You are on page 1of 2

Ang Tekstong Argumentatibo

Sa nakalipas na aralin, nalaman natin na ang isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na


tanggapin ang punto ng may-akda ay tinatawag na tekstong persuweysib. Subhetibo ang tono ng isang
tekstong persuweysib sapagka’t nakabatay ito sa damdamin at opinyon ng manunulat. Sa araling ito ay
tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin ang mababasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong
inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi- ethos, pathos, at logos, ginagamit ng
tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang
mga argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kaniyang posisiyon o punto.

Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o


nanghihikayat. Gayunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito. Suriin ang talahanayan sa ibaba:

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib


 Nangungumbinsi batay sa datos o  Nangungumbinsi batay sa opinyon
impormasyon
 Nakahihikayat dahil sa merito ng mga  Nkahihikayat sa pamamagitan ng
ebidensiya pagpukaw ng emosyon at pagpokus sa
kredibilidad ng may-akda
 Obhetibo  Subhetibo

Isipin ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang pasulat na
bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalantag pa rin ang mga katwiran at
ebidensiya ng kabilang panig.

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo


Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa
pagpanig dito
3. Mangalap ng mga ebidensiya. Ito ay mga impormasyon o datos nasusuporta sa iyong posisyon
4. Gumawa ng burador (draft)
 Unang talata: Panimula
 Ikalawang talata: Kaligiran
 Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng mga
talata kung maraming ebidensiya.
 Ikaapat na talata: Counter argument. Asahan mong mayroong ibang mambabasa na
hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad ditto ang iyong mga lohikal na dahilan
kung bakit iyon ang iyong posisyon.
 Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong sinulat
 Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung
‘yan ang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na
kopya.

You might also like