You are on page 1of 14

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Pamagat Paghahambing ng iba’t ibang
dokumentaryo.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Pangalan Theresa A. Halina
Editor: Pangalan Edwin C. Noche
Tagasuri: Pangalan Rubelyn G. Dela Cruz
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Pamagat
Paghahambing ng iba’t ibang
dokumentaryo.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (FILIPINO Ikalimang Baitang)
ng Modyul para sa araling Paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo. !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (FILIPINO Ikalimang Baitang) Modyul ukol


sa Paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo. !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito; ang mag-aaral ay inaasahang;


A. Masubok ang kakayahan sa pag-unawa ng nabasa o napanood;
B. Makapaghambing ng iba’t- ibang dokumentaryo.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Tukuyin kung ang sumusunod ay pamagat ng teleseryo o


pelikula:
______1. SOCO
______2. Pangako Sa Iyo
______3. Bukas Luluhod ang mga Tala
______4. Ang Probinsiyano
______5. Bituing Walang Ningning

BALIK-ARAL

Basahin ang teksto. Sagutin ang mga tanong .Isulat ang Tama o
Mali:
Pagtulong sa Kapwa
May mga batang sira-sira ang mga damit, malalim ang mga mata na
tila ba may papatak na luha, mga batang walang tsinelas sa paa, ang nanay
nilang nakaupo sa sahig karga ang isang maliit na sanggol habang iniaabot
ang lata sa mga nagdaraan. Sila ang madalas nating nakikita dahil sa
kahirapan ng buhay.Paano kaya sila nabubuhay sa ganitong lugar. Paano
sila kumakain o nakakakain pa ng aba sila? Nakakatulog ba sila ng
maayos sa gabi.Kung iisipin natin masuwerte tayo kaysa sa kanila.
Kaya nga nararapat natin silang tulungan. Bigyan ng pagkain, inumin at
mga damit. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya habang
inaabot ang munting tulong para sa kanila.

1. Ang kahirapan ang isang nagpapahirap sa ating mga mamamayan.


2. Ang pagtulong sa ating kapwa ay isang magandang kaugalian.
3. Marami sa ating mga kababayan ang ganito ngayon dahil sa pandemic.
4. Sa ating pagtulong dapat maghintay ng kapalit.
5. Hindi sila nararapat tulungan.

ARALIN

Anumang bagay na ating nakikita, napapakinggan, at napapanood


ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa
buhay. Ang dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan at realidad na
pangyayari sa buhay at sa lipunan. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan
at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning pangekonomiya at sa
mga katiwalian.

2 uri ng dokumentaryo

1. Dokumentaryong pampelikula- ang pangunahing layunin ng


dokumentaryong pampelikula ay makapagbigay ng impormasyon,
manghikayat at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang
panlipunan. Isa itong ekspresyong biswal na nagtatampok ng
katotohanan sa buhay ng mga tao sa lipunang ginagalawan.
Elemento ng dokumentaryong pampelikula:
1. Skrip- tumutukoy sa pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa
pelikula.
2. Sinematograpiya-paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang
maipakita sa mga manonood ang pangyayari.
3. Tunog at musika- pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
mga tunog ng mga dayalogo.
Iba pang elemento ng ng dokumentaryong pampelikula
1.Pananaliksik o reserts- paghahanap ng katotohanan at detalye ng
dokumentaryo.
2.disenyong pamproduksyon- kaangkupan ng lugar, eksena, damit at
iba pang biswal.
3.pagdidirehe – pamamaraan at diskarte ng direktor upang patakbuhin

Ang kuwento.

4.pag-eedit- pagputol at pagdugtong ng mga eksena sa isang eksena.

2. dokumentaryong pangtelebisyon- ay isang programa sa telebisyon


na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o
problemang panlipunan, politikal at historikal.Nilalayon ng
dokumentaryo na irekord ang ilang aspekto ng katotohanan para
makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord na
kasaysayan.
Katangian ng dokumentaryong pangtelebisyon
1. paksa- tumutukoy sa nilalaman ng dokumentaryo
2. Layunin-ito ang nais sabihin ng mga nasa likod ng paksa ng
dokumentaryo.
3. Anyo- ang anyo ng dokumentaryo ay nahuhugis habang nasa
proseso na kung saan ay may diskusyon.
4. Estilo o teknik-tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng
kamera.
5. Uri ng karanasan-ang dalawang bahagi nito ay aestetiko at ang
epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa
ng aksyon.
Ang dokumentaryong pampelikula at pangtelebisyon ay may
pagkakatulad at pagkakaiba.
Pagkakaiba
Pampelikula- mas mahaba mas komprehensibo, sa sinehan
ipinalalabas, mas magastos iprodyus.
Pantelebisyon- mas maikli, ito ay serye ng palabas,maaaring
panoorin sa bahay, may pagkakataon na ipinalalabas sa sinehan.
Pagkakatulad
Parehong tumatalakay sa katotohan o realidad ng buhay sa
lipunan.
Kung nabasa ninyo ng maayos sagutin ang sumusunod na
tanong:

1. Ano ang dokumentaryo? ______________________________________


2. Ano ang dokumentaryong pampelikula?_______________________
3. Ano ang dokumentaryong pangtelebisyon?
____________________________________________________________________

4.Ano ang pagkakatulad ng dalawa?

