You are on page 1of 15

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Nagagamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap sa
pakikipagpanayam o interview

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Shiela Ortega/Mary Ann A. Gallego
Editor: Meriam V. Cencil
Tagasuri: Ma. Teresita E. Herrera, Ed.D / Monina J. Cruz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Nida C. Francisco
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde, Ed.D (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio, Ph. D (EsP)
Dulce O. Santos, Ph. D (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao, Ed. D (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Nagagamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap sa
pakikipagpanayam o interview
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Modyul 10 para sa
araling ukol sa Nagagamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap sa
pakikipagpanayam o interview.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 Modyul 10 ukol sa Nagagamit ang ibat-


ibang uri ng pangungusap sa pakikipagpanayam o interview.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong natutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


nagagamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap sa pakikipagpanayam o
interview

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang isang panayam ng iyang guro sa isang magulang ng


isang batang nag-oonline class at alamin kung anong uri mga pangungusap
ang ginamit sa pakikipanayam.Isulat ang sagot sa patlang.
Guro: Magandang Araw po! Kamusta po ang inyong anak sa kanyang online
class?
Magulang: Magandang araw din po! Maayos naman po ang kalagayan ng
aking anak sa kanyang online class.
Guro: Mabuti naman po kung ganun. Mayroon po ba mga problema na
nakakaharap ang iyong anak sa kanyang online class?
Magulang: Mayroon po maam. Kapag wala po kame pangload hindi po
nakaka pasok ang aking anak yan po an gaming problema.
Magulang: Naku po! Problema nga iyan!
______________1.Magandang Araw po!
______________2.Kamusta po ang inyong anak sa kanyang online class?
______________3,Maayos naman po ang kalagayan ng aking anak sa kanyang
online class.
______________4.Kapag wala po kame pangload hindi po nakaka pasok ang
aking anak yan po an gaming problema.
_______________5.Naku po! Problema nga iyan!
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang sumusunod.

1. Ang aking Ama ay isang frontliner._____________________________________


2. Huwag kang lalabas ng bahay sapagkat umuulan.___ __________________
3.Naku! Marami na pala ang may sakit na covid-19 sa ating
bansa._______________________
4. Sino dapat lapitan ng mga taong nawalan ng trabaho dahil sa
pandemya?____________
5. Ginagawa ng local na pamahalaan ang lahat para matulungan ang mga
biktima ng covid-19 sa ating bansa.__________________________

ARALIN

Panuto: Basahin ang isang maikling diyalogo ng batang si Bea at ng isang


doktor.

Pamagat: Maikling panayam

Sulat ni:Ginang Shiela Ortega

BEA: Magandang hapon po! Ako po si Bea. Maari po ba kayo

makapanayam tungkol sa inyong paglilingkod sa bayan?

Dr.Cruz: Magandang hapon din sa iyo Bea. Aba! Oo naman, pweding pwede.

Halika maupo tayo.

BEA: Maraming salamat po sa pagtanggap sa aking panayam! Kumusta

naman po kayo ngayon?

Dr. Cruz: Maayos naman ako sa ngayon, kahit maraming gingawa.

BEA: Mahirap po bang maging isang doktor?


Dr. Cruz: Hindi naman mahirap ang maging isang doktor, masaya sa

pakiramdam kung may nagagamot at napapagaling mo ang isang

may sakit.

BEA: Ilan na po ang napagaling niyo?

Dr. Cruz: Marami na din, nasa mahigit isang daan na.

BEA: WOW! Magaling! Napakagaling niyo po sigurong doktor.

Dr. Cruz: Salamat! Minsan nakakalungkot lang na may mga pasyenteng

mahirap pagalingin dahil marami na din komplikasyon at tadhana

na siguro ng Diyos.

BEA: Kahanga-hanga po ang iyong mga gingawa. Nararapat kayong

hangaan sapagkat hindi biro ang maging isang doktor lalo na po sa

panahon ngayon kayo po higit kailangan ng taong bayan.

BEA: Maraming salamat po Dr. Cruz sa oras a iyong binigay para kayo ay

aking makanayam.Maari ko po kayong kamayan?

Dr. Cruz: Oo naman,Walang anuman!

MGA TANONG

_______ 1.Sino ang batang nakapanayam ng isang doctor?

_______ 2.Ano ang kanyang ginawa?

_______ 3.Sino ang kanyang nakapanayam? Ano ang kanyang

trabaho?

_______ 4.Mahirap ba ang maging isang doctor? Bakit?

_______ 5.Dapat ba nating ipagmalaki ang mga doktor lalo na sa

panahon ngayon? Sa paanong paraan?


MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1.
PANUTO:Ano anong uri ng pangungusap ang makikita sa
diyalogo ng batang si BEA at Dr. Cruz.Ilagay ang sagot sa
patlang.
____________1. Ilan na po ang napagaling niyo?
____________2. Masaya sa pakiramdam kung may nagagamot at
napapagaling mo ang isang may sakit.
___________3. Walang anuman!
_____________4. WOW! Magaling! Napakagaling niyo po sigurong
doctor.
______________5.Maari kop o ba kayong kamayan?
PAGSASANAY 2.
PANUTO: Sumulat ng limang ibat-ibat uri ng pangungusap gamit
ang pagpipilian sa kahon.

