You are on page 1of 5

FILIPINO VI ( ELEMENTARYA )

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


I.

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Talambuhay ng Isang Makata

Si Francisco Balagtas Baltazar ay isinilang noong ika- 2 ng Abril, 1788 sa


nayon ng Panginay, Bigaa, Bulacan. Ang mga magulang niya ay sina Juan Baltazar at
Juana dela Cruz. Si Francisco ang bunso sa apat na magkakapatid. Sa gulang na labingisa, siya ay naglingkod sa isang mayamang taga-Tondo na nangakong siya ay papagaaralin. Si Francisco ay likas na masipag, matalino at sabik na matuto.
Si Padre Mariano Pilapil ang unang naging guro ni Balagtas sa pagsulat. Siya
ang unang nagturo sa kanya ng pagsulat sa tula. Si Juan dela Cruz naman ang sumunod
na naging guro niya sa pagtula.
Natutong umibig si Francisco. Nakilala niya si Ma. Asuncion Rivera na kilala sa
palayaw na Selya, nang manirahan siya sa Pandacan, Maynila.
Ngunit may kaagaw si Francisco kay Selya na isang mayaman. Si Mariano
Kapule, gumawa si Kapule ng paraan upang mabilanggo si Francisco at pakasalan si
Selya.
Ang kanyang karanasan sa pag-ibig at ang kahabag- habag na kalagayan ng
Pilipinas sa ilalim ng mga kastila ang siyang nagbigay inspirasyon sa kanya upang
sulatin ang Florante at Laura. Hinangaan naman ng sambayanang Pilipino ang kanyang
obra-maestra.
1. Kailan isinilang si Francisco Balagtas Baltazar?
a. Ika-2 ng Abril, 1788
c. ika-5 ng Abril, 1790
b. Ika-7 ng Abril, 1789
d. ika-11 ng Abril, 1788
2. Saan ipinanganak si Francisco Balagtas Baltazar?
a. Los Baos, Laguna
c. Bacoor, Cavite
b. Bauan, Batangas
d. Bigaa, Bulacan
3. Ilang magkakapatid sina Francisco Balagtas Baltazar?
a. Tatlo
b. apat
c. lima
d. pito
4. Ang unang naging guro niya sa pagsulat ay si ________________.
a. Juan dela Cruz
c. Padre Mariano Pilapil
b. Mariano Kapule
d. Juan Baltazar
5. Ang mayamang naging kaagaw ni Francisco Baltazar sa pangingibig ay si ________.
a. Mariano Ponce
c. Juan dela Cruz
b. Mariano Kapule
d. Narciso Kapule
6. Sino ang mga magulang ni Francisco Balagtas?
a. Juan Baltazar at Juana dela Cruz
c. Juan Alonzo at Teodora Alonzo
b. Juan dela Cruz at Juana dela Cruz
d. Mariano Pilapil at Jesusa Cruz
7. Ang tunay na pangalan ni Selya ay ________.
a. Leonor Rivera b. Ma.Asunsion Rivera
c.Corazon Rivera d. Loenora de Jesus
8. Ano ang obra maestra ni Francisco Baltazar? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
9. Ang kanyang karanasan sa pag-ibig at ang __________ sa ilalim ng mga Kastila ang naging
inspirasyon ni Baltazar upang isulat ang Florante at Laura. Isulat ang sagot.
II.

Basahin at unawaing mabuti ang seleksyon. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.
Ang Walis Tingting
(Anekdota ni Esopo)

Isang ama ang dumanas ng malaking suliranin sa kanyang mga anak. Araw-araw
silang nag-aaway, nagbabangayan at hindi nagkakasundo. Malungkot ang ama sapagkat
ayaw niyang magkahiwa-hiwalay ang kanyang mga anak.
Pinulong niya ang mga anak isang araw. Binigyan ng tig-iisang bungkos na
tingting. Baliin ninyo iyan ng sabay-sabay, ang mahinahong utos ng ama. Subalit kahit
anong pilit ang gawin ay walang nakabali sa mga tingting sa kanilang mga kamay.
Pinakuha naman ng ama ang mga anak ng tig-iisang tingting lamang at katulad ng
walis ay ipinabali rin niya. Napakadaling nabali, halos walang kahirap-hirap. Nagwika ang
ama, mga anak, kapag may pagkakaisa, walang sinumang makagagapi sa inyo, ngunit
kung kayoy hiwa-hiwalay mawawasak kayo.
Dahil sa sinabi ng ama, luhaang nagyakapan ang mga anak sapagkat naunawaan
nila ang kahulugan ng pagkakaisa.

