You are on page 1of 13

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 16: NAkakakuha ng impormasyon sa pamamagitan
ng pahapyaw na pagbasa.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Archilene M. Matusalem
Editor: Vivian U. Bantigue
Tagasuri: Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikatlong Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Nakakakuha ng Impormasyon sa
Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ika-anim na Baitang
ng Modyul 16 para sa araling Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ika-anim na Baitang. Modyul 16


ukol sa Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Handa ka na ba sa araw na ito? Simulan na natin.


Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na matututunan mo ang pagkuha
ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.


Haiku at Diyamante
Ang haiku ay maikling tula na gumagamit ng mga pandama upang
maipahayag ang saloobin. Kadalasang ito ay tungkol sa elemento ng
kalikasan. Ito ay binubuo ng 17 na pantig.
Ang diyamante ay isang uri ng tula na nasa anyong diyamante. Ang
bawat taludtod ng tula ay gumagamit ng partikular na salita kagaya ng pang-
uri at pandiwa. Ito ay hindi naman kailangan may tugma.
Tanong:

1. Ano ang tinutukoy sa teksto?


_________________________________________________________________
2. Paghambingin ang haiku at diyamante.
_________________________________________________________________

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin mabuti ang maiksing talambuhay ni Josefa “Pepa”


Llanses-Escoda. At sagutin ang tanong.
Ipinakita at ipinadama ni “Pepa” o Josefa Llanes Escoda ang pagiging
makabayan at magiting na Pilipino noong panahon ng digmaan bago siya
bawian ng buhay. Naging matulungin at nagsilbi siya sa iba’t ibang
samahan kasama na rito ang Girl Scouts of the Philippine. Sadyang
masipag at magilas si “Pepa” kahit noong bata pa siya.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa tungkol kay “Pepa”
Gusto mo bang maging katulad ni Pepa? Bakit?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ano ang iyong dapat mong gawin upang maging katulad ni Pepa?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ARALIN

Handa ka na ba sa iyong bagong aralin?


Basahin at unawain ang teksto.

Maging aktibo at bahagi ng kampanya


“Clean and Green,” “No to Drugs” at “Bantay Bata”
Mga paraan ito ng pagbibigay ng pagmamahal,
Kayat ugaliin ang pagtulong sa kapwa.

Huwag ihinto ang Gawain


Huwag mag-alinlangan sa adhikain
Pagtulong sa iba’y ugaliin
Upang lahat maging masayahin

Layunin ng gawain ay isipin,


Detalye nito ay dapat tiyakin;
Magsumikap na mabuti sa pagtu[pad,
Nitong makabuluhang layuning

 Nabasa mo ba ang maikling teksto ng maayos?


 Sa iyong pagbabasa nakuha mo ba ang mahalagang impormasyon?
 Paano mo ito binasa? Mabilis? Mabagal? O binasa mo ito ng sakto lang?

Basahin muli ang maikling sanaysay. Bibigyan kita muli ng 3 minuto upang
basahin at unawain ito.

Malaki ang impluwensiyang nagawa ng pananakop ng mga Hapones sa


Pilipinas hindi lamang sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino sa aspektong
pangkabuhayan kundi maging sa larangan ng panitikan. Dahil sa pananakop
na ito(1941-1944),ipinalagay ng nakararaming naluluwalhatian sa panitikan
na ang sumunod na taon 1945, ay simula ng pagsibol ng gintong panahon ng
maikling kwento. Sakop sa panahong ito ang kautusang pagbabawal ng
paggamit ng Ingles kaya’t pumaimbulog ang Tagalog bilang gamit na wika sa
pakikipagtalastasan kabilang ang paraang pasulat,partikular ang pagsulat
ng maikling kwento .

 Ano ang pakiramdam mo habang binasa ito?


 Sa paanong paraan mo ulit ito binasa? Mabilis? Mabagal? Sakto?
 Nakuha mo ba ang mahalagang detalye sa iyong binasa?
 Napansin mo bang habang ikaw ay nagbabasa ay hinanap mo agad ang
mahalagang impormasyon sa teksto?

Ang iyong pagbabasa ay isang paraan ng pahapyaw na pagbasa, ito ay isang


uri ng pagbabasa. Ang tawag sa iyong ginawa ay “skimming”.
Tandaan:
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa o pinakamabilis na pagbasang
magagawa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na
bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
Isang teknik ito ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng
impresyon sa materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti. Hanggad nito
ang makakuha ng pangkahalatang ideya, sa pagbasang ito ang pokus ay wala
sa detalye kundi nasa pangkalahatang kaisipan

MGA PAGSASANAY

Upang lubusan maunawaan ang aralin. Sagutin ang mga pagsasanay.

Pagsasanay A
Panuto: Basahin at unawain ang teksto upang masagot ng wasto ang mga
tanong.

