You are on page 1of 14

Kuwarter 3 - Modyul 3:

Tekstong Persuweysib

1
SUBUKIN

PANUTO: Batay sa iyong personal at kasalukuyang kaalaman, sagutin ang mga


sumusunod na tanong at pumili ng sagot mula sa kahon sa ibaba.
Isulat sa patlang ang titik na katumbas ng inyong sagot.

_____ 1. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa


lohikal na pagmamatuwid ng manunulat.
_____ 2. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa
emosyon ng mambabasa
_____ 3. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa
reputasyon ng manunulat
_____ 4. Ito ay isang uri ng propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang
puna sa isang produkto
_____ 5. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa produkto ang kasikatan nito.
_____ 6. Ito ay isang uri ng propaganda device na pinalalabas na ordinaryong tao ang
isang sikat na tao.
_____ 7. Ito ay isang uri ng propaganda device na hinihikayat ang iba pa na gumamit ng
produkto dahil marami na ang gumagamit nito.
_____ 8. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng magagandang pahayag
ukol sa produkto
_____ 9. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng sikat na tao upang
direktang i-endorso ang produkto
_____ 10. Ito ay isang uri ng propaganda device na binabanggit lahat ng
magagandang katangian ng produkto at hindi ang masasama.
_____ 11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas
madali siyang makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang elementong ___.
_____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng
kanyang tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan ito
upang mahasa ang elementong ____.
_____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa
pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-alang ng
nangungumbinse ang kanyang _____.
_____ 14. “Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE
kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____.
_____ 15. “Mula pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya natitiyak
ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa ng propaganda
device na ____.

2
A. BANDWAGON B. CARD- C. GLITTERING
STACKING GENERALITIES
D. ETHOS E. TRANSFER F. LOGOS
G. PATHOS H. NAME-CALLING I. PLAIN FOLKS
J. TESTIMONIAL K. PERSUWEYSIB L. PANGHIHIKAYAT

BALIKAN

Ilarawan ang imahe sa ibaba gamit ang karaniwan at malikhaing


paraan.

KARANIWAN MALIKHAIN
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

TUKLASIN

3
A. PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga tagline ng mga kilalang patalastas
na makikita sa telebisyon. Anong produkto kaya ang tinutukoy nila?

1. Bida ang saya! _________________


2. Hari ng Padala! _________________
3. I-bottomless ang saya! _________________

5. In the service of the Filipino. _________________

Sa puntong ito ay panibagong


aralin na naman ang matututunan ng
ating mag-aaral. Tulungan siyang
ihanda ang sarili para sa
makabuluhang paglalakbay na ito!

4. We find ways. _________________

4
SURIIN

TEKSTONG PERSUWEYSIB

KAHULUGAN
Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa
o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.

MGA LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang
simpatiya nito at mahikayat na umayon sa
ideyang inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o
simpatiya ng mambabasa

MGA KATANGIAN

1. May subhetibong tono


2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda
para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT
AYON KAY ARISTOTLE

1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita


Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit
itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos
upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa
paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung

5
kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga
tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos
kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

Halimbawa:
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang
isang isla sa Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng


manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.
Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating
lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga
estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive). Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang
sabon na iyon ay makakaputi.

3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig


Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na
gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng
ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya
nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa,
at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang
motibasyon upang kumilos ang isang tao.
Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad
ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig
sa manunulat.

PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang


isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung
mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay
kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto
sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device.
Ating alamain kung ano-ano ito:

1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa


isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.

6
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato

2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag


ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga
ng mambabasa.

Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi.
Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa


isang produkto o tao ang kasikatan.

Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang


nagendorso ng isang tao o produkto.

Halimbawa:
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit
niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya.
Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na
huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.

5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung


saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.

Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit
at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.

6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng


produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit
sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.

7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang


isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

7
Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

PANUTO: Buuin ang web map sa ibaba batay sa iyong pang-unawa sa bagong

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong Persuweysib. Ang tekstong


ito ay isa sa apat na liham na isinulat ni Mary Jane Fiesta Veloso habang siya ay
nasa bilangguan ng Republika ng Indonesia. Isa siya sa mga nasa death row ng
nasabing pamahalaan dahil sa pagkasangkot niya sa isang kaso. Para sa
karagdagang kaalaman tungkol dito ay maaaring bisitahin ang website na ito:
https://en.wikipedia.org/wiki/Mary_Jane_Veloso

aralin.

8
May ilang sitwasyon na makikita sa ibabang bahagi. Tukuyin kung
anong propaganda device ang ginamit sa bawat sitwasyon. Isulat ang
inyong sagot sa patlang na makikita sa dulo ng bawat bilang.

