You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
CITY SCHOOLS DIVISION
Cabanatuan City
MARCIANO DEL ROSARIO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pamaldan, Cabanatuan City

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahang Pagsusulit

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Itiman ang bilog ng letra na
kumakatawan sa iyong sagot.

1. Ang sumusunod ay mga sakripisyo at kahirapang naranasan ni Dr. Rizal habang isinusulat niya ang nobela. Alin sa
sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Minsa’y makalawa lamang siyang kumain maghapon.
B. Napilitan siyang isanla ang lahat ng kaniyang alahas.
C. Ang mga magulang niya at mga kapatid ay pinag-usig ng pamahalaang Kastila.
D. Napilitan siyang makipaghiwalay sa kaniyang katipan upang bigyang-pansin ang pagsusulat.
2. Saan nailimbag ang nobelang El Filibusterismo?
A. Belgium B. Inglatera C. Espanya D. Pilipinas
3. Sino ang matalik na kaibigan ni Rizal na tumulong upang maipagpatuloy ang paglilimbag ng kaniyang nobelang El
Filibusterismo?
A. V. Ventura B. Dr. Blumentritt C. Marcelo H. Del Pilar D. Graciano Lopez Jaena
4. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI makatotohanan?
A. Ikinalungkot niya ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sana ang
pag- asa ng Pilipinas.
B. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang nobelang El
Filibusterismo.
C. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere kaysa El Filibusterismo.
D. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni Rizal sa Noli Me Tangere
kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa El Filibusterismo.
5. Ang lahat ay mga pangyayaring naganap sa Pilipinas habang nasa ibang bansa si Rizal. Alin ang HINDI kabilang?
A. Inusig ang kaniyang pamilya kaugnay ng usapin sa lupa na umabot hanggang sa Kataas-taasang Hukuman ng
Espanya.
B. Ang tatlong paring sina Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos at Don Jacinto Zamora ay binitay sa
Bagumbayan.
C. Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan (Leonor Rivera).
D. Tinanggihan ng mga pari na ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano na si Mariano
Herbosa
(asawa ni Lucia Rizal) dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.
6. Anòng tunggalian ang naganap sa Kapitan Heneral at mataas na kawani? (Kabanata XXXI)
A. Nagkainitan sila dahil sa pagtatanggol ng mataas na kawani sa mga Pilipino.
B. Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio ukol sa pagkakakulong ng binata.
C. Naging mainit ang kanilang usapan ukol sa mga plano ng Heneral para sa bayan.
D. Nagkaroon sila ng pagdedebate ukol sa planong pagpapatayo ng akademya ng mga kabataan.
7. Paano naganap ang tunggalian ng mga guwardiya sibil laban kay Basilio? (Kabanata XXVI)
A. Dinukot siya dahil sa planong pagpapatayo ng akademya.
B. Dinakip siya ng mga ito dahil pinagkamalan siyang sangkot sa himagsikan.
C. Dinakip si Basilio sa pag-aakalang maghihiganti siya sa pagkamatay ni Huli.
D. Pinaimbestigahan si Basilio sa pag-aakalang kakalabanin nito ang Kapitan Heneral.
8. Ang mga ito ay kondisyong umiral sa lipunang Pilipino noong panahon ng Espanyol kaya sinikap ni Dr. Rizal na
matapos ang pangalawa niyang nobela maliban sa isa.
A. Pinapatawan ng kamatayan ng mga Espanyol ang sinomang Pilipinong nais nilang mamatay.
B. Sapilitang pinagtatrabaho sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol ang mga Pilipino.
C. Sinomang sumubok na sumuporta at tumulong sa kaaway ng mga Espanyol ay parurusahan din.
D. Pinahahawak ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang mga Pilipino kapalit ng buwis na kailangan nilang
bayaran.

9. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng nobelang El Filibusterismo sa
kasaysayan at pamumuhay ng mga Pilipino. Alin ang HINDI kabilang?
A. Pinasigla at pinatibay nito ang loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa Espanya.
B. Nakatulong ito nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa Paghihimagsik noong 1896.
C. Binuksan nito ang isipan ng mga mananakop upang ipagkaloob na ang ganap na kalayaan sa mga Pilipino.
D. Ito ang nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, ng pagbabagumbuhay, at ng landas tungo sa kaligtasan.

