You are on page 1of 15

Pamantayang Pangnilalaman : Nasusuri ang iba’t ibang binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,

pamilya, kumunidad, bansa at daigdig

Pamantayang Pagganap : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at

panlipunan sa bansa

I. LAYUNIN:

1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa F11PS-IIIb-91

I.1. Napahahalagahan ang tekstong deskriptibo sa pamamagitan ng pagsusuri sa kahulugan at

katangian ng mga tekstong binasa

1.2. Nakasusulat ng akda na nasa uring deskriptibo ukol sa penomenang kultural at panlipunan sa

bansa

Paksa : Tekstong Deskriptibo

Saggunian :PLUMA ni Alma M. Dayag pp. 25- 48

(Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

https://www.youtube.com/watch?v=oRWy5p9YzKI

https://filipinotagalog.blogspot.com/2011/09/textong descriptiv.html#.WPb1W9KGPcc

Kagamitan : laptop, projector, aklat, speaker

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN:

A. PAGGANYAK

1. Panoorin ang video clip https://www.youtube.com/watch?v=DjKeQSV828c.

2. Punan ng sagot ang bawat bahagi ng human concept map. Isulat ito sa loob ng kahon.

Nakita ko na_____________________________________
___________________________________________________
Naisip ko na _________________________
________________________________________

____________________________________

Narinig ko na ___________________________________
_______________________________________________ Nadama ko na
____________________ ___________________________

___________________________

Gagawin ko na ______________________________________
___________________________________________________
____________________

1
PAGLALAHAD

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng cue card na naglalaman ng konsepto ukol sa aralin. Ang mga ito ay

tatalakayin sa klase batay sa kanilang pagkakabatid sa mga ito. Gagamitin sa ulat ang 1-2-3.

1- Naunawaan sa konsepto,

2- Reaksyon namin sa konsepto

3- Isang salita na ibig naming kumatawan sa konsepto).

Pangkat 1:

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong subhetibo o obhetibo na may

kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao

o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. 

Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila

direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang

ginagamit ng manunulat. Gumagamit ito ng cohesive devices ( pang-uri at pang-abay).

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na

katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,

kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. 

Pangkat 2
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isang tao.
Halimbawa:
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
c. Hindi pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino ang pagdating sa teknolohiya.

2
Pangkat 3
Halimbawa:
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isang bagay.
Halimbawa
a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang karatig-bansa sa
Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.

Pangkat 4
Halimbawa:
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isang lugar.
Halimbawa:
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di – gaanong maunlad kung
ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na yaman.
c. Uunlad ang mga bansa sa Asya kung ang ikinabubuhay ay agrikultura at industriya.

Pangkat 5

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na

katangiang taglay ng isang pangyayari.

a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng Agham at Teknolohiya.

b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga gawain at higit na dumami ang

produksyon.

c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea ay nagbigay sigla sa iba pang

bansang Asyano upang magsikap na matamo ang ganitong tagumpay sa harap ng papalakas na

paligsahan ng buong daigdig.

C. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

3
Ayusin ang mga titik sa loob ng bulaklak na katumbas ng salitang katapat nito. Gamitin sa pangungusap

ang mga nabuong salita sa paraang naglalarawan.

1. inimbitahan

INAKYAG

Pangungusap___________________________________________________________________

________________________________

2. namatay

OMUYA

Pangungusap_____________________________________________________________________

__________________________________

3. masuwerte

LAMPAAD

Pangungusap_____________________________________________________________________

__________________________________

4. tauhan

RAKRKAET

4
Pangungusap_____________________________________________________________________

__________________________________

5. pagkakataon

ROIBEIPI
YHL

Pangungusap_____________________________________________________________________

_________________________________

D. PAG-UNAWA SA BINASA

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang tekstong deskriptibo?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

___________

2. Magbigay ng mga paraan na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo.

__________________________________________________________________________________

___________________________________

3. Bakit sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lamang ng iba pang uri ng teksto

lalong-lalo na ng naratibo?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

___________

4. Kung ikaw ay susulat ng tekstong deskriptibo, anong paksa ang pagtutuunan mo ng pansin? Bakit?

__________________________________________________________________________________

___________________________________

___________________________________________________________

5
5. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo mahihikayat ang iba na pahalagahan ang mga

tekstong deskriptibo?

__________________________________________________________________________________

___________________________________

___________________________________________________________

III. MGA GAWAIN

A. PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1

Bumuo ng timeline na nagpapakita ng buhay ng tauhan sa tekstong binasa. Sa pagtalakay ng inyong

awtput sa klase isama ang inyong pagsusuri kung anong paraan ng paglalarawan ang ginamit dito.

Buod ng Kabanata  60


Ikakasal na si Maria Clara

Dahil hindi hinuli si Kapitan Tiyago, siya ay nagpamisa sa tatlong


simbahan. Hindi man siya naanyayahan na kagaya ni Kapitan Tinong
kasama ng mga sikat na tao pero masaya pa rin siya dahil mas mapalad
siya sa Kapitan. Mula nang naimbitahan si Kapitan Tinong, naging
sakitin ito dahil natatakot itong mabati ng isang pilibustero at mawala ang
pribilehiyo niya na mapalapit sa pamahalaan.

Lumabas sa azotea si Maria Clara at doon nakita niya ang isang


bangka na may lamang mga damo. Si Ibarra at si Elias ang nasa
bangka. Tinulungan ni Elias na tumakas si Ibarra at nakiusap ito na
dalhin muna siya  kay Maria Clara.

Binibigyan na ni Ibarra ng laya si Maria Clara na nagtapat na kaya


lamang siya magpapakasal ay dahil sa pumanaw nitong ina at ang
dalawa niyang amang buhay pa.

