You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAN ISIDRO HIGH SCHOOL
Sta. Ana/Cluster 4
Sta. Ana
FILIPINO 9
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Pangalan: _________________________________________Petsa: __________________
Seksyon: __________________________________________ Iskor: _________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang
papel ang letra ng may tamang sagot.
I. TANKA AT HAIKU
1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang tanka at haiku?
a. Sanaysay b. Tula c. korido d. dula
2. Ang isang Tanka ay binubuo ng ilang taludtod?
a. 6 b. 7 c. 5 d. 4
3. Ito ay isang anyo ng tula na binubuo ng tig-pitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong?
a. Tanka b. Haiku c.Kawazu d. Tanaga
4. Ginawa ang Tanka noong _____?
a. Ika-9 siglo b. ika-10 siglo c. ika-8 siglo d. ika-15 siglo
5. Maikling tula sa Japan na binubuo ng Tatlumpu’t isang pantig at nahahati sa limang taludtod?
a. Tanaga b. Haiku c. Tanka d. Tula
6. Ano ang tawag sa ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay hiram na salita.
a. Kana b. Kireji c. Kiru d. wala sa nabanggit
7. Kadalasang paksa ng tulang Tanka ay…
a. Pag-ibig, kalikasan, buhay
b. Pag-ibig, pagbabago at pag-iisa
c. Pagbabago, pag-iisa at pagibig
d. Pag-ibig, pag-iisa, kalikasan
8. Ito ang sinasabing pinakamahalaga sa Haiku?
a. Pagbuo ng haiku
b. Pagbigkas ng taludtod
c. Pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o hinto
d. Lahat ng nabanggit
9. Tawag sa unang ulan sa pagsisimula ng taglamig
a. Kiru b. Kireji c. shigure d. wala sa nabanggit
10. Maikling tula sa Japan na binubuo ng labing pitong pantig at nahahati sa tatlong taludtod?
a. Tanaga b. Haiku c. Tanka d. Tula
II. PABULA
Isulat ang salitang “Wasto” kung tama ang diwa ng pangungusap. Kung mali, palitan ang salitang
nasasalungguhitan upang maiwasto ang diwa.
________ 11. Ang Parabula ay uri ng Panitikan na kalimitang ang pangunahing tauhan ay mga
hayop at kalimitang nag-iiwan ng aral.
________ 12. Ang Korea ay dating tinawag na “Chuzon” na ang ibig sabihin ay lupain ng
mapayapang Umaga.
________ 13. Si Phaedrus ang unang nagsalin sa latin sa mga pabula ni Aesop.
________ 14. Sa sinaunang panitikan ng Korea, kadalasang mga hayop ang makikita lalong lalo na
ang usa.
________ 15. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng sinaunang Pabula”.
________ 16. Ang tigre ang naghahanap ng makakain at nahulog sa malalim na hukay.
________ 17. Tinulungan ng baka ang tigre upang makaalis sa hukay.
________ 18. Ang Puno ng Pino ang nagbigay ng matalinong hatol sa kwento.
________ 19. Ang Hatol ng Kuneho ay isinalin sa Filipino ni Vilma C. Santos.
________ 20. Ang Hatol ng Kuneho ay isang pabula na nagmula sa Japan.

III. SANAYSAY

21. Sa mga elemento /sangkap ng sanaysay, ito ang madalas na sumasagot sa tanong na “tungkol
saan ang teksto”?
a. kaisipan b. nilalaman c. layunin d. paksa
22. Ang mga sumusunod ay layunin ng may-akda sa pagsulat ng isang pormal na sanaysay, maliban
sa isa:
a. magpaliwanag b. magpatawa c. manghikayat d. maglahad
23. Makikita ito sa bahaging simula ng sanaysay:
a. nilalaman nito ang kurokuro, palagay,at punto ng manunulat
b. masisilip dito kung ano ang tatalakayin ng manunulat.
c. binabanggit dito ng manunulat ang nais matandaan ng mambabasa
d. inilalahad dito ang pagpapaliwanag tungkol sa isang paksa
24. Anong ibig ipakahulugan nito: “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung
ihahambing limampung (50) taon ang nakalipas.”
a. sa paglipas ng panahon, pinahahalagahan na ang karapatan at proteksyong dapat para sa
mga babae
b.nakatatanggap na sila ng trabahong dati’y para sa lalaki lamang
c. tumataas na ang paggalang at pagtanggap sa kakayahan ng mga babae
d. lahat ng nabanggit
25. Ano ang layunin ng manunulat sa pahayag na ito: Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng
mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon.”
a. Nanghihikayat b. nagpapatawa c. naggaganyak d. nagpapaliwanag
Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa
gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa gayon, anak, ako
muna’y patawarin. Ngunit balang araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang
tunay na dahilan kung bakit kung minsan any mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa
paghele sa iyo.

