pera bilang regalo, hindi rin niya iyon
ginagastos at inilalagay rin niya sa kaniyang savings account. Hindi masasabing
kuripot si Jonas, dahil may mga pagkakataong gumagastos din siya mula sa
kaniyang ipon upang ibili ng pangangailangan sa paaralan at sa kanilang bahay.
Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa bangko at nagkataong mayroong
iniaalok na investment program ang bangko sa loob ng 10 taon. Sinamantala niya
ang pagkakataon at siya ay nag-enrol sa nasabing programa kung kaya’t ang
kanyang perang nakatabi bilang investment ay may kasiguruhang kikita ng
interes. Gayunpaman, nagpatuloy pa rin si Jonas sap ag-iipon at pagdedeposito
sa investment program sa tuwing siya ay makaipon ng limang libong piso,
hanggang sa siya ay makagraduate ng kolehiyo at makapagtrabaho. Ang lahat ng
kaniyang bonus, allowance, at iba pang pera na hindi nagmula sa kaniyang
suweldo ay diretso niyang inilalagay sa investment program. Dahil may sarili na
siyang kita, natuto na rin siyang ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa
savings at ang natitira ay hahati-hatiin niya sa kaniyang pangangailangan. Kung
may sobra pang pera na hindi nagamit, inilalagay niya pa rin sa savings.
Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment
program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang
investment program ang kaniyang pera at kumite na ito ng humigit kumulang sa
dalawampung libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya na si
Jonas sa kahirapan, bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may
inaasahan pa siyang kita ng kaniyang investment buwa-buwan.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Suriin

Ayon sa tulang iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni Jonas? Bakit?


2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag
3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mo ng sampung
taon?

Maikling Aralin

Kahalagahan ng Pag-iimpok at Pamumuhunan sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng


Bansa

Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa interes sa
deposito. Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na
kaukulang tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki rin
ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Habang dumarami ang namumuhunan,
dumarami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon ay indikasyon ng
masiglang gaawaing pang-ekonomiya (economic activity) ng isang lipunan.
Ang matatag na Sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-
iimpok (savings rate) at kapital (capital information). Ang ganitong pangyayari ay
nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng
pambansang ekonomiya.
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ang ahensiya ng pamahalaan
ng nagbibigay ng proteksyon sa mga depositor sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay
Seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang Php250,000* bawat
depositor. Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance ay makapanghihikayat ng
mga mamamayan na mag-impok sa bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang
sector ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko sa katatagan ng pagbabangko.
*Sa kasalukuyan ang deposit insurance ay may kabuuang halaga hanggang Php500,000
bawat depositor.

Kahalagahan ng Pag-iimpok

Bakit ba kailangan ang pag-iimpok? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon
bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng bangko. Ang
mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa pag-iipon
ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang
nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o gamitin
ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilalagak sa mga institusyong ito ay
maaaring kumite ng interes o dibidendo.
Kung itatago mo ng matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at
maaari pang lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo
nang maraming taon ng pera sa alkansiya, maaaring magdulot ng kakulangan ng suppy ng
salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang
financial intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping naimpok.
Alam natin na ang savings ay magagamit ng isang tao sa panahon ng krisis o kapag
nangangailangan siya ng biglaang gastos. Napaghahandaan din natin ang mga gastusing
panghinaharap gaya na lamang ng pambayad sa pag-aaral ng mga anak pag sila ay nasa
college level na. Maaari ring mapaghandaan ang mga pangkalusugang gastusin sa

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

hinaharap lalo na sa panahong tayo ay tumatanda na. Maaari ring planuhin ang mga travel
plans tulad ng pagbabakasyon sa ibang bansa. Ganun din ang gastos sa sa pagpapakasal,
pagbili ng kotse, bahay at lupa, at iba pa. Maaari ring tumubo ang savings sa bangko. Kung
malaki ang savings, mas masaling makakabawi ang isang tao kung may mga biglaang
gastusin. Ang malaking savings ng isang pamilya ay nangangahulugan na mayroon lamang
silang maliit na bahagi ng kita na nakalaan sa gastusin sa bahay. Sa madaling salita, mas
madaling makakapag-adjust ang pamilya kung maharap ang bansa sa krisis pang-
ekonomiya. Kahit mawalan ng hanap-buhay ang isang pamilya, madali lamang itong
makakahanap ng salapi upang matustusan ang kanilang pangangailangan o makapagtayo
ng munting negosyo.
Ganito rin sa ekonomiya ng bansa. Kung maharap sa krisis ang buong bansa at may
malaking savings reserve ang mga tao, bahay-kalakal at iba pang mamumuhunan, mas
mabilis makakabawi ang isang ekonomiya. Kapag nabayaran na ang lahat ng bills, ang mga
bangko, bahay kalakal, at mga pamilihan ay mananatiling nakabukas nang hindi
nagbabawas ng mga manggagawa. Madali ring makakabawi ang mga negosyo dahil sa
pamumuhunan.

