You are on page 1of 15

Talasalitaan

Ang kohesyong gramatikal o cohesive devices ay mga salitang


nagsisilbing pananda upang hindi magpaulit-ulit ang mga salita.

Ito ay mga panghalip.


Halimbawa:
Ito Dito Doon Iyon Sila Siya Tayo Kanila
ANAPORA at
KATAPORA
ANAPORA at KATAPORA

Ginagamit ito upang maiwasan ang paulit ulit na


paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa
pahayag. Ito ang paggamit ng panghalip na
tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangalan
ANAPORA o SULYAP NA PABALIK

Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan


bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan
ng pangungusap o talata.
Halimbawa:

Si Maria at Jose ay mag-asawa. Sila ay


may dalawang anak.
Anapora

Limang Halimbawa ng Anapora


1.Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay
mahilig mag-aral.
2.Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay mga sikat at tinitingala na
artista ngayon. Sila ay ginagaya at nirerespeto ng lahat.
3. Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay
matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
4. Ang bahaghari ay napakaganda. Ito ay nagbibigay kulay sa himpapawid.
5. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing
na kayamanan ng isang bansa.
KATAPORA O SULYAP NA PASULONG

Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa


unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan.
Halimbawa:

Ito ang pinakamasarap na pagkain sa lahat. Kung


kaya’t araw-araw akong bumibili ng Leche Plan.
Limang Halimbawa ng Katapora

1. Ito ay ang pinakadakilang trabaho. Ang pagiging ina ay walang


katumbas na halaga.
2. Ito ay napakalaking parke. Ang Luneta Park ay isang makasaysayan
na parke.
3. Ito na yata ang pinakamalaking pasyalan sa buong Pilipinas. Ang
Mall of Asia ay kilala sa napakaraming tindahan ng kung anu-anong
produkto, pagkain, at iba pa.
4. Ito ay ang banal na aklat. Ang bibliya ay nagbibigay sa atin ng
gabay.
5. Siya ay ang tinaguriang ama ng katipunan. Si Andres Bonifacio ay
isang matapang na bayani.
Maikling pagsusulit
PAMANTAYAN:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Orihinalidad ng iskrip/kwento Gumamit ng kakaiba at 40%


napakamalikhaing pamamaraan sa
pagbuo ng iskrip/kwento.
Pagganap ng mga Ang bawat kasapi ng pangkat ay 20%
tauhan/Partisipasyon nagpamalas ng kakaibang galing
pakikilahok.
Daloy ng pangyayari Nagpakita at nagpamalas ng 20%
tamang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari
Paglalapat ng musika/tunog May kaangkupan at malikhaing 20%
paraan sa paglalpat ng musika.
Kabuuang puntos 100%

You might also like