You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: __________________________________________ Iskor: ________________


Baitang at Pangkat ___________________________________ Petsa: ________________

PANUTO:
Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na
tanong/pahayag. Tukuyin at isulat ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
Para sa mga Aytem bilang 1-3
“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-
ingata’t kaaway na lihim” - Pilosopo Tasyo

1. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?


a. matulungin b. matalino c. mapagmalasakit d. mapanakot
2. Anong katotohanan ang nais bigyan – pansin sa pahayag?
a. kaingatan b. kainggitan c. kaligtasan d. kataksilan
3. Binibigyang diin sa pahayag na:
a. ang tao’y di dapat magtiwala c. ang tao’y laging may kasalubong
b. ang tao’y laging may kaaway d. ang tao’y pinagpapakitaan ng giliw

Para sa mga Aytem bilang 4 - 7


“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan! Kayong
nakamamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim
ng gabi. “
4. Ang pagbubukang – liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
a. kinabukasan ng bayan c. kaluwagan ng bayan
b. kalayaan ng bayan d. kuwentong bayan
5. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumatalakay sa:
a. mga sundalo b. mga bayani c. kabataan d. matatanda
6. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:
a. bata b. kabataan c. matatanda d. mamamayan
7. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
a. makabansa b. makatao c. makaDiyos d. makakalikasan
8. “Diyos ko, ako’y iyong parusahan ngunit iligtas mo ang aking anak”
a. Kapitan Tiyago b. Padre Damaso c. Basilio d. Sisa
9. “Hindi ako nangangailangan ng gamot kundi kayong nangasi.”
a. Juan Crisostomo Ibarra b. Pilosopo Tasyo c. Elias d. Padre Salvi
10. “Pinakamagaling kong dangal ang isang mabuting tao habang buhay kaysa patay na”
a. Kapitan Heneral b. Tenyente Guevarra c. Elias d. Alpere
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa mga Aytem bilang 11-12


“Ngunit hindi ako matatapos kung sasabihin ko ngayon ang lahat ng nasabi tungkol sa paksang
ito. Isang araw na ibig ninyong makipagtalakayan tungkol sa bagay na ito’y pumaroon kayo sa
bahay ko at doon natin buksan ang mga libro at talakayin nating Malaya at mahinahon.
Magpapaalam na ako. Hindi ko alam kung bakit pinahihintulot sa gabing ito ng pagsambang
kristiyano ang pagnanakaw. Pinababayaan ninyo ito, kayong nasa kapangyarihan, at
nangangamba ako ukol sa aking mga libro. Papayag akong nakawin sana upang basahin. Ngunit
batid kong ibig lamang sunugin ng marami bilang kawanggawa at tulong sa akin. Ang ganitong
uri ng kawanggawa, bagaman nararapat kay Kalif Omar, ay nakakatakot. Marami ng naniniwala
na dahil sa libro ko kaya ako kondenado.”
11. Binibigyang diin sa pahayag ang mga sumusunod maliban sa:
a. Pagnanakaw b. kawanggawa c. Pagsunog d. Pagsambang Muslim
12. Paano mababago ng librong ito ang pananaw ng mga mamamayan na makababasa nito?
a. Matutuklasan nila ang tamang pagsunod sa mga kura.
b. Mabubuksan ang isip nila sa ginagawang pang-aabuso ng mga kastila sa mga indio.
c. Mapapalaya nito ang mamamayang Kastila mula sa pang-aalipin ng mga Pilipino.
d. Mababago nito ang ugali ng mga Pilipino.
Para sa mga Aytem bilang 13-14
“Ang mga pagtitiis, ang mga sama ng loob, ang mga hirap na dulot ng pagkakait at ang
paghati na makikita ang napakaraming walang utang na loob ay sumira sa kanilang bakal na
kalusugan. Dinapuan siya ng karamdaman na walang lunas kundi libingan. At ng matatapos
na ang lahat, nang mapawalang sala sa sakdal na kaaway ng Inang Bayan at sa pagkamatay
ng kobrador, saka siya namatay sa karsel nang walang kapiling. Dumating ako upang
masaksihan ang kanilang pagyao.”

