You are on page 1of 27

1

Araling Panlipunan 10

Ikatlong Markahan- Modyul 1-4

Manunulat:
Michael M. Dalogdog, LPNHS-GA
Akiko E. Kanno, LPCTVHS
Rosalinda C. Petilla, LPENHS

Balideytor sa Nilalaman:
Janalle J. Belonias, LPENHS
Apollo D. De Guzman, LPENHS-EVA

Balideytor sa Wika:
Mariella P. Balboda, LPCNSHS
Leonora L. Lustre, LPCNSHS

Balideytor sa Pangkakaangkop:
Eliza J. Camposano, LPNHS-Almanza

Konsolideytor:
Janalle J. Belonias – LPENHS

Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pagaaral gamit ang SLeM na
ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

2
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkl sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsyri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

Aralin Ang Konsepto ng Sex at


1 Gender
Layunin sa Pagkatuto
● Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at sex ●
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex

I. Suriin
Isang mahalagang katangian ng isang tao ang kasarian at sekswalidad.
Ito ay may malaking epekto sa kanyang pamumuhay. Subalit dahil sa
pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala at pananaw, nagkakaroon ng iba’t ibang

3
isyu hinggil dito. Sa araling ito ating aalamin ang pagkakaiba ng sex at gender, at
bibigyang pagsusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.

Mga Katangian ng Sex at Gender

Katangian ng Sex Katangian ng Gender


Lalaki: Lalaki:
Mayroong bayag o testicle Siya dapat ay malakas at may makisig
na pangangatawan

Babae: Babae: Ilaw ng tahanan; may


Mayroong buwanang dalaw o regla mababang loob at nag-aalaga sa mga
kasapi ng pamilya

ANG KONSEPTO NG SEX AT GENDER

Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang


dalawang salitang ito sa wikang Filipino ay kapwa katumbas ng salitang kasarian.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal
at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Samantala, ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at
gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Upang higit na
maipaliwanag ang pagkakaiba ng dalawang konsepto, nakatala sa ilustrasyon sa
kanan ang mga paglalarawan para sa mga ito.

MGA KONSEPTONG MAY KINALAMAN SA


ORYENTASYONG SEKSUWAL

Ang oryentasyong sekswal o sexual orientation ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian
ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Samantala, ang pagkakakilanlang pangkasarian o gender identity ay kinikilala
bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang
paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.

Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay


tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal,
homosekswal, at bisekswal. Nakatala sa talahanayan sa ibaba ang mga
paglalarawan patungkol sa mga terminong ito.

URI NG SEKSWALIDAD PAGLALARAWAN HALIMBAWA


Heterosexuality Mga taong may atraksiyong Lalaki at babae
seksuwal sa miyembro ng
kaibang kasarian
Homosexuality Mga nagkakaroon ng Lalaki sa kapwa
seksuwal na atraksiyon sa lalaki

4
mga taong nabibilang sa Babae sa kapwa
katulad na kasarian babae

Bukod sa mga lalaki at babae, may mga kasarian na nabibilang sa


tinatawag na LGBTQIA+. Sila ay mga grupo ng mga tao na nagsusulong ng
karapatan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad na ninanais ng bawat isa.

● Lesbian - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
● Gay - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;
may mga gay ang nagdaramit at kumikilos na parang babae.
● Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
● Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, at ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.
● Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa
anumang kasarian.

❖ Mga Pamprosesong Tanong


1. Anong pagpapakahulugan ang maaring ibigay sa gender at sex?

2. Bakit mahalaga na maunawaan ang mga konseptong may kinalaman sa


kasarian?

II. Mga Gawain


Gawain1

PAANO NAGKAIBA?

Panuto: Tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng sex at gender. Ilista ang katangian
ng sex at gender sa mga kahon sa ibaba.

GENDER SEX

5
GAWAIN 2 PAGSULAT NG SANAYSAY

Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga sumusunod na katanungan sa


ibaba gamit ang kumpletong pangungusap na hindi bababa sa lima (5). Gawing
gabay ang rubric na makikita sa ibaba.

RUBRIC

Pamantay 5 4 3 2 1
an

Organisasy Mahusay ang Mayroong 3-4 Mayroong 3-4 Mayroong 2 Mayroong 1


on ng pagkakaayos kaisipan na may kaisipan na may kaisipan na may kaisipan na
kaisipan at ng kaisipan at kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa may kaugnayan
nilalaman lahat ay katanungan at katanungan, tanong ng guro sa tanong ng
mayroong may sapat na ngunit hindi ngunit hindi guro subalit
kaugnayan sa pagpapaliwana sapat ang sapat ang walang
katanungan. g na ibinigay. pagpapaliwana pagpapaliwana pagpapaliwan
g na ibinigay. g na ibinigay. g na ibinigay.

1. Paano nagkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkol sa homosekswalidad?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay dapat bang bigyan ang bawat tao ng kalayaang makapili ng
naisin niyang kasarian?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

III. Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Aling termino ang maiuugnay sa mga indibidwal na walang nararamdamang


atraksiyon sa kahit na anong kasarian?
a. Asexual b. Bisexual c. Gay d. Lesbian
2. Alin sa mga sumusunod na termino ang maiuugnay sa lalaking nakararamdam
ng atraksyon sa kanyang kapwa lalaki?
a. Asexual b. Bisexual c. Gay d. Lesbian
3. Anong termino ang maiuugnay sa mga babae na ang kilos at damdamin ay
panlalaki, may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae?
a. Asexual b. Bisexual c. Lesbian d.
Transgender

6
4. Si Juan ay nakararamdam na hindi siya para sa katawan na meron siya, kaya
ninais niya na palitan ng paunti-unti ang mga bahagi ng kanyang katawan.
Anong kasarian ang maiuugnay sa kanya?
a. Asexual b. Bisexual c. Lesbian d.
Transgender

5. Ang lalaking si Randy ay mayroong pagtatangi sa kanyang kaibigang babae na


si Elizabeth. Anong sekswalidad ang inaangkupan ni Randy?
a. Gender Identity b. Heterosexuality c. Homosexuality d.
Transgender

IV. Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, itala ang sa iyong palagay ay mga bagay na
dapat ginagawa ng babae at lalaki. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa
ibaba.

LALAKI BABAE

❖ Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang napansin mo sa iyong mga naging kasagutan?
2. Naniniwala ka ba na ang mga gawain ng babae ay kaya ring gawin ng mga
lalaki? Bakit mo nasabi?

Mga Uri ng Kasarian (Gender),


Aralin Sex at Gender Roles sa
2 Iba’tIbang Bahagi ng Daigdig
Layunin sa Pagkatuto
● Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender), sex at gender roles sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig.

