You are on page 1of 15

TEKSTONG PERSUWEYSIB

“May mga pakakataong kailangang


manghikayat
ng iba kaya,pagbuo ng mahusay Na
tekstong PERSUWEYSIB
Ay mahalaga”
ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB
LAYUNIN –Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
-Isinusulat ang tekstong PERSUWESIB upang managing ang
takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi ang punto ng
manunulat,at hindi sa iba,ang sayang tama.
-Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o eneendorso ng teksto.
Ang tekstong Ito ay may SUBHETIBONG TONO
-sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang
panig.Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
Ang ganitong Uri ng teksto ay
ginagamit sa mga;
 iskrip para sa patalastas,
 propaganda para sa eleksiyon,
pagrerekrut para sa isang samahan
/(networking)
PROPAGANDA DEVICES
-Ang Panghihikayat sa mga taong bumibili
ng isang produkto o iboto ang isang kandidato ay
isang bagay na dapat masusing pinag-
iisipan.Kung mapapansin ang patalastas o
telebisyon ,sa mga diyaryo ,at magasin ay
kinakailangang nakapupukaw ng atensiyon
upang mapansin.
-Ang mga iksperto sa likod ng mga
propagandang ito ay may ginagamit na m mga
Propaganda Devices.
PROPAGANDA DEVICES
NAME CALLING
-ito ay pagbibigay ng Hindi mga
magandang taguri sa Isang produkto O
katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.
GLITTTERING GENERALITIES
-Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na
pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa
mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
TRANSFER
-Ang paggamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa isang
produkto o Tao ang kasikatan.
TESTIMONIAL
-Kapag ang isang sikat na
personaldad ay tuwirang nag endorso ng
Isang tao o produkto.
PLAINFOLKS
-Karaniwan ring ginagamit sa Kampanya o
komersiyal Kung saan ang mga kilala ng tanyag
na Tao ay pinalalabas sa ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto,o serbisyo.
CARD STACKING
-Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang
Katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit
ang hindi magandang Katangian.
BANDWAGON
-Panghihikayat Kung saan Hinihimok ang
lahat na gamitin ang isang produkto o sumali
sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumasali
na.
Inilarawan ng GRIYEGONG
PILOSOPO na si
ARISTOTLE, ang tatlong(3)
Paraan ng Panghihikayat o
pangungumbinsi.
TATLONG(3) PARAAN NG PANGHIHIKAYAT
(AYON KAY ARISTOTLE)

ETHOS
-Ito ay tumutugon sa KREDIBILIDAD ng
isang manunulat.Dapat makumbinsi ng Isang
manunulat ang mambabasa na sya ay may
malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat kung hindi ay baka hindi
sila mahikayat na maniwala rito.
ANG ESTILO NG PAGSULAT AY MAHALAGA
UPANG MAGKAROON NG KREDIBILIDAD
Dapat maisulat ng wasto at malinaw ang
teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at
mahusay ang sumusulat.Ang paraan ng
pagsisipi ng sanggunian ay maaaring
makatulong sa pagpapatibay ng
KREDIBILIDAD.Kailangan mapatunayan sa mga
mambabasa na ang mga datos at impormasyon
ay wasto at napapanahon upang makumbinsi
na ang isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.
PATHOS
-Tumutukoy ito sa emosyon o damdamin
upang mahikayat ang mambabasa .
—Ayon kay ARISTOTLE :Karamihan sa mga
mambabasa ay madali madala ng kanilang
emosyon.
—Ang paggamit ng pagpapahalaga at
paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paraan para makumbinsi sila.
LOGOS
-Ito ay tumutukoy sa gamit ng LOHIKA
upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon o
datos na kanyang inilatag ang kanyang
pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan
.Gayunman isa sa mg madalas na pagkakamali
ng mga manunulat ang paggamit Ng AD
HOMINEM FALLACY .Kung saan ang manunulat
ay sumasalungat sa personalidad ng
katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.
—Kailangan tandaan na sa paggamit ng mga
propagandang paraang ito dapat isaalang-alang kung
sino o anung uri ang mga mambabasa.
Halimbawa:Kung ang babasa ng teksto ay mga taong
may hawak na mataas na posisyon o mga
negosyante.makabubuting gumamit ng mga
kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos
upang sila ay makumbinsi habang mayroon namang
mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng
apela sa emosyon.Maaari ding gamitin ang lahat ng
paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan
mong mambabasa.

You might also like