You are on page 1of 15

ANG SISTEMA

NG EDUKASYON
NG BANSA
MARY GRACE N. CASTILLA
Mga Tiyak na Layunin:

1. Natatalakay ang kahalagahan ng edukasyon.


2. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng maayos
na sistema ng edukasyon sa bansa.
3. Nakasusulat ng isang sanaysay ukol sa sistema ng
edukasyon ng bansa at ang kahalagahan nito.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong
aralin

Mga katanungan:
1. Saan ka mas nawiwili, sa labas o sa loob ng paaralan?
Bakit?
2. Para sa inyo ano ang edukasyon?
3. Bakit mahalaga ang edukasyon sa isang bansa at
mamamayan nito?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ibigay ang sariling opinyon ayon sa kasabihang nakapaloob sa


larawan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pagkatapos masuri ang larawan sasagutan ng ilang


mag-aaral ang sumusunod na katanungan ng guro:

1. Ano ang mensaheng nakapaloob sa larawan?


2. Totoo kaya ang mensaheng ito?
Patunayan mo.
D. Pagtalakay ng bagong Konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1
Gawain 2: Magbasa Tayo.
Gaano kahalaga ang edukasyon sa ating mga Pilipino

Bukod sa pagiging pangunahing karapatang pantao, ang


pagkakaroon ng edukasyon ay isa sa pundasyon na maaaring
makaangat sa tao sa kahirapan. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay
nakapagbibigay ng maraming kapakinabangan pang- indibidwal,
pampamilya, pampamayanan at pambansa.
Ang pagharap sa hamon ng edukasyon ay maliwanag na isang
moral at mahalagang sagutin ng pamahalaan. Ang bagay na ito ay
nangangailangan ng higit na pagsisiskap upang patuloy na
mapaunlad ang oportunidad hindi lamang ng kabataan kundi pati na
rin ang may mga edad.
Napakahalaga ng edukasyon upang tumaas ang kalidad ng
pamumuhay ng tao dahil ito ang nakakatulong sa kanila na
makapaghahahanp-buhay nang maunlad at matiwasay. Ito
ay kailangan upang malinang ang kakayahan. Kapag may
hanapbuhay ang mga mamamayan, sila ay kumikita at
may pinagkukunan ng kabuhayan. Natutugunan nila ang
kanilang mga pangangailangan at nakatatamasa sila ng
masagana at mataas na antas ng pamumuhay, Kung
marami ang naghihirap at naghihikahos, nahihirapan ding
umunlad ang bansa.
Ang kaayusang panlipunan ay madali ring mapanatili
kung napag-aaralan ng mga tao ang kanilang mga
tungkulin at karapatan. Naiintindihan nila ang
kahalagahan ng mga batas ng bansa kaya nakasusunod sila
sa mga ito. Kung hindi maayos ang pagpapasunod ng
batas, ang pang-ekonomiya at panlipunang kaunlaran ay
maaapektuhan. Ang mataas na bilang ng kriminalidad ay
hadlang sa kabuuang kaunlaran ng bansa. Ito ay lumilikha
ng takot at karahasang naglalagay sa kapahamakan sa
personal na seguridad at pumipinsala sa kaayusang
panlipunan.
E. Paglinang sa Kabihasaan

Gawain 3: Gawin Natin

Hatiin ang klase sa 4 na pangkat at ipapagawa ang mga


sumusunod na gawain gamit ang differentiated instructions sa
loob ng 3 minuto lamang.
Ano ang nagagawa, naitutulong at pakinabang ng maayos na
sistema ng edukasyon sa isang:

INDIBIDWAL- Unang Pangkat. ( maikling dula )


PAMILYA- Ikalawang pangkat- (tula)
PAMAYANAN- Ikatlong Pangkat- (Pantomime)
BANSA- Ikaapat na Pangkat- (Slogan)
E. Paglinang sa Kabihasaan

Pamantayan:

Nilalaman- 20
Organisasyon- 20
Pagkakaisa- 10
Kabuuan- 50

Tala: Sa bawat presentasyon ng mga mag-aaral, ang guro ay


magbibigay ng karagdagang paliwanag o ideya. Maaari din itong
magtanong ukol sa paksa.
F. Paglapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Scenario Building

Si Juan ay 16 taong gulang na nakatira sa liblib na barangay. Grade


six lang ang natapos nya at hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral sa
hayskul dahil kailangan nya nang huminto at tumulong sa mga
magulang sa paghahanap-buhay dala ng kahirapan. Isang araw
bumisita ang kanyang matalik na kaibigan at hinikayat syang
bumalik sa pag-aaral. Nag kwento ito ng mga karanasan nya sa
paaralan at ang kahalagahang naidulot sa kanya ng pag-aaral. Kung
ikaw si Juan, ano ang magiging desisyon mo? Bakit?
G. Paglalahat ng Aralin

- Ano ang mahahalagang kaalaman ang


natutunan ninyo sa ating aralin?
H. Pagtataya ng Aralin

Magsulat ng isang maikling sanaysay ukol sa


kahulugan ng edukasyon at kahalagahan ng maayos na
sistema ng edukasyon.
H. Pagtataya ng Aralin

Pamantayan:

Nilalaman- 20
Organisasyon- 20
Pagkakaisa- 10
Kabuuan- 50
I. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at
remediation

Anong mga bagay ang inaakala mong


pinakamahalagang naipagkaloob saiyo ng pag- aaral?

You might also like