You are on page 1of 14

MTB-MLE 2

MTB-MLE – Ikalawang Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Iba’t-ibang Ekspresyon na
Naaangkop sa Baitang upang Magpahayag ng Sariling Kaisipan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Aileen M. Mergal
Editor:
Tagasuri: Jeffrey D. Martinez
Tagaguhit:
Tagalapat: Yolanda M. Portugues
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MTB-MLE 2
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Paggamit ng Iba’t-ibang Ekspresyon
na Naaangkop sa Baitang upang
Magpahayag ng Sariling Kaisipan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 – Modyul sa araling


Paggamit ng Iba’t-ibang Ekspresyon na Naaangkop sa Baitang upang
Magpahayag ng Sariling Kaisipan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 – Modyul sa araling


Paggamit ng Iba’t-ibang Ekspresyon na Naaangkop sa Baitang upang
Magpahayag ng Sariling Kaisipan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Magandang araw sa inyo mga bata! Sa araling ito


ay matutuhan mong gamitin ang ibat-ibang
pagpapahayag o ekspresyon na naaangkop sa baitang.
Handa na ba kayo matuto sa ating bagong aralin? Tara!
Simulan na natin.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin mo ang tugma ng may tamang ekspresyon:

Sa silid-aralan
Ang mga bata
ay maraming natutunan.

Tanong:
Sino ang nasa silid-aralan?
Sino ang maraming natutunan?
Saan maraming natutunan ang mga bata?
BALIK-ARAL

Piliin at isulat ang titik ng salitang kilos o pandiwa sa


bawat pangungusap.

1. Ang mga mag-aaral ay masayang naglalaro sa


parke.
A. mag-aaral C. naglalaro
B. masaya D. parke

2. Si Aling Isabel ay maagang namamalengke araw-


araw.
A. Aling Isabel C. araw-araw
B. maaga D. namamalengke

3. Kumakain ng hilaw na mangga ang magkakaibigan.


A. kumakain C. magkakaibigan
B. hilaw D. manga

4. Araw-araw naglalakad si Ben papunta sa paaralan.


A. araw-araw C. papunta
B. naglalakad D. paaralan

5. Si Rosa ay laging kumakanta sa entablado.


A. entablado C. Rosa
B. laging D. kumakanta
ARALIN

Mga bata,alam ba ninyo inyong obligasyon o mga


gawain? Ano-anong obligasyon o mga gawain ng isang
bata ang alam ninyo? Bakit kailangan nating gampanan
ang ating obligasyon?
Ngayong araw ay may babasahin tayong kuwento
tungkol sa mga obligasyon o gawain ng isang batang
katulad ninyo.
Ang Batang Mahilig Sa Gadyet
ni: Aileen M. Mergal
Si Ben ay batang walang ginawa sa araw-araw kundi
ang maglaro ng gadyet.Mula paggising hanggang
pagtulog ay gadyet lang ang hawak niya. Hindi na siya
nakakatulong sa mga gawaing bahay na dapat ay
nagagawa niya bilang isang bata. Dahil sa maghapong
nakatutok sa gadyet ay nakalimutan na niyang kumain,
kahit ang paliligo ay hindi na rin nya nagagawa hanggang
sa siya ay napapagalitan ng kanyang nanay.
Isang araw, may kakaibang naramdaman si Ben,unti-
unting lumabo ang kanyang mga mata at tuluyan na
siyang nawalan ng paningin.

Mga bata sa pagbabasa ng kuwento,dapat bigkasin ng


naaayon sa nilalaman, may tamang ekspresyon at may
damdamin.
MGA PAGSASANAY

A. Basahin ang tula ng may damdamin at tamang


ekspresyon.

Ang Pag-aaral
ni: Aileen M. Mergal

Sa lahat ng minamahal naming kabataan


Dapat isaisip at laging tandaan
Ang pag-aaral ng mabuti at masinsinan
Ay may dulot na magandang kinabukasan

Kaya ang pag-aaral ay dapat mong pagbutihin


Upang ang kinabukasan mo’y mapabuti
at wala kang sisisihin
Nang magtagumpay ka,sa anumang naisin
At maging sa buhay na iyong tatahakin.
B. Sagutin ang mga tanong batay sa tulang
binasa.Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng tulang iyong binasa?


