You are on page 1of 16

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Karapatan na
dapat tamasahin sa Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na:


Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang
sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit,


larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang


maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng


Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Cheryl H. Colle


Editor: Lilia C. Perez
Tagasuri: Lilia C. Perez
Tagaguhit: Edison P. Clet/Brezel B. Huezo
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations
Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD
(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling
Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang


Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
2
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Mga Karapatan na dapat Tamasahin sa
Komunidad
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipuna 2 ng Modyul 4 para sa araling
Paglalarawan kung paano ipinatutupad ng komunidad
ang mga karapatan na dapat tamasahin ng mga kasapi
nito!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan
ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan
ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing
Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito,
ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay
at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga
kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical
Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita
ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan


2, Modyul 4 ukol sa Paglalarawan kung paano
ipinatutupad ng komunidad ang mga karapatan na
dapat tamasahin ng mga kasapi nito!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto
ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at
mga dapat mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at
naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t
ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga
mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang
konsepto na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at
nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-
aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagkatapos nitong Aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang mailalarawan kung paano ipinatutupad ng
komunidad ang mga karapatan na dapat tamasahin ng
mga kasapi nito; at Masasabi ang mga karapatan na
dapat tamasahin ng mga kasapi sa komunidad.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung


ipinatutupad ng komunidad ang karapatan nang maayos
at malungkot na mukha kung hindi:
_____1.Maganda ang plasa ng aming komunidad.
Maraming mga bata ang ligtas na naglalaro rito tuwing
walang pasok sa paaralan.
_____2.Hindi nag-aaral si Carlo dahil sa kahirapan. Dahil sa
libreng edukasyon, tinulungan siya ng isang kagawad ng
barangay na makapasok sa paaralan.
______3.Maraming mga bata ang may angking
kakayahan sa pag-awit at pagsayaw sa aming
komunidad. May proyekto ang aming Kapitan na
paligsahang pangkultural upang malinang ang
kakayahang ito.
______4.Sa ilalim ng tulay naninirahan ang pamilya nina
Robert. Pinagtagpi-tagping kahon at plastik ang kanilang
bahay.
______5.Ang pamilya ni Angelo ay masayang naninirahan
sa kanilang komunidad.

BALIK-ARAL
PANUTO: Punan ng tamang letra upang makabuo ng
salitang tumutukoy sa karapatan ng bata:

1. 2.
E d_ _ a_ _ on P a g l_ l_ r_

3. 4.
ma_u s_g P_ m i _ y _

5. 6.
P_ g k_ i_n T_r_h_n

ARALIN

“Bawat Karapatan, May Pananagutan Ako”


Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Mahalaga bang malaman nating lahat ang ating mga
karapatan?
Tinatamasa ba natin ito sa ating mga komunidad?

Basahin natin ang sinasabi ng mga bata:

Ako si Aliyah, isinilang akong malusog. Binigyan


ako ng pangalan at ipinarehistro sa tulong ng aming
komadrona sa Barangay. Tungkulin kong pangalagaan
ang aking pangalan.

Ako si Roy, maliit lang ang aming tahanan subalit


may pagmamahalan ang bawat isa sa aming pamilya.
Inaalagaan kaming mabuti ng aming mga magulang.
Bilang ganti, sinusunod ko ang lahat ng payo ng aking
mga magulang para sa aking kabutihan.

Ako si Xyler, masaya akong pumapasok sa aming


paaralan. Maliit lamang ito subalit libre ang lahat ng
pangangailangan. Sinusuportahan ito ng aming
komunidad. Tungkulin kong mag-aral nang mabuti upang
makatapos ng aking pag-aaral.

Ako si Rica, malinis at tahimik ang aking


komunidad. Alam kong ligtas akong naninirahan dito.
Tungkulin kong tumulong sa paglilinis ng kapaligiran nito.

