You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Dipolog City

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Guro : Romila P. Guimbarda
Seksyon: 10 Atanasoff
Petsa : January 31, 2020
Oras: 8:30 – 9:30 a.m.

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang

A. Natutukoy ang papel o gampanin ng isang mamamayan


para sa pagbabagong panlipunan;
B. Nailalarawan ang kahalagahan ng labindalawang gawain
na maaaring makatulong sa ating bansa; at
C. Nakakagawa ng pagtatanghal kung paano maipakita
ang pagiging mabuti at aktibong mag-aaral ng ating
lipunan.

II. NILALAMAN

Ikaapat na Markahan

Aralin 1: Pagkamamamayan Konsepto at katuturan

Paksa: Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan

Learning Module Grade 10 page 359-361 (MGA


KONTEMPORARYONG ISYU)

Learning Competencies: APIOPKKIVC-3

Kagamitan: Projector, Laptop, manila paper, cartolina, Pentel


Pen, krayola

Differentiated Instruction Istratehiya:

 Picture Analysis
 Rap
 Kanta at Sayaw
 Dula dulaan

INTEGRASYON: Edukasyong Pagpapahalaga, Math at Political


Science.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
A.1. Paghahanda
Panalangin
Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
Pagtsek ng mga liban sa klase
A.2. Balik Aral
1. Ano ang ligal na pananaw ng pagkamamamayan?
2. Ano-ano ang dalawang prinsipyo
ng pagkamamamayan?

B. Paglinang sa Aralin

B.1. ATING ALAMIN

1. Motibasyon
 Video clips na pagpapakita ng mga simpleng
hakbangin ng isang responsableng mamamayan
na makatutulong sa malawakang pagbabago sa
ating lipunan.

Itanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Ano ang inyong mahihinuha sa mga
gawaing ito?
2. Presentasyon sa Paksa
4. Pagbabasa ng Layunin

C. Paglinang sa Aralin

 Pangkatang Gawain
 Magkaroon ng tatlong pangkat/ipalarawan ang
Dipolog City sa taong 2030 kung ang bawat tao ay
sumusunod sa labindalawang gawain na maaaring
ng makatulong sa ating bansa.
 Pagpapaliwanag na Rubric para sa pangkatang
Gawain.
 Group 1– sa pamamagitan ng Rap
 Group 2 – sa pamamagitan ng tula
 Group 3 – sa pamamagitan ng pagsasadula

RUBRIK SA PAGMAMARKA

1- Mahina 4-Napakagaling
2- Medyo Magaling 5-Superyor
3-Magaling

Pamantayan 5 4 3 2 1
Malinaw na
naipakita ang
ilang paraan
ng pagganap
sa
kanyang
karakter
Higit sa
hinihingi ang
impormasyong
inilahad
Akma ang mga
props at
costumes na
ginamit
Malinaw ang
boses at
wasto ang
bigkas sa
mga salita
Kabuuang Iskor:

D. Pagpapalalim
 Presentasyon sa pangkatang gawain
 Malayang Talakayan
 Paggamit ng HOTS na tanong para palawakin
at pagtibayin ang kaalaman
1. Paano natin matukoy ang mga katangian ng
isang mabuting mamamayan?
2. Gaano kahalaga ang partisipasyon ng bawat
indibiduwal sa lipunan ng kanyang
kinabibilangan?
3. Bilang bahagi ng isang lipunan, ano ang iyong
dapat gawin para makatulong sa ating bansa bilang
isang mag-aaral?
4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa
ating bayan?
E. Paglalahat

1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting


mamamayan para sa inyo?
2. Alin sa mga inilahad ng abogadong si Alex
Lacson ng mga gawain na maaaring makatulong
sa bansa ang iyong ginawa? Bakit mahalagang
gawin ito?
3. Anong konklusyon ang iyong maaaring mabuo
tungkol sa pagiging mabuting mamamayan ng
mga Pilipino?

F. Pagpapahalaga

 Mag post ng manila paper sa dingding


 Ipasulat sa kanilang mga ideya o masasabi at
natutunan sa paksa

IV. EBALWASYON

1. Anong tungkulin ang dapat gampanan ng isang tao bilang bahagi


ng isang lipunan?
a. Magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung
kinakaharap sa lipunan.
b. Magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap.
c. Magiging may malawak na layunin sa pagpapabuti.
2. Ano ang tinitingnan ngayon sa pagkamamamayan bilang
paglawak ng konseptong pagkamamamayan?
a. Pagtugon niya sa kanyang tungkulin sa lipunan.
b. Pagtugon sa kagustuhan ng iba.
c. Pagtugon sa lipunan kung may pagkakataon.
3. Paano dapat titingnan ng indibiduwal ang kanyang
sarili?
a. Siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao
b. Siya ay bahagi ng isang lipunan na may kaibang prinsipyo
c. Siya ay magiging tagamasid sa lipunang ginagalawan
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpakitang walang monopolyo
ang pamahalaan sa mga patakarang ipinataguyod nito?
a. Nakipag diyalogo sa malayang pamahayag
b. Nakipag diyalogo upang makabuo ng kolektibong pananaw
at hamong kinakaharap ng lipunan
c. Nakipag diyalogo sa pamamagitan ng social media
5. Paano epektibong ginagamit ng mamamayan ang
mga pamamaraang ipinapahintulot ng batas?
a. Sa pamamagitan ng pagpaparating sa kinaukulan ang
kanyang hinaing at saloobin
b. Sa pamamagitan ng pagpaparating sa kinaukulan
bilang pagdikta ng pamahalaan
c. Sa pamamagitan ng pagpapabalewala nito dahil
sa paniniwalang sila lang ang makakaalam

V. TAKDANG-ARALIN

Gawain : Basa – Suri


Basahin ang Artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni
Mahar Mangahas sa pahina 363-366 sa batayang aklat pagkatapos
ay sagutin ang kasunod na mga tanong sa isang buong papel.

1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa


binasang artikulo?

2. Ano ang ranggo ng Pilipinas sa iba’t-ibang tungkulin ng isang


mamamayan?

3. Anong kongklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkol sa


pagiging mabuting mamamayan ng mga Pilipino batay sa
survey?

Inihanda ni:
ROMILA P. GUIMBARDA
Araling Panlipunan
Teacher 2019-2020
SST-III
Grade 10-Atanasoff

Observed by:

ROSARIO D. QUIÑANOLA DR. MARIA THERESE VENERANDA G. SEMPRUN


Master Teacher I Head Teacher IV
Araling Panlipunan Department Araling Panlipunan Department

You might also like