- Paano nagsusulat ang isang Ina ni Ligaya G. Tiamson-Rubin

26. Ang paksa ng sanaysay ay ______________.


a. tungkol sa mag-inang magkalayo ang landas
b. tungkol sa inang humihingi ng kapatawaran sa anak dahil sa kasalanan
c. tungkol sa inang nahahati ang panahon sa pagtatrabaho at pagaalaga ng anak
d. tungkol sa inang nagmamakinilya para sa anak
27. Ang tono ng nagsasalita ay ________________.
a. Nagtatampo b. nagdaramdam c. nagpapaunawa d. nagnhihikayat
28. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito sa sanaysay: ang pagmamahal na iyan ang siyang
tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa
paghele sa iyo.
a. kailangang magtrabaho ng ina para sa mga gastusin sa bahay
b. hindi trabaho ng ina ang maghanapbuhay, dapat ang ama
c. may mga inang nagkukulang ng pag-aaruga sa kanilang anak
d. handang magpagod at magsakripisyo ang ina para sa ikabubuhay
ng mahal na anak
29. Ang layunin ng sumulat sa tekstong ito ay upang ____________.
a. isa-isahin ang pagkukulang ng ina
b. ipaunawa sa anak ang hirap ng ina
c. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina.
d. makonsensya ang ina sa kawala ng panahon sa anak
30. Mahalaga sa isang mag-aaral ang pagbabasa at pagsusulat ng
sanaysay. Alin sa mga sumsunod ang HINDI kabilang?
a. nakapagbibigay ito ng mabuting kaalaman sa mambabasa
b. maaari itong gawing kasangkapan sa pagpapaliwanag ng isyu na malabo sa marami
c. nagagamit ito upang manghikayat tungkol sa isang mahalagang bagay na nais mong malaman ng
iba
d. wala sa nabanggit

IV: MODAL
Tukuyin ang panandang modal na ginamit sa pangungusap. Isulat naman ang letra/titik bago ang
bilang sa iyong sagutang papel.
A. Nagsasaad ng Posibilidad C. Hinihinging mangyari
B. Nagsasaad ng Pagnanasa D. Sapilitang mangyari
_____________31. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
_____________32. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
_____________33. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka
ngayon.
_____________34. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
_____________35. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
_____________36. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang
ginagawa ng mga taga-Korea.
_____________37. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
_____________38. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
_____________39. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
_____________40. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

V. MAIKLING KWENTO
Isulat ang tsek ( ∕ ) sa patlang kung ang pahayag ay makatotohanan hinggil katangian ng isang
Katutubong Kwento at (X) kung ito’y mali.
____41. Binibigyang diin ang paglalarawan sa kapaligiran o tagpuan ng kwento.
____42. Mahalaga ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento at iyan ang pangunahing
layunin ng Kuwento ng katutubong kulay.
____43. Maging ang pangkalahatang pag-uugali ng mga tao ay kasama sa binigbigyang diin sa
kwento ng katutubong kulay.
____44. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar at panahon ng pagkaganap ng mga pangyayari.
____45. Malaki ang naitutulong ng kapaligiran at kalagayan ng tagpuan sa ikauunawa ng mga
mambabasa sa mga pangyayaring naganap sa kuwento.
____46. Pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga
kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin at pananaw sa buhay.
____47. Ang pamumuhay at kalakaran sa isang lugar ay hindi binibigyang diin.
____48. Ang banghay o plot ay ang pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa kwento at
napakahalaga sa Kwento ng Katutubong Kulay.
____49. Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay
at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
____50. Ang akdang “Nagmamadali ang Maynila ay halimbawa ng Kwentong Katutubong Kuwento.

You might also like