7
I. SURIIN

Ang gender roles o gampaning pangkasarian ay isang konsepto na mag-


uugnay sa sex at gender. Ito ay ang inaasahang kilos, gawi, katangian, at tungkulin ng
mga mamamayan na naaayon sa kanilang kasarian sa kanyang lipunang
kinabibilangan. Ang mga babae at lalaki ay marapat na magtaglay o magpakita ng kilos,
pananamit, at paguugali na naayon sa kanilang itinakdang kasarian. Malaki ang
impluwensya ng kultur ana mayroon ang isang lipunan, ito ang nagtatakda ng gender
riles ng mga taong bumubuo dito. Sa kabilang dako, ito ay maaari ding magbago sa
paglipas ng panahon batay sa pagnanais ng mga taong nakakaranas nito. Ating suriing
mabuti ang bahagi ng gender roles sa iba’t ibang larangan at institusyong panlipunan sa
ibat-ibang panig ng daigdig.

GENDER ROLES SA PILIPINAS


ASPEKTONG PALIWANG HALIMBAWA
PANLIPUNAN
PAMILYA Ang pagkakaroon ng patriarchal o male Ang ama o lalaki ang nasusunod sa
dominated na lipunan at anyo ng pamilya ay pagdedesisyon para sa pamilya.
matagal na panahon nang nararanasan Ngunit sa kasalukuyan, bunsod na rin
sa ating bansa. Ito ay pinaigting ng ng pagbabago ng kultura at
kulturang dala ng iba’t-ibang bansang pagtataguyod ng gender equality at
nanakop sa atin. Noong panahon ng mga women empowerment, ang
Espanyol, isa sa mga dokumentong magasawa ay malimit nang
nagpatunay dito ay ang Boxer Codex noong pinagkakasunduan ang desisyon
1595. Ito ay nagsasaad na ang mga lalaki para sa pamilya.
ay pinapayagang magsawa ng marami,
subalit maaring patayin ng lalaki ang
kanyang asawa kapag ito ay nakita na may
kasamang ibang lalaki.
EDUKASYON Sa edukasyon ng anak (hanggang Noong Panahon ng Espanyol, ang
kolehiyo), mas binibigyang prayoridad sa kabataang lalaki ang nauunang
mga lalaki. Ito ay dulot ng maling paniniwala binibigyan ng pribilehiyo na mag-aral
na ang mga lalaki ang siyang magtataguyod at ang babae ay tinuturuan sa mga
ng isang pamilya at ang mga babae kapag gawaing bahay. Sa kasalukuyan,
mag-asawa ay sa bahay lamang. Ang marami ng mga kababaihan ang
pagkuha ng kurso sa kolehiyo ay nakaayon nagtatamas ng edukasyon sa
din sa kasarian na angkop sa babae at iba’tibang kurso at larangan. Mayroon
lalaki. Subalit, ang kaganapang ito ay unti- ng mga babaeng inhinyero, doktor,
unti ng nabago dahil na rin sa pagsusulong abogado, pulis, sundalo, bumbero,
ng karapatan sa pantay na edukasyon ng welder, technician at iba pa.
mga kababaihan
HANAPBUHAY Noong unang panahon ang mga kalalakihan Nakatatanggap ng mas mataas na
lamang ang naghahanapbuhay at ang mga sahod at posibleng promosyon ang
kababaihan ang gumaganap sa mga mga lalaking manggagawa. Subalit,
gawaing-pambahay. Ngunit sa kasalukyang sa panahon ngayon marami ng mga
panahon, maraming mga kababaihan na kababaihan ang nasa mataas na
ang naghahanap-buhay at nagiging posisyon na sa kanilang mga
economically independent. Sa ganitong hanapbuhay. Ito ay patunay na may
paraan ay mas kaya nilang mamuhay ng umiiral na gender equality na rin sa
hindi umaasa kahit kanino at nagagawa sektor ng paggawa.
pang tumulong sa kanilang pamilya at
nagiging produktibong bahagi ng lipunan.
RELIHIYON Ang mga kababaihan ay may gampaning Ang Babaylan ang siyang pinuno ng
panrelihiyon sa sinaunang lipunan bilang sinaunang relihiyon ng mga
mga Babaylan. Sa pagdating ng Espanyol katutubo. Samantala, mga lalaki
umiral ang patriyarkal na pananaw. Subalit, naman gaya ng Santo Papa, Obispo
dahil sa pagsusulong ng karapatan sa at Kardinal ang namumuno sa
relihiyon ang mga kababaihan ay Simbahang Katoliko. Ngunit mayroon
nagtatamasa na rin ng Kalayaan sa pagpili din namang kababaihan na mga

8
ng relihiyon. Madre na namamahala sa mga
kumbento at beateryo.
PAMAHALAAN Noong panahon ng barangay, ang mga kababaihan partikular ang mga tinatawag
na Babaylan ay katuwang ng Datu sa pamamahala ng nasasakupan sa usaping
ispiritwal. Nang dumating ang mga Espanyol ay nabago ito dulot nga ng pag-iral ng
lipunang patriaryal at hindi nabigyan ng pagkakataong makabahagi sa usaping
pampamahalaan ang mga kababaihan. Ito ay nagpatuloy sa mga unang bahagi ng
pamamahala ng mga Amerikano sa ating bansa. Ito ay nabago lamang noong
noong April 30, 1937, sa bisa ng Commonwealth Act No. 34. Sa ilalim ng batas na
ito pinagkalooban ang mga kababaihan ng right to suffrage o ang karapatang
makaboto at maiboto sa mga posisyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng politikal
na eleksyon.

Ilan sa mga naging kilalang babaeng naglingkod sa ating pamahalaan ay sina (1)
Carmen Planas- Unang Babaeng Konsehal; (2) Geronima T. Pecson- Unang
babaeng Senador na nahalalal noong 1947; (3) Eva Estrada-Kalaw- Unang
babaeng nahalal muli (re-elected) bilang Senador; (4) Miriam Defensor-Santiago-
Kilalang magaling na Senador at Unang Pilipino at Asyano na nahalal bilang
Hukom (Judge) sa International Criminal Court (ICC); (5) Leticia Ramos Shahani-
Unang Babaeng Senador na naging President Pro Tempore ng Senado; (6)
Santanina Rasul- Unang Babaeng Muslim na naging Senador; (7) Loren
Legarda- Unang babaeng nanguna ng dalawang beses sa halalan ng Senado
(1998 at 2007). Siya rin ang unang babaeng Senador na naging Majority Floor
Leader; (8) Corazon C. Aquino- Unang babaeng Pangulo sa Kasaysayan ng
Pilipinas at Asya matapos ang People Power I noong 1986; (9) Gloria Macapagal
Arroyo-Unang Babaeng Senador na naging Unang Babaeng Vice-President at
Unang Babaeng House Speaker ng Kongreso. Siya ay nalulok sa puwesto bilang
Pangulo noong 2001 matapos ang People Power II at nahalal na Pangulo noong
2004; at (10) Ma. Leonora Gerona Robredo-Kasalukuyang Vice-President ng ating
bansa.

