You are on page 1of 3

Filipino 7

Piliin ang titik ng tamang sagot.


_____1. Ito ay itinuturing na sangay ng panitikan na siyang nagiging daluyan ng mga kaisipang
naglalaman ng bawat kultura ng isang partikular na lipunan.
a. Salawikain b. maikling kuwento c. karunungang bayan
_____2. Ito ay awit mula sa sariling bayan, mga awiting nakabatay sa pamumuhay, tradisyon, at
diyalekto ng isang partikular na lugar sa Pilipinas.
a. Tula b. awiting-bayan c. dula
_____3. Ito ang magiging batayang salita upang maibigay ang iba’t ibang kasingkahulugan nito.
a. Punong salita b. kasingkahulugan c. salitang ugat
_____4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita.
a. Diin b. antala c. tono
_____5. Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe.
a. Antala b. tono c. intonasyon
_____6. Ito ay tumutukoy sa tradisyunal na panitikan ng mga Pilipino na pasalindilang paraan lamang
naipasa ng ating mga ninuno.
a. Karunungang bayan b. kaalamang bayan c. maikling kuwento
_____7. Isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasaad ng mga salaysay ukol sa paglikha sa daigdig
at karaniwang nagsasangkot sa mga Bathala (diyos at diyosa) bilang tauhan.
a. Kuwentong-bayan b. mitolohiya c. alamat
_____8. Ito ang pakikipagsalungatan ng kaisipan o lakas ng tauhan sa kapwa tauhan o sa mismong
sarili nito.
a. Tunggalian b. tagpuan c. katutubong taglay
_____9. Ito ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng tinig kapag bumibigkas ng pantig ng isang salita, ng
parirala, o ng pangungusap para maging mas mabisa ang pakikipag-usap.
a. Diin b. antala c. tono
_____10. Ito ay makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng letra sa
pagsulat.
a. Ponemang segmental b. ponemang supersegmental c. ponemang suprasegmental
_____11. Ito ay isang malayang igpaw ng pag-iisip.
a. Salaysay b. sanaysay c. pangungusap
_____12. Ito ang gumagalaw na elemento na maaaring nagtataglay ng supernatural na kakayahan.
a. Tauhan b. tagpuan c. wakas
_____13. Ito ay mula sa salitangugat na titik na nangangahulugang literatura at mayroon lamang
unlaping pang- at -an.
a. Sanaysay b. panitikan c. karunungang bayan
_____14. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na mula sa impluwensiya ng mga Kastila.
a. Dula b. haiku c. korido
_____15. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng _____.
a. Korido b. awit c. kuwentong-bayan
_____16. Ginagamitan ito ng prediksyon o hula ng mambabasa ang bawat bahagi ng akda kung ano
ang mga mangyayari.
a. Pag-uugnay b. panghuhula c. masining na pagtatanong
_____17. Anong ang kahulugan ng salitang /BU:ko/ ? Bigyang pansin ang ang angkop na diin nito.
a. Niyog b. nabisto c. nakita
_____18. Anong ang kahulugan ng pangungusap:
Hindi, si Ana ang kumain ng spaghetti.
Bigyang pansin ang antala (,) sa loob ng pangungusap.
a. Hindi si Ana ang kumain b. Si Ana ang kumain c. wala sa nabanggit
_____19. Piliin ang salitang hindi kaugnay ng ibang mga salita sa bawat pangkat.
a. Kalye b. kalsada c. langit
_____20. Isang makapangyarihang ibon na naninirahan sa Bundok Tabor.
a. Maya b. ibong Adarna c. agila
_____21. Bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na may busilak na puso.
a. Don Juan b. Don Pedro c. Don Diego
_____22. Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga
babaeng minahal ni Don Juan.
a. Donya Juana b. Donya Maria c. Donya Valeriana
_____23. Nakawiwiling pag-aralan at basahin ang akdang Ibong Adarna dahil ito ay _____.
a. Kapupulutan ito ng yaman
b. Kapupulutan ito ng aral sa buhay
c. Magagaling ang mga tauhang prinsipe
_____24. Isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ay ______.
a. Sumuko anumang hamon sa buhay
b. Maniwala at sang-ayunan ang mga sinasabi ng iba
c. Ating tulungan ang mga kapwa, lalo na ang mga taong labis na nagangailangan.
_____25. Piliin ang salitang hindi kaugnay ng ibang mga salita sa bawat pangkat.
a. Ospital b. palengke c. mag-aaral

Salungguhitan ang wastong sagot sa panaklong.


