You are on page 1of 9

Masusing Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paano ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi
(MELCS – Based)

D. Mga Tiyak na Layunin


a. Naipaliliwanag ang konsepto ng patakarang pananalapi
b. Napahahalagahan ang mga bangko at paglago ng ekonmiya sa ating bansa; at
c. Nakabubuo ng sariling pamagat ayon sa nasuring larawan

II. NILALAMAN
Aralin/ Paksa: Pamamaraan ng Patakarang Pananalapi
Sanggunian Batayang Aklat sa Ekonomiks 9 (Modyul ng Mag-aaral) Balitao, B., Cruz
                N,. Rillo J. et.al
Mga pahina sa gabay ng guro
Mga pahina sa Kagamitang pang mag – aaral: pahina 304 - 314
Mga Pahina sa Teksbuk: pahina
B. Iba pang Kagamitang Panturo: kagamitang biswal, batayang aklat, speaker,
laptop, projector, mga larawan, manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawaing Mag - aaral

A. Pang araw-araw na Gawain


   1. Panalangin
        Magdarasal

   2. Pagbati
      Magandang Umaga Grade 9- Hope!
Magandang Umaga din po
Ma’am!

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
      Bago kayo umupo ay siguruhing walang kalat
sa paligid at iayos ang inyong mga upuan.

   4. Pagtala ng Liban

Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon?


Wala po Ma’am

5. Balik-aral
           Word Tuklas
    Panuto: Maghahanda ang guro ng mga salita at
tutukuyin ito ng mga mag-aaral  kung ito ay para
sa Expansionary Fiscal Policy at sa Contractionary
Fiscal Policy. Ipapaskil sa pisara at itatapat
ang tamang sagot na salita na nakuha ng mag-aaral.
 Expansionary Fiscal Policy (ipapaskil ang tamang sagot sa
     Pagbili ng maraming kalakal at paglilingkod pisara
ng pamahalaan
         Pagbabawas sa ibinabayad na buwis
      Pagdagdag ng gastos ng pamahalaan
      Naglalayong mapataas ang output ng ekonomiya

 Contractionary Fiscal Policy


         Naglalayong pababain ang output ng ekonomiya
         Pagpapataas ng singil ng buwis
         Binabawasan ng pamahalaan ang gastusin
upang mapabagal ang pagsulong ng ekonomiya.
         Nagbubunga ng pagbaba ng demand.

      B. Pagganyak

Panuto: Ipakikinig ang awit na  “Mukha ng pera”


ng The Youth.
1. Ano ang mensaheng ipinababatid ng awitin?
Ma’am tungkol po sa pera

2. Klas, saan kaya nagmula o nanggaling ang ating


pera o salapi? Ma’am maaari po na nagmula sa
ibang bansa.

3. Gaano nga ba kahalaga ang pera sa tao?


(HOTS) (Objective 5)
Dahil ito po ang ginagamit nating
pamalit upang makabili ng mga
pagkain o kahit ano pa mang
bagay ma’am.
Tama! Kung gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera
mo ay ganito din ito kahalaga sa ating bansa. Ang ganitong
pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayang
gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa  lamang. Kaya
kailangan nito ay ang patakaran sa pananalapi.

Sa araw na ito sa tingin nyo tungkol saan ang paksang ating


tatalakayin ngayon?
Ma’am sa tingin ko po ang ating
tatalakayin sa araw na ito ay
tungkol sa Patakarang
pananalapi.
Tama! Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa
patakarang pananalapi.

C. Paglalahad/Talakayan

Base sa napakinggan ninyo, ngayon naman ay malalaman


niyo kung ano nga ba ang mga tungkulin o kahulugan ng
Patakarang Pananalapi. Ito ay sa pamamagitan ng isang
pangkatang gawain. Handa na ba ang lahat? Opo, Ma’am!

