You are on page 1of 11

Lunes

Oras ng Pagbasa: 10:00 ng


umaga
Panuto: Basahin nang tahimik.
(Silent Reading)
Ang Aso sa Lungga
Bilang ng mga salita: 116
(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)
May isang asong gutom na gutom na
naglalakad sa kalsada. Habang
naglalakad, ibinubulong niya sa sarili
na kailangan niyang makakita ng isang
lunggang puno ng pagkain. Nang
makakita siya ng lungga sa dulo ng
kalsada, agad siyang pumasok dito.
Kumain siya hanggang mabusog.
Pero kahit busog na siya, kumain pa rin
at inubos ang lahat ng pagkain sa loob
ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos
pumutok ang malaki niyang tiyan.
Nang lalabas na lamang siya, napansin
niyang hindi na siya magkasya sa
labasan.
Sumigaw siya upang humingi ng
tulong. Dumating ang isa pang aso at
nalaman ang nangyari. Bago ito umalis,
nagwika siya sa kasamang aso,
“Hintayin mo na lang umimpis ang
tiyan mo.”
Panuto: Basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
*Huwag kalimutang isulat ang pamagat ng
kwento.
1. Saan nangyari ang kuwento?
(Literal)

a. sa bukid
b. sa gubat
c. sa kalsada
d. sa lansangan
2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)

a. makakain
b. makakasama
c. mapapasyalan
d. matutulugan
3. Anong ugali ang ipinakita ng aso?
(Paghinuha)

a. madamot
b. matakaw
c. masipag
d. mayabang
4. Bakit hindi makalabas ang aso sa
lungga? (Paghinuha)

a. may harang ang labasan


b. may bitbit pa siyang pagkain
c. lubos na marami ang kinain niya
d. mali ang paraan ng paglabas niya
5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng
isa pang aso? (Inferential)

a. natakot sa kanya ang aso


b. para matuto siya sa pangyayari
c. nainggit sa kanya ang isa pang aso
d. hindi rin ito makakalabas sa lungga

You might also like