You are on page 1of 15

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Gender Roles sa Pilipinas

1
NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Gender Roles sa Pilipinas
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheena Pearl D. Pinili


Editor: Mary Ann B. Silay, Germelina V. Rozon
Tagasuri: Gemma F. Depositario, EdD, Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz, Rommel P. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Magandang araw sa inyo mag-aaral. Kumusta? Sana ikaw ay nasa maayos at ligtas
na lugar habang ginawa ang mga gawain sa modyul. Ang modyul na ito ay ginawa upang
matututunan at mapahahalagahan ang mga paksang dapat mong pag-aaralan habang wala
ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Wk2 ay tatalakayin ang mga uri ng kasarian (gender),
sex, at gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Matutunghayan mo at mailalarawan ang mga kasaysayan ng iba’t-ibang gampanin ng
babae at lalaki sa Pilipinas. Susuriin ang pagkakaiba – iba at pagkakatulad ng mga babae at
lalaki at mapahahalagahan din ang kanilang mga gampanin bilang babae at lalaki sa pag-
unlad ng pamayanang Pilipinas.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Paano mo ito ipinakita o


Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Paunang Pagtataya

A. Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

1. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender


roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari.
_______ A. Sa panahong ito maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang
mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa
Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi
ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o
timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.

1 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
2. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C.Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

3. Ang ___________ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang


prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng
kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.
A. Dowry B. binukot C. bigay-kaya D. boxer codex

4. Isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ayon dito, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
A. dowry B. binukot C. bigay-kaya D. boxer codex

5. Ang panahong ito ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-


pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa
kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang
nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan
sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap
noong Abril 30, 1937.
A. Panahon ng Hapones C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-kolonyal

B. Panuto: Isulat ang sagot sa kwaderno kung sa anong yugto o panahon nangyari ang mga
sumusunod na pagbabago sa gampanin ng babae at lalake sa Pilipinas. Isulat lamang ang E-
kung ito ay sa panahon ng Espanyol, A- kung ito ay naganap sa Panahon ng Amerikano, H,-
kung sa Hapones, P- kung ito ay nangyari pa noong Panahon ng Pre- colonial.

____1. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin
sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

____2. Ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa


pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na
bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko.
Itinuturing silang prinsesa.

____3. Maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang


kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.

____4. Sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang.

____5. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at


kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.

2 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Balikan
Balikan ang kaibahan ng sex at gender. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Sex Gender

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng iyong mga itinala?

2. Ano ang dati mong iniisip na kaibahan ng dalawang konseptong ito? Naging
maliwanag na ba sa iyo ang kaibahan ng sex at gender?

Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano ang nais ipahiwatig ng bawat isa? Isulat ang
sagot sa inyong kuwaderno.

(David 2014) (WordPress 2015)

3 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
(Tewell 2011) (Reddit 2015)

(Rafael 2018)

Suriin
Sa bahaging ito ng aralin ay
matutunghayan kung ano ang katayuan at Gender Roles
gampanin ng babae at lalaki sa iba’t ibang
panahon sa kasaysayan ng ating bansa. sa Pilipinas

Panahon ng
Panahong Panahon ng Panahon ng Kasalukuyang
mga
Pre-kolonyal Espanyol Hapones Panahon
Amerikano

4 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Gender Roles sa Pilipinas
Ang mga datos pang-kasaysayan ay
nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon, ay
pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang
pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng
tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na
binukot itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa.
Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa
Panay.

Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa


Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa
sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang
Boxer Codex karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.

Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na


tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento (at mga
larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis
Perez Dasmariñas, ang Gobernador-Heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596. Ang dokumento ay napunta
sa koleksiyon ni Propesor Charles Ralph Boxer; kaya
ipinangalan sa kaniya ang buong manuskrito.

Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia,


sumulat ng akdang Position of Women in the
Philippines, ang posisyon ng kababaihan sa Pilipinas
noong panahon ng mga Espanyol: Reared and trained
primarily for motherhood or for the religious life, her
“subservient” education principally undertaken under the supervision
of priests and nuns. Being economically dependent on
her men folk, she had to be subservient to them. Held
out as an example was the diffident, chaste, and half-
educated woman, whose all-consuming preoccupation
was to save her soul from perdition and her body from
the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia,
1965)

Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng


kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga
Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas
mababa kaysa sa kalalakihan.

5 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang,
nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin, sa panahon ng
Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain
ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng


ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa
Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na
bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o
mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat
bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang
isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap
noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang (WordPress 2015)
simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa
mga Hapones. Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang
pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain. Ang mga babae, may trabaho man
o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay. Sa kasalukuyan, marami nang
pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho
at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT. Sa iyong palagay, naipatutupad kaya ito?

