You are on page 1of 16

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan - LAS 4
Ang Tekstong Persweysib

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – LAS 4: Ang Tekstong Persweysib
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Learning Activity Sheet (LAS)

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Raqel S. Domingo

Tagasuri ng Nilalaman: Anastacia N. Victorino


Tagasuri ng Wika : Raymond Villafane
Tagasuri ng Paglapat : Jeffrey M. Espino

Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.


Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng __________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan - LAS 4
Ang Tekstong Persweysib

3
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

C. MELCs
Pang-apat na Linggo
1. Nakasusulat ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng tekstong persweysib.
(F11PU – IIIb – 89)

D. Tiyak na Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at layunin ng tekstong persweysib.

2. Nakikilala ang tekstong persweysib batay sa iba’t ibang uri ng propaganda

devices na ginamit.

3. Nakasusulat ng isang halimbawang tekstong persweysib.

II. NILALAMAN

Aralin 4 - Ang Tekstong Persweysib


a. Kahulugan at Layunin
b. Mga Elemento ng Panghihikayat
c. Mga Instrumento sa Panghihikayat

4
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Nanghihikayat batay sa opinyon ng may-akda at layunin nitong panigan ng mambabasa
ang kaniyang sinasabi. Ang uring ito ng teksto ay __________.
a. Argumentatibo b.Deskriptibo c.Naratibo d.Persweysib
2. Sa tekstong persuweysib, ang sumusunod ay paraan ng panghihikayat ayon kay
Aristotle maliban sa______.
a. Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
3. Ito ay panghihikayat na tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat o ng nagsasalita, mas
pinaniniwalaan natin ang mga taong binibigyan natin ng mataas na respeto at kilala sa
partikular na larangan.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
4. Panghihikayat na nagbibigay-diin sa pagiging rasyonal at lohikal ng manunulat o
Nagsasalita.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
5. Panghihikayat na ginagamitan ng emosyon o damdamin ng tao upang madaling
mapaniwala o maaakay sa isang bagay.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
6. Propaganda device na kung saan ay tuwirang iniendorso o pino-promote
ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial
7. Uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang kaisipan; na ang
pangkalahatan ay gumagamit na nito maliban sa hinihikayat. Nagbibigay ito ng
“pressure” na kung saan ay sinasabing kinakailangang tangkilikin na rin ito ng
hinihikayat dahil mapag-iiwanan na siya nito.
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial
8. Ang pagsuot ng mumurahing damit at pagkilos kagaya ng mga normal na
mamamayan ng isang bansa upang mabigyan ng “sense of belongingness” ang mga
hinihikayat.
a. Name Calling b. Glittering Generalities c. Plain Folks d. Testimonial
9. Isa itong uri ng panghihikayat na kung saan ginagamit ang kasikatan ng isang
personalidad o ahensiya upang pasikatin ang isang produkto o proyektong hindi
masyadong kilala
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial

5
10. Ginagamit ito sa panghihikayat sa pamamagitan ng pang-iinsulto at paninirang-puri
sa kakumpetensiya. Hindi ito propesyunal na gawain kaya’t ito’y kinasusuklaman sa
mundo ng kalakalan, ngunit laganap pa rin itong ginagamit sa pulitika o iba’t ibang
ahensiya ng lipunan.
a. Name Calling b. Glittering Generalities c. Plain Folks d. Transfer

B. Balik-aral
Panuto: Alalahanin ang naging mga kaalaman sa aralin 3 – Tekstong Deskriptibo. Gumawa
ng tula na may isang saknong at binubuo ng anim na taludtod; na naglalarawan sa iyong
sarili bilang mag-aaral sa kasalukuyan.

C. Paglulunsad ng Bagong Aralin

"Joy Cologne"

Ito ang aking produkto, na sa inyo ay magbibigay-aliwalas at bangong walang


kapantay. Gamit ito sa araw-araw at ang wisik nito'y tunay na nakaaakit ang amoy. Sa
mga tao sa iyong paligid ay tiyak mapasusunod at mahahalina nang husto. Sa mga
kabataan, lalo na sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong dapat gamitin sa araw-
araw. Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal. Kasiyahan ay mapapasaiyo,
kumpiyansa sa pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa amoy palang ay walang
pagsisisi, maging sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung peso
(P 40.00). Kaya sa'n ka pa? Sulit na mabango pa. Bili na! Masisiguro ko sa inyo, na ang
"Joy Cologne" tunay na mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang Pilipino, at higit sa
lahat sulit ang presyo.