Hahatiin ko sa apat na pangkat ang klase. Ang bawat


pangkat ay ibibilog ang upuan. Pipili ng lider ang bawat
pangkat na pupunta sa harapan upang bumunot ng paksa na
kanilang tatalakayin. Bibigyan ng sampung minuto ang
bawat pangkat upang maghanda at tig-limang minuto naman
para sa pag-uulat.
Bibigyan ng rubriks o pamantayan sa pagmamarka ng
pangkatang gawain ang mga mag – aaral.
Ang mga paksang tatalakayin ay ang mga sumusunod: (Paghahanda ng mga mag – aaral
sa angkatang Gawain)
   Unang  Grupo: Ang konsepto ng Pera
   Ikalawang  Grupo: Pag-iimpok at Pamumuhunan
   Ikatlong  Grupo: Mga Institusyong Bangko
   Ikaapat na Grupo: Mga Institusyong Di- Bangko. Objective 8 Set achievable
and appropriate learning
outcomes that are aligned
Rubriks sa Malikhaing Pag- uulat with learning competencies
Pamantayan 10 puntos 8 puntos 6 na puntos 4 na puntos
Pagkamalikhai Nakikita ng Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng
n lahat ang sa dalawa sa tatlo sa
nakasulat sa pamantayan pamantayan pamantayan
manila paper, (Unang Grupo)
malinaw na Ang Konsepto ng Pera:
nababasa ang     Ang salapi ay pera na
ulat ginagamit bilang pamalit sa
Nilalaman Nasabi ang Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng produkto o serbisyo. Kung nais
sumusunod sa sa dalawa sa tatlo sa
mong kumain ng tinapay,
ulat: pamantayan pamantayan pamantayan
a.Bagong halimbawa, mangangailangan ka
impormasyong ng
natutunan salapi upang mabili ito. Sa
b.Walang mali gayon, ang
sa ispeling ng pera ay instrumento na
ulat tinatanggap ng nagbibili at
Pagsunod sa Nakalagay sa Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng mamimili bilang kapalit ng
panuto manila paper sa dalawa sa tatlo sa produkto o serbisyo (medium
ang pamantayan pamantayan pamantayan
ulat/report,
exchange).
nag – ulat sa
loob ng 2 Ang Konsepto ng Patakarang
minuto, Pananalapi:
walang dalang   Ang pamahalaan, sa
kopya habang pamamagitan ng Bangko Sentral
nag – uulat ng Pilipinas (BSP) ay nagtatakda
Pagsagot sa Nasagot ang Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng ng mga pamamaraan upang
Tanong tatlong tanong sa dalawa sa tatlo sa
masigurong matatag ang
ng guro/kapwa pamantayan pamantayan pamantayan
mag-aaral, ekonomiya, higit sa lahat ang
walang kopya pangkalahatang presyo. Ito ay
sa pagsagot, bilang katiyakan na ang
malakas at mamamayan ay patuloy na
malinaw ang magkaroon ng kakayahan na
boses makabili at matugunan ang mga
pangangailangan gamit ang
kanilang kinita mula sa
Magaling! Bigyan ng palakpak ang unang pangkat sa pagtatrabaho.
kanilang naging presentasyon.         Ang patakarang pananalapi
ay isang sistemang pinaiiral ng
BSP upang magkontrol ang
supply ng salapi sa sirkulasyon.
Kaugnay nito, ang BSP ay
maaaring magpatupad na
Nais ko lang magdagdag ng kaunting impormasyon. Expansionary Money Policy at
Contractionary Money Policy.
      Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit                    
ang pangangasiwa rito ay isang malaking hamon sa lahat ng
bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring
magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan.
Dahil dito, ang pag-iingat at matalinong
pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang bilang
ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang  (Ikalawang grupo)
mapanatili ang kaayusan. Pag-iimpok at Pamumuhunan
    Sa aspeto ng pag-iimpok at
pamumuhunan ayon sa modelo
ng paikot na daloy, ang pag-
iimpok ay kitang lumalabas sa
ekonomiya. Samantalang
ang pamumuhunan ang
magbabalik nito sa paikot ng
daloy.
       Ang pamumuhunan ay
nangangailangan ng sapat na
salapi. Ang paggasta ay
kinapapalooban ng pagbili ng
mga kagamitan, mga salik ng
produksyon at iba pa.
Pangkaraniwan na ang mga
mamumuhunan ay gumagamit
ng sariling salapi o puhunan na
hiniram sa ibang tao, sa bangko,
o sa ibang institusyon sa
pananalapi. Ang perang hiniram
upang gamiting puhunan ay
karaniwang nagmumula sa
inimpok o idineposito sa mga
institusyon sa pananalapi tulad
Mahusay! Bigyan ng palakpak ang ikalawang grupo. ng bangko o kooperatiba.

