You are on page 1of 3

DAILY LESSON PLAN Paaralan: Baitang : 10

Guro: Asignatura: ARALING PANLIPUNAN


Petsa: FEBRUARY 10, 2020 Markahan: IKAAPAT
I. LAYUNIN Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayan at
Pangnilalaman pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan
at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa
kanilang sariling pamayanan.

Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang
matugunan ang iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan.
(AP10MKP-IVe-5)

Mga Layunin a. Naipapaliwanag ang iba’t-ibang uri ng karapatang pantao.


b. Natutukoy ang mga klasipikasyon ng constitutional rights.
c. Nakapapahayag ng saloobin tungkol sa mga pangyayari na may
kinalaman sa karapatang pantao.

II. NILALAMAN  Karapatang Pantao

Mga Kagamitan:
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Monitor at laptop, kartolina, marker at kagamitang biswal

Sanggunian:
Teacher’s Guide at Learner’s Module, pp. 376-379

Balik-Aral/Panimulang  Panalangin
IV. PAMAMARAAN Gawain  Pagbati
 Pagganyak

Word Search

D U K A L A Y A A N

S E G U R I D A D P

K C B P V L B V E H

E D U K A S Y O N T

G L H G R S V T I S

T R A B A H O E X O

E C Y S A Q G I M N

F P R O P E R T Y J

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salitang inyong nahanap o nakita sa loob ng kahon?
2. Sa mga salitang inyong nabanggit, ano ang inyong maiinuha o
napansin?
3. Bilang bata, ano ba ang inyong karapatan?

Paglalahad  Ilalahad ng guro ang kahulugan ng karapatang pantao at ang mga


katangian nito.
 Ipapakilala ang tatlong uri ng karapatang pantao.
Mga Gawain (Activity) Group Reporting / Pag-uulat
 Papangkatin ang mag-aaral sa tatlong grupo. Ang kada grupo ay
magkakaroon ng isang lider na kukuha ng topiko at materyales. Ang lider
ay magtatalaga ng isang taga-ulat sa klase.
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabubuo ng mga ideya at
impormasyon tungkol sa topiko sa loob ng pitong minuto.
 Ilalahad ng guro ang rubriks para pag-uulat

Natural Constitutional Statutory


Rights Rights Rights

Pagsusuri(Analysis)  Ano ang karapatang pantao?


 Ano ang apat na katangian ng karapatang pantao?

Paghahalaw(Abstraction)  Ano ang inyong natutunan sa paksang ating tinalakay?

Paglalapat(Application)  Kung sakaling nakakita ka ng isang krimen na pinatay ang isang tao. Ano
ang una mong gagawin?
 Kung ikaw naman ay binu-bully o pinapahiya ng iyong kapwa mag-aaral.
Ano ang iyong gagawin?

Pagtataya  Kumuha ng isang kapat na bahagi ng papel.

Natural Rights Karapatang Politikal

Constitutional Rights Karapatang Sibil

Statutory Rights Karapatan ng Akusado

Karapatang Sosyo-ekonomik

Ibigay ang hinihiling ng mga sumusunod at piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
2. Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa
pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
3. Mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan
sa anomang krimen.
4. Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
5. Mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging
kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi
lumalabag sa batas.
6. Mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang
ekonomikong kalagayan ng mga indibidwal.
7. Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.
8-10. Ilahad ang Tatlong Uri ng Karapatang Pantao.

Takdang Aralin  Magsaliksik ng mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao


(LM.AP10-4.21.17)

V. MGA TALA

You might also like