A. Ang Pag-aaral C. Sa iyong Pag-aaral
B. Sa Pag-aaral D. Ang Mag-aaral

2. Sino ang dapat na mag-aral ng mabuti ayon sa tula?


A. Guro C. kabataan
B. Magulang D. kapit-bahay

3. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng pag-


aaral ng mabuti maliban sa isa.Alin dito?
A. Magkaroon ng magandang kinabukasan
B. Magiging maunlad ang buhay
C. Maabot ang mga pangarap
D. Magiging tambay

4. Mahalaga ba ang pag-aaral ng mabuti?


A. Opo B. Ewan ko po C. hindi po D. Siguro

5. Bilang mag-aaral sa ikalawang baitang,ano ang


gagawain mo upang makapagtapos ng pag-aaral?
A. Maglalaro ng cellphone
B. Matutulog maghapon
C. Magiging masipag sa pag-aaral
D. Manonood ng telebisyon sa lahat ng oras
C.Basahin nang may damdamin ang tula at sagutin ang
tanong sa ibaba.

Ang kalinisan ay dapat pinapanatili.


Sa ating kapaligiran at sa sarili
Kaligtasan natin sa sakit at sakuna
Isang gawain na napakahalaga

Tanong:
1. Ano ang dapat nating panatilihin?
A. kalinisan C. sakuna
B. kapaligiran D. sarili
2. Saan dapat nating panatilihin ang kalinisan?
A. Sakit at sakuna C. gawain
B. Kapaligiran at sarili D. pagpapahalaga
3. Ano ang magiging epekto ng kalinisan sa sarili?
A. Maging matalino C. Maging mahiyain
B. Maging sakitin D. Maging malusog
4. Mahalaga ba ang kalinisan?
A. Opo B. Ewan ko po C. Hindi po D. siguro
5.Bilang isang bata,ano ang gagawin mo upang
mapapanatili ang kalinisan?
A. Iligpit ang kalat at ilagay sa basurahan
B. Pabayaan ang sarili
C. Pagtatapon ng basura kahit saan
D. Itambak ang basura sa mga kanal
PAGLALAHAT

Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.


Sa pagbabasa ng kuwento at tula, gumagamit ng
ibat-ibang pagpapahayag o __________. Bigkasin nang
maayos ang mga salita nang may damdamin.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Kulayan ng dilaw ang kung ang sinasaad


ay tama at pula naman kung mali.

_________1. Ang pag-aaral ng masinsinan ay magdudulot


ng mabuting kinabakusan at maunlad na
pamumuhay.
_________2. Ang pag-hawak ng gadyet maghapon ay
Paraan upang maabot ang pangarap
_________3. Magkakaroon ng magandang kinabukasan
kapag nakapagtapos ng pag-aaral.
_________4. Magiging masaya ang iyong mga magulang
kung ikaw ay mag aaral ng mabuti.
_________5. Ang utos ng magulang ay hindi dapat
sinusunod.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin nang may damdamin at tamang ekspresyon


ang tula at sagutin ang tanong sa ibaba.
Sipag at tiyaga
ni: Aileen M. Mergal

Ang sipag at tiyaga ay dapat ugaliin


Nang mga kabataan sa pag-aaral ay pairalin
Lahat ng pangarap na inaasam ay matutupad
Kinabukasan at buhay ay tiyak na uunlad.

1. Ano ang pamagat ng tula?


A. Sipag at tiyaga C. Pag-aaral
B. Kabataan D. Sipag at talino
2. Anong pag-uugali ang dapat taglayin ng isang bata
ayon sa tula?
A. tamad C. Pambubully
B. masipag at matiyaga D. matalino
3. Ano ang dapat gawin upang maging
matagumpay?
A. Matulog maghapon C. mag-aral ng mabuti
B. Maglaro ng gadyet D. makipag-away
4. Ano ang dapat unahin ng isang bata?
A. paglalaro C. pag-aaral
B. pakikipag-away D. pagtulog
5. Dapat bang taglayin ng bata ang pagiging masipag
at matiyaga?
A. Opo B. Ewan ko po C. hindi po D. Siguro po
MELC.
Salvatus, G. U. (2013). K-12 Mother Tongue Based Multi-lingual 2. Pasig City Philippines: DepEd
Sanggunian
Panapos na Pagpapahalaga
Pagsusulit 1.
1. A 2.
2. B 3.
3. C 4.
4. C
5.
5. A
Pagsasanay C Pagsasanay B Balik-aral
1. A 1. A 1. C
2. B 2. C 2. D
3. D 3. D 3. A
4. A 4. A 4. B
5. A 5. C 5. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like