Patanong Padamdam
Pasalaysay Pautos Pakiusap
1._______________________________________________
2._______________________________________________
3._______________________________________________
4.______________________________________________
5._______________________________________________
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang isang panayam ng iyang guro sa isang
magulang ng isang batang nag-oonline class isulat ang
pangungusap na ginamit sa panayam.Piliin ang sagot sa kahon.
Guro: Magandang Araw po! Maari po ba kame pumasok sa
inyong tahanan.Kamusta po ang inyong anak sa kanyang online
class?
Magulang: Magandang araw din po! Maayos naman po ang
kalagayan ng aking anak sa kanyang online class.
Guro: Mabuti naman po kung ganun. Mayroon po ba mga
problema na nakakaharap ang iyong anak sa kanyang online
class?
Magulang: Mayroon po maam. Kapag wala po kame pangload
hindi po nakaka pasok ang aking anak yan po an gaming
problema.
Magulang: Naku po! Problema nga iyan!

a.Maari ba kame pumasok?

b.Naku!Problema nga iyan.

c.Maayos naman po ang kalagayan ng aking anak s akanyan online class.

d. Mayroon po maam. Kapag wala po kame pangload hindi po nakaka pasok ang aking anak yan
po an gaming problema.

e. Mayroon po ba mga problema na nakakaharap ang iyong anak sa kanyang online class?

1.Padamdam

2.Patanong
3.Pasalaysay

________________________________________________________________
4.Pasalaysay
________________________________________________________________
5.Pakiusap o pautos

________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Ano-ano ang uri ng pangungusap? Ilang uri meron ang


pangungusap?

PAGPAPAHALAGA

Anyayahan ang iyong magulang at kapanayamin kung ano ang


kanilang pakiramdam at pananaw sa napapanahong sakit na
covid 19? Siguraduhing magagamit ang ibat ibang uri ng
pangungusap.
Isulat sa malinis na papel ang sagot ng iyong magulang at ang
iba’t ibang pangungusap na ginamit sa kanilang mga naging
tugon sa panayam.Gamitin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang masasabi mo sa kumakalat na covid-19 sa ating bansa
ngayon?
_______________________________________________________
2. Hala nakatakot magkakaroon ka ng covi-19 !
Ano ang una mong gagawin kung matatamaan ka din nito?

_____________________________________________________
3. Nakakalungkot ang mga balita ngayon.Sa palagay mo ano ang
dahilan ng patuloy na pagkalat ng sakit na ito?

_______________________________________________________
4. Maari ba irelax mo muna ang iyong isipan.Nakkaramdam ka din ng
takot at pangamba sa ngayayare ngayon sa ating bansa?

_____________________________________________________
5.Nawalan kaba ng trabaho dahil sa pandemya?

________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO:Tukuyin ang sumusunod kung anong uri ng pangungusap


ito.note: gumawa ka ng limang tanong para sa isang interview. Lagyan ng m
4 na choices na sagot gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

A. Hindi po ako sang ayon na may pasok tuwing sabado sapagkat kame ng aking
anak ay naghahanap buhay.
B. Abah po subrang kulit po hindi sumusunod sa akin!
C. Opo nahihirapan ang aking anak sa pagsagot ng modyul, maari po ba kame
huminge ng tulong sa inyo.
D. Hindi po nakaka pasok ang aking anak sa online class minsan kasi wala po kame
pangload.
E. Gumagastos po kame 100 mahigit sa isang linggo para sa load.
Basahin ang mga tanong sa pakikinayam ng isang guro sa mga magulang
ng batang nag-oonline class.

1. Bakit hindi po nakakapsaok ang inyong anak sa online class?


2. Magkano po ang inyong pinapaload sa araw-araw para makapasok
ang inyong anak sa online class?
3. Bakit po kayo nahihirapan sa inyong anak?
4. Nahihirapan ba ang mga bata sa pagsagot ng modyul?
5. Bakit po kayo hindi sang-ayon na sa araw ng sabado ay may pasok?
SUSI SA PAGWAWASTO

Mga Tamang Sagot:


Paunang Pagsubok
1.Padamdam
2,Patanong
3.Pasalaysay
4.Pasalaysay
5.Padamdam
Balik-aral
1.Pasalaysay
2. Pautos o pakiusap
3.Padamdam
4. Patanong
5. Pasalaysay

Pagsasanay 1
1.Patanong
2.Pasalaysay
3.Padamdam
4.Padamdam
5.Pakiusap
Pagsasanay 3
1.b
2. e
3.c
4. d
5.b
Panapos na pagsusulit
1.d
2.a
3.b
4.c
5.a
Sanggunia

You might also like