You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT of EDUCATION
Region III
School Division Office
Cabanatuan City
SAN JOSEF NATIONAL HIGH SCHOOL
email address: 301048sanj@deped.gov.ph

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Kwarter 4-Ika3 Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
✓ Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipuan.
I. LAYUNIN
a. natutukoy ang iba’t ibang uri ng mga karapatang pantao sa lipunan.
b. napapahalagahan ang iba’t ibang uri ng mga karapatang pantao hango sa
mga nagaganap sa isyu at hamong panlipunan.
c. naipapaliwanag ang iba’t ibang karapatang pantao hango sa mga nagaganap
sa isyu at hamong panlipunan.
a. PAKSANG ARALIN:
• Paksa-Ang Karapatang Pantao
• Sanggunian-Araling Panlipunan Ikaapat Markahan Modyul 3, Inilimbag sa Republika ng
Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
• Kagamitan: computer, mobile devices, at Internet connection
b. PAMAMARAAN
a. PANIMULANG GAWAIN:
• Panalangin
• Online Class Rules:
✓ Humanap ng komportable, tahimik, at higit sa lahat ay ligtas na lugar.
✓ Palaging “On Time”
✓ Panatilihing naka-off ang microphone kung di kinakailangan.
✓ Magpakita ng respeto sa guro at kamag-aral.
✓ Gamitin ang comment section para lamang sa may mga kinalaman sa aralin.
✓ Panatilihin ang focus at disiplina.
✓ Wag mahihiyang magtanong.
✓ at makilahok sa klase ng may kahusayan.

*Establish safe and secure learning environments to enhance learning through the
consistent implementation of policies, guidelines and procedures

b. BALIK-ARAL:
Gawain “LARAWAN SURI”: Ang mag-aaral ay suriin ang bawat larawan at alamin kung anong
bilang ng seksyon sa Saligang Batas ng Pilipinas artikulo III ang nagpapaliwanag dito, ipaliwanag
ang sagot.
A. B.

C. D.
E. E.
Ikaw ay inaaresto
sa salang _____ (o
sa pamamagitan
ng kautusan ng
pag-aresto, ipakita

SAGOT:
A.Sek 6 C.Sek 1
B.Sek 3 D.Sek 5
E.Sek 2 F.Sek 13
*Ang bawat paliwanag ay nakabatay sa ideya o pananaw ng mag-aaral.

c. PAGLALAHAD
1. Pagganyak:
Gawain “Suri-Balita”: Ang mag-aaral ay susuriin ang nilalaman base sa headline ng mga
larawan ng balita. Alamin kung anong pahayag ang kaugnay rito.
A.Karapatang Sibil
B.Karapatang Politikal
C. Karapatang Ekonomiko
D. Karapatang Kultural
MGA LARAWAN:
1. 3.

4. 5.

*Use effective verbal and non-verbal classroom communication strategies to support


learner understanding, participation, engagement and achievement
SAGOT:
1.D
2.C
3.B
4.A

*Ang guro ay tutugon upang sabihin na ang mga sumusunod na pahayag sa gawain ay ang
aspekto ng karapatang pantao bilang leksyon sa araw na ito.

2. Pagtatalakay:
Gawain: “I-kategorya mo” Ang mag-aaral ay ihahanay ang mga pahayag na nasa loob ng
kahon sa tamang kategorya/Aspekto ng karapatang pantao, ipaliwanag ang sagot kung bakit.

Kalayaan sa pagsasalita Karapatan sa pagkain Karapatan sa edukasyon


Karapatan makilahok sa kalinangan Karapatang makapag-hanapbuhay
Pagkakapantaypantay sa harap ng batas

Karapatang Sibil Karapatang Politikal Karapatang Ekonomiko Karapatang Sibil

SAGOT: * tutugon ang guro sa sagot/paliwanag ng mag-aaral


Karapatang Karapatang
Karapatang Sibil Karapatang Kultural
Politikal Ekonomiko
Pagkakapantaypantay Karapatang makapag-
Kalayaan sa pagsasalita Karapatan sa edukasyon
sa harap ng batas hanapbuhay
Karapatan makilahok sa
Karapatan sa pagkain
kalinangan
* tugon ng guro/tatalakayin ang mga sumusunod:

*Natutukoy ang iba’t ibang uri ng mga karapatang pantao sa lipunan.


• Ang karapatang sibil, o sa wikang Ingles ay ang civil rights, ay ang klase ng mga karapatan na
nagpoprotekta sa kalayaan ng mga indibidwal mula sa paglabag sa mga gobyerno, samahan
ng lipunan, at mga pribadong indibidwal.
• Ang karapatang politikal ay ang pantay pantay na karapatan ng bawat mamamayan na
tumakbo para mamuno sa pamahalaan, bumoto, at humawak ng isang posisyon sa isang
lipunan.
• Ang karapatang ekonomiko ay tumutukoy sa pagkakaroon natin ng karapatan na makilahok
sa mga gawaing pangekonomiko.
• Ang karapatang kultural ay tumutukoy sa karapatan ng bawat tao na mapaunlad ang agham
at kultura ng isang pamayanan.