     Ang Pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng


malusog na ekonomiya. Ang Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon
na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila,
kapag maraming
mamamayan ang natutong mag-impok, maraming bansa ang
mahihikayat na mamumuhunan sa Pilipinas dahil saligan
matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok.
 Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik
sa ating bansa. Kapag maraming namumuhunan sa isang
bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa
pamamagitan  ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas
maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming
mamamayan ang magkakaroon ng kakayahang matugunan
ang kanilang mga pangangailangan. (Ikatlong Grupo)
Mga Institusyong Bangko
    Ito ang mga institusyong
tumatanggap ng salapi mula sa
mga tao, korporasyon at
pamahalaan bilang deposito. Sa
pamamagitan ng interes o tubo,
ang halagang inilagak ng mga tao
bilang depositong nalikom ay
ipinauutang sa mga
nangangailangan na may
kakayahang magbayad nito sa
takdang panahon.
Uri ng mga Bangko
 1. Commercial Banks- Ito ang
malalaking bangko. Dala ng
kanilang malaking kapital, ang
commercial banks ay
pinapayagang makapagbukas ng
mga wala pang mga bangko.
Nakapangangalap sila ng
deposito sa higit na maraming
tao. Dahil dito, may kakayahan
silang magpahiram ng malaking
halaga ng puhunan sa mga
mangangalakal o malalaking
negosyante.
2. Thrift Banks- mga di-
kalakihang bangko na kalimitang
nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng
kanilang puhunan at depositong
tinanggap ay ipinauutang nila,
kalimitan, sa mga maliliit na
negosyante bilang pantustos ng
mga ito sa kanilang mga negosyo.
3. Rural Banks- Ang rural banks
o mga bangko na kalimitan ay
matatagpuan sa mga lalawigang
malayo sa kalakhang Maynila at
tumutulong sa mga magsasaka,
maliliit na negosyante, at iba
pang mga mamamayan sa
kanayunan sa pamamagitan ng
pagpapautang upang ang mga ito
ay magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
4. Specialized Government
Banks
Mga bangkong pag-aari ng
pamahalaan na itinatag upang
tumugon sa mga tiyak na
layunin  ng pamahalaan.
a. Land Bank of the Philippines
(LBP)
  Itinatag sa pamamagitan ng
Republic Act No. 3844 na
sinusundan ng Republic Act No.
7907, layunin ng LBP ang
magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan.
b. Development Bank of the
Philippines (DBP)
Unang natatag noong 1946
upang matugunan ang
pangangailangan ng
bansa na makatayo mula sa
mapanirang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang pangunahing
layunin ng DBP ay ang tustusan
ang mga proyektong
pangkaunlaran lalo na sa sektor
ng agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah Islamic
Investment Bank of the
Philippines (Al- Amanah)
Itinatag sa ilalim ng Republic Act
No. 6848, layunin ng bangkong
ito na
Magaling! Bigyan ng palakpak ang Ikatlong grupo. tulungan ang mga Pilipinong
 Ang mga Institusyong bangko ay may kinabibilangan na mga Muslim na magkaroon ng
pinauutang ito ay ang mga negosyanteng nangangailangan ng puhunan at mapaunlad ang
puhunan upang mapalago ang kanilang negosyo at may mga kanilang kabuhayan.  
naging dahilan naman ito ng paglago ng ekonomiya ito nga ay
ang mga uri ng Bangko.
Commercial Banks- Ang Commercial Banks ay maari ding
tumatanggap at magbigay ng letter of credit at iba pang
instrumento ng kredito na malaki ang naitutulong sa patuloy
na pag-unlad ng mga negosyo.
Thrift Banks- Ang Thrift Banks ay pinapayagan ding
magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili
ng mga ito ng mga government securities.
Rural Banks-  ito yung mga bangko malayo sa  Kalakhang
Maynila na tumutulong sa mga magsasaka o sa maliliit na
negosyante.
Land Bank of the Philippines (LBP)- Tinutulungan din nito
ang iba pang negosyante sa kanilang pangangailangan sa
puhunan.
Development Bank of the Philippines (DBP)-  Prayoridad ng
DBP ang mga small and medium scale industry. Malaking
bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa
bangkong ito.
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
(Al-Amanah)- Ang Al-Amanah ay may walong(8) sangay.
Lahat ng sangay ng nasabing bangko ay matatagpuan  sa
Mindanao. Ang Zamboanga City samantalang ang pitong (7)
sangay nito ay matatagpuan sa lungsod ng Cagayan de Oro,
Davao, General Santos, Marawi, Iligan At Cotabato; at sa isla (Ikaapat na Grupo)
ng Jolo. Mga Institusyong Di-Bangko
Maaring ituring na nasa ilalim ng
institusyon ng pananalapi ang
mga ito sapagkat  tumatanggap
sila ng kontribusyon mula sa
mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi
pagdating ng panahon upang ito
ay mapakinabangan.
1. Kooperatiba- Ang kooperatiba
ay isang kapisanan na binubuo
ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o
pangkabuhayan layunin. Para
maging ganap na lehitimo ang
isang kooperatiba, kailangan
itong irehistro sa Cooperative
Development Authority (CDA).
2. Pawnshop o Bahay-
sanglaan-  Itinatag ito upang
magpautang sa mga taong
madalas mangailangan ng pera
at walang paraan upang
makalapit sa mga bangko. Ang
mga indibidwal ay maaaring
makipagpalitan ng
mahahalagang ari-arian tulad ng
alahas at kasangkapan
(tinatawag na kolateral) kapalit
ng salaping katumbas ng
isinangla, kasama na ang interes.
3. Pension Funds
a. Government Service
Insurance System (GSIS)- Ito
ang ahensiyang nagbibigay ng
seguro ( Life Insurance) sa mga
kawaning nagtatrabaho sa mga
ahensiya ng gobyerno, local na
pamahalaan, mga korporasyon 
pag-aari at kontrolado ng
gobyerno, at mga guro sa mga
pampublikong paaralan.
b. Social Security Service
(SSS)- Ang SSS ay ang ahensiya
ng gobyerno na nagbibigay ng
seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya at sa
kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan katulad ng
kaniyang pagkakasakit,
pagkabalda,pagretiro,pagkamata
y, at pagdadalang tao kung ang
kawani ay babae.
c. Pagtutulungan sa
kinabukasan: Ikaw, Bangko,
Industriya at Gobyerno (PAG-
IBIG Fund)- Ang Pag-Ibig Fund
at itinatag upang matulungan
ang mga kasapi nito sa panahon
ng kanilang pangangailangan lalo
na sa pabahay. Ang mga
empleyado sa pamahalaan man o
pribadong sektor ay
kinakailangang maging kasapi
rito. Ang mga taong may sariling
negosyo at mga Overseas Filipino
Workers (OFW) ay maaaring
maging boluntaryong kasapi.
4. Registered Companies- Ang
mga rehistradong kompanya
(registered companies) ay yaong
mga kompanyang nakarehistro
sa komisyon sa panagot at
palitan (Securities and Exchange
Commission o SEC) matapos
magsumite ng basic at additional
documentary requirements, at
magbayad ng Filling fee.
5. Pre-Need-  Ang Pre-Need
Companies ay mga kompanya o
establisimyento na rehistro sa
SEC na pinagkalooban ng
nararapat na lisensiya na
mangangalakal o mag alok ng
mga kontrata ng preneed o pre-
need plans.
6. Insurance Companies
(Kompanya ng Seguro)
Ang Insurance companies ay mga
rehistradong korporasyon sa SEC
at binigyan ng karapatan ng
Komisyon ng Seguro (Insurance
Commision) na mangalakal ng
negosyo ng seguro sa Pilipinas. 