13. Ano ang dahilan ng pagkakakulong at pagkamatay sa kulungan ni Don Rafael Ibarra?
a. Sa bayang ito kailangang mabilanngo upang maging marangal.
b. Si Don Rafael ay pinakamayaman sa bayan ng San Diego kaya maraming naiinggit.
c. Nagkasira si Don Rafael at Padre Damaso dahil sa hindi nito pangungumpisal.
d. Dahil sa pagtulong niya sa nalugmok na batang tinamaan sa ulo ay pinagsisipa ng artilyero.
14. Kailan lumabas ang mga lihim na kaaway ni Don Rafael?
a. nang mabilanggo at maparatangan siyang erehe at pilibustero
b. nang mamatay siya sa kuwartel
c. nang mapatay niya ang artilyero
d. nang pag-aralin niya sa Europa ang kanyang anak
15. Ano ang ipinagtapat ni Maria Clara kay Ibarra tungkol sa kanyang pagkatao?
a.ang kanyang ama ay si Padre Damaso c. siya ay may iba ng iniibig
b. nagtaksil ang kanyang ina kay Kapitan Tiyago d. nagtangkang magpakamatay ang kanyang ina
16. Bakit nagtungo si Padre Salvi sa kuwartel ng Alperes?
a. magsumbong ng isang hinala c. magbigay babala sa isang pag-aaklas
b. pagkumpisalan ang Alperes d. ipadakip si Sisa
17. Sa paraan ng pagdiriwang sa bayan ng San Diego ng piyesta, ano ang kasabihang akma para dito?
a. pag may lungkot, may saya c. pag may itinanim, may aanihin
b. ubos-ubos biyaya, mamaya nakatunganga d. pag may tiyaga, may nilaga
18. Ano talaga ang naging sanhi ng pagkabaliw ni Sisa?
a. pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa c. pamamahiya ng mga guardia sibil
b. paghihirap ng kalooban sa pagkawala ng anak d. kawalan ng pagkain
19. Bakit napaluha si Sisa nang dumating si Pedro at kinain ang mga inihandang pagkain para sa
kanyang mga anak?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
a. nanghihinayang siya sa pagkain c. galit siya sa asawa
b. naisip niya ang mga anak d. gutom rin siya
20. Nang nagtungo siya sa kumbento upang hanapin si Crispin, Ano ang sinasabi sa kanya ng tagaluto?
a. nagtanan si Crispin dala ang ninakaw na kwarta c. wala ito sa kumbento
b. umuwi na ito sa kanila d. hinahanap ito ng mga gwardiya sibil
21. Bakit nainis si Padre Damaso sa pananghalian na dinaluhan niya?
a. nakita niya si Ibarra na nakapwesto sa tapat ni Maria Clara
b. hindi niya gusto ang bahay-paaralan na ipapatayo ni Ibarra
c. ang mga kasalamuha ay hindi niya kauri
d. may dumating na sulat
22. Bakit namutla si Maria Clara nang marinig ang sasakyang tumigil sa tapat ng kanilang bahay?
a. sapagkat akala niya ito ay si Ibarra c. sapagkat napapagod siya galling sa pagsimba
b. sapagkat alam niyang si Ibarra ito d. sapagkat nasasabik siya ng Makita ang kasintahan

Para sa mga Aytem bilang 23-24


“Kaaalis ko pa lamang sa bayan ng San Diego, pagkatapos ng dalawampung taong panunungkulan
doon. Ang baying ito’y may anim na libong mamamayan at ang lihim ng bawat isa’y batid ko.”

23. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga lihim na alam ng paring kaaalis pa lang sa panunungkulan
sa bayan ng San Diego maliban sa:
a. Alam ko ang mangingibig ng bawat isa. c. Alam ko rin kung sinu-sino ang sumawi.
b. batid ko ang mga nasawi d. Alam ko ang hindi kapanalig at kaaway.
24. Paanong nalaman ng paring ito ang mga lihim na ito ng mga mamamayan ng San Diego?
a. dahil ang mga taga San Diego ay malapit sa kanya
b. sapagkat lahat ng mamamayan sa bayan na ito ay nangungumpisal
c. ang paring ito’y may tapat na tauhan na nagbabalita sa kanya
d. dahil sa pagiging matalas nito pagdating sa balita

Para sa mga Aytem bilang 26


“Mga ginoo ,” ang kanyang simula, Ipahintulot ninyong ipakilala ko ang aking sarili tulad ng
kaugalian ng Alemanya, dahil sa kawalan ng magpapakilala sa akin. Hindi ko nais dalhin ditto
ang kaugalian ng ibang lupain sapagkat tayo ay may likas na kabutihang ugali, ngunit ako’y
napilitan. Mga ginoo, ang aking pangalan ay Juan Crisostomo Ibarra.”

25. Bakit ginamit ni Ibarra ang kaugaliang Alemanya gayong siya’y nasa sariling bayan?
a. Nakasanayan na ito ni Ibarra dahil sa tagal ng paninirahan niya sa Alemanya.
b. Sapagkat para sa kanya ito ang angkop na gawin sa pagkakataon na iyon.
c. Dahil sa pagkabigla ni Padre Damaso mababakas ito sa mukha niyang putlang-putla.
d. Dahil siya’y naiwang nag-iisa at walang nais magpakilala sa kanya.
26. Kailan maaaring tawaging hindi pilibustero ang isang indio sa Pilipinas?
a. Ang mga indio na hindi nag-aalis ng sombrero kapag may nasasalubong na kastila.
b. Ang mga bumabati lamang at hindi humahalik ng kamay sa mga pari at sa mga katulong ng pari.
c. Ang nagbabasa ng nobena o sa buhay ng mga santong mapaghimala.
d. Ang lahat ng pagnanais na mabago at mawala ang mga pang-aabusong ginagawa ng pamahalaan
at ng mga prayle.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa mga Aytem bilang 27-28

“Ang sabi sa akin ni Mang Tasyo: Kung ibig ninyong huwag matupad ang isang bagay, kayo
ang magpalagay sapagkat di kayo sasang-ayunan ng matatanda kahit na mabuti ang inyong
mungkahi. At kung kayo’y talunin na, paapi lamang kayo ay sasang-ayon sila. Kaya ang una
kong gagawin ay imungkahi ang balak ng mga matatanda. Huwag kayong maingay at
dumarating na si G. Ibarra at ang guro, ang pahabol pa ni Don Filipo.”
27. Ano ang ibig sabihin ng paalala ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo?
a. Upang sila ay manalo imungkahi ni Don Felipo ang nais ng mga matatanda.
b. Magpaapi na lamang sila sa mga matatanda.
c. Ang mungkahi ni Don Filipo ay ang gusto ng kanilang partido.
d. Matutong ipakipaglaban ang kanilang gusto kahit magalit ang mga matatanda.
28. Ang mga sumusunod na pahayag ay ang mga iminungkahi ni Don Filipo maliban sa:
a. Iminumungkahi na magpatayo ng isang malaking dulaan sa gitna ng liwasan.
b. Magkakaroon ng anim na prusisyon at tatlong sermon.
c. Magpapagawa tayo sa Malabon ng 200 na malalaking bomba at 200 kwitis sa halagang piso bawat
isa.
d. Kasunduin ang mga komedyante sa Tundo upang magpalabas ditto ng pitong gabing sunud-sunod.
29. Hindi niya madalumat ang nangyari sa kanyang buhay.
a. Hindi niya makita kung ano ang nagaganap sa kanyang buhay.
b. Hindi niya ganap na nauunawaan ang nangyayari sa kanyang buhay.
c. Ang nakaraan ay hindi niya magunita.
d. Ayaw niyang halungkatin ang nangyari sa kanyang buhay.
30. Marubdob ang pagnanasa ni Sisa na mailigtas ang kanyang anak.
a. Katamtaman lamang ang pagnanais ni Sisa na mailigtas ang kanyang anak.
b. Walang balak si Sisa na iligtas ang kanyang anak.
c. Masidhi ang paghahangad ni Sisa at iligtas ang kanyang mga anak.
d. Mabagal magpasya si Sisa kung ililigtas o hindi ang kanyang anak.
31. Ang mga sumusunod ay tagubilin ni Urbana at Felisa na naglalarawan ng mga kaugalian na dapat
asalin ng isang binata at dalaga sa pakikisalamuha niya sa iba’t ibang uri ng tao, pagtitipon at
magandang saloobin na ipagkakapuri ng magulang.
a. Kailangang maging mahinhin sa paglakad at huwag tutulinan o bibilisan lalo na kung may ibang
kasama.
b. Kung lumalakad sa daan huwag magnanasang mapuri ng lahat sapagkat kung may isang pupuri ay
sampu ang pupula.
c. Sa isang dalaga naman ay dapat maging malakas ang pagtawa lalo na sa isang pagtitipon.
d. Kung ang bata o baguntao ay namamasyal na ang kasama’y kapwa binate ilagan ang
masasamang ugali, na nagyayakapan, kung minsa’y nag-aawitan o naghihiyawang parang ulol o
nag-aaglahian ng mahahalay sapagkat nagpapahayag ito ng kawalan ng pinag-aralang bait.
32. Paano naging kaibigan ni Ibarra si Kapitan Basilio?
a. Buhat ng sirain niya ang gulong ng kapalaran.
b. Simula nang magpista sa gubat.
c. Nang mahabag ito sa ketongin na nadaanan nila.
d. Nagkasabay sila sa hapunan sa tahanan nila Kapitan Tiyago.