10.Ang binasang teksto ay may layuning magbigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isang
_____.
a. Talumpati
b. sanaysay
c.anekdto
d. tula
11.Ang binasang teksto ay mula sa mayamang panulat ni __________.
a. Huseng Batute
b.Huseng Sisiw
c. Esopo
d. Jose Rizal
12.Ang mensaheng isinasaad sa teksto ay _________
a. Ang kahalagahan ng ama
c. Ang kahalagahan ng anak
b. Ang kahalagahan ng kaibigan
d. Ang kahalagahan ng
pagkakaisa
13.Kung ilalarawan ang ama, siya ay isang ______ ama.
a. Mapagmalasakit
b.madasalin
c.mapagmahal
d.mahigpit
14.Ano kaya ang damdaming naghahari sa ama habang nakikita ang pagbabangayan ng mga
anak niya?
a. Nagagalak
b. naliligalig
c. may kapayapaan
d. nasusuklam
III.

Basahin ang talambuhay. Itiman ang bilog


na katapat ng
pahayag/pangyayaring may kaugnayan dito. Bilang 15-20.
Padre Jose Burgos

Isang matalino, matapang at makabayang anak ng Vigan, Ilocos Sur si Padre Jose
Burgos na isinilang noong Pebrero 9, 1837. Siya ay nagtapos ng pinakamataas ng
karangalan sa San Juan de Letran. Kahit na noong nag-aaral pa, labis niyang tinututulan
ang pagkamaliit na pagtingin sa mga nagsisipag-aral na Pilipino.
Si Padre Jose Burgos ay kaibigan ni Paciano na kapatid ni Jose Rizal. Siya ang
tumulong kay Jose Rizal na makapag-aral sa Ateneo de Manila. Sa kanya inihandog ni
Jose Rizal ang aklat niyang El Filibusterismo. Naging kura siya sa Katedral ng Maynila
at kasalukuyang nanininilbihan sa parokya sa San Pedro nang maganap ang
paghihimagsik noong 1872. Marami siyang kaaway na naiinggit sa kanyang mabuting
kapalaran kaya nilakad ng mga ito na masangkot siya sa pag-uusig ukol sa mga
naghihimagsik.
Kasama nina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora, nahatulan siyang
mamatay sa garrote. Ang arsobispo ay hindi makapaniwala sa kanilang kasalanan kaya
itoy tumangging alisan sila ng abito. Ang hatol ay isinakatuparan sa malawak na bukid
ng Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero, 1872.
Si Padre Jose Burgos ay isang matalino, matapang at makabayang anak.
Labis na tinutulan ni Jose Burgos ang pagkamaliit na pagtingin sa mga kapwa niya magaaral na Pilipino.
Kaibigan ni Padre Jose Burgos si Paciano na kapatid ni Jose Rizal.
Binigyan ng isang marangal na libing ng kanyang pamilya si padre Jose Burgos.
Nilakad na masangkot si Padre Jose Burgos sa paghihimagsik noong 1872 ng mga naiinggit
sa kanya sa mabuti niyang kapalaran.
Inihandog ni Jose Rizal ang aklat niyang El Filibusterismo kay Padre Jose Burgos.
Hinatulan siyang mamatay sa garrote kasama nina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto
Zamora.
Marami ang nakabasa ng El Filibusterismo sa tulong ni Padre Jose Burgos.
Nagtapos siya ng pinakamataas na karangalan sa San Juan de Letran.
IV.

