You are on page 1of 7

Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong Nakatulong Din si Langgam Hapung-hapo si Hantik, ang malaki

at pulang langgam, Naghakot kasi siya ng pinong buhangin para sa bahay niya. IInom muna ako ng tubig sa sapa, sabi niya sa sarili. Kailangan mawala ang uhaw ko. Mmm! Ang sarap ng tubig! Sa kasabikang uminom napalapit ng husto

sa tubig at tuloy-tuloy na nahulog sa sapa ang langgam, Sisinghap-singhap si Hantik. Parang hindi na siya tatagal. Lulubig na siya sa tubig. Nagkataong may isang ibong nakdapo sa sanga ng puno. Nakita nito ang langgam. Twit! Twit! tawag nito, Hindi ka ba marunong lumangoy? Hindi, humihingal na sagot ng

langgam, tulungan mo ako! Naawa ang ibon. Tinuka niya ang isang dahon at inihulog sa tubig. Umakyat sa dahon ang langgam. Tumingala siya sa puno. Salamat kaibigan. Sinagip mo ang buhay ko. Ilang araw pa ang lumipas, nasa may damuhan ang langgam. Humahanap siya ng maiuuwing pagkain. Nakita niya ang kaibigang ibon na namamahinga sa sanga ng isang punongkahoy. Babatiin sana niya ito ngunit tila natutulog. May isang batang lalaking may dalang tirador ang biglang dumating. Balak nitong tiradurin ang ibon. Mabilis na kumilos si Hantik. Kinagat niya sa paa ang salbaheng bata. Aruy! Napalukso sa sakit ang bata. Nabitiwan nito ang dalang tirador. Nagising ang ibon at mabilis itong nakalipad papalayo. Salamat, kaibigang Hantik! sigaw niya. Iniligtas mo ako. Napangiti ang langgam. Kahit pala ako maliit ay nakatutulong din ako sa iba, sabi ni Hantik.

Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot sa tanong. 1. Ano klaseng hayop si Hantik? a. pusa b. ibon c. langgam 2. Ano ang hinakot ng langgam? a. pagkain b. pinong buhangin c. mga dahon

3. Saan uminom si Hantik? a. sa sapa b. sa bahay c. sa paaralan 4. Sino ang nakakita kay Hantik? a. ang aso b. ang ibon c. ang pagong 5. Ano ang ibinagsak ng ibon sa tubig? a. isang kahoy b. isang upuan c. isang dahon 6. Paano mailalarawan si Hantik? a. Siya ay malaki. b. Siya ay matulungin. c. Siya ay madumi. 7. Paano nakakuha ng dahon ang ibon? a. Napulot niya sa tabing ilog. b. Inagaw niya sa isang ibon. c. Tinuka niya mula sa puno. 8. Sino ang gustong sumakit sa ibon? a. Ang batang lalaki b. Ang batang babae c. Ang matandang lalaki 9. Ano ang gagamitin niya para masaktan ang ibon? a. Baril b. Tirador c. Spit ball 10. Ano ang ginawa ni Hantik para hindi masaktan ang ibon? a. Kinagat ang tao b. Sinipa ang tao c. Pinagtawanan ang tao

11. Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Hantik habang siya ay nasa tubig ng sapa? a. Pagkatuwa b. Pagkalungkot c. Pagkatakot 12. Ano ang natutunan mo sa kwento? a. Huwag patayin ang mga langgam. b. Kahit maliit pa ay makatutulong ka sa iba. c. Ang langgam at ibon ay pwede maging magkaibigan.

Pagsunud-sunurin ang mga nangyari sa kwento. Isulat ang 1 - 5 sa patlang.

_______ Nagtapon ang ibon ng dahon sa sapa. _______ Nagpasalamat si Hantik na ligtas siya. _______ Biglang dumating ang batang lalaki na may dalang tirador. _______ Naghakot si Hantik ng puting buhangin. _______ Nahulog ang langgam sa sapa habang umiinom.

Isulat ang S kung ang nakasalungguhit ay sanhi at B kung ito ay bunga. _____ 1. Mabait ako sa aking mga kaklase kaya binigyan ako ng medalya. _____ 2. Ang mga alagang baboy ni Mang Tomas ay payat dahil hindi niya ito pinapakain ng mabuti. _____ 3. Dahil sa pagsuway ng drayber sa batas trapiko kaya siya hinuli ng pulis. _____ 4. Wala tayong pasok dahil ngayon ay Araw ng Kagitingan. _____ 5. Walang mga damit ang mga batang kalye kaya sila ay binigyan ko ng mga luma kong damit. _____ 6. Si Lea ay huli sa klase kaya nagalit si Bb. Dinglasan. _____ 7. Umiyak ng malakas ang sanggol sapagkat gusto niyang uminom. _____ 8. Madasaling bata si Augusto kaya mahal siya ng maraming tao. _____ 9. Mataas ang lagnat ni Joshua kaya hindi siya pumasok ng paaralan. _____ 10. Galit si Mommy dahil sa mababang iskor ni KT sa test.

Kahunan ang buong pangungusap na may angkop na wakas para sa bawat talata.

1. Nanghiram si Matt ng aklat kay Luke. Binalutan niya ito ng plastic. Isinauli agad niya ang aklat kay Luke pagkatapos gamitin. a. Magagalit si Luke. b. Matutuwa si Luke. c. Malulungkot si Luke.

