You are on page 1of 3

Department of Education

Region I
Division of Pangasinan I
Malasiqui District II
MABULITEC INTEGRATED SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EPP VI
Name: _____________________________________________

Score: ____________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Si Ador ay nagbenta ng itlog na galing sa kanyang alagang manok. Kung ang isang itlog ay nagkakahalaga ng
3.75, magkano ang halaga ng isang dosena?
a. 55.00
b. 45.00
c. 35.00
d. 25.00
2. Kung ang isang kilong karne ng baboy ay 95.00, ano ang halaga ng tatlong kilo?
a. 285.00
b. 295.00
c. 275.00
d. 305.00
3. Paano mo malalaman kung ang proyektong pag-aalaga ng hayop ay kumikita o hindi?
a. mag-imbertaryo
c. magbasa
b. magtuos/magkwenta
d. magtinda
4. Alin ang may mas mataas na presyo ng itlog?
a. malalaking itlog
c. katamtaman ang laki
b. maliit na itlog
d. basag na itlog
5. Ang mga lalaking itik ay ibinebenta para sa kanyang karne. Ang isang itik ay nagkakahalaga ng 175.00,
magkaano ang halaga ng limang itik?
a. 775.00
b. 985.00
c. 875.00
d. 665.00
6. Dapat ihanda muna ang lahat ng ____________kakailanganin bago simulan ang paglilinis ng ibat ibang bahagi
ng bahay.
a. pera
b. oras
c. kagamiatan
d. muwebles
7. Ang walis na _______ ang dapat gamitin sa sahig na malinis tulad ng semento at kahoy.
a. tambo
b. tingting
c. pamaspas
d. balahibo
8. Ang ____________ ay nagpapakintab sa sahig gayundin naman ang floor polisher na de-kuryente.
a. floorwax
b. bunot
c. kandila
d. basahan
9. Ang malinis at malambot na ________ ang angkop na gamitin sa pagpupunas ng mga binarnisang muwebles.
a. papel
b. plastic
c. basahan
d. kahoy
10. Panglampaso na basing basahan ang ginagamit sa pag-aalis ng _________ sa sahig na kahoy o semento.
a. dmi
b. muwebles
c. disenyo
d. kulay
11. Bago gawin ang pagpapalit ng sirang switch, ano muna ang dapat gawin?
a. Alisin ang takip ng switch.
c. Ibaba ang linya ng kuryente sa pangunahing switch.
b. Tanggalin ang turnilyo sa loob ng switch.
d. Palitan ang switch.
12. Kung gagawa ng mga gawaing kuryente, tiyakin amg inyong kasangkapan at disturnilyador ay mayroong ____.
a. insulator
b. conductor
c. metal cover
d. papel
13. Upang maging maayos at ligtas ang pagkukumpuni ng mga kagamitan sa tahanan, ang dapat maging
kasangkapan ay ang ___________.
a. mapupurol
b. mamahalin
c. kinakalawang
d. maayos at matalas
14. Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan upang manatili itong ligtas at maayos gamitin?
a. linisin
b. langisan
c. pag-ingatan
d. ibabad sa tubig
15. Kung gagawa ka ng proyekto, ano ang pipiliin mong gawin?
a. madaling gawin
c. malayo ang pagmumulan at kakaiba ang mga materyales
b. mapagkakakitaan at tatangkilin ng mga tao
d. madaling masira
16. Ano ang katangian ng proyektong gagawin mo upang magustuhan ito?
a. mamahalin
c. makulay
b. maganda, matibay at lagging magagamit
d. magugustuhan ng mga bata
17. Kapag gagawa ka ng proyekto na nais mong ipagbili sa palengke at para magamit ito, alin sa mga ito ang dapat
mong isaalang-alang?
a. maganda at mamahalin ang mga kagamitan
c. madaling gawin
b. makukumpuni ng maayos
d. matibay at mapakikinabangan ng gagamit
18. Si Mang Nestor ay gagawa ng proyektong lampshade. Alin kaya ang dapat niyang isaalang-alang bago
magsimula?
a. Gawin ang plano.
c. Ihanda ang kasangkapang gagamitin.
b. Mangalap ng kagamitan.
d. Lahat ng nabanggit.
19. Alin sa mga sumusunod ang proyektong higit na pipiliin at gagamitin ng mga tao?
a. extension cord
b. toy car
c. parol
d. sombrero
20. Saan nagsisimula ang pagguhit ng disenyo?
a. krokis
b. ortograpiko
c. metriko
d. aysometriko
21. Ano ang ginagamit na kasangkapan sa pagguhit ng mga anggulo sa paggawa ng disenyo?
a. ruler
b. T-square
c. triangle
d. protractor
22. Ang pagdidisenyo ay kasanayang _____________.
a. pang-arkitekto
b. pang-doktor
c. pang-nars
d. pang-guro

