You are on page 1of 15

Filipino 3

Filipino – Ikatlong Baitang


Unang Markahan – Modyul 1: Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay sa
tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Julie Talay Villegas
Editor: Cinderella I. Canja
Tagasuri: Leni D. Andres at Jennylin E. Corpuz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 3
Unang Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Pangngalan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Ikatlong Baitang ng Modyul para
sa araling Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay sa tungkol sa mga tao,
lugar at bagay sa paligid!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikatlong Baitang Modyul ukol sa Nagagamit ang


pangngalan sa pagsasalaysay satungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Magandang araw! Ito ang unang araw ng ating aralin sa


Filipino. Sana’y marami kang matutuhan.Handa ka na bang mag-
aral?
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang magagamit mo ang
pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at
bagay sa paligid.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang kuwento ni Lilia.


Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang
mabuo ang talata. Isulat sa sagutang papel.

Ang Batang Masipag Mag-aral

Si Lilia ay isang batang masipag mag-aral. Bago siya


matulog sa gabi, muli niyang binabasa ang (aklat,aralin) na
itinuro ng kaniyang (guro,nanay) upang sa kinabukasan ay
makasagot at makasali siya sa talakayan sa klase. Sa panahon ng
pagsusulit, walang oras na hindi nag-aaral si (Lilia, Lina) dahil para
sa kaniya makatutulong ito upang makakuha ng mataas na
marka. Hindi rin siya nakalilimot na tumulong sa kaniyang (nanay,
kapitbahay) sa mga gawaing bahay.
BALIK-ARAL

Natatandaan mo pa ba kung ano ang pangngalan?

Isulat sa loob ng kahon ang pangngalang ginamit sa


pangungusap.

1.Ang mga mag-aaral ay sumasayaw.

2.Si Sarah Geronimo ay magaling umawit.

3. Ang ay may alagang aso.

4.Nagpunta kami sa palengke kahapon.

5.Nagsuot ako ng facemask.

ARALIN

Anong pagdiriwang ang ipinapakita sa larawan.

Ano ang ginagawa mo kapag malapit na ang pista sa


inyong bayan?
Tumutulong ka ba sa paghahanda?
Ating basahin ang kuwento. Alamin natin kung ano-anong
paghahanda ang kanilang ginagawa sa nalalapit na kapistahan
at kung anong kaugaliang Pilipino ang ipapakita ng bawat
tauhan sa kuwento.

Ang Pista sa Aming Bayan

Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong


sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan. May kabataan na
nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng banderitas.

May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak


sa mga sasakyan na gagamitin sa prusisyon. Ang mga lalaki
naman ay nag-aayos ng mga ilaw.

Ang mga nanay naman ay abala sa paghahanda ng mga


pagkain tulad ng suman, halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang
mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang bakuran.

Ang mga batang katulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay


katulong sa paglilinis ng aming bahay.

Sagutan ang mga tanong na mula sa kuwento.


1. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa bayan?
2. Anong mga paghahanda ang kanilang isinasagawa sa
nalalapit na pista?
3. Sino-sino ang mga nakilahok sa paghahanda?
4. Ano-anong mga pangngalan ang nabanggit sa kuwento?

Tao Bagay Lugar


bata banderitas bayan
matanda sasakyan
kabataan ilaw
nanay pagkain
tatay
Sa tulong ng mga larawan. Bumuo ng pangungusap na
pasalaysay.

ilaw nanay bata dyip

Inaayos ni tatay ang ________sa aming bahay. Samantalang


si ________ay matiyagang namamalantsa ng aming damit.
Masayang naghuhugas naman ng pinggan ang _________ sa
kusina.Tuwang-tuwa ang mag-anak dahil nakabili ng bagong
______ si tatay.

MGA PAGSASANAY

Ginabayang Pagsasanay
GAWIN MO
Bilugan ang mga pangngalan na nakapaloob sa bawat
pangungusap. Tukuyin kung ito ay tao, lugar o bagay, isulat ito
sa kahon.

