You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
HINGUIWIN NATIONAL HIGH SCHOOL
PADRE BURGOS, QUEZON

IKA APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: ___________________________________ Petsa:____________________


Baitang at Seksyon: _________________________

I. BASAHIN NG MABUTI ANG MGA KATANUNGAN AT BILUGAN ANG LETRA NG TAMANG SAGOT.
BAWAL ANG MAY BURA.
1. Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
a. Ben zayb b. Tandang selo c. Kabesang tales d. Placido penitente
2. Ama ni Kabesang tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
a. Ben zayb b. Tandang selo c. Kabesang tales d. Placido penitente
3. Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
a. Ben zayb b. Tandang selo c. Kabesang tales d. Placido penitente
4. Ang mamamahayag sa pahayagan.
a. Ben zayb b. Tandang selo c. Kabesang tales d. Placido penitente
5. Ang mukhang artilyerong pari.
a. Padre salvi b. Padre Florentino c. Padre Camorra d. Padre Fernandez
6. Ang Paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Camorra d. Padre Fernandez
7. Ang amain ni Isagani
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Camorra d. Padre Fernandez
8. Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor na nabibilang sa kilalang angkang may dugong kastila.
a. Juanito Pelaez b. Isagani c. Macaraig d. Placido Penitente
9. Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng akademya ng wikang
kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
a. Juanito Pelaez b. Isagani c. Macaraig d. Placido Penitente
10. Isang mangangalakal na intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
a. Isagani b. Quiroga c. Basilio d. Kapitan Basilio
11. Ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
a. Isagani b. Quiroga c. Basilio d. Kapitan Basilio
12. Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
a. Hermana Bali b. Hermana Penchang c. Pepay d. Imuthis
13. Ang nagsalaysay ng Alamat ng Malapad na Batong Buhay.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Kapitan ng Bapor tabó d. Padre Sibyla
14. Ang nagsalaysay ng Alamat ni San Nicolas.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Kapitan ng Bapor tabó d. Padre Sibyla
15. Ang nagsalaysay ng Alamat ni Donya Geronima.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Kapitan ng Bapor tabó d. Padre Sibyla

II. BASAHIN ANG BAWAT PANGUNGUSAP AT AYUSIN ANG MGA PANGYAYARI AYON SA
PAGKAKASUNOD-SUNOD NITO. LAGYAN NG BILANG 1-8 ANG BAWAT PATLANG.

___16. Nagbalik sa alaala ni Basilio na papilay-pilay niyang hinahabol ang kanyang ina labintatlong taon na ang
nakararaan.
___17.Habang natutulog ang mga tao, si Basilio ay maingat na bumabagtas sa daang patungo sa matandang kagubatan
ng mga Ibarra.
___18. Huminto siya sa harap ng bunton ng mga bato at nanalangin sa harap ng puntod ng kanyang ina.
___19. Nang marating niya ang Maynila, siya ay may sakit at gula-gulanit ang kanyang damit, nagtungo siya sa bahay
bahay upang maghandog ng kanyang paglilingkod.
___20. Si Basilio ay pumasok sa paaralan ng napakarumi, walang ayos at naka bakya lamang.
___21. Nakita niya sina Kapitan Tiago at Tiya Isabel na kilala na niya noon pa sa San Diego.
___22. Nang siya’y nasa ikalawang taon nanalo ng malaki ang tandang ni Kapitan Tiago at binalatuhan siya nito ng malaki
na agad naman niyang binili ng isang pares ng sapatos at sumbrerong piyeltro.
___23. Siya ay nahirang na magtatalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.

III. TUKUYIN KUNG SAANG KABANATA I- VII NAGANAP ANG MGA SUMUSUNOD NA SENARYO. ISULAT ANG
LETRA SA PATLANG.

a. KABANATA I- KUBYERTA f. KABANATA VI- SI BASILIO


b. KABANATA II- SA ILALIM NG KUBYERTA g. KABANATA VII- SIMOUN
c. KABANATA III- MGA ALAMAT
d. KABANATA IV- KABESANG TALES
e. KABANATA V- ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

24. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang laket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio.
25. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatlong taon matapos mangyari iyon.
26. Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay.
Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.
27. Napag-usapan ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik.
28. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang
tahanan ng mga espiritu.
29. Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa.
30. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.
31. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril.
32. Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Ipinagdasal ang
kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.
33. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di
makabibili ng alahas.
34. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San
Mateo.
35. Umalis siya sa gubat. Lumuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga
karuwahe dahil sa hirap at gutom.
36. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
37. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra,
Navarra o Ibarra.
38. Naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio, kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya.
39. Inalok ni Simoun si Basilio na makipagtulungan sa kanya sa pagpapabagsak sa pamahalaan ng Kastila.
40. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San
Mateo.

You might also like