Mga uri ng karapatang pantao:

✓ Natural Rights-mga karapatang taglay ng bawat tao kahit Hindi ipagkaloob ng estado
✓ Constitutional Rights-Ito ay ang pinagsama-samang karapatan ng isang mamamayan ayun
sa nakatandhana sa batas ang mga karapatang ito at pinagtipay ng konstitusyon ng isang
bansa.
✓ Statutory Rights- Ang mga ligal na karapatan ng isang indibidwal, na ipinagkaloob sa kanya
ng lokal at pambansang awtoridad na namamahala.

*Across Curriculum- Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao EsP9TT - IIa -5.1

*Within Curriculum- Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga


tungkulin bilang isang mamimili AP9MKE-Ih-18
Gawain: Ang mag-aaral ay ipapaliwanag ang kaugnayan ng larawan/simbolo sa tatlong uri ng
karapatang pantao.

*Use effective verbal and non-verbal classroom communication strategies to support


learner understanding, participation, engagement and achievement

NAIS NA SAGOT: *Ang paliwanag ay base sa ideya o opinyon ng mag-aaral

Constitutional Rights

Statutory Rights

Natural Rights

c. PAGLALAHAT: Ang mag-aaral ay sasagutin ang katanungan.

✓ Saiyong palagay, ano-ano ang mga karapatan na dapat tamasahin ng isang tulad niyong
mamamayang mag-aaral?, magbigay ng dalawa (2) at ipaliwanag.

d. PAGPAPAHALAGA

✓ Saiyong palagay, ano ang nais ipahiwatig ng mga kataga na nasa larawan?, ipaliwanag.

e. PAGLALAPAT
*Bago simulant ang gawain ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
✓ Panatilihing active at ang pakikilahok sa loob ng virtual inbox/messenger group chat na
itinalaga ng guro sa bawat grupo.
✓ Makinig sa leader ng grupo at igalang ang ano man na plano nito para sa gawain.
✓ Ang alinman na hindi magandang salita ay HINDI PINAPAYAGAN sa loob ng group chat.
✓ Sundin ang oras na itinalaga.

*Establish safe and secure learning environments to enhance learning through the
consistent implementation of policies, guidelines and procedures
MGA PANUTO:
✓ Ang bawat mag-aaral ay bubuo ng grupo, sa isang grupo ay may lima(5) na miyembro.
✓ Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng “National Flag Days 2022”, ating alamin ang bawat
kahulugan ng mga kulay na mayroon sa ating watawat.
✓ Ang apat(4) na miyembro ay itatalaga sa bawat kulay -Blue, Red, Yellow, at White. At
ang bawat isa ay ipapaliwanag bawat kulay ayon sa kahulugan nito na nakaugnay alin
man sa isa(1) sa “Aspekto ng Karapatang Pantao”. supportahan ng makatotohanang
halimbawa*maaring gumamit ng video samples o kahit ano man kagamitan upang mahusay na
maisagawa ang gawain.
• Blue-KAPAYAPAAN, KALAYAAN, at HUSTISYA
• Red-KATAPANGAN at MAKABAYAN
• Yellow-PAGKAKAISA at DEMOKRASYA
• White-PAGKAKAPANTAY-PANTAY
✓ Bilang isang grupo, gawan ng sariling paliwanag ang mga katagang “Pag-suong sa Hamon
Ng Panibagong Bukas” (Ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon).
✓ Ang natitirang miyembro ay guguhit o lilikha ng watawat ng Pilipinas. *Ito ay ang miyembro na
walang sapat na kakayahang magkonsepto.
✓ Habang sinasagawa ang presentasyon ay dapat pinapakita ang nilikhang watawat.

Pamantayan sa pagwawasto:
✓ Kalinisan at kawastuhan ng ginawang watawat…………………..25%
✓ Kauyusan at kalinawan ng paghahatid ng mga salita…………..25%
✓ Kaangkupan ng mga salita…………………………………………………..25%
✓ Kabuuan ng presentasyon…………………………………………………..25%
KABUUAN: 100%

*Maintain learning environments that promote fairness, respect and care to


encourage learning

*Apply a range of successful strategies that maintain learning environments that


motivate learners to work productively by assuming responsibility for their own
learning

*Napapahalagahan ang iba’t ibang uri ng mga karapatang pantao hango sa


mga nagaganap sa isyu at hamong panlipunan.

*Naipapaliwanag ang iba’t ibang karapatang pantao hango sa mga nagaganap


sa isyu at hamong panlipunan.

f. TAKDANG ARALIN
✓ Ang mag-aaral ay inaasahang magsasagawa ng pangunang pagbabasa o pagalam patungkol
sa mga sumusunod:
• UDHR
• Children’s Right
✓ Asahan ang pagkakaroon ng oral recitation sa susunod na araw.
✓ Maaring bisitahin ang mga sumusunod na link:
• https://www.ohchr.org/en/human-rights/universal-declaration/translations/filipino-tagalog
• https://www.scyofbc.org/every-child-tagalog/

Inihanda ni:
JAN CARL B. BRIONES
Teacher I

Iniwasto ni:
IMELDA H. SEBASTIAN
Head Teacher I-AP

You might also like