________________________________________________________________

5.Ano ang pagkakaiba ng dokumentaryong pampelikula at


pangtelebisyon?

____________________________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Bilang 1
Panoorin ang video. Sagutin ang mga tanong . Isulat ang titik ng
tamang sagot:

1. Anu-ano ang pamagat ng dokumentaryong iyong napanood?


A. Rosa at Minsan isang taon
B. Manoro /Ang Guro at I-Witness/Suntok sa Pangarap
C. Sukob at Soco
D. Agatha at Elias
2. Anu-anong uri ng dokumentaryo ito?
A. Pampelikula at pangtelebisyon
B. Pangradyo at pangtelebisyon
C. Pampelikula at panradyo
D. Pelikula at telebisyon
3. May pagkakatulad ba ang dokumentaryong pangtelebisyon at
pampelikula:
A. Oo B. Wala C. Minsan D. magkaiba
4. Ano ang kanilang pagkakaiba?
A. Ang pampelikula ay mahaba
B. Ang pangtelebisyon ay maikli
C. Ang pangtelebisyon ay napapanood sa bahay
D. Ang pampelikula ay mahaba ang pangtelebisyon ay maikli
5. May napulot ba kayong magandang aral sa inyong napanood?
A. Wala B. Meron C. Minsan D. Konti lang

Pagsasanay Bilang 2
Panoorin ang video. Basahin ang mga pangungusap Iguhit ang masayang
mukha kung tama ang sinasabi at malungkot na mukha kung Mali:

1. Ang Video ng Yapak ay tungkol sa batang gustong makapag-aral.


2. Ang dalawang video ay may may pagkakatulad.
3. Ang Yapak ay nakakapagbigay ng inspirasyon para sa kabataang
gustong makapag-aral.
4. Ang Video tungkol sa kaalaman ng mga Millenials sa wikang Filipino
ay nakakaaliw panoorin.
5. Sa video ng dokumentaryong pangtelebisyon ipinapakita na maraming
alam ang mga kabataan tungkol sa wikang Filipino.

Pagsasanay Bilang 3
Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa talaan sa loob ng
kahon:
Paksa sinematograpiya estilo layunin pagdidirehe
uri ng karanasan anyo

_________1. May dalawang bahagi ito aestetiko at ang epekto sa tao na


maaaring magtulak sa kanya paragumawa ng aksyon.
__________2. Ang anyo ng dokumentaryo ang nahuhugis habang nasa
proseso na kung saan ang diskusyon ay orihinal.
_________3.Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa
manonod ang pangyayari.
_________4. Tumutukoy sa nilalaman ng dokumentaryo.
__________5. Pamamaraan ng director upang patakbuhin ang kuwento.
PAGLALAHAT

Marami ka bang natutunan?Ngayun sagutin mo ang mga tanong ng OO o


Hindi:
1. Naunawaan mo ba ang iyong binasa?
2. Napaghambing mo ba ang mga dokumentaryo?
3. Hindi maganda ang panonood ng mga dokumentaro?
4. May napulot ka bang aral sa panonood mo ng dokumentaro?
5. Nakalilibang ba ang panonood ng dokumentaryo?

PAGPAPAHALAGA

Anu- ano ang nakapalaoob sa isang dokumentaryo?


Lagyan ng tsek / bago ang bilang at ekis X kung hindi:
____1. Katotohanan at realidad

____2.Tungkol sa mga artista.


____3.Pangyayari sa buhay.
_____4. Kahirapan at korapsyon.
______5.Problema sa edukasyon.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Isulat ang WOW kung dokumentaryong pantelebisyon at PANES
kung dokumentaryong pampelikula:
1. Kapuso Mo Jessica Soho_________
2. Tirador ______________________
3. I-Witness_______________________
4. Lola___________________________
5. Rated K____________________

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok 3.Ay programa sa telebisyon na naglalahad


1.Teleserye ng katotohanan sa lipunang ginagalawan.
2.Pampelikula 4.Pareho silang nagpapakita ng realidad
3.Pampelikula o katotohanan.
4.Teleserye 5.Ang pampelikula ay mahaba ang
5.Pelikula pantelebisyon ay maikli.
Balik-Aral Pagsasanay 1
1.Tama 1.B 2. A 3. A 4. D 5. B
2.Tama Pagsasanay 2

3. Tama 1.  2.  3.  4.  5. 
4.Mali
5.Mali
Aralin
1.Ang dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan
O relaidad na pangyayari sa buhay.
2.Isa itong ekspresyong biswal na nagtatampok
Ng katotohanan sa lipunang ginagalawan.
Pagsasanay 3 Panapos na Pagsusulit
1. Uri ng karanasan 1. WOW
2. Anyo 2.PANES
3. Sinematograpiya 3.WOW
4. Paksa 4. PANES
5. Pagdidirehe 5.WOW
Paglalahat
1. Oo
2. Oo
3. Hindi
4. Oo
5. Oo
Pagpapahalaga
1./
2.X
3./
4./
5./

Sanggunian

https://filipino matuto. Wordpress. Com./2017/2/03


https://www.google com.ph https://www ampedasia com.
https://www.youtube.comwatch?vcy19L3IXcfk&
httpos://www.youtube. com./watch?v=2XOHITL-Qhs& feature= share

You might also like