You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7

Pangalan: _____________________________________ Baitang: _____________Iskor: ___________


Pangalan at Pirma ng Magulang: __________________________________________

PANUTO: Basahin nang maigi ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang na inilaan.

A. Hanapin ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap.

__________1. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kululuwa ng lahi natin.

a. ituro sa mga banyaga b. palakasin c. panatilihin d. paunlarin

__________2. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang-bayan gamit ang mga
salitang kaysarap pakinggan.

a. dumadaloy b. naririnig c. namamayani d. sumisigaw

__________3. Kailangang mabatid ng bawat Filipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa atin ng ating
mga ninuno.

a. maipagmalaki b. maipalaganap c. malaman d. pahalagahan

__________4. Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.

a. bigkas b. kahulugan c. katangian d. hugis

__________5. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.

a. pagkampay ng pakpak ng lumilipad na ibon c. bilis ng paglipad ng ibon

b. matamis na huni ng mga ibon d. paglipad papaitaas ng ibon sa alapaap

______6. Napaka “sarcastic” ng mga sinasabi niya.

a. matalinong pahayag c. nakakalungkot na pahayag

b. nanunuyang pahayag d. nakakatuwang pahayag

__________7. Ang mga bata ay “malimit” lumabas ng bahay tuwing hapon, na nangangahulugang _____________.

a. madalas b. palagi c. araw-araw d. hindi madalas

__________8. Ang “hangad” ko lamang ay ang pag-ibig mo, Joy.

a. gusto b. ayaw c. pilit d. a & b

__________9. “You always make me tawa.” Ang wastong paglilipat ng pangungusap sa Filipino ay

a. Lagi mo akong pinatatawa. b. Pinagtatawanan mo yata ako.

c. Nakakatuwa ka naman. d. Tawanan mo ako palagi.


_________10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang katumbas ng mga salitang “paghahari-harian ng ilang
personalidad”.

a. isang kahig, isang tuka ang mga tao b. pagtataksil ng isang kaibigan o taong pinagkakatiwalaan

c. pangingikil, pag-aabuso sa kapwa d. pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan

PANUTO: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod nito. Lagyan ang linya ng bilang 1
hanggang 10.

_________ Sumang-ayon si Daragang Magayon na magpakasal kay Pagtuga alang-alang sa kanyang ama.

_________ Binigyan ni Rajah Makusog ang magsing-irog ng pahintulot sa plano nilang pagpapakasal.

_________ Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna sa gitna ng kanilang labanan.

_________ Nagtapat ng pag-ibig si Panganoron kay Daragang Magayon.

_________ Tinamaan ng sibat ang magsing-irog na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.

_________ Iniligtas ni Panganoron si Daragang Magayon sa bingit ng kamatayan nang siya’y mahulog sa ilog at
muntik nang malunod.

_________ Nakita ng mga tao na ang puntod ng magsing-irog ay tumataas at nang kalaunan ay naging isang bulkan.

_________ Nabighani ang mga kalalakihan mula sa iba’t ibang…………………… tribo sa kagandahan ni Daragang
Magayon.

_________ Tinawag na Mayon mula sa pangalang Magayon ang bulking nabuo mula sa puntod ng magsing-irog.

_________ Binihag ni Pagtuga si Rajah Makusog.

PANUTO: Sagutin ang mga ibinigay ng mga bugtong at isulat ang sagot sa patlang.

_______________1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.

_______________2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.

_______________3. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao

_______________4. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona

_______________5. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

_______________6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

_______________7. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.

_______________8. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.

_______________9. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

_______________10. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.

_______________11.Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahoon

_______________12. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.

_______________13. Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-sari

_______________14. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi

_______________15. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin Makita


Alkansiya Atis Banig Sampayan Kasoy

Anino Bayabas Bituin Gagamba Niyog

Bahaghari Saging Buwan Pako Taenga

PANUTO: Sagutin ang mga palaisipan sa ibaba.

1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo.
2. Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako?
3. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero,
Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
4. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman ang
gumagapang sa kabayo?
5. May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at
dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang
naiwan sa sanga?

PANUTO: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba tungkol sa teorya ng wika.

1. Maliban sa mga tunog ng hayop,ang mga tunog ng mga bagay-bagay saating kapaligiran na pinaniniwalaang
may sariling tunog, gaya halimbawa ngpagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa
paglikha ngwika. Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng iba’t ibang mensaheng naisiparating sa mga
nakikinig. _________________________

2. Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao aynagmula sa panggagaya ng mga tunog
na nalilikha ng mga hayop gaya ng taholng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.Bunga ito ng kakulangan
ngkaalaman sa mga salita ng mga primitibong tao noon kaya kahit paano,nakatulong ang mga tunog na naririnig
mula sa iba’t ibang hayop sa paglikha ngsarili nilang wika. _______________________________

3. Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysamagsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang
panahon, kailanganniyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Patunay nito, lagi nating
naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativna salitang tulad ng oo, opo o kaya sige. Pag-iling naman
angkasabay ng mga negativ na tulad ng hindi o ayaw.__________________________________

4. Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika . Ang ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.
___________________________________________

5. Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na namutawi sabibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang
nagsasaad ngmatinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na
katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y
nagugulat, nabibigla o natatakot. __________________________________________________

PANUTO: Basahin nang maigi ang mga pangungusap. Tukuyin at sagutin gamit ang mga salita na nasa hanay B.
Isulat ang titik sagot sa patlang na nakalaan sa bandang Hanay A.

Hanay A

__________1. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.

__________2. Sa bahaging ito nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.

__________3. Dito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.

__________4. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin.

__________5. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
__________6. Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.

__________7. Ito ay isang uri ng akdang patulo na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam.
Kalimitan itong nagtataglay ng himig nagbibiro.

__________8. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi
lamang.

__________9. Nasa anyong tuluyan; layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkatipon-
tipon sa isang lugar. Ito ang paboritong pampalipas-oras ng ating mga ninuno.
_________10. Ama ng Panitikang Iloko
_________11. Ama ng Balarilang Filipino
_________12. Pambansang Alagad ng Sining 2003
_________13. Ama ng Klasikong Tuluyang Tagalog
_________14. Ito ang pinakamalaking pangkat ng pulo sa Filipinas.
_________15. Prinsipe ng Makatang Pilipino 1969

Hanay B

a. Bugtong

b. palaisipan

c. kasukdulan

d. resolusyon

e. Pedro Bukaneg

f. Lope K. Santos

g. pababang pangyayari

h. Modesto de Castro

i. Francisco Balagtas

j. awitin/tulang panunudyo

k. Luzon

l. Virgilio Almario

m. tugmang de gulong

n. panimulang pangyayari

o. papataas na pangyayari

W A K A S
Bb. Irish Arianne S. Laga
(Ang pagsusulit ninyo ay hindi kagaya ng pag-ibig na kahit gaano man karaming pagkakamali ay ang mga
tama pa rin ang binibilang. Kapag maraming mali, ang resulta ay bagsak. Kaya, mag-aral ka.)

You might also like