Pagyamanin
Panuto: Gender Timeline: Natunghayan mo sa iyong nabasang teksto ang papel ng mga
babae at lalaki sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Itala mo sa gilid ng mga gender
symbol ang gampanin ng babae at lalaki sa kasaysayan ng ating bansa. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

6 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Isaisip
Sa pagkakataong ito marami kanang natutunan sa modyul na ito tungkol sa mga
mahahalagang papel ng mga babae at lalaki sa panahon ng ating kasaysayan. May panahon
sa kasaysayan ng ating bansa na lubos na inabuso ang mga karapatan ng mga kababaihan
mula pa sa ating mga ninuno noon mayaman man o mahirap pero hindi lamang mga
kababaihan ang nakakaranas ng mga pag-aabuso pati na rin ang ating mga kalalakihan
hanggang nakapasok na ang mga dayuhan sa ating bansa. Pero may panahon din na
binigyan ng Kalayaan, Karapatan, at pagkakapantay-pantay ang mga mamamayan ng ating
bansa lalaki man o babae. Bilang isang mag-aaral, nakakaapekto ba ang mga gampanin /
katayuan ng babae at lalaki sa lipunan o pamayanan? Ano ang napapansin mo sa mga
gampanin ng mga babae at mga lalaki ngayon sa inyong lipunan? Iba-iba man ang
pinagmulan ng ating kasaysayan tungkol sa mga gampanin bilang babae at lalaki, ngunit
mahalaga na hindi natin tinitingnan ang isang tao batay sa kanyang kasarian bagkos ay
pantay ang dapat na turing sa kahit na sino anuman ang kanyang kasarian at sekswalidad.

Isagawa

Ang Babae at Lalaki sa Aking Pamayanan

Upang higit na lumawak ang kaisipan tungkol sa paksang tinalakay, gumawa ng isa
sa mga sumusunod na gawain tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng babae at lalaki sa
iba’t ibang panahon sa iyong pamayanan. Maaaring ipakita din kung paano ang
katayuan/gampaning ito ay nakaapekto sa pag-unlad ng pamayanan. (Gawin lamang sa bond
paper)

A. Collage

B. Infomercial

C. Poster

7 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Pangkalahatang rubric:

Kawastuan ng nilalaman- 15

Pagkamalikhain- 15

Linaw ng pagpapahayag- 15

Impact- 5

TOTAL 50 puntos

Tayahin

Isulat kung sa anong yugto o panahon nangyari ang mga sumusunod na pagbabago
sa gampanin ng babae at lalake sa Pilipinas. Isulat lamang ang E kung ito ay sa panahon ng
Espanyol, A kung ito ay naganap sa Panahon ng Amerikano, H, kung sa Hapones, P kung ito
ay nangyari pa noong Panahon ng Pre- colonial. Isulat ang sagot
sa notbuk.

____1. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-
bahay.

____2. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang
asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

____3. Ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri
o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng
mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na
itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa.

____4. Sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang.

____5. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at


kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.

8 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
____6. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama
ng ibang lalaki.

____7. Maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan
na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

____8. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging isang ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.

____9. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban noong


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

____10. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang


espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor
sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng
kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang larawan tungkol sa Gender Roles ng mga Pangkat Etniko sa


Pilipinas. Iguhit sa activity notebook. (10 puntos)

9 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Susi sa Pagwawasto

10 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Sanggunian

Baringer, Ally E. 2021. The Philippines. Accessed December 14, 2021.


https://www.everyculture.com/No-Sa/The-Philippines.html.
David, Damien. 2014. The Indefinite Transition of Perceived Realities. February 1. Accessed
December 14, 2021. http://nightskylie.blogspot.com/2014/02/pre-colonial-
philippines.html?view=sidebar.
Rafael, Vicente L. 2018. Colonial Contractions: The Making of the Modern Philippines,
1565–1946. June 25. Accessed December 14, 2021.
https://oxfordre.com/asianhistory/view/10.1093/acrefore/9780190277727.001.0001/ac
refore-9780190277727-e-268.
Reddit. 2015. The Philippines, World War II. Accessed December 14, 2021.
https://www.reddit.com/duplicates/3ie1oo/the_philippines_world_war_ii_the_first_w
omens/.
Tewell, John. 2011. Embroiderers at Looban Convent, Paco - Near Manila, Philippines, late
19th or early 20th century. April 19. Accessed December 14, 2021.
https://www.flickr.com/photos/johntewell/5634001824/in/photostream/.
Wordpress. 2015. Philippine Press History. May 27. Accessed December 14, 2021.
https://philippinepresshistory.wordpress.com/2015/05/27/vi-philippine-magazines-
during-the-american-occupation.

11 NegOr_Q3_AP10_Module2_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like