33. Paano matutulungan ang mga taong nagkukulang nang pananampalataya?


a. Ipaunawa na ang pananampalataya ay nakatutulong sa pagbibigay ng direksyon sa buhay ng isang
tao.
b. Dapat isisi sa Diyos ang mga kabiguan na nararanasan sa buhay.
c. Samahang maglibang at magsaya upang malimutan ang problema.
d. Maging pala kaibigan upang maibalik ang pananampalataya sa Diyos.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

34. Ayon sa aklat na Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro ang mga sumusunod ay ang dapat na
ikilos at asalin sa loob ng simbahan. Maliban sa:
a. Ang mga kabataan daw ay huwag makikipag-umpukan sa kapwa- bata nang huwag mabighani sa
pagtatawanan at pagbibiruan.
b. Sa mga kalalakihan, huwag daw bunutin ang paa sa sapin sapagkat isang kasalahulaan.
c. Sa pakikinig ng sermon ay pinapayagang maupo ngunit ipinagbabawal ang maningkayad sapagkat
mahalay sa lalaki ma’t sa babae ang upong ukol lamang sa hayop.
d. Sa mga kababaihan, maaari daw bunutin ang sapin sa paa sa simbahan.

Para sa mga Aytem bilang 35


“Marahil ay darating ang araw,” ang bulong ni Mang Tasyo na noo’y nagdaraan, “na iguguho
ng kalikasan ang mga gusaling itatayo rito, at malilipol ang mga lipi sa balat ng lupa.
Maaaring matuklasan ang nilalamang lihim ng mga batong ito sa panahong yaon, babasahin
ng isang dalubhasang guro ang mga kasulatang baton g Ehipto at sasabihin sa kanyang
tinuturuang mga bata na waluhing taong gulang ang mga sumusunod”.