GENDER ROLES SA IBA’T-IBANG PANIG NG DAIGDIG

ASPEKTONG PALIWANAG/HALIMBAWA
PANLIPUNAN
EDUKASYON Sa mga bansang gaya ng Egypt, Indonesia, at ilang bansa sa Timog Africa ay
nagkaroon ng pagtaas sa porsyento ng kababaihang nag-aaral dahil sa
pagpapatayo ng karagdagang paaralan. Sa Pakistan naman ay naitala ang
pagbaba sa 20% ng mga batang babaeng pumapasok sa paaralan dahil na rin sa
layo ng eskuwelahan.
HANAPBUHAY Noong 2011, naitala na marami sa bansa ang nagpapasahod ng higit na mas
mababa sa mga kababaihan. Idagdag pa rito ang mas mahabang oras ng trabaho
gaya na lamang sa Tanzania at Benin, kung saan ang kababaihan ay
naghahanapbuhay ng 17.4 na oras kumpara sa 14 na oras ng kalalakihan. Naitala
rin na aabot sa 43% ng kababaihan ang naghahapbuhay sa sektor ng agrikultura
sa papaunlad na mga bansa. Ipinakikita lamang nito na tumaas ang bilang ng
kababaihan na tumutulong upang mabawasan ang gutom at kahirapan sa kanilang
bansa.
RELIHIYON Santo Papa, hindi man tuwirang sumang-ayon rito, ay nagpahayag na
pagkakapantay-pantay para sa lahat na naiiba sa mga naunang pinuno ng
simbahang Katoliko. Sa kabilang banda, ang mga bansang Argentina, Mexico,
Uruguay, at Colombia ay may kani-kaniyang mga batas upang maprotektahan ang
komunidad ng LGBTQI. Maging ang pagpapakasal ng parehong kasarian at
pagaampon ng anak ay ginawang legal.
PAMILYA Sa bahagi ng South Africa may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa
rito, ayon na rin sa ulat na inilabas 276 ng United Nations Human Rights Council
noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo
ng mga miyembro ng LGBT. Isa pa matinding kaugalin na paglabas sa karapatan
ng mga kababaihan ay ang Female Genital Mutilation o FGM. pulis, sundalo, Ito
ay isang proseso ng paghiwa or pagtanggal ng female genitalia na isinasagawa ng

9
maraming bansa sa daigidg particular na sa Africa, Middle East at ilang bahagi ng
Asya at maging Europa nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay
nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hirap umihi at kamatayan.

PAMAHALAAN Sa Asya, naitala ang mula 1.6% hanggang 31% ng kababaihan ang nagiging
pinuno ng kanikanilang bansa.
Sa bansang Saudi Arabia ay mahigpit sila sa mga kababaihan sila ay hanggang
ngayon sila ay hindi parin maaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa
taong 2015 pa lamang sila makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may
pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid). Ipinagbabawal
rin ang paglalakbay ng mga babae nang mag-isa o kung payagan man ay
nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).

PANGKULTURANG PANGKAT SA NEW GUINEA


Taong 1931 nang magtungo ang antropologogong si Margaret Mead at ang
kanyang asawa na si Reo Fortune sa region ng Sepik sa Papua New Guinea upang
pagaralan ang mga pangkulurang pangkat sa ugar na ito. Sa kanilang pananatili roon at
nakatagpo nila ang sumusunod na pangkat:
● Arapesh na nangangahulugang “tao”, walang mga pangalan ang mga tao rito.
Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-
aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang
pamilya at pangkat.
● Mundugumur o kilala rin sa tawag na Biwat, ang mga mga babae at mga lalaki
ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat
● Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina
Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap
ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay
inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng gender role?
2. Paano natututunan ng isang indibiduwal ang ukol sa gender role?
3. Ano-ano ang bahaging ginagampanan ng gender role sa mga institusyong
panlipunan sa iba’t-ibang panig ng bansa?

II. MGA GAWAIN

GAWAIN 1. CONCEPT CIRCLES

Magbigay ng mga gender roles batay sa mga aspektong panlipunan.

10
GAWAIN 2. DATA RETRIEVAL CHART

Punan ang talahanayan/tsart ng mga pangkulturang pangkat at kanilang


gamapanin sa lipunan sa Papua New Guinea na sila at matagpuan nila Maraget
Mead at Reo Fortune.

Pangkulturang Gampanin ng Lalaki sa Gampanin ng Babae sa


Pangkat Lipunan Lipunan.
1.

2.

3.

III. TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA kung ang
sinasaad sa pangungusap ay tama at MALI kung ang isinasaad ay mali.

11
1. Ang Babaylan ang siyang pinuno ng sinaunang relihiyon ng mga katutubo.

2. Sa bansang Saudi Arabia ay mahigpit sila sa mga kababaihan sila ay hanggang


ngayon sila ay hindi parin maaring bumoto.

3. Pinapayagan na maglakbay mag-isa ang mga kababaihan sa bansang Saudi


Arabia.

4. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng


kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medical.

5. 43% ng kababaihan ang naghahapbuhay sa sektor ng agrikultura sa papaunlad


na mga bansa.

IV. KARAGDAGANG GAWAIN

GENDER ROLE AWARENESS

Gumuhit ng pigura ng isang babae at lalaki. Gupitin ito at ilapat o idikit sa malinis
na papel. Gawan ng listahan ng kanilang gender roles ayon sa iyong napapansin sa
paligid. Maaari mong maging batayan ang inyong tahanan, paaralan, komunidad, at
midya.

Aralin Diskriminasyon sa Kababaihan


3 at Kalalakihan
Layunin sa Pagkatuto
Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan at kalalakihan

12
I. SURIIN

❖ DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN AT KALALAKIHAN


⮚ Pangkalahatang Konsepto ng Diskriminasyon sa
Kasarian

Ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian ay


nananatiling malaking isyu at hamon sa ating lipunan.
Ang diskriminasyon sa kasarian ay ang anumang pag-
uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan. Ito ay maaaring
makita sa iba’t ibang manipestasyon o kaanyuan. Sa
kabilang banda, mahalagang tandaan na ang
diskriminasyon batay sa kasarian ay hindi lamang
limitado sa mga kababaihan dahil ito ay nararanasan din
ng mga kalalakihan at mga kasapi ng LGBT.

⮚ Manipestasyon ng Diskriminasyon sa mga


Kababaihan

Ang diskriminasyon o hindi pantay na pagtrato sa


mga kababaihan ay maaaring mauwi sa karahasan. Ayon
sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan. Kasama na rito ang mga pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan. Makikita sa ilustrasyon sa
kanan ang “Seven Deadly Sins against Women”, na
inilabas ng grupong GABRIELA (General Assembly
Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action). Ito ay naglalaman ng mga
sitwasyon na mayroong tahasang paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
Mahalagang tandaan na ang mga kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay
nakararanas ng pangaalipusta, hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo at
karahasan. Ito ay epekto ng isang lipunang patriarchal o male dominated society, na
kung saan mayroong mababang pagtingin sa mga kababaihan. Isang kulturang umiiral
noon pa mang unang panahon sa iba’t ibang mga bansa.

