You are on page 1of 13

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Unang Markahan – Modyul 4: Bugtong at Pagbuo ng Sariling Karunungang-
bayan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Editor: Adela S. Cruz at Paul John S. Arellano
Tagasuri: Josefina T. Salangsang – Puno ng Kagawaran sa Filipino
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Paul John S. Arellano
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Bugtong at Pagbuo ng Sariling Karunungang-bayan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 8 ng Modyul
para sa araling Bugtong at Pagbuo ng Sariling Karunungang-bayan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 Modyul ukol sa Bugtong


at Pagbuo ng Sariling Karunungang-bayan !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan.

Layuning Pampagkatuto:
• Nalalaman ang kahulugan, katangian at gampaning panlipunan ng bugtong
noong panahon ng mga katutubo;
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng bugtong, salawikain, sawikain, at
kasabihan;
• Nakasusulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Magbugtungan tayo! Tukuyin kung anong bagay, lugar, o hayop ang
ipinahihiwatig sa sumusunod na bugtong.

_____1. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


A. internet B. yoyo C. tainga D. mata
_____2. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
A. wheel chair B. tungkod C. bolpen D. kandila
_____3. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari
A. aparador B. sampayan C. kabinet D. washing machine
_____4. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
A. kurbata B. sinturon C. lubid D. baging
_____5. Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay.
A. bulaklak B. pusa C. kalendaryo D. halaman
BALIK-ARAL

Panuto: Piliin sa Hanay B kung anong uri ng karunungang-bayan ang nasa Hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Mas dapat nating ingatan ang ating A. Pasahol
kalusugan sa panahong ito na may pandemya.
B. Magkatulad
2. Di-gaanong magastos ang kumain ng
masusustansyang pagkain kaysa gumastos C. Pautos
ka sa ospital pag nagkasakit.
D. Palamang
3. Magkasinghalaga ang kalusugan at hanapbuhay
ng tao.

4. Higit na marami ang kinakain ko sa agahan


kaysa sa hapunan.

5. Si Bea ay kasinggaling ni Angelo sa pagsayaw.

ARALIN

Sa araling ito ay ibabahagi ko sa iyo ang isa pang pasalitang panitikan noong
panahon ng mga katutubo. Ang mga bugtong! Bata ka pa lamang ay madalas na
kayong maglaro ng mga bugtong lalo pa noong ikaw ay nasa mababang lebel ng
elementarya.

Ang bugtong ay nagsimula bago pa dumating ang mga kastila kung ang pag-
uusapan ay ang kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginamit upang libangin ang mga tao
sa mga oras na wala silang ginagawa.
Dahil dito nakasanayan na itong gawin ng mga taong nagkakatipon sa patay
o sa gabi. Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga tao na nagsasagawa
nito. Iyon nga lamang hindi na kasindami ng mga tao noon.
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may
doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Sa panitikan ng mga Pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng
paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala.
Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa
pamamagitan ng mga bagay na nakalahad mismo sa bugtong.
Isa itong palaisipan na susubukin ang iyong galing sa pagdiskubre ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga salita na nilalaman ng isang bugtong.
Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na madalas ay
walang paksa o simuno. Mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi namang
nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na makikita sa kapaligiran.
Nawawala ang ganda at bisa ng bugtong kapag marami itong posibleng sagot. Ang
bugtong ay mayroon lamang iisang tamang sagot.
Ang bugtong ay mayroon ding sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng
dalawa hanggang apat na taludtod.
1. Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa
kapaligiran.
2. Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging
katangian sa bagay na binanggit sa naunang linya.
May dalawang uri ang bugtong:
1. Mga talinghaga (o enigma), bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong,
mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan.
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng
patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, inilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-
araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Bilang isang maikling tula, madalas itong naging palaisipan sa tuwing
naglalaro ang mga bata. Isang karunungang-bayan na naglalayong palaguin ang
kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may
tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.
May Apat na Katangian ang tunay na bugtong
Ito ay ang tugma, sukat, kariktan, at ang talinghaga na siyang
pinakamahalagang katangian nito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1. Hulaan kung anong bagay, hayop o lugar ang ipinahihiwatig sa


bawat bugtong.

__________1. Bugtong! Bugtong! Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat


__________2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
__________3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
__________4. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
__________5. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Pagsasanay 2. Ayusin ang mga titik na nasa loob ng panaklong upang masagot
ang palaisipan sa bawat bugtong.