23. Sa pagguhit ng ________ ay naipakikita ang sukat o dimension ng proyektong gagawin.


a. isometric
b. perspektibo
c. ortograpiko
d. metriko
24. Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang sa pagdidisenyo ng proyektong gagawin?
a. pagbabakat ng ibang disenyo
c. pagpapagawa sa magulang
b. pagguhit ayon sa sariling kakayahan
d. pagbayad sa kaklase upang siya ang gumawa
25. Mayroon kang kahoy na puputulin nang paayon sa hilatsa nito. Anong uri ng lagare ang gagamitin mo?
a. back saw
b. rip saw
c. crosscut saw
d. coping saw
26. May nakausling ulo ng pako sa iyong upuan. Ano ang gagawin mo?
a. Pukpukin ito ng bato.
c. Pukpukin ito gamit ang martilyong bakal.
b. pukpukin ito gamit ang plais.
d. Pukpukin ito pabaon gamit ang martilyo.
27. Ito ang ginagamit upang mapakinis ang magaspang na kahoy.
a. katam
b. pait
c. kikil
d. plais
28. Ito naman ang ginagamit upang putulin at baluktutin ang mga alambre.
a. katam
b. pait
c. kikil
d. plais
29. Madaling matapos ang gawain kung ang mga kasangkapan ay ____________.
a. matalas at maayos
c. magaan dalhin
b. bago at mamahalin
d. imported
30. Kailangan ng tao ang sapat at balanseng _________ para sa malusog na katawan.
a. lakas
b. pera
c. panahon
d. pagkain
31. Tiyaking ____________ ang mga kasangkapan at kagamitan bago magsimula sa pangkusinang gawain.
a. kumpleto
b. nakatago
c. bago
d. bagong hugas
32. Gamit ang __________ na kagamitan upang mapabilis ang gawain.
a. luma
b. bago
c. angkop
d. maganda
33. Sanaying gamitin ang ___________ sa paggawa.
a. paa
b. kamay at isip
c. dalawang mata
d. bibig
34. Alin sa mga sumusunod ang tamang saloobin sa paggawa?
a. Makapagpakain ng mamahaling putahe.
c. Makapagpataba ng mga anak.
b. Makapagpasikat sa mga kapitbahay.
d. Maisagawa nang wasto at angkop ang mga hakbang.
II. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang na magpapakita ng pagpapanatili ng lasa at sustansiya ng nilulutong
pagkain. Isulat ang titik A hanggang F.
_____ 35. Gawing manipis ang pagbabalat.
_____ 36. Ihain kaagad ang gulay matapos maluto.
_____ 37. Hugasan ang prutas at gulay bago ito balatan.
_____ 38. Takpan ang niluto.
_____ 39. Panatilihing ang katamtamang apoy habang nagluluto.
_____ 40. Huwag halo ng halo sa niluluto.
III. Piliin sa kahon at ang tinutukoy na katawagan sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.
Sangkutsahin

Bistayin

Talupan

Batihin

Balatan

Sukatin

Kadluin
Salagapan

Salain
Paghuhurno
Litsunin
Gataan

_______________ 41. Paghihiwalay ng mga likido sa buu-buong laman ng sangkap tulad ng dinikdik na ulo ng
hipon, pinyang de-lata at nata de coco.
_______________ 42. Pagkuha ng wastong dami ng likido o tuyong sangkap sa pamamagitan ng mga pamantayang
sukatan na tasa o kutsara.
_______________ 43. Pag-aalis ng balat sa tulong ng maliit na kutsilyo o pantalop.
_______________ 44. Pag-aalis ng balat ng mga hinog o nilagang pagkain na ang balat ay bahagyang nakahiwalay
sa laman tulad ng saging at nilagang kamote.
_______________ 45. Pagdaragdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlog.
_______________ 46. Pagpapakulo o pagluluto ng pagkain nang bahagya sa mantika upang mapanatili ang lasa o
timpla bago ito lubusang lutuin.
_______________ 47. Paraan ng pagluluto na ang ginagamit ay ang tuyong init ng saradong hurnuhan o oven.
_______________ 48. Pag-aalis ng maruruming bula sa ibabaw ng sabaw o likido na tinatawag na scum.
_______________ 49. Paghahalo ng sabaw ng niluluto tulad ng katas ng hipon o gatas upang huwag itong mamuo.
_______________ 50. Pagluluto ng pagkain tulad ng baboy o manok nang buo o piraso sa hurno o sa ibabaw ng
nagbabagang uling.

You might also like