2. May mga tanim na kamatis si Ruth. Ito ay kanyang dinidiligan araw-araw. Inaalisan niya ito ng kulisap. a. Maliit ang bunga ng kamatis. b. Kulay berde ang kamatis. c. Malaki ang bunga ng kamatis. 3. Mahilig maglaro ng basketbol si Daniel. Tuwing Sabado ay naglalaro siya nito sa kanilang bakuran. Nang magkaroon ng paligsahan sa kanilang paaralan ay sumali siya. a. Mananalo ang kanyang grupo b. Matatalo ang kanyang grupo c. Magiging masungit si Daniel. 4. Marunong magtipid si Enrico. Nagbabaon siya ng pagkain para sa miryenda at tanghalian. Hindi niya ginagasta ang baong pera. a. Pagdating ng Pasko ay wala siyang pera. b. Pagdating ng pasukan ay may bagong sapatos si Enrico. c. Hihingi siya ng pera sa kanyang nanay. 5. Naglinis ng bahay sina Kuya David and Henry. Tumulong naman sa pagluluto ng spaghetti si Marie kina Nanay at Tatay. May bertday keyk sa may kusina. a. May handaan para sa araw ng mga puso. b. May handaan para sa mga aso namin. c. May handaan para sa aking kaarawan.

Isulat sa patlang ang salitang panlunan upang mabubuo ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Kami ay nagdarasal ______________________________ tuwing Linggo.

2. Maraming mga doktor at nars ______________________________. 3. Namasyal kami ______________________________ noong Sabado. 4. Namimili si Nanay ng mga preskang gulay at karne ______________________________. 5. Naglalakad sina Shann at Kyle ______________________________. 6. Naguumpisa ang pasukan ______________________________ tuwing Hunyo. 7. Hahanapin ko ______________________________ ang aking mga laruan. 8. Ang tagal maligo ni Ate ______________________________. 9. Humihiram ako ng aklat ______________________________. 10. ______________________________ kumakain ang aking pamilya.

Kahunan ng pulang crayon ang salitang pamanahon sa bawat pangungusap. 1. Sina Josh at Mavie ay pumupunta sa tutor tuwing Martes. 2. Bibili ako ng pagkain mamaya. 3. Kahapon kami nagsimba sa Baclaran. 4. Magbabasa ako ng aklat sa susunod na buwan. 5. Noong isang taon, nagbakasyon kami sa Palawan. 6. Dumadami ang mahihirap na tao sa kalsada araw-araw. 7. Masaya ang aking napuntahang party kagabi. 8. Mag-aral ka na ngayon. 9. Hihiga ako sa kama mamayang hapon. 10. Si Jenny ay naglaro sa parke kaninang umaga.

Kulayan ang mga pang-uri sa bawat pangungusap. 1. Malawak ang bukirin sa Cagayan. 2. Ang sampaguita ay mabango. 3. Maririkit ang mga babae dito sa Pilipinas. 4. Ang mga aso ko ay kulay puti. 5. Bilog ang mga pinggan sa bahay namin.

6. Matangos ang ilong ni Juan. 7. Maingay ang bata sa labas ng bahay. 8. Matamis ang manga ngayong tag-init. 9. Mabaho ang isda sa palengke. Iguhit sa patlang ang dalawang salita. kung MAGKASINGKAHULUGAN o kung MAGKASALUNGAT ang

_______ 1. mabango - mabaho _______ 2. matarik mataas _______ 3. makinang makislap _______ 4. maganda pangit _______ 5. bukas sarado _______ 6. madungis madumi _______ 7. malalim mababaw _______ 8. payapa tahimik _______ 9. makupad mabagal _______ 10. mainit malamig

_______ 11. likod harap _______ 12. pangit maganda _______ 13. tahimik maingay _______ 14. mabagal mabilis _______ 15. masaya maligaya _______ 16. asul bughaw _______ 17. maganda marikit _______ 18. matigas malambot _______ 19. matamis maasim _______ 20. mayumi mahinhin

Tingnan ang larawan sa kaliwa. Sumulat ng pangungusap na naglalarawan tungkol dito. Kahunan ang salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap.

1.

________________________________________________________________________________

2.

_______________________________________________________________________________

3.

_______________________________________________________________________________

4.

_______________________________________________________________________________

5.

_______________________________________________________________________________

6.

_______________________________________________________________________________

7.

_______________________________________________________________________________

8.

_______________________________________________________________________________

9.

_______________________________________________________________________________

10.

_______________________________________________________________________________

Ispeling 1. ________________________________ 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ 6. ________________________________ 7. ________________________________ 8. ________________________________ 9. ________________________________ 10. ________________________________

Pumili ng salita sa itaas upang mabuo ang pangungusap. 1. Ang mga salitang ________________________________ ay nagsasabi ng petsa, oras o panahon. 2. Tinulungan ng ________________________________ ang nasugatan na manlalakbay. 3. Dahil sa mga nakakatawang sinabi ni Shann ________________________________ si Erin. 4. Malakas kumain ang aking aso kaya siya ay ________________________________. 5. Ang mga salitang ________________________________ ay magka-iba ang ibig sabihin.

You might also like