__________1. (o t a) Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang
tumanda ay tatlo na.
__________2. (l a a k a p) May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.
__________3. (r a b i l) Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
__________4. (k s a d o n) May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
__________5. (b s a y a a b ) Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Pagsasanay 3. Bumuo ng sariling karunungang-bayan na angkop sa
napapanahong isyu o kalagayan ng lipunan. Pumili lamang ng isa
sa mga karunungang-bayan na tinalakay.

Halimbawa: Paksa : Covid 19


Salawikain : Aanhin pa ang ayuda kung sa bulsa naman
ng buwaya mapupunta.

PAMANTAYAN/RUBRIKS SA PAGBUO NG SARILING KARUNUNGANG-BAYAN

Karunungang- Napapanahon Nagtataglay Orihinal o Kariktan at KABUOAN


bayan ang paksang ng angkop na walang Impact
ginamit elemento at kaparehong
istruktura gawa
(5 puntos) (5 puntos) (5 puntos) (5 puntos)

(Salawikain,
Sawikain,
Kasabihan o
Bugtong)

/20

PAGLALAHAT

Panuto : Punan ang patlang upang mabuo ang talata.

Ang (1) __________ ay ginamit noong panahon ng mga katutubo upang libangin
ang mga tao sa mga oras na wala silang ginagawa. Isa itong pangungusap o tanong
na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang (2) __________. May
dalawang uri ang bugtong, ito ay (3) __________ at Palaisipan. Inilalarawan ng
bugtong ang (4) __________, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong
paligid ng mga Pilipino. Layunin nito na palaguhin ang kakayahang (5) __________
ng mga Pilipino. May apat na katangian ang tunay na bugtong. Ito ay ang Tugma,
(6) __________, at ang Talinghaga na siyang pinakamahalagang katangian nito.
PAGPAPAHALAGA

Panuto : Dugtungan ang mga salita upang makabuo ng pahayag.


Mahalaga ang karunungang-bayan dahil sa _____________________________________
Natutuwa ako dahil _____________________________________________________________
Nakalulungkot isipin na _________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng angkop na sagot sa hinihingi ng bawat aytem

____1. Ito ay isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na


nilulutas bilang isang palaisipan.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain

____2. Ang Bugtong ay hindi lamang nagdudulot ng kasiyahan o libangan kundi ito
ay ____.
A. isang laro lamang
B. nagpapatalas din ng isipan
C. palatandaan ng pagiging mayabang
D. ginagamit bilang pang-asar sa bawat kasapi ng laro

____3. Napananatili ang ganda at bisa ng Bugtong kapag mayroon lamang itong
____.
A. lantad na sagot
B. nakalilitong sagot
C. isang tamang sagot
D. maraming posibleng sagot
____4. Katulad ng ibang uri ng karunungang-bayan, ano ang inilalarawan ng
Bugtong na sumasalamin sa mga Pilipino?
A. Ang pagiging sugalero ng ibang mga Pilipino.
B. Ipinakikita ang pagkahilig ng mga Pilipino sa laro.
C. Sadyang mapagtangkilik ang mga Pilipino sa kahit anong bagay.
D. Inilalarawan ang pag-uugali, kaisipan at pang-araw-araw na buhay ng
mga Pilipino.

____5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa katangiang tinataglay ng


Bugtong?
A. Saknong B. Sukat C. Talinghaga D. Tugma
Corporation, 2014
2. Tiongson, Pat C. et al., Batikan 8 . Quezon City: Educational Resources
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017
1. Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.
Sanggunian
MGA PAGSASANAY PAGLALAHAT
Pagsasanay 1 1.Bugtong
1. Ampalaya 2. palaisipan
2. anino 3. Talinghaga
3. Gamugamo 4. pag-uugali
4. Gumamela 5. pangkaisipan
5. Langka 6. Kariktan PAUNANG
PAGSUBOK
Pagsasanay 2 PAGPAPAHALAGA 1. D
1. tao (nasa kapasyahan na ng 2. C
2. Palaka guro ang pagbibigay ng 3. B
3. baril puntos) 4. B
4. sandok 5. C
5. Bayabas PANAPOS NA
PAGSUSULIT BALIK-ARAL
Pagsasanay 3 1. A 1. D
(gawing gabay ang 2. B 2. A
rubriks) 3. C 3. B
4. D 4. D
5. A 5. B
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like