13
⮚ Karanasan ng mga Kababaihan
sa Pilipinas
Sa Pilipinas, kahit na may
masasabing women empowerment
o pagtatamasa ng mga kababaihan
ng kanilang nararapat na
karapatan, hindi maikakaila na may
mga nagiging biktima pa rin ng
diskriminasyon at karahasan.
Nakatala sa infographics sa kaliwa
ang mga datos hinggil sa mga
isyung ito.
Batay sa ipinakitang datos,
lumalabas na ang mga
diskriminasyong nararanasan ng
mga kababaihan ay buhat sa mga
karelasyon nila – kaganapang
tinatawag bilang “domestic
violence”. Sa usapin ng domestic
violence, ang mga sumusunod ay itinuturing na manipestasyon nito:

⮚ Sinasaktan ka o pinagbabantaan ka na sasaktan.


⮚ Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
⮚ Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban.
⮚ Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko.
⮚ Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
⮚ Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda; iniinsulto ka.
⮚ Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, sa pananamit, o kung saan ka
pupunta.
⮚ Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang
ginagawa niya sa iyo.

⮚ Karahasan sa Kababaihan sa mga Piling Bansa sa Daigdig


Ang mga kababaihan sa ibang mga bansa ay nakararanas rin ng iba’t ibang anyo o
manipestasyon ng diskriminasyon at karahasan sa kasarian. Ito ay karaniwang bunga ng
kinagisnang kultura ng isang partikular na lipunan. Tatlo sa mga halimbawa nito ay ang
foot binding, breast ironing at honor killing. Nakatala sa mga kahon sa ibaba ang mga
impormasyon ukol sa mga gawaing ito.

14
Manipestasyon ng Diskriminasyon sa mga Kalalakihan
Mahalagang maunawaan na ang diskriminasyon ay hindi lamang limitado sa
mga kababaihan, sapagkat pati ang mga kalalakihan ay nakararanas nito. Ang
sumusunod ay halimbawa ng mga diskriminasyong nararanasan ng mga lalaki.
● Pamamasukan sa Trabaho: sa mga bansang France at Belgium, naitala ang
mga insidente kung saan ang mga lalaking aplikante sa posisyong tulad ng
administrative assistant at may kinalaman sa vocational training ay hindi
tinanggap dahil sa kanilang pagiging lalaki.
● Pangangalaga sa mga Mag-aaral: Sa Denmark, may isang paaralang
pangkindergarten ang may polisiya na mga bababeng empleyado lamang ang
maaaring tumulong sa mga mag-aaral kung pupunta ang mga ito sa palikuran o
comfort room.
● Pangangalaga sa mga Pasyente sa Ospital: Sa United Kingdom, inireklamo ng
isang student-nurse ang patakaran ng isang ospital na tila tumatrato sa mga
kalalakihan bilang mga sexual predator. Sa patakarang ito, ang mga lalaking
nurse na tutulong sa mga babaeng pasyente ay kailangang samahan ng isa
pang katulong o chaperone.
● Pag-aadjust sa oras ng trabaho para tugunan ang mga gawaing-bahay: May
mga insidente sa mga bansang Bulgaria, France, at United Kingdom kung saan
hindi pinapaboran ang mga kalalakihan ng kanilang mga employer sa mga hiling
sa flexibility sa trabaho upang matugunan ang mga gawaing-bahay tulad ng
pangangalaga sa anak.
● Probisyon ng isang batas na tuwirang nagbibigay proteksiyon sa mga
kalalakihan laban sa pang-aabuso: Sa Pilipinas, ang batas laban sa domestic
violence ay sumasaklaw lamang sa mga kababaihan at mga bata. Sa isang
artikulo sa lokal na pahayagan, isinaad na tumataas ang insidente ng
pangaaabuso sa mga kalalakihan, kung saan 12 hanggang 15 sa bawat 100
magkapareha ay nakararanas nito.

Kaugnay nito, ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, ang mga kalalakihan ay
biktima rin ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic
violence. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri;
emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay
maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

❖ Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga manipestasyon ng diskriminasyon sa mga kababaihan?

15
2. Paano nararanasan ng mga kalalakihan ang diskriminasyon? Bakit madalas ay
hindi ito nabibigyang pansin?
3. Bakit mahalagang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa
diskriminasyon, kapwa sa mga kababaihan at kalalakihan?

II. Gawain Gawain 1: Pagtalakay

Tumukoy ng dalawa sa itinuturing na “Deadly Sins against Women” at talakayin


ang manipestasyon nito sa lipunang Pilipino. Matapos ito, gumawa ng maikling
paglalahat batay sa mga ibinigay na sagot.

Deadly Sin Manipestasyon

1. 3.

2. 4.

5. (Paglalahat)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang halimbawa ng mga diskriminasyon sa mga kababaihan?


2. Bakit mahalagang maunawaan ang manipestasyon nito sa lipunan?
Gawain 2: Paghahambing

Gamit ang Venn Diagram, gawan ng paghahambing ang diskriminasyong


pangkasarian na nararanasan sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan sa
Pilipinas.

Kababaihan Kalalakihan

1. 5. 3.

2. 4.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit nagaganap ang diskriminasyon batay sa kasarian?


2. Bakit mahalagang malaman ang tungkol sa mga diskriminasyong ito?

16
3. Sa iyong palagay, paano masosolusyunan ang mga suliraning may kinalaman sa
diskriminasyon sa kasarian?

III. Tayahin

Sagutin ang bawat aytem sa pamamagitan ng pagbilog sa letra ng tamang sagot.

1. Ano ang katawagan sa anyo ng diskriminasyon na kinapalolooban ng


pangangalakal sa mga kababaihan?
A. Domestic Violence B. Political Repression
C. Sexual Harassment D. Sex Trafficking

2. Ano ang katawagan sa gawaing kultural na pagpaslang sa isang babae sa


layuning maprotektahan ang karangalan ng pamilya?
A. Dowry Violence B. Genital Mutilation
C. Honor Killing D. Prostitution
3. Alin sa sumusunod ang gawaing kultural sa China kung saan tinatangkang
paliitin ang paa ng isang babae, sa paniniwalang tanda ito ng kagandahan?
A. Breast Ironing B. Foot Binding
C. Genital Mutilation D. Honor Killing
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Breast Ironing B. Female Circumcision
C. Foot Binding D.Forced Marriage
5. Sa mga bansa sa Europe, nakapagtala ng mga insidente na ang mga kalalakihan
ay hindi pinapaboran sa trabaho dahil sa kanilang kasarian. Sa Pilipinas, walang
umiiral na batas na tuwirang naglalatag ng proteksiyon sa mga kalalakihan mula
sa pang-aabuso. Ano ang mahihinuha mula sa mga pahayag na ito?
A. Pantay-pantay ang mga mamamayan sa lipunang ating ginagalawan.
B. Ang diskriminasyon sa kasarian ay nararanasan rin maging ng mga
kalalakihan.
C. Mga kababaihan lamang ang nakararanas ng diskriminasyon batay sa
kasarian.
D. Mas mahirap ang kalagayan ng mga kalalakihan sa Pilipinas kumpara sa
ibang bansa.

IV. Karagdagang Gawain

Sa isang ¼ illustration board, bumalangkas ng isang pictorial essay na magpapakita


ng mga larawan at/o mga clippings ng mga artikulo hinggil sa diskrminasyon sa mga
kababaihan at/o kalalakihan.