-hango sa https://www.facebook.com/186696518547623/posts/panghihikayat-
sa-isang-produkto-joy-cologne-tektong-persweysibito-ang-produkto-
k/202613950289213/

6
Pamprosesong Tanong:

1.Sa paanong paraan inilahad ng may-akda ang teksto?


2. Anong uri ng produkto ang inilalarawan sa teksto?
3. Magbigay ng tatlo o higit pang katangian ng produkto na makahihikayat
sa mamimili?
4. Kung ikaw ay mamimili, tatangkilikin mo ba ang produkto? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, gaano kabisa ang mga nabanggit na katangian ng produkto upang
mahikayat ang mga mamimili?

Pagtalakay sa Paksa:

Tekstong Persweysib

Ang tekstong persweysib ay naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa


tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may-
akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng tekstong ito ay subhetibo kung
saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.

Tatlong Elemento at Paraan ng Panghihikayat

Ayon kay Aristotle, may tatlong elemento ang panghihikayat. Ito ang Ethos, Pathos at
Logos.
1. Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
2. Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
3. Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon o sapat na datos

Heto ang mga halimbawang instrumento o propaganda devices na ginagamit sa


tekstong persweysib sa pang-aakit ng madla:

1. Name Calling - ginagamit ang name calling sa pamamagitan ng pang-iinsulto at


paninirang puri sa kalaban. Hindi ito propesyunal at ito’y kinasusuklaman sa propesyunal
na paligid, ngunit laganap ito’t ginagamit maya’t maya
Halimbawa:
⮚ Ang pagsisiraan sa kompanya para makakuha ng mataas na posisyon.
⮚ Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon.
⮚ Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.

7
2. Glittering Generalities - mas kilala sa tawag na flattery¸ ginagamit ito sa panliligaw sa
mga hinihikayat nito ng mga magagandang salita, parangal, at papuri hanggang
tangkilikin ang panig o produktong sinususulong. Kadalasan sa mga papuring ito’y
kasinungalingan o pagmamalabis, kung kaya’t kinakailangang maalam ang mga .
hinihikayat kung ano ang tama o hindi.
Halimbawa:
⮚ Sa isang komersyal ng isang sikat na coffee shop na “Starbucks” na may tagline na
“The best coffee, for the best you”.

3. Transfer – Isa itong uri ng panghihikayat na kung saan ginagamit ang kasikatan ng isang
personalidad o ahensiya upang pasikatin ang isang produkto o proyektong hindi
masyadong kilala.
Halimbawa:
⮚ Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand o produkto.

4. Testimonial - ito ang propaganda device kung saan tuwirang iniendorso o pino-promote
ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Halimbawa:
⮚ Kapag eleksyon, inimbitahan ang mga artistang sikat upang sila ay iendorso.
⮚ Mga iskolar ng bayan na ginagamit ng pulitiko sa kampanya.

5. Plain Folks - ang pagsuot ng mumurahing damit at pagkilos kagaya ng mga normal na
mamamayan ng isang bansa upang mabigyan ng “sense of belongingness” ang mga
hinihikayat. Ito ay ang paggamit sa konsepto ng pagiging isang normal na kababayan
upang mahikayat ang karamihan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa
politika.
Halimbawa:
⮚ Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at
pinapakita nila na nagmula at galing din sila sa hirap.
⮚ Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag-eendorso ng
kanilang produkto.

6. Bandwagon - uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang kaisipan na ang


pangkalahatan ay gumagamit na nito maliban sa hinihikayat. Nagbibigay ito ng pressure
na kung saan ay sinasabing kinakailangang tangkilikin na rin ito ng hinihikayat dahil
mapag-iiwanan ito.
Halimbawa:
⮚ LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.

8
⮚ TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.

7. Card Stacking - ito ang uri ng panghihikayat na kung saan ay hindi sinasabi ang mga
masasamang dulot nito at sa halip ay binibigyan ng diin ang mga magagandang epekto
nito, gaano man kaliit.
Halimbawa:
⮚ Komersyal ng Vetsin na ginagamit na pampalasa sa lahat ng lutuin subalit di sinasabi
ang masamang epekto nito kapag nasobrahan ang gamit.