35. Ang pahayag na ito ni Mang Tasyo na gusaling iguguho ng kalikasan ay:
a. Simbahan b. Paaralan c. Kumbento d. Bahay
36. Ang mga sumusunod na matatalinghagang pahayag na ginamit sa kabanatang Malayang Pagkukuro
maliban sa:
a. “Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ngunit ang pagkakalat ng
kasamaan ay sumisira sa pagkakaibigan”
b. “Talagang sa buhay na ito’y kinamumuhian ang mga taong may mabubuting hangarin at hindi ang
mga salarin”
c. “Tayo pong lahat maliit at malaki, mayaman o mahirap man ay may kalaban. Ang pagbabaka ang
siyang patakaran sa buhay”
d. “Kapag ako’y naniwala sa kababalaghan, mawawalan ako ng katwirang maniwala sa Diyos,
sapagkat sa gayo’y mananalig ako sa isang taong may pagkaDiyos at lalagay sa mga Diyos ay
nilalang ng taong kamukha’t kayos niya.”
37. Alin sa mga sumusunod na mga mungkahi ang dapat gawin ni Kapitan Tiyago upang maiurong ang
kasunduan nila ni Don Rafael?
a. Ipagtatapat ni Kapitan Tiyago kay Ibarra ang iniuutos ng mga Prayle upang makagawa ng paraan si
Ibarra
b. Papayag na lamang si Kapitan Tiyago na ipakasal si Maria Clara sa pamangkin ni Padre Damaso.
c. Pahihintulutan pa rin ni Kapitan Tiyago na matuloy ang kasal ni Ibarra at Maria Clara.
d. Patatakasin ni Kapitan Tiyago si Ibarra at Maria Clara patungong Europa upang pakasal doon.
38. Ano ang ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso na ikinagulat ng lahat?
a. sinuntok sa tindi ng galit c. hindi pinansin
b. sinampal na ikinatumba ng kura d. nagsawalang kibo
39.Ang mga sumusunod ay mahahalagang bagay na pinag-usapan ng Kapitan Heneral at ni Ibarra:
a. Ang hidwaang nangyari kay Padre Damaso at Ibarra.
b. Ang pag-anyaya ng Kapitan Heneral kay Ibarra na manirahan sa Europa.
c. Ang paghahabilin ng Kapitan Heneral sa Alkalde na tulungan si Ibarra.
d. Ang pag-ayaw ni Maria Clara na Makita ang Kapitan Heneral.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa mga Aytem bilang 40

“At nagsimula na naman ang isang nakapangingilabot na basag-ulo. Ang babaing tumatanggi sa
salitang makaluma, sapagkat siya raw ay hindi kasangkapang luma. Siya’y wala pang tatlumpung
taon! Isang silya ang lumagpak sa katawan ng babae. Nagkaroon ng buntalan at kalmutan.
Sinabunutan ng Alperes ang babae ito nama’y gumanti sa pamamagitan ng pagdaklot sa labi at
pagsunggab sa isang mapanganib na bahagi ng katawan. Tinangka ng babaeng kagatin ang asawa
ngunit hindi naisagawa dahil nagsisiugang lahat ang ngipin. Sa wakas ay napasuko ng babae ang
lalaki. Isang kalunos-lunos na sigaw na humihingi ng patawad ang narinig sa kabo, Binitiwan
niya ang babae na ang baro’y nagkagula-gulanit. Dumanak ang dugo ng isa ngunit hindi rin
nabigkas nang wasto ang Filipinas.