1. Si Dr. Mark Dela Cruz ay isang masipag na doktor.

2. Sa paaralan marami akong natutunan.

3. Masaya ako sa natanggap kong regalo na bisikleta.


4. Marami ng bukas ngayon na pamilihan sa palengke.

5. Nakakita kami ng unggoy sa Manila Zoo.

SUBUKIN MO
Buuin ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na salita sa
bawat pangungusap.

kalsada radyo sundalo tahanan pamahalaan

Ugaliing makinig ng balita sa _____ upang patuloy na


makatanggap ng kaalaman tungkol sa virus na covid 19. Ang
mga tao ay nasa loob ng kanilang ________ at wala kang
makikitang tao sa ________. Ang mga _____ ay nagsilbing
frontliners noong ECQ sa ating bansa.Patuloy na naghahanap
ang _______ng lunas upang malabanan ang Covid-19.

PAGYAMANIN MO

Piliin sa loob ng kahon ang tamang pangngalan na angkop sa


bawat pangungusap.

Lungsod ng Pasig facemask


bahay prutas
alcohol
Nababahala ang mga tao sa ____________ dahil sa
kumakalat na sakit na Covid-19.Sinasabing ang sakit na ito ay
isang uri ng virus na madaling makahawa sa sinomang
makasalamuha ng isang taong may sakit na covid-19.Mahigpit
ang paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na maging
maingat.Pinapayuhan din ang mga tao na laging maghugas ng
kamay,magspray ng ____________, magsuot ng _____________
panatilihin ang social distancing , manatili sa loob ng___________at
kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay at
___________. Sa ganitong paraan maiiwasan ang paglaganap ng
nasabing virus.

PAGLALAHAT

Marami ka bang natutunan sa aralin ngayon? Ano-ano ang


mga ito? Isulat ang Tama kung natutunan mo at Mali kung hindi.
_______1. Nalinang ang aking kakayahan sa paggsasalaysay sa
pagbuo at pagsulat ng pangungusap.
_______ 2. Nadadagdagan ang kaalaman ko sa pagbuo ng
salita o parirala.
_______ 3. Napapalawak ang aking kaalaman sa pagbabasa ng
pangunusap at talata.
_______ 4. Nagamit ko ang mga pangngalan sa pangungusap sa
tulong ng mga larawan.
_______ 5. Nakabuo ako ng talata gamit ang mga pangngalan.
PAGPAPAHALAGA

Isulat ang tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagpapakita


ng bayanihan at ekis (X) kung hindi.
________1. Ang bayanihan ay isa sa magagandang kaugalian ng
mga Pilipino.
________ 2. Panatilihin ang magagandang katangian lalo na ang
pagtutulungan sa panahon ngayon.
________ 3. Maghintay ng kapalit sa pagtulong ng kapwa.
________ 4. Ang batang katulad mo ay may mga bagay na kaya
mo ng itulong sa iyong kapwa.
________ 5. Ang bayanihan ay nagpapakita ng pagtutulungan na
hindi naghihintay ng anomang kapalit.

Marami tayong mga magagandang kaugaliang Pilipino na


dapat nating ipagmalaki at pagyamanin. Isa na rito ang
bayanihan na nagpapakita ng pagtutulungan sa bawat isa na
hindi naghihintay ng anomang kapalit.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

TAYAHIN

Panuto: Bilugan ang mga pangngalan na ginamit sa bawat


pangungusap.