1. Isang sobrang sikat na artista na nag-eendorso sa hindi sikat na brand ng


produkto.
____________________
2. Instant Noodles ad na pinapakita ang magandang dulot nito sa
pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa
bato at UTI. ____________________
3. Isang commercial ng dishwashing liquid na pinapakita nila na ang mga
tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit nito sa paghuhugas ng
pinggan dahil ito ay
epektibo sa pagtanggal ng sebo.
____________________
4. Kapag eleksyon, nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding
kakalimutan na sa mga nakaraang eleksyon ay mula sa kanilang partido
ang may pinakamataas na
trust rate survey sa kanilang serbisyo publiko.
____________________
5. Sa isang commercial ng face cleanser ipapakita na sa kahit anong
sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay GUWAPO AT
MAKINIS ka sa lahat ng
pagkakataon.
____________________
6. Sinisira ang isang produkto upang hindi ito tangkilikin ng mamimili.
____________________
7. Ang kandidato sa eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at
pinapakita niya na nagmula at galing rin sila sa hirap.
____________________

ISAGAWA

Halimbawang nagtitinda ka ng isang produkto, paano mo


kukumbinsehin ang iyong mga mamimili na tumangkilik sa iyong produkto?

Gagawa ka ngayon ng sarili mong patalastas. Mamili ka ng kahit na


anong bagay na makikita sa loob ng inyong bahay. Gumawa ka ng iskrip ng
magiging artista sa iyong patalastas. Buuin lang ang hinihinging detalye sa
ibaba:
Sa ibaba ay halimbawa ng isang iskrip ng patalastas na siya ninyo ring
gagawin.

Produkto:
Propaganda Device: Card-Stacking
Iskrip: (Iisang tauhan lang ang patalastas.)

Ikaw ba a y nababahuan na sa iyong hininga? Ikaw ba ay nahihilo na kapag


ika’y nagsasalita? Ikaw ba ay pagod na pagod na sa tuwing nabibili mo ang mga
toothpaste na panira sa iyong dila? Gusto ni nyo bang magkaroon ng toothpaste na
garantisadong gagawin ang iyong ngipin na mas malinis, matibay, malakas,

TOOTHPASTE .

Endorser : Patay agad ang germs at bacteria sa ngipin at dila.


Parang isang “Blitzkrieg Warfare” na ginamit pa ng mga Aleman/German
noong ikalawang giyera dahil magugulat ka nalang na kasing-puti na ng
ngipin
sampaguita .
Ikaw rin ay makakapagsalita na ng mas mabilis kumpara sa dati dahil ang
dila mo’y mas malinis at makinis. Wala ng gagam bala pa sa’yo.
Magiging masayahin ang mga mambibili nito.
Presyo’y di katumbas ng halaga dahil ito’y mumurahin lamang.
Hindi mamahalin na parang ginto
Meron itong kakaibang epekto sa iyong kalusugan.
Hindi ka na magiging ubuhin, sakitin, sipunin, pawisin, lamigin, at
initin.
Sa sobrang lakas ng ngipin mo, pag ika’y sinuntok, ang nanuntok pa ang
nasaktan.
Maraming iba’t ibang lasa, nalulunok ito ng hindi nalalason.
Ano pa ang hinihintay mo? Lumipat ka na sa mas pinagkakatiwalaang
toothpaste ngayon, walang iba kundi and BLITZKRIEG TOOTHPASTE!
at maputi? Puwes, ito ang nababagay sa inyo, ang bagong BLITZKRIEG

10
11
TAYAHIN

PANUTO: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.


Titik lamang ang isulat na sagot sa nakalaang espasyo.

______1. Ang salitang Griyego na _______ ay tumutukoy sa pangangatwiran.

a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos


______2. Paraan ito ng panghihikayat kung saan ginamit ni Aristotle ang
ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita
batay sa paningin ng nakikinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
______3. Ito ay elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mamababasa o tagapakinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
______4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Testimonial d. Plain folks
______5. Ito ay isa sa propaganda devices na ginagamit kapag ang isang sikat
na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.

a. Name -Calling c. Transfer


b. Testimonial d.Plain Folks
______6. Ito ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin
ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali
na.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Band wagon d. Plain Folks
______7. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto
ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
______8. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan
ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
a. Name -Calling c. Plain Folks
b. Bandwagon d. Card Stacking
______9. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikataan.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
______10. Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa
isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa
a. Glittering Generalities c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
_____ 11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas
madali
siyang makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang elementong ____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
_____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at
damdamin ng kanyang tagapakinig upang mas madali ang
panghihikayat. Paraan ito upang mahasa ang elementong ____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

_____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa


pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-
alang ng nangungumbinse ang kanyang _____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

_____ 14. “Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA


TOOTHPASTE
kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na
____.
a. Name -Calling c. Bandwagon
b. Testimonial d. Plain folks
_____ 15. “Mula pa pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap
kaya natitiyak ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa
ng propaganda device na
a. Name -Calling c. Bandwagon
b. Testimonial d. Plain folks

KARAGDAGANG GAWAIN

Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa mga


sumusunod na commercial taglines at political ads.

_________________________1.
2. ___________________________

3. ___________________________

4. _____________________________

5. ____________________________

You might also like