1. Sumambulat sa kaniyang mukha ang mainit na (Aso, aSO) mula sa kaldero.
2. Kitang-kita ang mapulang (BAlat, baLAT) sa malarosas na pisngi ni Chantal.
3. Lalong umitim ang (PAsa, paSA) sa binti ni Von nang lagyan ng gamot.
4. (GAmit, gaMIT) na ang mga damit na ipinamigay ng mag-anak na mayaman.
5. Tingga ang ginamit na (BAto, baTO) ni Freya sa piko.
Tukuyin kung KORIDO o AWIT ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang K kung korido at A kung
awit.
_____ 1. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante.
_____ 2. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at nakagagawa ng kababalaghan.
_____ 3. Mayroong apat na taludtod na may wawaluhing pantig.
_____ 4. Tungkol sa bayani at mandirigma, karaniwang naglalarawan ng buhay.
_____ 5. Patungkol sa pananampalataya, pakikipagsapalaran at kababalaghan.

Tukuyin kung ang sumusunod na salita ay naghihinuha o hindi. Isulat ang NH kung ito ay nagbibigay-
hinuha at H kung hindi.
_____1. Si Andres Bonifacio ay isang bayaning Pilipino.
_____2. Parang uulan maya-maya lamang gawa ng madilim na kalangitan.
_____3. Sinabi sa balitang maraming bayan at lalawigan sa Gitnang Luzon ang nalubog sa baha
dulot ng walang tigil na ulan sa nakalipas na dalawang araw.
_____4. Sa tingin ko, sapat na ang paliwanag na ibinigay ng ating guro upang malaman natin ang
aralin sa araw na ito.
_____5. Naku, sa aking palagay, dapat ka nang magpatingin sa doktor. Ilang araw na rin ang iyong
pabalik-balik na lagnat.
_____6. Ang pagmamahal sa ina ay katumbas ng pagpapahalaga sa buhay.
_____7. Tila hindi mga tao kung ituring ang basta mga pinapatay na lamang sa lansangan.
_____8. Ang araw sa Pilipinas ay sumisikat sa Silangan.
_____9. Marahil ay masaya si Nena ngayon sa dami ng mga natanggap niyang regalo sa kaniyang
kaarawan.
_____10. Mag-aalas diyes na nang magsimula ang klase nina Kael sa ikalawang baitang.

Basahin at unawin ang kuwento. Sagutan ang mga tanong.


Maaga pa lamang ay may ngiti na sa labi ni Rowena nang magising ito. Naghanda siya ng
almusal para sa mga magulang. “Kailangang makakain si Itay Ambo para ganado siya sa trabaho”,
may pag-aalalang nawika ni Rowena sa sarili. “Nanay ako na po ang maglalaba mamaya ha, pahinga
na lang po kayo,” sabi niya sa ina.
Dumiretso ang ina at lumuhod sa altar na nasa sala at taintim na nag-usal ng dasal.
Pinuntahan ni Rowena ang ama, niyakap niya at hinagkan ito sa noo. “Gising ka na po pala tatay,”
paglalambing niya sa ama. Umunat ang ama, niyakap ang anak at nagpasalamat. Masayang
pinagsaluhan ng mag-anak ang almusal na inihanda ng anak. Tuwang-tuwa ang ama dahil
nagkaroon sila ng anak na tulad ni Rowena.

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2. Sino ang tinutukoy na “ulirang anak”? Bakit siya itinuri na ulirang anak?

3. Saan ang tagpuan ang kuwento?

4. Sa palagay mo, anong katangian ni Rowena ang dapat na tularan ng mga batang katulad mo?

5. Bakit mahalagang maging mabuting anak sa magulang?

You might also like