You are on page 1of 4

Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Ayusin ang mga titik sa loob ng ulap upang mabuo ang kahulugan ng salita sa loob ng
kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

YAANDPEM BAAYNI SKIAT

m alawakang nakagawa ng k aramdaman


pagkalat ng sakit kabayanihan
1 .______________ 2 .______________ 3 .____________

INLODL ASUKAN

natural na phenomena; ang Isang malaking kapinsalaan o


lupa ay yamayanig kalamidad
4 .___________________ 5._____________________

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap mula sa isang maikling kuwento na nasa
ibaba. Sagutin ang mga tanong at itik lamang ang isulat bago ang bilang.

Juan Tamad
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad suot ang kanyang bagong t-shirt at ang kanyang
mga kaibigan ay nagdala ng mga pagkain tulad ng; pizza, keyk at juice. Ang ilog ay umaagos
pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng
ilog. Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ang
mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging.
Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay
gumagamit ng tukod bilang sagwan. Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga
siya sa balsa. Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpakahirap sa pagsagwan. At
si Juan ay nagsimulang matulog. Pinagtulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa upang mabilis na
makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi
namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alam
ng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng
sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila.

_____1. Sino ang nagtungo sa ilog?


a. Juan Tamad b. Juan Mabait c. Juan Matakaw d. Juan Matapang
____ 2. Anong katangian ang taglay ni Juan?
a. kasipagan b. kabaitan c. katamaran d. katapangan
____ 3. Ano ang ginawa ni Juan habang nagkakera sila?
a. Natulog sa balsa ay nagpaayon lamang sa daloy ng agos ng tubig.
b. Binilisan niya ang pagsagwan upang siya ang mauna makarating.
c. Tiniyak ni Juan na siya ang mananalo sa karera.
d. Tinulak niya ng sagwan ang mga balsa ng kanyang mga kalaro.
____ 4. Saan naharang ang balsa ni Juan?
a. sa katabing balsa b. sa sanga ng kawayan c. sa tulay d. sa puno ng manga
____ 5. Kung kayo ang mga kalaro ni Juan, hihintayin ba ninyo kung makarating ba si Juan o hindi?
Bakit?
a. Hindi, na dahil hindi na man siya seryuso sa karera namin.
b. Hindi, na dahil wala kaming pakialam sa kanya.
c. Oo, upang malaman niya na hindi sila ang nanalo sa karera.
d. Oo, upang malaman namin kung makakarating ba siya ng ligtas.
____ 6. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na mga pangyayari batay sa wastong
pagkakasunod- sunod sa kuwento.
a. Sila ay naglaro ng bangkang papel.
b. Habang naglalaro ang magkaibigan, natulog naman si Juan sa isang balsa.
c. Nagpunta sina Juan sa ilog.
d. Gumawa sila ng balsa gamit ang pinagtabitabing katawan ng puno ng saging

a. 3 1 4 2 b. 3 4 1 2 c. 4 3 1 2 d. 3 1 2 4
____ 7. Nagpunta si Juan na suot ang kanyang bagong t-shirt. Alin dito ang salitang hiram na
ginamit sa pangungusap.
a. Juan b. Suot c. Bago d. t-shirt
____ 8. Nagdala ng mga pagkaing keyk at juice ang mga kaibigan ni Juan. Anong tawag sa mga
salitang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. salitang hiram c. salitang klaster
b. salitang diptonggo d. salitang magkatunog
____ 9. Ang balsa ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Anong katangian ng pangngalan
ang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. di konkreto c. basal
b. konkreto d. lansakan
____ 10. Tukuyin ang konkretong pangngalan sa pangungusap na ito. Nahiga siya sa balsa at
pinagtawanan ang mga naglalaro.
a. balsa c. naglaro
b. nahiga d. siya
Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________
Gamitin ang mga pangngalang nasa loob ng kahon upang mabuo ang talata. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

pagamutan mangingisda gamot beterinaryo

mag - aaral guro baka bigas pulis

magsasaka barbero baboY - ramo damit

Mga Katulong Sa Pamayanan


“Paano tayo natutulungan ng mga katulong sa pamayanan?”tanong ni Melissa sa

kanyang kaklase. “Tinutustusan tayo ng mga isda, kabibe, at hipon, ng mga

1.__________________,” sagot ni Lita. “Tinutustusan tayo ng


2._________________, mais, at gulay ng mga magsasaka ”, wika ni Merla. “Inihahatid tayo ng

drayber sa mga lugar na gusto nating puntahan tulad ng palengke at 3.____________ at

nangangalaga naman ng katahimikan at kaayusan ang mga 4.____________, ” sabad ni

Francis “Ang ating mga doktor naman ang siyang nag- aalaga sa ating kalusugan at

nagbibigay ng tamang 5._______________,”sagot ni James. “ Ang mga beterinaryo naman ay

tumutulong upang mapangalagaan naman ang ating mga alagang hayop tulad ng

aso,kalabaw at 6. ___________________,” sambit naman ni Flor. “Kami bang mga

7______________________ ay katulong din sa pamayanan?,” tanong ni Bb. Roldan sa mga

8.____________________________.”Öpo. Tinuturuan po ninyo kami,”sagot nila.

Para sa aytem 9-10. Gamitan ng tamang pangngalan ang bawat patlang upang mabuo ang
pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

A. magpuputo B. magbababoy

C.mangangaso D.maggugulay

9. Sila ay_______ gumagawa ng masarap at malambot na puto na kinakain natin.


10. Ako ay________ nagbebenta ng mga gulay na binibili ninyo.
II. Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Yamang Dunong at Kalusugan

Dunong at kalusugan ating yaman,


nararapat na pangalagaan.
Huwag nating pabayaan,
ingatan at pahalagahan.

Anumang minana sa magulang,


walang tutumbas sa dunong at kalusugan.
Aanhin ang materyal na yaman kung sakitin naman?
Karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan.

Dunong at kalusugan, sandatang maituturing,


sa anumang suliraning kahaharapin.
Maging matatag sa anumang pasanin,
tiyak na mithiin ay mararating.

11. Ano ang paksa ng binasang tula?


_________________________________________________________________________________
12. Ano ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
_________________________________________________________________________________
13. Bakit ito itinuturing na yaman?
_________________________________________________________________________________
14 Bakit kailangang pakaingatan at pahalagahan ang dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
15. Ano ang dapat gawin sa ating yamang dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
16. Paano makakamit ang mithiin sa pamamagitan ng dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
17. Paano mo binigkas ang tula?
_________________________________________________________________________________
18. Paano mo isinalang-alang sa iyong pagbasa ang wastong tono, diin, antala at damdamin ng tula?’
_________________________________________________________________________________

You might also like