Ang Solar I, isang tangkeng pandagat na pagmamay-ari ng Petron na


naglalaman ng dalawang milyong litro ng langis na tumaob sa laot ng dagat
sa Guimaras noong Agosto11, 2006. Patuloy na tumagas ang langis na dala-
dala nito sa bilis na 250 litro kada oras. Isang bapor galing sa bansang Hapon
ang tumulong sa pagtanggal ng lumubog na barko sa pamamagitan ng mga
makabago nitong kagamitan. Ayon kay Gob. Joaquin Carlos Nava,umabot na
sa15 hanggang 16 kilometro kuwadrado ng bahura, 105 ektaryang
bakawan,42 ektaryang taniman ng mga halamang dagat at 11,080 tao ang
naapektohan ng tumagas na langis. Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast
Guard, nagpadala na sila ng mga bangka upang tumulong sa operasyon ng
pag-alis ng naturang langis. Ang mga residente naman ng Guimaras ay
nangalap ng mga buhok upang makatulong sa pagsipsip ng mga tumagas na
langis.
-GMA News Tv
Panuto: Kumpletohin ang detalye ng binasa mong balita.

1. Anong barko ang tumaob?


_____________________________________________________
2. Saan tumaob ang barko?
_____________________________________________________
3. Kailan ito nangyari?
_____________________________________________________
4. Ano ang naging epekto nito sa karamihan?
_____________________________________________________
5. Anong bansa ang tumulong upang malinis ang langis sa dagat?
_____________________________________________________

Pagsasanay B

Panuto: Unawain ang maikling teksto at sagutin ang mga tanong.

Si Melvil Dewey ay isang Amerikanong nakatira sa New York. Nang


masunog ang paaralang kaniyang pinapasukan, sinagip niya ang mga libro
sa silid-aklatan. Makailang ulit siyang naglabas-masok sa silid aklatan upang
maiwas ang mga libro sa pagkakasunog. Sanhi ng kanyang pagsagip sa mga
aklat,nakalanghap siya ng usok na naging dahilan upang magkaroon siya ng
ubo. Sinabi ng doctor na malala ang sakit niya. Nang marinig ni Melvil Dewey
ang sinabi ng doctor, inayos niya ang mga libro. Dahil sa mabisa at
sistematikong pamamaraan ni Dewey, tinanggap ito ng mga silid -aklatan sa
Amerika at kalauna’y buong mundo.
Isulat ang pangunahing kaisipan
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________
Paano nagkaroon ng DCC o ang Dewey Classification System?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Sa modyul na ito,ano-ano ang iyong natutunan?

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Mahalaga ba na matutunan ang argumento?


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bakit mahalaga ang argumento sa atin?


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Isa sa mga estratehiya sa pagbasa ang skimming. Nakatutulong itong


mapabilis ang pagtukoy sa mahahalagang detalye ng babasahin.
Panuto: Mag-skim at salungguhitan ang mahalagang salita sa talata. Isulat
ang pangunahing kaisipan nito sa patlang.
1. Marami ang nagsabi na ang Pasko ang pinakamahalagang araw ng mga
Kristiyano sapagkat ito ang araw ng pagsilang ng Panginoong Hesus.
Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Disyembre. Dito nagkakaroon ng
pagkakataon na magsama ang pamilya.

Student’s Digest 2008


Pangunahing kaisipan
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ang Flores de Mayo ay ginaganap tuwing buwan ng Mayo. Ito ay


iniaalay ng mga Kristiyano kay Birheng Maria. Ang mga altar ay
nilalagyan ng dekorasyon at bulaklak. Ang mga batang babae ay
naglalakad habang umaawit nang patungkol sa mahal na birhen
papunta sa altar upang ialay ang mga bulaklak.
Pangunahing kaisipan
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Emilia L. Banlaygas-Eleanor D. Antonio
Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
Yamang Filipino 6-Rex BookStore
Sanggunian
Pagsasanay B
Panapos na PAgsusulit
1. Si Melvil Dewey isang Amerikanong
1. Pangunahing kaisipan may matinding pagmamahal sa mga
Pasko-Pinakamahalagang araw para sa mga libro.
Kristiyano. 2. Dahil sa matinding pagmamahal ni
Melvil Dewey, dahil sa kaniyang
2. Pangunahing kaisipan mabisa at sistematikong
Flores de Mayo ang pag-aalay sa Mahal na pamamaraan.Inayos niya ang mga
Birheng Maria. libro at kalauna’y tinanggap sa mga
silid aklatan.
Pagsasanay A
1. Ang barkong tumaob ay ang Solar
I
2. Tumaob ito sa dagat ng
Guimaras.
3. Nangyari ito noong Agosto Paunang Pagsubok
11,2006.
4. Marami ang naapektohan,gaya 1. Ang tinutukoy sa teksto ay ang tungkol sa
ng mga tao na nakatira doon at dalawang uri ng tula.
ang malawak na taniman ng 2. Ang haiku ay kadalasan tungkol sa
halamang dagat. element ng kalikasan at mayroon itong 17
5. Hinintay ang barkong galling sa na pantig sa bawat taludtod. Samantalang
bansang Hapon ay para ang diyamante ay gumagamit ng particular
tumulong sa pagtanggal sa na salita kagaya ng pandiwa o pag-uri. Ito
lumubog na barko. ay walang tugma.
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga may Akda/Koordineytor
Lorna B. Castillo – Jennifer F. Dichoso
Mga may-akda

Komunikasyon6 -Rex Bookstore


Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
Emilia L. Banlaygas-Eleanor D. Antonio
Mga may Akda/Koordineytor
Lorna B. Castillo – Jennifer F. Dichoso
Mga may-akda

Baybayin 6- Rex Book Store


Paglalayag sa Wika at Pagbasa
Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
Mary Ann Escoto
Schedar Jacson
May Mojica
Mga May-akda
Maria Wavenia Ricohermoso

You might also like