40. Anong uri ng pamumuhay ng mag-asawa ang ipinakita ni Rizal sa pahayag:


a. magulong pamumuhay c. medyo masaya ang kanilang buhay
b. tahimik na buhay d. madalas malambing sa isa’t isa ang mag-asawa
41.Ang mga sumusunod ay mga problemang kinakaharap ni Maria Clara maliban sa:
a. Pakikialam ni Padre Damaso sa kanyang pag-ibig.
b. Pagkabigo ng pag-ibig ni Ibarra (Pagsira ng kasunduan ni kapitan Tiyago sa kasal nila ni Ibarra)
c. Nagbabantang panganib sa kamay ni Padre Salvi.
d. Pagsasamantala ng isa niyang kaibigan sa kabutihan niya.
42. Natatala sa kasaysayan sa panahon ng kastila ang iba’t ibang pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas bunga ng paghihimagsik sa nangyayari sa ating bayan. Ang sanhi ng pag-aalsa ay ang mga
sumusunod maliban sa:
a. Ang pangangamkam ng simbahan sa mga lupaing pag-aari ng mga Pilipino.
b. Ang pagsasamantala ng mga Prayle sa kahinaan ng mga kababaihan.
c. Ang pagbibintang na hindi na binibigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili sa
kaparaanan ng batas.
d. Pagsingil ng mababang buwis.
43. Ang sabong o anumang uri ng sugal ay nagkakaroon ng masamang epekto sa pagsasamahan ng
mag-anak maliban sa:
a. Napapabayaan ng magulang ang kanilang anak.
b. Nagkakaroon ng pagkakataon na makalimutan ang problema.
c. Ipinagbibili ang mga kagamitan sa bahay para may maipangsugal lamang.
d. Ayaw nang magsikap upang maiayos at mapaginhawa ang pamilya.

Para sa mga Aytem bilang 44-46


“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan; kayong
nakamamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim
ng gabi.”
44. Binibigyang diin sa pahayag na binasa ang:
a. naghihingalo b. kaliwanagan c. mga bayani d. inaasahang alayan
45. Ang pagbubukang liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
a. kinabukasan ng bayan c. kaluwagan ng yaman
b. kalayaan ng bayan d. kuwentong bayan
46. Ano kaya ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa?
a. Ang Huling Panawagan c. Tagubilin sa Kabataan
b. Paalam sa Inang Bayan d. Ang mga Nangabulid
47. Ano ang ibig sabihin ng paalala ni Mang Tasyo kay Ibarra na:” Kung ang isalubong sa iyong
pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim, siyang
isaisip sa kakabakahin”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
a. lahat ay kaibigan ni Ibarra c. maraming inggit sa kanya
b. may mga lihim na kaaway si Ibarra d. nasa peligro ang buhay niya
48. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagtangkilik sa dayuhan. Alin sa mga ito ang
nagpapakita ng pagiging makabayan?
a. Ang pagtangkilik sa wikang Ingles.
b. Ang pagbili ng mga imported na produkto.
c. Ang pagtangkilik sa ugaling dayuhan.
d. Ang pagbili ng mga produktong gawa sa ating bayan.
49. Ano ang naging reaksiyon ni Ibarra ng makita niya si Linares sa tabi ni Maria Clara?
a. Nabigla siya at hindi naka imik ng makitang nag-uusap si Maria Clara at Linares.
b. Minasdan ni Linares si Ibarra mula ulo hanggang paa.
c. Hindi na lamang iyon pinansin.
d. Umalis na lamang si Ibarra at nagtungo sa paaralan.
50. Ang mga sumusunod ay pagbabago na hinihingi ng mga sawimpalad.
a. Pagbibigay-galang sa karangalan ng tao.
b. Pagbabawas ng sandata at kapangyarihan ng mga sibil na nagmamalabis.
c.Pagbabago sa palakad ng mga Prayle.
d. Taasan ang singil ng buwis.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EVELYN S.P. CRUZ ANGELINA S. BERNARDINO


Master Teacher I Head Teacher IV

Sinuri ni:

EDITHA P. MENDOZA, Ed. D.


School Principal IV
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
SUSI NG MGA SAGOT
IKA APAT PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Taong Panuruan 2022-2023

1. B 26. C
2. D 27. A
3. A 28. B
4. B 29. B
5. B 30. C
6. B 31. C
7. A 32. B
8. B 33. A
9. B 34. D
10. B 35. B
11. C 36. A
12. B 37. A
13. D 38. A
14. A 39. D
15. A 40. A
16. C 41. D
17. B 42. D
18. B 43. B
19. B 44. B
20. A 45. B
21. A 46. B
22. B 47. B
23. D 48. D
24. B 49. A
25. D 50. D

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EVELYN S.P. CRUZ ANGELINA S. BERNARDINO


Master Teacher I Head Teacher IV

Sinuri ni:

EDITHA P. MENDOZA, Ed. D.


School Principal IV

You might also like