Gamiting gabay ang rubrics na siyang magsisilbing batayan ng iyong marka.

Pamantayan 50 30 10

Nilalaman Kakikitaan ng mga Tatlo sa Dalawa sa Isa sa mga


(70%) sumusunod: mga mga indikey-tor
indikey-tor indikey-tor ang maki-
● Teksto ng diskriminasyon ang maki- ang maki- kita
sa kababaihan
kita kita
● Teksto ng diskriminasyon
sa kalalakihan
● Larawan ng

17
diskriminasyon sa
kababaihan
● Larawan ng
diskriminasyon sa
kalalakihan
Teknikalidad Kakikitaan ng mga Tatlo sa Dalawa sa Isa sa mga
sumusunod: mga mga indikey-tor
(30%) indikey-tor indikey-tor ang maki-
● Malinis na gawa ang maki- ang maki- kita
● Maayos na pagkakalapat kita kita
ng nilalaman
● Angkop na tema
● Malikhaing presentasyon

Diskriminasyon sa LGBT
Aralin (Lesbian, Gay, Bi-Sexual at
4 Transgender)
Layunin sa Pagkatuto
● Nasusuri ang diskriminasyon sa LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual at Transgender)

SURIIN

● DISKRIMINASYON SA LGBT
⮚ Pangkalahatang Konsepto ng
Diskriminasyon sa LGBT
Ang diskriminasyon sa kasarian ay ang
anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon
batay sa kasarian na maaaring magdulot ng
karahasan sa iba’t ibang uri nito emosyonal,
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ang
mga ito ay maaaring maganap hindi lamang sa
heterosexual na relasyon ng mga babae at lalaki,
kundi maging sa mga homosexual na relasyon.
Nakatala sa ilustrasyon sa kanan ang mga anyo
ng pangaabuso laban sa mga kasapi ng LGBT, at
ang kaukulang paglalarawan sa bawat isa.

Manipestasyon ng Diskriminasyon sa LGBT


Ang diskriminasyon sa mga kasapi ng
LGBT ay maaaring makita sa iba’t ibang
konteksto. Hindi lamang sa tahanan
nakakaranas ng diskriminasyon ang
isang kasapi ng LGBT kundi maging sa paaralan o
lugar ng pinagtatrabahuhan.
Sa mga paaralan, ang mga mag-aaral na
kinikilala ang sarili bilang bahagi ng komunidad ng
LGBT ay nakararanas ng diskriminasyon sa anyo
ng bullying. Ang bullying ay maaaring ilarawan

18
bilang anumang hindi kanais-nais o negatibong pagkilos o pananalita ng isang
idnibidwal o grupo laban sa isa pa sa paraang paulit-ulit.
Samantala, sa konteksto ng lugar na pinagtatrabahuhan, ilan sa mga naitalang
ulat hinggil sa diskriminasyon laban sa mga LGBT ay ang hindi pagtanggap sa
trabahong inaaplayan o ang pagtatanggal sa trabaho matapos mapagalaman ang
tungkol sa kanilang oryentasyong sekswal at pagkakakilanglang pangkasarian. Bunsod
nito, may mga insidente kung saan tuwirang itinatago ng isang kasapi ng LGBT ang
kanyang kasarian sa pangamba na hindi makuha sa trabahong tinatangkang pasukan.
Madalas, ang mga insidenteng ito ay resulta ng kawalan ng pagkakapantay-
pantay at respeto sa pagkakaiba-iba. Ang mga ito ay nararanasan ing mga kasapi ng
LGBT sa anyo ng pananakit, intimidasyon, panggigipit at cyber-bullying. Anuman ang
manipestasyon, hindi maikakaila na ang mga ito ay naghahatid ng negatibong epekto
na nauuwi sa sumusunod:
● Paghinto sa pag-aaral dahil sa mga negatibong karanasan.
● Pagkawala ng tiwala sa sarili, dahilan upang hindi malinang ang ganap na
potensiyal.
● Pagkakaroon ng mga suliraning may kinalaman sa mental health at pananakit sa
sarili.
Samantala, mahalagang tandaan na hindi lamang mga bata kundi maging mga
matatanda na kabilang sa komunidad ng LGBT ay nakararanas ng diskriminasyon.
Nakatala sa ibaba ang mga datos na may kinalaman sa karanasan ng mga LGBT na
nakatatanda.
● Sa isang pag-aaral na nilahukan ng mga 416 LGBT na may edad 60 pataas, 65%
sa kanila ang nagsabi na nakaranas silang maging biktima ng pang-aabuso.
● Sa survey sa 3,500 LGBT na may edad 55 pataas, 8.3% sa kanila ang
nagpahayag na sila ay inabuso o pinabayaan ng kanilang caretaker dahil sa
homophobia, samantalang 8.9% naman ang nakaranas ng pananakot o
blackmail at pangaabusong pinansiyal.

Ang mga
tinukoy na

manipestasyon ng diskriminasyon sa mga kasapi ng


LGBT ay nararanasan sa Pilipinas at maging sa ibang bahagi ng daigdig.

19
Karanasan ng mga LGBT sa Pilipinas
Sa isang pag-aaral na ginawa ng Pew Research Center mula Marso 2
hanggang Mayo 1 2013, lumabas na 73% ng mga Pilipinong tumugon ang
nagpahayag na nararapat na tanggapin sa lipunan. Sa bilang ng mga tumugon, 78%
nito ay nasa edad 18-29. Sa kabila nito, kinuwestiyon ng mga kasapi ng LGBT ang
resulta ng pag-aaral. Ayon sa kanila, tinatanggap lamang ang mga LGBT kung
umaayon sila sa mga hangganang inilaan sa kanila ng lipunan, tulad ng cross-
dressing at pagpapatawa sa telebisyon. Sa likod nito ay ang mga insidente ng mga
krimen laban sa mga kasapi ng LGBT. Nakatala sa ilustrasyon sa kaliwa ang mga
halimbawa ng mga krimeng ito na itinuturing na manipestasyon ng diskriminasyon sa
LGBT sa bansa.

Samantala, batay sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development


Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID)
na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT
ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, nakakaranas ng bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian. Bukod sa mga ito, patuloy ang insidente ng
pagpatay sa mga LGBT sa kabila ng mga panawagan sa pagkakapantay- pantay at
kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.

Karanasan ng mga LGBT sa Iba’t ibang panig ng Daigdig


Batay sa isang pag-aaral na ginawa sa United States of America, lumabas ang
sumusunod na datos tungkol sa karahasan laban sa mga kasapi ng LGBT:
● 46% ng mga babaeng bisexual ang nakaranas ng panggagahasa.
● 22% ng mga babaeng bisexual ang nakaranas ng panggagahasa mula sa
kanilang kapareha.
● 26% ng mga gay na lalaki at 37% ng mga lalaking bisexual ang nakaranas ng
panggagahasa.
● 40% ng mga gay na lalaki at 47% ng mga lalaking bisexual ang nakaranas ng
karahasang seksuwal.
● 44% ng mga lesbian at 61% ng mga bisexual ang nakaranas ng panggagahasa
at pananakit mula sa kanilang kapareha.