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.

21. Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.
a. pangngalan
b. panghalip
c. pandiwa
d. pang-uri
22. Ito ay bahagi ng pananalita na ipinapalit sa pangngalan.
a. panghalip
b. pangngalan
c. pang-uri
d. pandiwa
23. ito ay uri ng panghalip na ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop,
pook at
pangyayari.
a. panghalip panao b. panghalip pamatlig
c. panghalip panaklaw d.
panghalip
pananong
24. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
a. panghalip
b. pandiwa
c. pangngalan
d. pang- uri
25. Maraming biktima ng baha ang tinulungan ng mga taong may mabuting kalooban. Ang
may salungguhit ay nasa aspektong:
a. ginawa na
b. ginagawa na
c. gagawin pa
d. wala

26. Maraming mga Pilipino ang may likas na kabutihan sa puso at kalooban.Ang may
salungguhit ay nasa aspektong:
a. gagawin pa
b. ginagawa na
c. ginawa na
d. pandiwa
27. Kung ang lahat ng tao ay magkakaisa sa wastong pamamahala ng basura uunlad ang
ating bansa at magiging luntian ang kapaligiran.Ang may salungguhit ay nasa aspektong:
a. ginagawa na
b. ginawa na
c. gagawin pa
d. pang-uri
28. Kung ang lahat ng tao lamang ay matututong magmalasakit sa kapaligiran hindi tayo
magdaranas ng kahirapan. Ang pahayag ay
a. opinyon
b. katotohanan
29. Nagdiwang ng Teachers Day ang Paaralang Elementarya ng Caloocan North noong ika-3
ng Oktubre 2014.
a. katotohanan
b. opinyon
30. Lahat ng biktima ng kalamidad ay umaasa sa tulong na ibibigay ng gobyerno.
a. katotohanan
b. opinyon
31. Maraming mga Pilipino ang may likas na kabutihan sa puso at kalooban.
a. kongkreto
b. di-kongkreto
c. lansakan
32. Maraming pagkain,damit at mga gamot ang ipinamigay sa mga taong nasalanta ng
baha sa ka-Maynilaan.
a. lansakan
b. kongkreto
c. di-kongkreto
33. Hindi po akin ang aklat na iyon . Ang pangungusap ay panghalip na ______.
a. paari
b. palagyo
c. palayon o paukol
34. Ikaw ang gaganap na Cinderella sa ating dula-dulaan.Ang pangungusap ay panghalip na
_______.
a. palagyo
b. palayon o paukol
c. paari
35. Ang lupa mula rito hanggang doon ay atin. Ang pangungusap ay panghalip na __________.
a. palayon o paukol
b. paari
c. palagyo
36. Aalis kata nang maaga kaysa rito. Ang pangungusap ay panghalip na _____________.
a. paari
b. palayon o paukol
c. palagyo
37. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo at pakikiraan sa gitna ng mga nag-uusap ay
_______ lamang sa magagandang ugali nng kabataang Pilipino.
a. lahat
b. ilan
c. marami
d. bawat
38. Nakahandang tumulong ang ______ sa aming naririto para sa ikatatagumpay ng layunin ng
ating paaralan.
a. ninuman
b. sinuman
c. magkano man d. kanino man
39. Nagdidilig ng halaman si Aling Lorena tuwing umaga. Ang pangungusap ay ________.
a. pangngalang pantangi
b. pangngalang pambalana
40. Mainam mamili sa pamilihang bayan tuwing Linggo. Ang pangungusap ay __________.
a. pangngalang pambalana
b. pangngalang pantangi
41. Kayo ang piniling kinatawan ng klase para magtanghal sa nalalapit na paligsahan. Anong
gamit ng panghalip ang pangungusap?
a. simuno
b. kaganapang pansimuno
c. tuwirang layon d. panaguri
42. Si Lola Amira ay nagluto ng ganito noong Linggo. Anong gamit ng panghalip ang
pangungusap?
a. kaganapang pansimuno
b. tuwirang layon c. simuno
d. panaguri
43. Tinanggap ni Azzer ang hamon para kay Raizel. Anong gamit ng pangngalan ang
pangungusap?
a. Layon ng Pang-ukol
b. Pamuno
c. Kaganapang Pansimuno
d. simuno
44. Tumakbo si Theo kasama ang mga alagang aso at pusa. Anong gamit ng pangngalan ang
pangungusap?
a. Simuno
b. Layon ng Pang-ukol
c. Tuwirang Layon d.
kaganapang
pansimuno
45. Si Gng. Maurin, ang guro ng Caloocan North E/S, ay mabait.Anong gamit ng pangngalan
ang pangungusap?
a. Kaganapang Pansimuno
b. Pamuno c. Tuwirang Layon d. Layon ng Pangukol

