Professional Documents
Culture Documents
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Si Muning!
Muning! Muning! Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain ni
Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid.
Nasaan kaya si Muning? Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya nang
ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay. Ngiyaw! Ngiyaw! Hayun si Muning! Ngiyaw
siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si Muning sa loob ng kahon. Nakita ni Susan
ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at
itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
Bilang ng mga salita: 122 (Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na
malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang
mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan siya nang
malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking
alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako. Kaagad
kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang
maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
Bilang ng mga salita: 122 (Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)
14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo? (Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga c. natakot siyang mapagalitan ng amo
b. nagulat siya sa kanyang ginawa d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
Balat ng Saging
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito
naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang
kanyang ate. “Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng
balat ng saging. “Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig. “Sabi ko na
nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin.
Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.” “E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko
sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
Bilang ng mga salita: 128 (Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)
a. Mina b. Lito c. Lita d. Tina
18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha)
a. nagalit siya b. natuwa siya c. natakot siya d. nagtampo siya