Ayon sa ulat ng Transgender Europe (2012), May 1,083 LGBT ang biktima ng
pagpatay mula 2008- 2012. Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council
(UNHRC), ay nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon
at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na
“AntiHomosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations/marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Sa ibang panig ng daigdig, mayroong mga umiiral na patakaran na itinuturing ng
mga LGBT na manipestasyon ng diskriminasyon laban sa kanila. Nakatala sa mga
ilustrasyon sa ibaba ang ilan sa halimbawa ng mga ito.

20
Human Rights Watch (n.d.). #Outlawed: “the love that dare not speak its name”. http://internap.hrw.org/features/features/lgbt_laws/

Pamprosesong Tanong:

4. Ano-ano ang mga manipestasyon ng diskriminasyon sa mga kasapi ng LGBT?


5. Bakit nagaganap ang mga diskriminasyong ito laban sa mga kasapi ng LGBT?
6. Bakit mahalagang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa diskriminasyon
laban sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT?

II. Gawain Gawain 1: Paghahambing

Gamit ang compare and contrast table, paghambingin ang pang-aabuso na


nararanasan ng mga kabataan at matatandang kasapi ng komunidad ng LGBT.

Pang-aabuso sa LGBT

Karanasan ng mga Karanasan ng mga Nakatatanda


Kabataan

1. 3.

2. 4.

5. (Paglalahat)

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit nararanasan ng mga kasapi ng LGBT ang mga pang-aabuso batay sa


kasarian?
2. Bakit mahalagang malaman ang mga anyo ng mga pang-aabuso laban sa mga
LGBT?

Gawain 2: Pagsusuri ng Pahayag

Basahin at suriin ang pahayag gamit ang mga nakatalang pamprosesong tanong.

21
https://tinyurl.com/y4xz28np

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng pahayag?


2. Bakit mahalagang kilalanin na may mga karapatang taglay ang mga kasapi ng
LGBT?

III. Tayahin

Sagutin ang bawat aytem sa pamamagitan ng pagbilog sa letra ng tamang sagot.

1. Anong anyo ng pang-aabuso sa LGBT ang maiuugnay sa sumusunod?


“Pagbabanta na isisiwalat sa kapamilya ang tunay na kasarian”.
A. Domestic Abuse B. Emosyonal C. Sekswal D. Sikolohikal

2. Alin ang maituturing na anyo ng pang-aabusong emosyonal sa mga kasapi ng


LGBT?
A. Sapilitang pakikipagtalik
B. B. Pang-iinsulto at pamamahiya
C. Pagbabanta na isisiwalat ang kasarian
D. Pag-obligang bayaran ang mga gastusin

3. Anong halimbawa ng pang-aabuso sa LGBT ang kinapalolooban ng anumang


hindi kanais-nais o negatibong pagkilos o pananalita mula sa isang indibidwal o
grupo sa paraang paulit-ulit.
A. Bullying B. Domestic Abuse C. Intimidasyon D. Panggigipit

4. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?


A. Pang-iinsulto B. Pamamahiya C. Pangmamaliit D. Pangmomolestiya

5. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito? “Noong 2011, nakapagtala ng 28


insidente ng pagpatay sa mga kasapi ng LGBT sa Pilipinas – mga insidente na
itinuturing na hate crime. Sa magkasunod na taon ng 2011 at 2012, nakapagtala
ng mga tanging kaso ng pagpatay sa mga propesyonal, kung saan ang insidente
ay maiuugnay sa kanilang kasarian”.

A. Malapit ng maubos ang populasyon ng mga LGBT sa Pilipinas.


B. Ang mga insidente ng pagpaslang ay anyo ng paglabag sa karapatang
pantao.
22
C. Ang diskriminasyon laban sa LGBT ay nauuwi sa paglabag sa kanilang
karapatang mabuhay.
D. Mas maraming namatay na kasapi ng LGBT noong 2011 kumpara sa mga
nakaraang taon.

IV. Karagdagang Gawain

Bumalangkas ng isang tula o manifesto na iikot sa pahayag na: “Ang mga kasapi
ng LGBT ay Aking Kapatid”. Gamiting gabay sa pagbuo ang sumusunod na rubrics
na siya ring magiging batayan ng iyong marka.

Pamantayan 50 30 10

Nilalaman Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa Dalawa Isa sa mga


(70%) mga sa mga indikey-tor
● nakapokus sa ibinigay na tema indikeytor indikeyto ang makikita
● nagbibigay suporta sa karapatan ng ang maki- r ang
LGBT kita makikita
● nagtataguyod ng paggalang sa
LGBT
● itinataguyod ang
pagkakapantaypantay anuman ang
kasarian
Teknikalidad Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa Dalawa Isa sa mga
(30%) mga sa mga indikey-tor
● wastong baybay indikeytor indikeyto ang makikita
● wastong balarila ang maki- r ang
● malinis na presentasyon (printed o kita makikita
pasulat)
● kahusayang estetiko/ kagandahan
ng gawa (printed o pasulat)

Susi sa Pagwawasto: (Aralin 1)

Pamprosesong Tanong

1. Anong pagpapakahulugan ang maaring ibigay sa gender at sex?


Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki,
samantalang ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae
at lalaki. 2. Bakit mahalaga na maunawaan ang mga konseptong may kinalaman sa kasarian?
Mahalagang maunawaan ang mga konseptong may kinalaman sa kasarian upang makilala ang mga pagkakaiba-ibang may
kinalaman dito at ang umiiral na konteksto ng bawat isa, sa gayon ay makapagtuon ng kaukulang respeto sa mga
pagkakaibaibang ito.

GAWAIN 1

PAGKUMPARAHIN
SEX GENDER
Tumutukoy ito sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ang tao Ito ang gampanin na tinakda ng lipunan sa mga babae at
noong siya ay isinilang. lalaki.
GAWAIN 2

PAGSULAT NG SANAYSAY

Tatayain ang awtput ng mag-aaral gamit ang pamantayang nakatala sa rubric.


RUBRIC

23
Pamantayan 5 4 3 2 1

Mahusay ang Mayroong 3-4 Mayroong 3-4 Mayroong 2 kaisipan Mayroong 1


pagkakaayos ng kaisipan na may kaisipan na may na may kaugnayan kaisipan na may
Organisasyon ng kaisipan at lahat kaugnayan sa kaugnayan sa sa tanong ng guro kaugnayan sa
kaisipan at ay mayroong katanungan at may katanungan at ngunit ngunit hindi sapat tanong ng guro at
nilalaman kaugnayan sa sapat na hindi sapat ang ang pagpapaliwanag walang
katanungan pagpapaliwanag na pagpapaliwanag na na ibinigay pagpapaliwang na
ibinigay ibinigay ibinigay

TAYAHIN
1. D
2. C.
3. B
4. A
5. C

KARAGDAGANG GAWAIN
LALAKI BABAE
Ang mga lalaki ay nagtatrabaho para sa kanyang mag-anak. Ang mga babae ay naghahanapbuhay para sa kanyang
Maaari rin siyang gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng maganak. Siya rin ay gumagawa ng mga gawaing bahay tulad
pagluluto, paglilinis at pag-aalaga ng mga bata. ng pagluluto, paglilinis at pag-aalaga ng mga bata.