C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:
Panuto: Timbangin at alalahanin ang natutuhang kahulugan at layunin ng Tekstong
Persweysib. Ilagay ng sagot sa ibaba.

Kahulugan Layunin

Gawain 2:

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay Ethos, Logos o Pathos.


Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal.
_______2. Sa amoy palang ay walang pagsisisi.
_______3. Ang "Joy Cologne" tunay na mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang
Pilipino, at higit sa lahat sulit ang presyo
_______4. Maging sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung
peso.
_______5. Kasiyahan ay mapapasaiyo, kompyansa sa pakikipaghalubilo at walang
kapantay na bango.

9
Gawain 3:
Panuto: Magbigay ng halimbawang pangungusap na naglalahad ng tatlong uri ng
panghihikayat. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon.

Ethos:

Logos:

Pathos:

Kasanayang Komunikatibo:

Kakayahang Retorikal at Kakayahang Tekstuwal


Ang kakayahang retorikal at kakayahang tekstuwal ay ang dalawang uri ng kakayahang
diskorsal. Ano nga ba ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng dalawang uring ito?

Pagkakaugnay ng Kakayahang Retorikal at Kakayahang Tekstuwal


Ang kakayahang retorikal at tekstuwal ay ang komunikatibong kakayahan ng isang tao. Pareho
silang tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika ng isang tao. Ang
mga ito ay nagpapakilala sa pagpapalitan ng pahayag.

Pagkakaiba ng Kakayahang Retorikal at Kakayahang Tekstuwal


Kakayahang Retorikal - Ito ay tumutukoy sa pasalitang diskurso. Ito ang kagalingan at
kaalaman na makibahagi sa isang kumbersasyon. Ito ay isang kakayahan kung saan nagagawa ng isang
tao na maunawaan ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng opinyon o pananaw.
Kakayahang Tekstuwal -Ito naman ay tumutukoy sa pasulat na diskurso. Ito ang kagalingan at
kaalaman sa pagbasa. Ito ang kakayahan kung saan nagagawa ng isang tao na unawain ang iba't ibang
akdang pampanitikan tulad ng transkripsyon, gabay instruksyunal at iba pang pasulat na
kumbersasyon.
Ang mga propaganda devices ay halimbawa ng mga instrumentong pangwika na nagbibigay
kulay sa mga akda o teksto.
Sa pamamagitan ng panghihikayat, nagagamit ng malinaw at makabuluhan ang kakayahang
retorikal at kakayahang tekstwal.

10
Gawain 4:
Panuto: Suriin at tukuyin ang mga larawan sa ibaba. Magbigay ng maikling paliwanag ukol sa
mensahe ng larawan.

1.
_____________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________

3.______________________________________________________________________

Gawain 5:
Panuto: Tukuyin kung anong Propaganda Device ang inihahayag ng mga pangungusap sa
ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot na kumakatawan sa bawat bilang.

A. Bandwagon B. Card Stacking C. Glittering Generalities


D. Name Calling E. Plain Folks F. Transfer G. Testimonial

_____ 1. Si Pangulong Obama, namataan sa isang food chain na kumakain ng burger.


_____ 2. Bansag sa maka-administrasyon “Dutertads” as sa Dilawan naman na kontra-
Administrasyon ay “Yellowtards”
_____3. TV Commercial: “9 out of 10 Dentist Recommend Sensodyne Toothpaste”.
_____4. Ads sa harap ng food chain: “McCafe, Creamy, Dreamy, and Icy Chocolatey,”
_____5. Ads ng isang inuming alak, “Ito ang Tama!”

11
D. Paglalapat
Panuto: Ilahad ang kasagutan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap lamang.

Sa iyong palagay, mahalaga ba sa


isang mag-aaral ang mahusay sa wika
upang madaling makahikayat? Ipaliwanag.

_________________________________________
________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

IV. PAGTATASA
Panuto: Ilahad ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng Kakayahang Retorikal at
Kakayahang Tekstwal.