Kahalagahan ng Pamumuhunan

Ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Kapag maraming
namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinapakita sa
pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas maraming negosyo, mas
maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng kakayahang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay hindi malayong magbunga sa
pagkamit ng kaunlaran.
Ang pamumuhunan ay isang aktibidad na may maraming layunin. Ang mga layuning ng
pamumuhunan ay kinabibilangan ng:

 Kumuha ng isang matatag na kita – Halimbawa, kung namuhunan ka sa isang


kompanya, pagkatapos ay karapat-dapat kang makakuha ng ilang porsyento ng kita
ng kompanya nang regular hangga’t namuhunan ka sa kompanya. Kaya sa kasong
ito magpapatuloy kang makatanggap ng mga royalties o benepisyo.

 Palakihin ang negosyo – bukod sa anyo ng mga kita sa anyo ng pera, sa


pamamagitan ng pamumuhunan ay maaaring magamit para sa mga layuning
panlipunan, palakihin ang negosyo at iba pa.
 Garantiyang negosyo – Kung namumuhunan ka sa isang tagapagtustos,
magkakaroon ng garantiya na ang iyong negosyo ay hindi magkulang ng mga hilaw
na materyales at patuloy na makakuha ng isang merkado para sa pagbebenta ng
mga produkto.
 Pagbabawas ng kumpetisyon – Maaari ring mabawasan ang pamumuhunan sa
kumpetisyon sa pagitan ng mga kumpanya na nakikibahagi sa parehong larangan.

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pagyamanin

Panuto: Kompletuhin ang Venn Dayagram sa ibaba upang maibigay ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan.

PAG-IIMPOK PAMUMUHUNAN

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Bakit mas mainam ang pag-iimpok sa bangko kaysa sa alkansiya?


2. Maaari bang maituring na balakid ang kahirapan sa pag-iimpok? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, bakit may mga tao na sa kabila ng malaking sahod ay hindi pa rin
nakapag-ipon?
4. Mayroon ka na bang karanasan sap ag-iimpok? Paano ito nakakatulong sa iyo sa
panahon ng pangangailangan lalong lalo na sa panahon gaya nagyon na may
pandemya?

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isapuso

Sumulat ng isang pangako sa iyong sarili na pahahalagahan ang bawat sentimo na


matatanggap mula sa iyong mga magulang sa pamamagitan ng pag-iimpok o kung ikaw ay
nakapagsimula na ay seseryosuhin o palakihin mo pa ang iyong naipon.

Ako si ____________________________________________ ipinapangako ko sa aking sarili na

______________________________________________________________________________

Upang makapag-impok kinakailangan kong __________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pagsisikapin kong makapag-impok ng pera kahit sa maliit na halaga upang _________________

______________________________________________________________________________

Ang pangakong ito ay gagawin ko dahil ______________________________________________

______________________________________________________________________________

_____________________________________
KOMPLETONG PANGALAN AT PIRMA

Isagawa
Gamit ang mga materyales na maaring gamiting -muli ( recyclable ) o mga -
materyales na indigenous sa inyong lugar , gumawa ng isang collage na nagpapakita ng
ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa daloy ng kalakal at serbisyo.Gawin ito sa isang
¼ na illustration board.

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

RUBRIK SAPAGMAMARKA NG COLLAGE


MAGALING KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN NAKUHANG
NG PAGSISIKAP PUNTOS
( 5) (3) (1 )
Nilalaman Naipakita ang Naipakita ang Walng naipakitang
ugnayan ng pag- ugnayan ng pag- ugnayan ng pag-iimpok at
iimpok at iimpok at pamumuhunan .
pamumuhunan pamumuhunan ng
ng malinaw at hindi masyadong
kaaya-aya malinaw at kaaya-
aya
Kaangkupan ng Lubhang angkop Angkop ang Hindi angkop ang
konsepto ang konsepto at konsepto at konsepto at naipapakita
naipapakita ang naipapakita ang ang nangyayaring
nangyayaring nangyayaring ugnayan ng pag-iimpok at
ugnayan ng pag- ugnayan ng pag- pamumuhuna sa daloy ng
iimpok at iimpok at kalakal at serbisyo.
pamumuhuna sa pamumuhuna sa
daloy ng kalakal daloy ng kalakal at
at serbisyo. serbisyo.
Kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang
presentasyon presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay hindi
maliwanag at bahagyang maliwanag at organisado
organisado at maliwanag at at walang kabuluhan sa
may kabuluhan organisado at may buhay ng isang Pilipino
sa buhay ng bahagyang
isang Pilipino kabuluhan sa
buhay ng isang
Pilipino
Pagkamalikhain Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng tamang
tamang bahagyang kombinasyon ng mga
kombinasyon ng kombinasyon ng kulay at recyclable na
mga kulay at mga kulay at materyales upang
recyclable na recyclable na iphayag ang nilalaman at
materyales materyales upang menhase
upang iphayag iphayag ang
ang nilalaman at nilalaman at
menhase menhase