1. Ano ang napansin mo sa iyong mga naging kasagutan?


Sa kasalukuyang panahon, ang mga gawaing nagagawa ng isang kasarian ay maaari ring magawa ng isa pa, kabialng na ang
mga gawaing may kinalaman sa aspektong pang-ekonomiya.
2. Naniniwala ka ba na ang mga gawain ng babae ay kaya ring gawin ng mga lalaki? Bakit mo nasabi?
Opo. Pinatutunayan ito ng mga halimbawa sa kasalukuyang panahon kung saan may mga lalaking nagtatrabaho at gumagawa
ng gawaing bahay. Sa kabilang banda, may mga halimbawa rin kung saan ang mga babae ay gumagawa ng mga gawaing
bahay at naghahanapbuhay rin para sa pamilya.

Susi sa Pagwawasto: (Aralin 2)

GAWAIN 1: CONCEPT CIRCLE


▪ Mga Halimbawa ng Kasagutan (IN ANY ORDER) 1.
Pamilya
● Ang pagkakaroon ng patriarchal o male dominated na lipunan at anyo ng pamilya.
● ang mga lalaki ay pinapayagang magsawa ng marami, subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawa
kapag ito ay nakita na may kasamang ibang lalaki.
● Sa kasalukuyan, bunsod na rin ng pagbabago ng kultura at pagtataguyod ng gender equality at women
empowerment, ang mag-asawa ay malimit nang pinagkakasunduan ang desisyon para sa pamilya.
2. Edukasyon
● Mas binibigyang prayoridad sa mga lalaki. Ito ay dulot ng maling paniniwala na ang mga lalaki ang siyang
magtataguyod ng isang pamilya at ang mga babae kapag mag-asawa ay sa bahay lamang.
● Ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ay nakaayon din sa kasarian na angkop sa babae at lalaki.
● Ito ay unti-unti ng nabago dahil na rin sa pagsusulong ng karapatan sa pantay na edukasyon ng mga
kababaihan.
● Sa kasalukuyan, marami ng mga kababaihan ang nagtatamas ng edukasyon sa iba’t-ibang kurso at
larangan. Mayroon ng mga babaeng inhinyero, doktor, abogado, pulis, sundalo, bumbero, welder,
technician at iba pa.
3. Hanapbuhay
● Unang panahon ang mga kalalakihan lamang ang naghahanapbuhay at ang mga kababaihan ang
gumaganap sa mga gawaing-pambahay.
● sa kasalukyang panahon, maraming mga kababaihan na ang naghahanap-buhay at nagiging
economically independent.
● Nakatatanggap ng mas mataas na sahod at posibleng promosyon ang mga lalaking manggagawa. Subalit,
sa panahon ngayon marami ng mga kababaihan ang nasa mataas na posisyon na sa kanilang mga
hanapbuhay. Ito ay patunay na may umiiral na gender equality na rin sa sektor ng paggawa.
4. Relihiyon
● Ang mga kababaihan ay may gampaning panrelihiyon sa sinaunang lipunan bilang mga Babaylan. Sa
pagdating ng Espanyol umiral ang patriyarkal na pananaw.
● Subalit, dahil sa pagsusulong ng karapatan sa relihiyon ang mga kababaihan ay nagtatamasa na rin ng
Kalayaan sa pagpili ng relihiyon.
● Ang Babaylan ang siyang pinuno ng sinaunang relihiyon ng mga katutubo. Samantala, mga lalaki naman
gaya ng Santo Papa, Obispo at Kardinal ang namumuno sa Simbahang Katoliko. Ngunit mayroon din
namang kababaihan na mga Madre na namamahala sa mga kumbento at beateryo.
5. Pamahalaan
● Noong panahon ng barangay, ang mga kababaihan partikular ang mga tinatawag na Babaylan ay katuwang
ng Datu sa pamamahala ng nasasakupan sa usaping ispiritwal.
● Nang dumating ang mga Espanyol ay nabago ito dulot nga ng pag-iral ng lipunang patriaryal at hindi
nabigyan ng pagkakataong makabahagi sa usaping pampamahalaan ang mga kababaihan. Ito ay nagpatuloy
sa mga unang bahagi ng pamamahala ng mga Amerikano sa ating bansa.

24
● Nang magkaroon ng right to suffrage ang mga kababaihan ay nabigyan ng pagkakataong maglingkod sa
pamahalaan.

GAWAIN 2. DATA RETRIEVAL CHART

● Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga
babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa,
kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
● Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
● Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa
kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga
lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay
inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento

TAYAHIN
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

KARAGDAGANG GAWAIN- GENDER ROLES AWARENESS


Pagwawasto batay sa Rubriks

Susi sa Pagwawasto: (Aralin 3)

SURIIN
● Pamprosesong Tanong:
1. Ang mga manipestasyon ng diskriminasyon sa mga kababaihann ay ang mga sumusunod:
prostitution, domestic violence, sexual abuse, sexual harassment, political repression at limitadong probisyon sa
reproductive health.

2. Nararanasan ng mga kalalakihan ang diskriminasyon sa anyo ng mga di-pantay na pagtrato sa mga lugar na
pinagtatrabahuhan, at s amga pang-aabusong sekswal, pisikal at emosyonal. Madalas ay hindi ito nabibigyang pansin
dahil sa kulturang umiiral kung saan tinitingnan bilang tanda ng kahinaan ang pag-amin na ang isang lalaki ay
nakararanas ng pang-aabuso.
3. Mahalagang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa diskriminasyon, kapwa sa mga kababaihan at kalalakihan
dahil susi ito sa paglikha na mas maayos at payapang lipunan.

● Gawain 1: Pagtalakay
Deadly Sin Manipestasyon

1. Prostitution 3.Pagkakaroon ng mga bar na nagbebenta ng panandaliang aliw sa mga kliyente nito

2. Sexual Harassment 4. Paggawa ng kalaswaan ng isang lalaki sa kanyang katrabahong babae

5. (Paglalahat)

Ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan ay manipestasyon ng di-pantay na pagtrato sa kanila.

● Pamprosesong Tanong:
1. Ilan pa sa mga halimbawa ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan ay ang domestic violence at sexual abuse.
2. Mahalaga na magkaroon ng oryentasyon o pagsasanay, kapwa mga kalalakihan at kababaihan, hinggil sa mga anyo ng
diskriminasyon batay sa kasarian. Sa gayon ay makikilala ang iba’t ibang anyo nito at ang mga hakbang na nararapat
gawin upang solusyunan ang mga ito.