1. Si Mang Lando ay isang mabait na sorbetero.


2. Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan.
3. Nasira ang aming telebisyon.
4. Malinis manamit si Daisy.
5. Bawal lumabas ngayon sa bahay.
Mga Pagsasanay
GAWIN MO
1. Dr. Mark Dela Cruz - tao
Paunang Pagsubok
2. paaralan – lugar
1. aralin PAGLALAHAT
3. bisikleta – bagay
2. guro 1. Tama
4. palengke – lugar
2. Tama
3. Lilia
5. unggoy – hayop 3. Tama
4. nanay Manila Zoo - lugar
4. Tama
5. Tama
Balik – Aral SUBUKIN MO
1. mag – aaral 1. radyo PAGPAPAHALAGA
2. Sarah Geronimo 2. tahanan
1. ✓
3. aso 3. kalsada 2. ✓
3. X
4. palengke 4. sundalo 4✓
5. ✓
5. facemask 5. pamahalaan
PAGYAMANIN MO Panapos na Pagsusulit
1. Lungsod ng Pasig TAYAHIN
2. alcohol 1. Mang Lando
3. facemask 2. bata/palaruan
4. bahay 3. telebisyon
5. prutas 4. daisy
5. Tama 5. bahay
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
BOOK
Angelika D. Jabines , Batang Pinoy Ako- Patnubay ng Guro, 5th
Floor Mabini Building. Deped Complex, Meralco Avenue, Pasig
City, REX Book Store , Inc. Unang Edisyon 2015, pah. 1,
LiGhT ArOhL Follow. 2014. “K TO 12 GRADE 3 LEARNER'S MATERIAL
IN FILIPINO.” LinkedIn SlideShare. July 5, 2014.
https://www.slideshare.net/lhoralight/filipino-36652316.

Dep Ed Most Essential Learning Competencies F3WG-Ia-d-2 F3WG-


IIa-c-2
DIGITAL IMAGE
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:A_Child_In_His_Colorful_A
ttire_At_Kalibo_Ati-Atihan_Festival,_Philippines.jpg
“Woman Ironing Clothes.” 2012. Educational Technology
Clearinghouse. Florida Center for Instructional Technology (FCIT).
February 15, 2012.
https://etc.usf.edu/clipart/67800/67878/67878_iron-clothes.htm.

“Jeepney Clipart Black and White 3.” n.d. Clipart Station Jeepney
Clipart Black and White 3 Comments. Accessed June 22, 2020.
https://clipartstation.com/jeepney-clipart-black-and-white-3/.

“Download Table Cartoon.” n.d. KissClipart. Accessed June 22,


2020. https://www.kissclipart.com/market-stall-clip-art-clipart-
market-stall-borders-apsqnm/.

“Free Monkey Clip Art Images: Cute Baby Monkeys: Cartoon Clip
Art, Monkey Art, Cartoon Monkey.” n.d. Pinterest. Accessed June
22, 2020. https://www.pinterest.ph/pin/496240452664460859/.

“Doctor Cartoon Clip Art Clipart - Free Clipart: Enfermeira


Desenho, Caricatura, Desenho.” n.d. Pinterest. Accessed June 22,
2020. https://www.pinterest.ph/pin/347903139943113245/.
“Cycling Bicycle Clipart Free Images 6.” n.d. ClipartBarn.
Accessed June 22, 2020. http://clipartbarn.com/cycling-
clipart_19494/.

Vedran. “Vintage Radio Vector Image.” Vintage radio vector


image | Free SVG. OpenClipart, July 5, 2014.
https://freesvg.org/vintage-radio-vector-image.
Vedran. “Vector Image of Yellow Detached House with a Red
Roof.” Vector image of yellow detached house with a red roof |
Free SVG. OpenClipart, August 7, 2015. https://freesvg.org/vector-
image-of-yellow-detached-house-with-a-red-roof.
Vedran. “Vector Illustration of Open Road.” Vector illustration of
open road | Free SVG. Openclipart, January 24, 2014.
https://freesvg.org/vector-illustration-of-open-road
Vedran. “School Building Vector Image.” School building vector
image | Free SVG, July 7, 2014. https://freesvg.org/school-
building-vector-image11750.
Public Domain Clip Art Image: Boy Playing with Toy Truck.” Public
Domain Files, March 10, 2014.
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13944850212
758.
Public Domain Clip Art Image: Lightbulb Bright.” Public Domain
Files, November 26, 2012.
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13539874817
342.

You might also like