You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN: MGA KONTEMPRARYONG ISYU

Ika-apat na Markahan
January 29-Feb. 2, 2018

I. LAYUNIN
a. Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

b. Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

c. Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na
nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko. (AP10PKKIVa-1)

Mga Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang konsepto ng pagkamamayan at pakikilahok na pansibiko.
2. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.

II. NILALAMAN
a. Aralin/Paksa: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


a. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro: 337-
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral: 354-368
Mga Pahina sa Teksbuk: 310-314 ng Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng LR:
b. Iba pang Kagamitang Panturo:

IV. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Balik-Aral: Pagtatanong sa mga mag-aaral hinggil sa tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon batay sa kasarian.
b. Pagganyak: Awit-Suri. Kakantahin ang awiting may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabangon.
c. Paglalahad ng Layunin:
Gamit ang Gawain sa pagganyak, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan?
4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?
Ipabuo ang layunin batay sa mga nagging tugon ng mga mag-aaral.

2. Panlinang ng Aralin:
a. Pagtalakay sa konsepto at kasanayan #1
Video Analysis
a. Pagpapakita ng video na nagpapakita ng konsepto pagkamamamayan at pakikilahok na pansibiko.
b. Pagsagot sa mga katanungan hinggil sa nakitang video.
1. Ano ang ipinakita sa video?
2. Paano mo maiuugnay ang iyong nakita sa konsepto ng pagkamamamayan at pakikilahok na
pansibiko?
3. Batay sa larawan, ano ang pagkamamamayan at pakikilahok na pansibiko?
b. Pagtalakay sa konsepto at kasanayan #2
a. Pangkatang Gawain. Jigsaw.
1. Ang buong klase ay hahatiin sa _____ pangkat na may anim na miyembro at ito’y tatawaging home
group. Bawat miyembro ng home group ay may sariling paksang tatalakayin kasama ang ibang
miyembro mula sa ibang home group na may kaparehong paksa at sila ay tatawaging expert group.
2. Ang mga miyembro ng expert group ay babalik sa kanilang home group pagkatapos nilang pag-
usapan at unawain ang nakaatang na paksa sa kanilang pangkat. Sa kanilang pagbabalik sa home
group, kanilang ibabahagi ang kanilang nakuhang kaalaman at ipaliliwanag kung bakit ito naging
katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
Expert Group 1: Makabayan
Expert Group 2: Makatao
Expert Group 3: Produktibo
Expert Group 4: Matatag may lakas ng loob at tiwala sa sarili
Expert Group 5: Matulungin sa Kapwa
Expert Group 6: Makasandaigdigan

c. Paglinang ng Kabihasaan
a. Ang mga mag-aaral na magsasagawa ng pagsasadula na magpapakita sa mga katangian ng isang aktibong
mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
b. Ang rubric sa pagsasadula ang magiging pamantayan sa pagtataya sa gawaing pagsasadula.

3. Pagwakas na Gawain
a. Paglalahat: Ang pagiging aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko ba ay
nakakatulong sa pag-unlad ng bansa?
b. Paglalapat: Paano natin naipapakita ang ating pakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko?
c. Pagtataya:
1. Ipaliwanag ang konsepto ng pagkamamamayan at pakikilahok na pansibiko?
2. Isa-isahin ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko.
d. Pagpapahalaga: Paanong ang pakikilahok natin sa mga gawain at usaping pansibiko nakakatulong sa pag-unlad ng
bansa?

IV. TALA
V. PAGNINILAY

You might also like