Retorikal Tekstwal Retorikal


Tekstwal

Pangwakas na Pagsusulit:
1. Ginagamit ito sa panghihikayat sa pamamagitan ng pang-iinsulto at paninirang-puri
sa kakumpetensiya. Hindi ito propesyunal na gawain kaya’t ito’y kinasusuklaman sa
mundo ng kalakalan, ngunit laganap pa rin itong ginagamit sa pulitika o iba’t ibang
ahensiya ng lipunan
a. Name Calling b. Glittering Generalities c. Plain Folks d. Transfer
2. Uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang kaisipan; na ang
pangkalahatan ay gumagamit na nito maliban sa hinihikayat. Nagbibigay ito ng “pressure”
na kung saan ay sinasabing kinakailangang tangkilikin na rin ito ng hinihikayat dahil
mapag-iiwanan na siya nito.
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial

12
3. Ang pagsusuot ng mumurahing damit at pagkilos kagaya ng mga normal na
mamamayan ng isang bansa upang mabigyan ng “sense of belongingness” ang mga
hinihikayat.
a. Name Calling b. Glittering Generalities c. Plain Folks d. Testimonial
4. Panghihikayat na nagbibigay-diin sa pagiging rasyonal at lohikal ng manunulat o
nagsasalita;
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
5. Panghihikayat na ginagamitan ng emosyon o damdamin ng tao upang madaling
mapaniwala o maaakay sa isang bagay.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
6. Propaganda device na kung saan ay tuwirang iniendorso o pino-promote
ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial
7. Sa tekstong persuweysib, ang mga sumusunod ay paraan ng panghihikayat ayon kay
Aristotle maliban sa______.
a. Ethos b. Locos c. Logos d. Pathos
8. Ito ay panghihikayat na tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat o ng nagsasalita; mas
pinaniniwalaan natin ang mga taong binibigyan natin ng mataas na respeto at kilala sa
partikular na larangan.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. wala sa nabanggit
9. Isa itong uri ng panghihikayat na kung saan ginagamit ang kasikatan ng isang
personalidad o ahensiya upang pasikatin ang isang produkto o proyektong hindi
masyadong kilala
a. Bandwagon b. Plain Folks c. Transfer d. Testimonial
10. Nanghihikayat batay sa opinyon ng may-akda at layunin nitong panigan ng mambabasa
ang kaniyang sinasabi. Ang uring ito ng teksto ay __________.
a. Argumentatibo b.Deskriptibo c.Naratibo d.Persweysib

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magsaliksik at sumipi ng isang napapanahong komersiyal, editoryal o talumpati.
Suriin kung nakumbinsi ka ba ng akda. Ilahad ang kasagutan sa hindi hihigit na 300
salita. Tatayahin ang papel na isusumite batay sa sumusunod na batayan.
(Maaaring gawing Performance Task)

13
Pamantayan: Puntos Marka
Malinaw na nailahad ang reaksyon o
opinyon mula sa akda na sinuri. 5
Napapanahon at kapaki-pakinabang
ang napiling paksa. 5
Malikhain at oganisado ang
pagkakasulat ng reaksyong Papel. 5
Kabuoan 15

Mga Sanggunian

Department of Education- Bureau of Learning Resources. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. DepEd Complex: Meralco Avenue, Pasig City.
Unang Limbag, 2016.

Deped Learning Resources Portal. “K+12 Resources in Grade 11 and 12.” Accessed
last February 20, 2021. https://lrmds.deped.gov.ph/learning-resources/

Negros Oriental Learning Rseources Portal. “Senior High School Resources.”


Accessed last February 21, 2021. http://negorlrmds.weebly.com/senior-high1.html

14
15
Gawain 4
Maaaring magkakaiba ang
sagot ng mag-aaral
Gawain 5
Plain Folks
Panimulang Pagtataya
Name Calling
d
Bandwagon
b
Glittering
a
Generalities
b
Card Stacking
c
d
Pangwakas na Pagtataya
a
1.a
c
2. a
3. c c
4. b a
5. c Gawain 1
6. d Maaaring magkakaiba ang
7. a sagot ng mag-aaral
8. b Gawain 2
9. a 1.Logos
10. d 2. Pathos
3. Ethos
4. Logos
5. Pathos
Gawain 3
Maaaring magkakaiba ang
sagot ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like