You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
SANGAY NG LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG PUERTO
Puerto , Cagayan de Oro City
SY 2019 – 2020
BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN X

LEKSIYON LAAN NA ORAS Inihanda ni:


Ikaapat na Markahan: 7:30 am – 8:30 am Liezl M. Monsanto
Politikal na Pakikilahok

I. Layunin:

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:


 Natatalakay kung paano nakikilahok ang aktibong mamamayan sa lipunan
 Nasusuri ang mga larawan na may kinalaman sa pakikilahok ng mamamayan
 Naipapakita ang mabuting pamamalakad ng pamahalaan para sa kapakanan ng buong bayan

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga


gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa

Pamantayan sa Pagganap

Natatalakay ang mga epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan,
politika, at lipunan

II. Nilalaman:

A. Paksa: Politikal na Pakikilahok


B. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 (ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN)
C. Awtor:
D. Pahina: 396 – 402
E. Kagamitan: pisara, yeso, pambura, larawan, manila paper, kompyuter at printer
F. Konsepto: Sa bahaging ito ay inaasahan na mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga
karapatan ng mga mamamayan na makilahok at maging aktibo sa pagboto AP10PNPIVg-7

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
Pagbati Magandang Umaga po Ginang Monsanto!
Ikinagagalak po naming makita ka.

Pagdarasal Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang


ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa
langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw araw. At patawarin Mo kami
sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad
namin, Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag
1
Mo kaming ipahintulot sa tukso,At iadya Mo
kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang
kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan,
magpakailanman. Amen.
(Pamamahala sa silid-aralan)
Bago kayo maupo iayos muna ninyo ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga papel
at iba pang basura sa inyong pwesto

Pagtatala ng Liban sa klase Magsasabi ng present ang mga mag-aaaral


kapag ang kanilang pangalan ay binanggit

A. Balik aral
Nakaraang Paksa:

Ano ang Inyong natatandaan ukol sa leksiyon Ang natalakay po natin sa nakaraang aralin ay
natin sa Aralin 2? tumutukoy sa iba’t ibang karapatan ng tao.

Maari ka bang makapagbigay ng Karapatan mo Karapatan ko pong mag-aral at magkaroon ng


bilang isang tao? pamilya, karapatan ko rin po na depensahan
ang sarili ko laban sa mga taong walang sapat
Tama! Magaling! na basehan sa pag-usisa o pagdakip sa akin

May nais ba kayong malaman at liwanagin


tungkol sa ating leksiyon kahapon? Wala na po!

Maraming salamat at kung wala nang mga


katanungan ay ipagpatuloy na natin ang ating (sasagot ang mga mag-aaral)
leksiyon.

Ngayon naman ay may ipapakita ako sa inyo na


video basahin at sagotan natin ang mga
katanungan.

1. Paano mo maipapaliwanag ang Ang video ay nagpapakita na ang mga


karapatang pampolitikal na nakasaad mamamayan ay binibigyan ng kalayaan na
sa video? bomoto at pumili ng maaring umupo at
magsilbi sa bansa.

Magaling!

2
2. Paano mo maipapaliwanag ang Pantay – pantay ang lahat ng mga mamamayan
karapatang pampolitikal na nakasaad sa pamamaraan ng pagboto
sa video?

Mahusay!
Para sa akin ang karapatang politikal ay
3. Bilang mag-aaral, Paano mo nagsasaad na ang mga mamamayang Pilipino
maipapaliwanag ang karapatang ay nararapat na bumoto at makiisa para sa
pampolitikal na nakasaad sa video? pagsulong at paglago ng bansang Pilipinas.

Napakahusay!
Ako ay nagagalak sa inyong mga sagot at
napatunayan ninyo na balang ay magiging
handa talaga kayo sa pagboto.

B. Paglinang ng Aralin

Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa


pagbabago ng ating lipunan, nararapat
lamang na kalimutan ang maling pananaw na
pamahalaan lamang ang may tungkulin na
bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan.

Kapag ang ating mga pangangailangan at


suliranin ay hindi natugunan, sino ang Pamahalaan
kalimitan nating sinisisi?

Kung ganon, nakanino ang kapangyarihan ng Mamamayan


Estado?
Dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa
Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng pamamahala upang bigyang-katugunan ang
isang mamamayan? mga hamong panlipunan

3
Ano-ano ang mga paraan para maging kalahok
dito ang mamamayan?  Paraan ng pagboto
 masidhing mga aksiyon para igiit ang
pagkakaroon ng isang mabuting
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak pamahalaan.
na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

Ang pagboto ay isang obligasyon at


karapatang politikal na ginagarantiyahan ng
ating Saligang-batas.

Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987,  Mamamayan ng Pilipinas


sino-sino ang maaring bumoto?  18 taong gulang pataas
 Tumira sa Pilipinas nang kahit isang
taon at sa lugar kung saan niya
gustong bomoto nang hindi bababa sa
anim na buwan bago mag-eleksiyon.
 HINDI DISKWALIPAKADO SA PAGBOTO

MGA DISKWALIPADONG BUMOTO


 Mga taong nasentensiyahan na
makulong nang hindi bababa sa isang
taon. Maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon pagkatapos
niyang matapos ang parusang inihatol
4
sa kaniya.

 Mga taong nasentisyahan ng hukuman


sa mga kasong rebelyon, sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms
law at anumang krimeng laban sa
seguridad ng bansa. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang
taon pagkatapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kaniya.
 Mga taong idineklara ng mga eksperto
bilang baliw.

Nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng


Ano ang mahalagang dulot ng pagboto? pamahalaan na sa tingin nila ay
makapaglilingkod nang maayos.

Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo


mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng
ating bayan.
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto.
Sino sino ang may karapatang bumoto? Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang
boto, mayaman man o mahirap.

Ngunit ang iisang botong ito ay lubhang


makapangyarihan sapagkat maaari nitong
baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging


balakid sa pakikilahok ng mga tao sa
eleksiyon.

Ayon nga sa constitutionalist na si Fr.


Joaquin Bernas (1992), ang layunin ng
pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng
mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus
ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga
makapagpapaunlad sa estado at malupig ang
mga nagpapahirap sa bayan

Bilang bata….
Nakikita mo ba ang kahalagahan ng iyong
politikal na pakikilahok?
Oo

Sa paanong pamamaraan?
Sa tamang pagboto!
Mahusay!

C. Pagpapahalaga:

Malinang ang kaalaman ukol sa kahalagahan


ng politikal na pakikalahok. Sa pamamagitan ng
pagboto ay naipapakita ng mamamayan ang
pakikilahok.

5
D. Pagtataya:

A. Ang klase ay hahatiin sa ika-lima na bahagi. Ang bawat grupo ay pipili ng lider, sekretarya,
model at mga miyembro. Susuriin ng mga mag-aaral ang sumusunod na larawan at
isusulat nila ang nakikita sa mga ito. Ipapahayag ang kanilang reaksiyon at sasagutan ang
pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

B. Sa inyong grupo, Bumuo ng isang slogan na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa politikal na


pakikilahok sa pamayanan.

RUBRIC SA ORAL REPORTING/PRESENTASYON NG SLOGAN


PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS PANGKAT

Nilalaman/Kaayusan Wasto ang nilalaman. Gumamit 10 pts


ng napapanahong datos.

Kaugnayan sa Naipahayag ang pagsusuri sa 10 pts


Paksa/Pagsusuri dahilan kung bakit patuloy na
nararanasan ang mga suliranin
sa likas na yaman gamit ang
napapanahong datos
Pagkamalikhain Malikhain at Organisado ang 10pts
paglalahad ng ideya

KABUUANG PUNTOS 30 pts

Maikling pagsusulit:

Kumuka ng ikaapat na piraso ng papel at sagotan ang mga katanungan.


1. Nakanino ang kapangyarihan ng Estado?
2. Ano ang pamamaraan para makalahok ang mamamayan sa politikal?
3. Sino-sino ang maaring bumoto?
4. Sino - sino ang HINDI maaring bumoto?
5. Ano ang mahalagang dulot ng pagboto?

6
Pagkatapos ng Pagtataya:

Magaling ang inyong presentasyon. Ako ay


nagagalak at nasisiyahan dahil nailahad ninyo
ng mabuti at nasagutan ang mga katanungan
ukol sa inyong napiling paksa.

Palakpakan natin ang lahat sa pagbahagi ng Magpapalakpakan ang lahat!


kanya kanyang paksa

Ngayon naman ay maari nyo bang ibahagi sa Ang bawat isa ay may karapatan na makilahok
klase ang mga napulot niyong aral ukol sa mga sa politika sa pamamagitan ng tamang pagboto
paksa na ibinahagi ng inyong mga kaklase. at pumili ng mga pinuno na nararapat para sa
progresibo at asinsong bansa.

Magaling ang iyong pagkakasagot.

Ngayon naman ay may mga katanungan pa ba


kayo na nais masagatutan?
May mga nais pa ba kayong klaruhin at Wala na po maam.
malaman.

E. Kasunduan

Hanapin at ibigay ang kahulugan/halimbawa ng mga sumusunod:


1. Demokrasya
2. NGO
3. PBO

Inihanda ni: Sinuri ni: Notado ni:

LIEZL M. MONSANTO EDGAR G. LACRE ROSANNA Q. UBALDE, Ph.D.


Secondary School Teacher 1 Assistant Principal Secondary School Principal

7
8

You might also like