V.

Panuto. Isulat nang maayos ang sumusunod na Liham Pangangalakal. Gamitin ang
tamang bantas, malaki at maliit na titik at wastong baybay. Bilang 46-50.
Lubos na Gumagalang
Gerald de jesus
Tagapatnugot
G. Pealosa

kami po ay pamunuan ng ang tinig., pampaaralang pahayagan.


Marubdob po ang aming pagnanais na maging isa kayo sa mga tagapagsalita sa
aming gaganaping Campus Journalism.
Gaganapin po ito sa ika-20 ng Oktubre, 2014 sa bulwagan ng aming
paaralan, paaralang elementarya ng caloocan north. Ang inyo pong kasanayan at
kaalaman na ibabahagi sa aming mga batang mamamahayag ay labis naming
pasasalamatan
inaasahan po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
maraming Salamat po
Paaralang Elementarya ng Caloocan north
Ph 6 camarin,Caloocan city
Ika-8 ng Oktubre, 2014
G.Armando Pealosa
The daily news
2468 kamuning st, pasig city

PAARALANG ELEMENTARYA NG CALOOCAN NORTH


FILIPINO VI (ELEMENTARYA)
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Talaan ng Ispisipikasyon
Layunin

Madali

Kaalaman

I.
PAKIKINIG
1.Naisasalaysay/naisasadula ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod
ang mahalagang pangyayari ng
kuwentong napakinggan.
2.Nasasagot ang mga tanong
tungkol
sa
mga
detalye
ng
seleksyon/impormasyong
napakinggan.
II.
PAGBASA
1.Nakapagbibigay
ng
palagay

Pang-unawa

Blg.n
g
Ayte
m

Lokasyon
ng
Aytem

15- 20

1-9

Katamtaman

Paglalapa
t

Pagsusur
i

Mahirap

Pagbubu
o

Pagpapa
-halaga

tungkol s maaaring kalabasan ng


mga pangyayari sa kuwento batay
sa mga ikinikilos ng mga tauhan.
2.Nakikilala
ang
opinyon
at
katotohanan sa pangungusap.
III.
PAGSASALITA
1.Nakikilala ang pangngalan bilang:
Pantangi,pambalana,kongkreto, dikongkreto, lansakan
2.Nakikilala ang mga panghalip na
panao sa kanukulang palagyo,
paari, palayon o paukol.
3.Nakikilala
ang
panghalip
panaklaw
na
ginamit
sa
pangungusap.
4.Natutukoy
ang
gamit
ng
pangngalan sa pangungusap.

10- 14

28,29,3
0

31,32,39,
40

33,34,35,
36

37,38

43,44,4
5

41,42

5.Natutukoy
ang
gamit
ng
panghalip sa pangungusap.
6.Natutukoy ang ibat ibang aspekto
ng pandiwa.

25,26,2
7

7.Natutukoy ang mga bahagi ng


pananalita at ang uri nito.

21,22,23,
24

46- 50

50

50100%

IV.
PAGSULAT
1.Nakasusulat
ng
Liham
Pangangalakal na may wastong
bantas, palugit, malaki at maliit na
titik.
KABUUAN:

/
20-50%

10- 10%

1530%

5 10%

You might also like