10. Kung pagbabatayan ang timeline ng kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo, alin ang naunang naganap?
A. paglipat ni Dr. Rizal sa Bruselas, Belgica
B. pagsulat ng malaking bahagi ng nobela noong Marso, 1891
C. kaniyang paninirahan at pagsulat ng nobela sa Londres, Inglatera
D. pagbibigay niya ng manuskrito sa isang palimbagan sa Gante, Belgica
11. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay ni Basilio?
I. Inaglahi si Basilio ng mga taong kaniyang nakasalamuha sa paaralan dahil sa aba niyang kalagayan at
kakaiba niyang bihis at anyo.
II. Naging aliping walang bayad ni Kapitan Tiago si Basilio kapalit ng libreng pagpapaaral nito sa
kaniya.
III. Inilipat siya ni Kapitan Tiago sa Ateneo kung saan siya naging matagumpay sa kaniyang pag-aaral.
IV. Lumuwas ng Maynila si Basilio at halos magpatiwakal sa hirap na naranasan.
V. Binigyan ng salapi si Basilio ng di kilalang lalaki pagkatapos nilang magkatulungan sa may
kagubatan.
A. V-IV-III-II-1 B. I-II-III-IV-V C. III-II-I-V-IV D. V-IV-II-I-III
12. “Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang damit,” ano ang kahulugan ng pahayag na ito ni
Kabesang Tales?
A. Pare-pareho lamang ang bawat tao nang isinilang.
B. Magkakatulad lamang ang bawat tao na may hangganan ang buhay.
C. Pantay ang karapatan ng bawat isa mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan.
D. Iwanan man ang magulang ng kanilang anak ay babalik at babalik pa rin ito sa kanilang tahanan.
13. Bakit takot na lumapit si Huli kay Padre Camorra?
A. Nais siyang gawing alila.
B. May pagnanasa ito sa kaniya.
C. Gusto nito ang agnos bilang kapalit.
D. Hindi ito nasisiyahan sa pasasalamat lamang.
14. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ni Kabesang Tales sa pagkakahirang sa kaniya bilang isang kabesa?
A. Malakas siyang kumita ng salapi. B. Maunlad ang kaniyang kabuhayan.
C. Pinakamasipag siya sa kanilang nayon. D. Siya ay matapang at walang inuurungang laban.
15. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamahal ni Huli kay Basilio?
A. pag-iingat sa agnos na ibinigay ni Basilio
B. pagnanais na matulungan si Basilio na makalaya
C. paninilbihan kay Hermana Penchang kapalit ng salapi
D. isinakripisyo ang sariling buhay para sa kasintahan.
Para sa bilang 16-19
Basahin at suriing mabuti ang kaisipang lumutang sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon sa
ibaba.

A. Diyos B. Bayan
C. Magulang D. Kapwa-tao E. Sarili

____ 16. Naisip ni Hermana Penchang na kung ang hikaw ay ihahandog niya sa Birhen sa Antipolo, baka maipagkaloob
sa kaniya ang kahilingang mapasama ang kaniyang pangalan sa isang himala upang manatili siya sa alaala ng tao at
pagkatapos ay umakyat sa langit.
____ 17. Si Kabesang Tales ay handang gumugol nang malaki at iwasan ang pakikipagkagalit sa kura at sa pamahalaan.
____ 18. Pagbabayad niya sa buwis ng mga nakatalang pangalan ng mga namatay na o lumipat na ng tirahan.
____ 19. Nagbalak si Kabesang Tales na magpatayo ng bahay na yari sa tabla at pag-aralin sa Maynila sina Tano at Huli.
20. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing ng ‘di magkatulad?
A. Nagalit si Hermana Bali nang ayaw sumama ni Huli sa kumbento.
B. Mas mahalaga ang laket na ibinigay ni Basilio kay Huli kaysa sa iba pang mga alahas ng dalaga.
C. Nagtimpi si Kabesang Tales nang patawan ng mas mataas na buwis ng mga prayle ang kaniyang lupa.
D. ‘Di gaanong nalungkot si Hermana Penchang nang malamang nabilanggo ang binatang si Basilio.
21. “Kabagot-bagot man ang sinasasabi sa polyetong ibinibigay ng mga prayle ay totoo naman ang sinasabi nito na ang
mga kabataang nagpupunta sa Maynila upang mag-aral ay nawawalan ng kaluluwa at nahihimok pa ang ibang
magkagayon.” Paano ito maiuugnay sa kasalukuyang panahon?
A. Malupit ang tadhana sa mga mag-aaral sa Maynila.
B. Maraming makapangyarihang tao ang takot sa mga maaaring mamulat ang mata dahil sa edukasyon.
C. Ang mga prayle ay makapangyarihan at nagnanais pang magkaroon ng kontrol sa kanilang mga nasasakupan.
D. Malimit gawing katatawanan ng mga nananalig sa mga prayle ang pagtitiyaga ng mga mag-aaral na
nagpupunta sa
Maynila

