You are on page 1of 1

Ang Aso sa Lungga

May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada.


Habang naglalakad, ibinubulong niya sa sarili na kailangan
niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang
makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang
pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero kahit
busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa
loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang
malaki niyang tiyan. Nang lalabas na lamang siya, napansin
niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang
humingi ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang
nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso,
“Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

1. Anong ugali ang ipinakita ng aso? (Paghinuha)

a. madamot b. matakaw c. masipag d. mayabang

2. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga? (Paghinuha)

a. may harang ang labasan

b. may bitbit pa siyang pagkain

c. lubos na marami ang kinain niya

d. mali ang paraan ng paglabas niya

3. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso? (Inferential)

a. natakot sa kanya ang aso

b. para matuto siya sa pangyayari

c. nainggit sa kanya ang isa pang aso

d. hindi rin ito makakalabas sa lungga

You might also like