● Gawain 2: Paghahambing
1. Prostitusyon sa mga kababaihan
2. Rape at iba pang anyo ng sexual abuse sa mga kababaihan
3. Diskriminasyon sa trabaho kung saan mas pinapaboran ang kababaihan
4. Kawalan ng batas para sa tuwirang proteksiyon ng mga kalalakihan
5. Iba’t ibang anyo ng diskriminasyon na maaaring pisikal, emosyonal at/o sekswal

● Pamprosesong Tanong:
1. Nagaganap ang diskriminasyon batay sa kasarian dahil sa paniniwala ng mga tao na ang isang kasarian ay nakahihigit sa
isa pa.
2. Mahalagang malaman ang tungkol sa mga diskriminasyong ito upang makilala na mayroon talagang umiiral na suliranin,
at sa gayon ay makakilos upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon.
3. Mabibigyan ito ng maayos na solusyon kung magtutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan. Sa gampanin ng
mamamayan mahalaga na maging mulat sa mga anyo at makatulong sa pagtigil ng ganitong mga karahasan sa kasarian.

25
Sa kabilang dako, sa pamahalaan, marapat na masiguro na ang mga lokal at mga pandaigdigang batas na nagbibigay
proteksyon sa Karapatan at pag-aalis ng mga karahasan at diskriminasyon ay maayos na naipapatupad sa ating bansa.

● Tayahin
1. D
2. C
3. B
4. C
5. B

IV. Karagdagang Gawain

Tatayain ang awtput gamit ang itinalang rubrik.


Pamantayan 50 30 10

Nilalaman (70%) Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa mga Dalawa sa mga Isa sa mga
indikey-tor ang indikey-tor ang indikey-tor ang
● Teksto ng diskriminasyon sa maki-kita maki-kita maki-kita
kababaihan
● Teksto ng diskriminasyon sa
kalalakihan
● Larawan ng diskriminasyon sa
kababaihan
● Larawan ng diskriminasyon sa
kalalakihan

Teknikalidad Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa mga Dalawa sa mga Isa sa mga
indikey-tor ang indikey-tor ang indikey-tor ang
(30%) ● Malinis na gawa maki-kita maki-kita maki-kita
● Maayos na pagkakalapat ng
nilalaman
● Angkop na tema
● Malikhaing presentasyon

Susi ng Pagwawasto: (Aralin 4)

SURIIN
● Pamprosesong Tanong:
1. Ang mga pang-aabuso sa mga kasapi ng LGBT ay sa anyong sikolohikal, pisikal, pinansiyal, emosyonal at domestic
abuse.
2. Ang mga anyo ng diskriminasyon laban sa mga kasapi ng LGBT ay bunsod ng hindi pantay na pagtingin sa kanila sa
lipunan bunsod ng kanilang kasarian.
3. Mahalagang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa diskriminasyon laban sa mga miyembro ng komunidad ng
LGBT, dahil ito ay magtataguyod ng karapatang pantao, at anumang hakbang na magtataguyod ng karapatan ay
magtataguyod din naman ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

● Gawain 1: Paghahambing
Pang-aabuso sa LGBT

Karanasan ng mga Kabataan Karanasan ng mga Nakatatanda

1. Intimidasyon 3. Pagpapabaya sa kanila

2. Cyber-bullying 4. Pang-abusong pinansiyal

5. (Paglalahat) Ang pang-aabuso laban sa mga kasapi ng LGBT ay walang pinipiling edad at ang mga anyo ng pang-aabusong ito
at paglabag sa kanilang mga karapatang pantao.

● Pamprosesong Tanong:
1. Nararanasan ng mga kasapi ng LGBT ang mga pang-aabuso batay sa kasarian dahil sa hindi pantay na pagtingin sa
kanila ng iba pang miyembro ng lipunan.
2. Mahalagang malaman ang mga anyo ng mga pang-aabuso laban sa mga LGBT sapagkat ito ang unang hakbang sa
pahgkilala sa problema. Mula rito, maaaring makapagbalangkas ng angkop na hakbang upang masolusyunan ang mga
pang-aabusong ito.

26
Gawain 2: Pagsusuri ng Pahayag ●
Pamprosesong Tanong:
1. Bilang mga mamamayan ng daigdig, bawat isa, anuman ang kasarian ay nagtataglay ng mga karapatang pantao na dapat
na igalang ng bawat isa.
2. Mahalagang kilalanin na may mga karapatang taglay ang mga kasapi ng LGBT sapagkat sa pamamagitan ng ganitong
pananaw, mapag-uukulan sila ng kaukulang paggalang. Ang paggalang na ito ay lilikha ng maayos na ugnayan na
magbibigay daan naman sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan. Tayahin

1. D
2. B
3. A
4. D
5. C
IV. Karagdagang GawaiN Tatayain ang awtput gamit ang itinalang rubrik.
Pamantayan 50 30 10

Nilalaman (70%) Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa mga Dalawa sa mga Isa sa mga
indikey-tor ang indikey-tor ang indikey-tor ang
● nakapokus sa ibinigay na tema maki-kita maki-kita maki-kita
● nagbibigay suporta sa karapatan
ng LGBT
● nagtataguyod ng paggalang sa
LGBT
● itinataguyod ang
pagkakapantaypantay anuman ang
kasarian

Teknikalidad (30%) Kakikitaan ng mga sumusunod: Tatlo sa mga Dalawa sa mga Isa sa mga
indikey-tor ang indikey-tor ang indikey-tor ang
● wastong baybay maki-kita maki-kita maki-kita
● wastong balarila
● malinis na presentasyon (printed o
pasulat)
● kahusayang estetiko/ kagandahan
ng gawa (printed o pasulat)

SANGGUNIAN
Aralin 1

● Department of Education (2014). Modyul sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu. Pasig: Department of
Education
● Antonio, Eleanor D., et al (2017). Kayamanan: Mga Konte,poraryong Isyu. Manila: Rex Publishing House. Aralin 2
● Gender Roles Pre-Kolonyal Https://Tinyurl.Com/Y2p8kuj8
● Margaret Mead: Human Nature and The Power of Culture
Https://Tinyurl.Com/Mveoy5u
Aralin 3
● Amnesty International (n.d.). The horror of ‘honor killings’, even in us https://tinyurl.com/y464h33b
● Cohan, J.A. (2016). Honor killings and the cultural defense. https://tinyurl.com/y5cwcpo2
● Department of Education. (2016). Modyul sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu.
● Galop (n.d.). Domestic violence and abuse and the lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) communities.
https://tinyurl.com/y3kxa384
● Pemunta, N.V. (2016). https://tinyurl.com/y4vvwgo6
● Chan, L.M. (n.d.). Foot binding in China and its psychosocial implication. https://tinyurl.com/yye2ge9o
● Richardson, M. (2009). Chinese foot binding: radiographic findings and case report. https://tinyurl.com/yyzjyc2r
Aralin 4
● Department of Education. (2016). Modyul sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu.
● Galop (n.d.). Domestic violence and abuse and the lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) communities.
https://tinyurl.com/y3kxa384
● Human Rights Watch (n.d.). #Outlawed: “the love that dare not
speak its name”.
http://internap.hrw.org/features/features/lgbt_laws/

27

You might also like