Magaling! Bigyan ng palakpak ang Ikaapat na grupo.

Nagagalak ako dahil mahusay ninyong naipaliwanag ang mga


paksang ibinigay ko sa inyo! Bigyang nyo nga ang  mga sarili
nyo ng Pawer Clap.

Idadagdag ko lamang na sa Uri ng Di-bangko ay may


malaking  pakinabang ito sa ating bansa dahil dito ay may
kakayahan tayo na makapangheram ng ating
pangangailangan at nakakatulong din ito sa mga kasapi na Opo Ma’am
siyang nagpapalago nito. Nauunawaan ba?

demonstrates knowledge in ICT


D. Paglalapat Integration by providing a
Ipanunuod ang video ng “Usapang pera: Noon at Ngayon”. video clip to provide additional
https://www.youtube.com/watch?v=28j91QiNq1o information relevant to the
*(Paggamit ng ICT)- Indicator #3 topic
 

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo *Integration to content in


pahahalagahan ang pera? EsP
Indicator #1
Ano ang kahalagahan ng mga bangko sa pag-unlad ng isang
bansa?
E. Paglalahat

Ano ang kahulugan ng patakarang pananalapi?


Ma’am ang patakarang
pananalapi po ay isang
sistemang pinaiiral ng BSP
upang magkontrol ang supply ng
salapi sa sirkulasyon

Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi?


Ang mga uri ng institusyon ng
pananalapi ay ang institusyong
bangko at institusyong di bangko

SURI-LARAWAN:
Bubuo ng isang pamagat ang bawat pangkat ayon sa 
larawan na kanilang makikita sa video ipapanood ng guro.
Ang video na ipapanood *(Paggamit ng ICT-Indicator #3) ng
guro ay maaring tungkol o may kinalaman sa pandemya,
gyera, kahirapan, sakuna, pang – aabuso o malalang
karamdaman. Bibigyan ng isang parihabang piraso Indicator #2
ng kartolina ang bawat pangkat at doon isusulat ang
pamagat na kanilang maiisip. Ipapaskil sa pisara at iuulat sa
klase. Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat upang
maghanda at tig-dalawang minuto naman para sa pag-uulat.
Pagkatapos ay pipili ng isa(1) sa apat (4) na pamagat na
(Pagkakaiba – iba ng sagot ng
ipinaskil sa pisara.
mga mag-aaral)

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang uri ng bangkong
inilalarawan sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.
Sagot:
C 1. Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay
nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng a. Thrift Banks
pabahay at iba pa.  
b. Land Bank of the
A 2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na Philippines
hikayatin ang mga tao na magtipid at mag- impok. 
c. Commercial Banks
E 3. Itinatag
ito upang mapabuti ang
kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan. d. Development Bank of the
Philippines
B 4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng
pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan. e. Rural Banks

D 5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang f. Bangko Sentral ng


sektor ng agrikultura at industriya, lalo na sa mga Pilipinas
programang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

IV. Kasunduan/ Takdang- Aralin

Panuto: Suriin at pag-aralan ang talaan na nasa pahina 318. Matapos ito kwentahin ang kabuuang
bilang ng mga uri ng mga institusyong pinansyal. Gumamit ng pie graph upang madaling matukoy
ang bilang o bahagdan.
 Mga Gabay ng Tanong:
1. Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa pie graph?
2.Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng pananalapi?
3 Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiran.

Sangguniang Aklat: Modyul ng Mag-aaral/ Ekonomiks 9 (Araling Panlipunan) pahina, 318-319

Binigyang – Pansin ni:

REX K. IGNACIO
Punong Guro

Inihanda ni:

Gerlie B. Ledesma
Guro sa Araling Panlipunan 9

You might also like