Para sa 22 – 23. Basahin ang mga pahayag A at B at sagutin ang sumusunod na mga katanungan tungkol dito.

A. Sila’y kakikitaan ng ngiti sa lahat ng hadlang na dumating, taglay ang tapang tulad ng
leong haring magiting.

B. Malapit lang ang kaniyang paglilingkurang tahanan at balak nitong umuwi tuwing
makalawa upang dalawin ang kaniyang lolo. Iniayos ni Huli ang kaniyang tampipi at
agad na lumapit sa kaniyang lolo na si Tandang Selo upang halikan ang kamay nito.

Ibinilin ni Huli kay Tandang Selo na sabihin sa kaniyang ama na siya ay napasok sa
pinakamurang kolehiyo. Dali-daling umalis si Huli nang makita nitong natitigmak na
sa luha ang kaniyang lolo.

22. Paano nagkatulad ang pahayag A sa pahayag B batay sa paksang tinalakay ng mga ito?
A. Naipakitang may mga mapang-abusong taong nakatataas sa lipunan.
B. Tinalakay sa dalawang sipi ng akda ang kalakasan ng kababaihan.
C. Inilarawan ang nagiging lakas ng kababaihan laban sa diskriminasyon sa trabaho.
D. Tinalakay ang kakulangan ng trabaho para sa kababaihan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
23. Paano nagkaiba ang dalawang pahayag na binasa?
A. Ang pahayag A ay nagpahayag ng diskriminasyon at ang pahayag B ay pumapaksa sa kababaihan.
B. Nailarawan ng pahayag A ang pagiging masayahin ng isang babae habang ang pahayag Bnaman ay nagpakita
ng kalungkutan.
C. Naipakita ng pahayag A ang kalakasan ng babae sa gitna ng problema habang inilarawan ng pahayag B ang
kalungkutan ni Huli bago umalis.
D. Naghahanap ng pagkakapantay-pantay na karapatan ang pahayag A habang naghahangad ng mas magandang
buhay ng kababaihan ang pahayag B.
24. Alin sa sumusunod ang salitang hindi ginagamit sa paghahambing?
A. ‘di magkatulad B. magkatulad C. pagmamalabis D. pasahol
25. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang nagbibigay patunay sa pagiging makatotohanan ng mga naganap kay Huli
sa mga kabanatang nabasa?
A. Marami sa mga nakatataas ang umaabuso sa kahinaan ng tao.
B. Mayroong mga taong nais tumulong sa mga taong nangangailangan.
C. Ang mga relihiyoso ay may matibay na pananampalataya sa kaparian.
D. Mainit ang mata ng mayayaman sa mahihinang tao tulad ni Huli.
26. Isang taon ang lumipas, masagana pa rin ang ani. Dahil sa iba’t ibang mga dahilan ay itinaas ng mga prayle ang buwis
sa lupa sa limampung piso. Bakit naging makatotohanan ang bahaging nabanggit?
A. Maraming naghahangad sa hindi naman nila pag-aari.
B. Patuloy ang korapsiyon at pang-aabuso ng mga may kapangyarihang taglay.
C. Isang isyung panlipunan ang pagkakaroon ng maayos na tirahan sa panahon ngayon.
D. Humihina ang agrikultura sa ating bansa dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng mga nakatataas.
27. Saang pangyayari maihahambing sa kasalukuyan ang pangyayaring naganap sa kabanata kung saan napilitang
mamasukan si Huli para matubos ang kaniyang ama?
A. Hindi pa rin malunasan ang kahirapan sa bansa.
B. Ang paninilbihan ay itinuturing pa ring mababang uri ng gawain.
C. Mahirap kalabanin ang mga nakatataas na posisyon sa gobyerno.
D. Marami ang nagnanais na magkaroon ng trabahong mataas ang kita.
Para sa bilang 28-31- Tukuyin kung anong kaisipan ang tinalakay sa bawat pangungusap.
28. Matagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Anong kaisipan ang
tinatalakay
ng pangungusap?
A. karapatang pantao B. karanasang pansarili C. kapangyarihan ng salapi D. paggamit ng kapangyarihan
29. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lupon ng paaralan sa kanilang panig.
Ano ang kaisipang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. karapatang pantao B. kapangyarihan ng salapi C. pagmamahal sa pamilya D. pamamalakad pamahalaan
30. Bilang pagtupad sa kanilang misyon para sa Akademya ng Wikang Kastila, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni
Ginoong
Pasta. Anong kaisipan ang nangibabaw sa pangungusap?
A. pagmamahal sa sarili B. pagmamahal sa bayan C. pagmamahal sa Diyos D. pagmamahal sa
pamilya 31. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon. Ano ang
kaisipang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. karapatang pantao B. pagmamahal sa Diyos C. paggamit ng kapangyarihanD. Pamamalaka sa
pamahalaan
32. Gayon man, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro sa lipunan. Sinabi naman ng pari na
malabis na ang sinasabi ni Isagani. Ano ang pinakaangkop na paniniwala ang kaisipang namayani sa pahayag?
A. maging mabuti at huwarang guro
B. sumunod sa pamahalaan kahit na ito ay mali
C. mga maling gawain ng mga pari na siyang itinuturo sa mga tao
D. dapat na tama ang ginagawa ng guro upang tularan ng mga mag-aaral
33. Nakita ni Basilio si Simoun na pumanaog sa sasakyan dala ang ilawan ng kamatayan. Nang mga oras na iyon, nag-iba
ang pananaw ni Basilio at nais nang mailigtas ang mga tao sa loob ng bahay sa nakatakdang pagsabog mula sa lampara.
Aling bahagi ng pahayag ang tumatalakay sa pagmamahal sa kapuwa-tao?
A. nakita ni Basilio si Simoun
B. nag-iba ang pananaw ni Basilio
C. si Simoun na pumanaog sa sasakyan dala ang ilawan ng kamatayan
D. nais nang mailigtas ang mga tao sa loob ng bahay sa nakatakdang pagsabog mula sa lampara
34. Ano ang mga salitang hudyat na ginamit sa pahayag na, “Aminado akong ako’y nagkamali ngunit sapat na ba iyan
upang ipagkait ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at iligtas ang mga higit na salarin kaysa sa akin”?
A. aminado akong B. iligtas ang mga C. ako’y nagkamali D. ngunit sapat na ba
35. Ano ang mga salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa ganang akin, ang karangalan ay nasa mga tulisang
bundok
at ang kasamaan naman ay nasa tulisang bayan”?
A. sa ganang akin B. nasa tulisang bayan C. ang karangalan ay D. ang kasamaan naman
36. Ano ang mga salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa pakiwari ko mas mainam kung ang lahat ng bayan na
nasa
baybayin ng ilog ay pag-aalagain ng mga itik upang lumalim ang lawa sa pagkuha nila ng mga susong pangunahing
kinakain ng mga ito”?
A. baybayin ng B. kung ang lahat C. sa pakiwari ko D. mas mainam kung
37. Ano ang salitang naglalarawan sa sinabi ni Simoun na, “Ayoko namang bumagsak kayo sa maliit na halagang iyan.”
A. ayoko B. halagang C. bumagsak D. maliit
38. Ano ang salitang naglalarawan ang nasa pahayag na; Samantala, ninais ni Basilio na pumanhik sa itaas subalit nalimot
niya ang madungis niyang kasuotan kaya’t pinigil siya ng mga guwardiya?
A. kasuotan B. nalimot C. marungis D. pumanhik
39. Ano ang mga salitang naglalarawan sa pahayag na; Naibigay niya sa isang maganda at kabigha-bighaning babaeng
kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki ang tatlong pulseras?
A. babaeng kaibigan B. makapangyarihang lalaki
C. maganda at kabigha-bighani D. kaibigan ng isang makapangyarihan
40. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Simoun na, “Hay naku! Nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakalang
mababayaran ninyo ako?”
A. natutuwa sa salapi B. naiinip sa pangyayari
C. nayayamot sa kausap D. nagagalak sa nangyayari
41. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Basilio na, “Isagani! Isagani, pakinggan mo ako; huwag tayong mag-aksaya ng
panahon! Ang bahay na iyan ay puno ng pulbura, sasabog na”?
A. pagkatuwa sa kausap
B. pagkatakot sa mangyayari
C. pagkayamot sa mga guwardiya sibil
D. pagkasabik sa kahihinatnan ng pangyayari
42. Ang pagpapasiya ni Basilio na huwag umanib sa pag-aalsa nang una siyang alukin ni Simoun ay halimbawa ng
teoryang _____________.
A. Humanismo B. Realismo C. Naturalismo D. Romantisismo
43. Piliin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng teoryang naturalismo.
A. pagkawala ni Kabesang Tales
B. pagnanasa ni Padre Camorra kay Huli
C. paghingi ng tulong ni Huli kay Padre Camorra upang isalba ang nobyong si Basilio
D. pag-aalsa ng mamamayan at mag-aaral laban sa mga mapang-abusong prayle
44. Piliin sa sumusunod na mga pangyayari ang nagpapakita ng teoryang romantisismo.
A. pagkawala ni Kabesang Tales
B. pagnanasa ni Padre Camorra kay Huli
C. paghingi ng tulong ni Huli kay Padre Camorra upang isalba ang nobyong si Basilio
D. pag-aalsa ng mamamayan at mag-aaral laban sa mga mapang-abusong prayle
45. Anòng klasikong kalagayan ng lipunang umiiral noong panahong iyon na masasalamin sa pangyayaring ito na
hango sa nobela, napalaya ang lahat ng mga mag-aaral na nasangkot sa pagkakalat ng paskin maliban kay Basilio.
A. Pinarurusahan ang tunay na nagkakasala
B. Ang taong lumalaban sa pamahalaan ay nananago
C. Walang mayaman o mahirap, lahat ay pantay-pantay.
D. “Palakasan System” sa lipunan na kung saan ang higit na mayaman ang siyang naililigtas at ‘di naparurusahan
46. Anòng sinaunang kalagayang mayroon ang mga Pilipino sa pangyayaring ito na hango sa nobela na nais bigyang-
pansin ng may-akda. Umalingawngaw ang nakagigimbal na balita sa bayan, isang babae ang tumalon mula sa itaas
ng kumbento. Siya ay si Huli ang kasintahan ni Basilio.
A. Mahina ang kababaihan
B. Pang-aabuso sa kababaihan
C. Pagiging matapang ng kababaihan
D. Pagkalunod ng mga kabataan sa pag-ibig
47. Anòng kaugaliang klasiko ng mga Pilipino sa pangyayaring ito na hango sa nobela at nais bigyang-pansin ng may-
akda. Pinakatago-tago at pinakaiingat-ingatan ni Huli ang agnos na ibinigay sa kaniya ni Basilio.
A. Matipid ang mga Pilipino
B. Mapagbigay ang mga Pilipino
C. Pagbibigay ng pagpapahalaga sa bagay na ipinagkakaloob
D. Pagiging masinop ang isa sa ating mga katangian noon pa man
48. Pinili ni Padre Florentino na itapon sa karagatan ang lahat ng kayamanan ni Simoun. Ang pagpapasiyang ginawa ng
Tauhan sa pangyayaring ito ay halimbawa ng tunggaliang _____________.
A. tao sa tao B. tao vs. sarili C. tao vs. lipunan D. tao vs. kalikasan
49. Tumalon si Huli mula sa itaas ng kumbento matapos na pagsamantalahan ni Padre Camorra. Ang pangyayaring ito ay
halimbawa ng tunggaliang _____________.
A. tao sa tao B. tao vs. sarili C. tao vs. lipunan D. tao vs. kalikasan
50. Alin sa sumusunod na pangyayari ang sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino noon na binigyang-diin sa
nobelang El Filibusterismo.
A. Malaya ang mga Pilipino
B. Masaya at payak ang pamumuhay ng mga Pilipino noon
C. Kawalan ng katarungan at kalayaan ng maraming Pilipino
D. Pagbibigay-pagkakataon ng mga prayleng Kastila na makapag-aral ang kabataang Pilipino

You might also like