Ako si Ben. Malaya akong nakapaglalaro sa plasa


ng aming komunidad. Ligtas at maraming palaruan ang
ipinagawa ng aming Kapitan. Tungkulin kong ingatan
ang mga kagamitan sa palaruan
Sagutin Natin:
1. Ano anong karapatan ang tinutukoy ng mga bata
sa usapan?
2. Tinatamasa ba ng mga bata ang mga karapatan sa
kanilang komunidad? Ipaliwanag.

MGA PAGSASANAY

A.PANUTO: Pagtambalin ang mga larawan na nasa


Hanay A sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B

____1. Maisilang at
mabigyan ng pangalan
a.
____2. Magkaroon ng
magulang na mag-aaruga
____3. Makapag-aral

____4. Makapaglaro at
makapaglibang b.

____5. Magkaroon ng
maayos na tahanan
c.

d.

e.

B. PANUTO: Iguhit ang kung ang ipinatutupad ng


komunidad ay mga karapatan at kung hindi:
____1. Masayang naglalaro ang mga bata sa parke at
plasa. Maayos at ligtas kasi ito sa mga bata.
____2. Libre ang mga gamot sa aming Health Center.
Kaya ang lahat ay pumupunta dito upang mabigyan ng
sapat na gamot.
____3. Ang mga bata sa aming komunidad ay nag-aaral.
Maayos ang aming paaralan at libre ang matrikula dito.
____4. Si Ana ay isang mahirap lamang, kaya sa ilalim ng
tulay sila nakatira.
____5. Maraming romorondang mga taga Barangay sa
aming komunidad. Tinitingnan nila kung ang lahat ay
ligtas sa mga panganib lalo na sa sakit na dulot ng
COVID-19.
C. PANUTO: Iguhit ang iyong sarili sampung taon (10)
simula ngayon. Isulat sa ibaba ng guhit kung natatamasa
mo ang karapatan bilang bata.
Guhit:

________________________________________________________
________________________________________________________

PAGLALAHAT

PANUTO: Basahin ang tanong at isagawa ang isinasaad


nito.
Ano-ano ang mga karapatan na tinatamasa natin
sa ating komunidad? Magtala ng limang (5) karapatan
na iyong natamasa sa inyong komunidad. Isulat ito sa
ibaba:
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang


katanungan:
Ang pamilyang Rodriguez ay nakatira sa ilalim ng
tulay. Mabaho at marumi ang kanilang komunidad na
kinabibilangan. Sa palagay mo, natatamasa ba nila ang
karapatan na ipinatutupad sa isang komunidad? Oo o
Hindi? Bakit?
Isulat ang iyong sagot sa ibaba:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Sagutin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng


mga sumusunod ng mga karapatang ipinatutupad sa
isang komunidad. Isulat ang sagot sa patlang:
________1. Hindi nakokolekta ang mga basura sa
komunidad kaya nagkalat ito sa kalsada at
nangangamoy na.
________2. Nasa gilid ng kalsada ang barong-barong na
bahay ng isang pamilya.
________3. Kumakain ng masustansiyang pagkain at sa
tamang oras ang mga bata.
________4. Munting bata pa lang si Roy ngunit
nagbebenta na siya sa kalye para matugunan ang
pangangailangan ng kanyang pamilya.
________5. Karapatan ko na manirahan sa isang maayos,
malinis at tahimik na komunidad.

SUSI SA PAGWAWASTO

C. Guhit

5. Tama 5.
4. Mali 4.
3. Tama 3.
2. Mali 2.
1. Mali 1.
Panapos na pagsubok B. (Sagot)

5. ☺ 5. b
4.  4. e
3. ☺ 3. a
2. ☺ 2. d
1. ☺ 1. c
Paunang Pagsubok A. (Sagot)

Pagsasanay

Sanggunian
Batayang aklat sa ikalawang baitang (Kagamitang Mag-
aaral) pahina 223-226
https://drive.google.com/drive/mobile/folders/1xmFmQB
OoXRtwxgvtmm1Xdc-k-rFT3pzO/10qUO9Oak6PwGKY-
t4dB2N7DPi7V0_RZm?usp=sharing&sort=13&direction=a

You might also like