Pagkatapos magpaalaman, muling bumalik si Ibarra sa bangka at


sumagwan papalayo si Elias habang umiiyak si Maria.
6
Pangkat 2

Lumikha ng isang tula na may 3 saknong na naglalahad ng inyong pagkaunawa sa tekstong

binasa. Sa pagtalakay ng inyong awtput sa klase isama ang inyong pagsusuri kung anong paraan ng

paglalarawan ang ginamit dito.

Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na


poot. At nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang
sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at
niyakap at kinagat.

Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap


sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw,
sunod-sunod niya Dagok, dagok, dagok, dagok, dagok, dagok…
pahalipaw… papaluka…papatay.

http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impeng-negro-ni-rogelio-sikat.html
(Binuksan noong 04-19-2017)

Pangkat 3

Gumuhit ng poster ukol sa tekstong binasa. Sa pagtalakay ng inyong awtput sa klase isama ang

inyong pagsusuri kung anong paraan ng paglalarawan ang ginamit dito.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong


panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang
dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago
mamatay si Anita, akala niya’y maari pa siyang makalunok ng bagong pag-
upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat nang tanggapin niya ang
utos ng hukuman na pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip.
Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na
niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang
Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/05/walang-panginoon-ni-deogracias-rosario.html
(Binuksan noong 04-19-2017)

Pangkat 4

7
Bumuo ng jingle na ukol sa tekstong binasa, awitin ito sa tonong naibigan ninyo. Sa pagtalakay ng

inyong awtput sa klase isama ang inyong pagsusuri kung anong paraan ng paglalarawan ang ginamit dito.

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na


lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay
may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla
lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng
mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa
kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r.html
(Binuksan noong 04-19-2017)

Pangkat 5 : Bumuo ng story board ukol sa tekstong binasa. Sa pagtalakay ng inyong awtput sa

klase isama ang inyong pagsusuri kung anong paraan ng paglalarawan ang ginamit dito.

Kahit pa ngayong lumaki na ako, hindi ko parin maiwasang


umasam na magkaroon ng krismas tring gaya ng ibinebenta sa bayan.
Tuwing pasko, wala mang
PAMANTAYAN masyadong palamuti
SA PANGKATANG GAWAIN ang aming bahay, naroon
parin ang mga palamuti Differentiated
at krismas tring “di nakikita” na ngayon,  ay tiyak
Activities
na ako doon. Buong taon iyong nakasabit at lalong tumitingkad at
kumikislap tuwing pasko. Oo. Hindi iyon nakikita ng iba, ni hindi mo
makikita pag ikaw ay bata pa, pag ikaw ay bulag o malabo ang iyong mata.
Pero ako, lalo ko pang nakikita iyon kapag kaming lahat ay nakangiti at
sama-samang nakatawa.

http://mgakwentonglikod.blogspot.com/2012/08/krismas-tri.html
ni Alma Reynaldo (binuksan noong 4-19-2017)
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN
Differentiated Activities
Mga batayan Mga puntos
5 3 1
Mensahe Naibigay nang buong May kaunting Maraming kakulangan
husay ang konsepto sa kakulangan sa sa konseptong
pangkatang gawain konseptong ipinakita ipinakita sa
sa pangkatang pangkatang gawain
gawain
Presentasyon Buong husay at Naiulat at Hindi gaanong naiulat

8
malikhaing naiulat at naipaliwanag ang at naipaliwanag ang
naipaliwanag ang pangkatang gawain pangkatang gawain
pangkatang gawain sa sa klase sa klase
klase
Kooperasyon Naipamalas ng lahat ng Naipamalas ng halos Naipamalas ng iilang
miyembro ang lahat ng miyembro miyembro ang
pagkakaisa sa paggawa ang pagkakaisa sa pagkakaisa sa
ng pangkatang Gawain paggawa ng paggawa ng
pangkatang gawain pangkatang gawain
Pagtupad sa oras Natapos ang gawain Natapos ang gawain Hindi natapos ang
nang buong husay sa ngunit lumagpas sa gawain sa itinakdang
loob ng itinakdang oras itinakdang oras oras

B. PAGLALAHAT

Gamitin ang chunking chart. Isulat ang inyong pagkaunawa sa mga salitang nasa loob ng kahon.

C. PAGLALAPAT

9
Gagawin ang istratehiyang what can you say. Dugtungan ang mga parirala sa ibaba.

1. Kung ako ay

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

_______________

2. Ang ay nararapat na

____________________________________________________________________________________

______________________________________

_____________________________________________________________

3. Bilang mambabasa ay nararapat na

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

_______________

D. PAGTATAYA

A. Photo essay.

Pumili ng isang larawan at gawan ito ng deskriptibong sanaysay na hindi bababa sa 100 salita.

Gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

(maaaring mabago depende sa napagpasyahan ng klase)

10
Paggamit ng Salita/Pahayag (40)

Nilalaman (30)

Kaugnayan sa Larawan (30)

Kabuuan (100)

MGA LARAWANG PAGPIPILIAN

11
12
13
B. Kumalap ng isang halimbawa ng akda na nasa anyong deskriptibo. Tukuyin kung ano ang mga

ideya na inilarawan. Talakayin kung ano-anong salita ang ginamit sa paglalarawan. Isulat ang sagot

sa loob ng talahanayan. Gawin ito sa bond paper at ipasa pagkalipas ng isang araw.

Tekstong Deskriptibo na aking nasaliksik


Pamagat ng Ideya o Kaisipang Ang mga Salitang
Tekstong Binasa Inilarawan Ginamit sa Sanggunian
Paglalarawan

14
15

You might also like