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pagtataya
Bago tayo tumungo sa ating aralin, subukan mo munang sagutin ang mga
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
may tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nagsisilbing tagapamagitan sa mga nag-iipon ng pera at mga nais umutang o


magloan ang _________.
A. financial intermediaries
B. sambahayan
C. bahay-kalakal
D. Bangko Sentral ng Pilipinas

2. Bakit mas magandang mag-impok sa bangko kaysa sa alkansya?


A. Nahihiram ng mga mamumuhunan ang perang iniimpok upang magamit sa
pagpapalago ng negosyo.
B. Nagkakaroon ng tubo ang perang inilalagak sa bangko.
C. Mas naiingatan ng maigi ang perang nasa alkansya dahil ikaw lang ang
nakakaalam nito.
D. Parehong A at B.

3. Ayon sa PDIC, kapag maraming mamamayan ang natutong mag-impok, maraming


bansa ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil __________.
A. saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok
B. indikasyon ito ng isang mahinang ekonomiya
C. pwede silang makahiram ng pera sa mga bangko sa mababang interes
D. tataas ang kita ng kanilang negosyo dahil mayaman ang mga mamamayan
4. Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan kung bakit mahalaga ang pag-iimpok
MALIBAN sa isa.
A. Nagagamit tuwing may emerhensiya.
B. May madudukot ka sa panahon ng katandaan na hindi mo na kayang
magtrabaho.
C. Pwede kang mangutang ng mangutang dahil may isinantabi kang pambayad.
D. Sa oras na tayo ay magigipit ay mayroon tayong madudukot.

5. Ano ang tawag sa paghiram ng salapi sa bangko upang ito ay mapalago at magamit
sa pagnenegosyo?
A. Pamumuhunan
B. Pag-iimpok
C. Pag-aalkansiya
D. Pagnenegosyo

6. Bakit mahalaga na mapasigla ang pamumuhunan sa bansa?


A. Nakakapagbukas ng mas maraming trabaho.
B. Mapapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
C. Daan tungo sa mas maraming pang negosyo.
D. Lahat ng nabanggit.

7. Ang pag-iimpok sa alkansiya ay may negatibong epekto MALIBAN sa ___________.

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

A. Posibleng maging sanhi ng kakulangan sa suplay ng salapi sa sirkulasyon.


B. Hindi nagkakaroon ng kita.
C. Lumalaki dahil sa interes o tubo.
D. Maaaring lumiit ang halaga dahil sa implasyon.

8. Ano ang tawag sa pagtabi ng salaping galling sa kita na hindi ginagamit o hindi
gagamitin?
A. Pamumuhunan
B. Pag-iimpok
C. Pag-aalkansiya
D. Pagnenegosyo

9. Sa paikot na daloy ng ekonomiya alin dito ang nagpapakita ng kitang lumalabas sa


ekonomiya?
A. Pag-aalkansiya
B. Pag-iimpok
C. Pamumuhunan
D. Pagnenegosyo

10. Anong ahensiya ng gobyerno ang nagbibigay proteksiyon sa mga depositor sa


bangko sa pamamagitan ng pagbibigay Seguro sa kanilang deposito hanggang sa
Php 500,000.00(sa kasalukuyan) bawat depositor?
A. Government Service Insurance System (GSIS)
B. Philippine Deposit Insurance (PDIC)
C. Insurance Commission (IC)
D. Land bank of the Philippines

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Karagdagang Gawain

Kompletuhin ang dayagram na nasa ibaba gamit ang iyong kaalaman na natutunan
mula sa paksang binasa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng hugis tatsulo.

Paano
nakakatulong ang
mataas na antas
ng pamumuhunan
sa bansa?

12
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN PAGTATAYA

Sanggunian

Curriculum Guide

1. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN Baitang 1 –10, May 2016 pp.
74-75

2. Curriculum Implementation And Learning Management Matrix, MELC K to 12, pp. 49

Learning Materials

1. EKONOMIKS: ARALING PANLIPUNAN Modyul ng mga Mag-aaral, 2015, pp.259-269

2. Balitao, B., Ong J., Cervantes, M., Ponsaran, J., Nolasco, L. & Rillo J. (2012)
Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.

FLORDELIZ A. RICAFORT
Teacher II
Don Andres Soriano National High School
DAS, Toledo City

13

You might also like