You are on page 1of 12

Filipino sa Piling Larang

Sining at Disenyo
Ika-3 Linggo:
Midyang Pangmasa
(Mass Media)
Mga Layunin:

• Nakapagpapaliwanag sa pasulat na anyo ng mga karanasan


batay sa pinanood, isinagawa, binasa, at nirebyu.
• Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulatin sa
sining at disenyo.
• Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
sulatin sa sining at disenyo
Mga Layunin:

• Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika.
• Naisasaalang-alang ang etika sa binuong sulatin sa sining at
disenyo.
Ang midyang pangmasa ay mga midyang
katulad ng radio, internet o iba pang mga bagay na
nakakaabot sa maraming mga tao.
Dalawang Uri ng Midyang Pangmasa
A. Midyang Nakalimbag (Printed Media)
Ito ay mga uri ng midyang pangmasa na nakasulat at
nakalathala kaya nababasa ng mga tao. Ang mga halimbawa ng mga
midyang nakalimbag o printed media ay ang mga sumusunod:
1. Mga Dyaryo o Newspapers
2. Tabloid
3. Komiks
4. Magasins
5.Tweets sa Twitter
6. Facebook posts
7. Captions ng larawan sa Instagram
8. Mga Blog
9. Digital Newspaper
10. Mga Websites
11. Infographics
12. mga libro
13. mga advertisements na binabasa ( hindi pinapanuod lang)
14. Fliers
15. Brochures
B. Midyang Hindi Nakalimbag ( Digital Media)
Ito ay mga uri ng midya na napapanuod o naririnig lamang natin.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga midyang hindi
nakalimbag o digital media:
1. Telebisyon
2. Radyo
3. Larawan lang sa Social Media Sites
4. Dokumentaryo
5. Pelikula
6. Serye
7. Music Video
8. Commertial
Pagsusuri sa Isinaling Teleserye /Anime
Ang Anime ay isang gawang kamay o computer animation mula sa
bansang Hapon. Ang salita ay ang dinaglat pagbigkas ng “animation” sa
wikang Hapon, kung saan ang mga kataga na ito ang katawagan sa lahat
ng animation saang bansa man ito nanggaling.
Pagsusuri ng mga Anime
Naruto

Ang palabas na ito ay nagsisimula sa isang batang nagngangalang


Uzumaki Naruto na nagtataglay ng kapangyarihang Kyuubi (Nine Tailed
Fox) na nakakulong sa kanya. Labing dalawang taon bago nagsimula
ang palabas, inatake ng Kyuubi ang bayan ng Konohakagure kung saan
nagdulot ng malaking pinsala sa bayan at sa kabalikang reaksyon,
isinakripisyo ng ikaapat na Hokage (lit. Fire Shadow- leader of the
village) ang kanyang buhay upang makulong ang Kyuubi sa katawan ng
batang si Naruto ngunit sa pagkakaalam ng mga taong bayan na
mismong si Naruto ang Kyuubi kaya’t nagkakaroon ng maling trato sa
kanya ngunit sa pagpapatuloy ni Naruto para hanapin ang
kahalagahan niya sa buhay ay nagkaroon siya ng mga kaibigan at dito
nagpapatuloy ang kanyang istorya.
Pagsusuri ng mga Anime
Slum Dunk

Ang anime na Slum Dunk ay umiikot sa buhay ni Hanamichi Sakutagi,


isang basagulero mag-aaral. Si Hanamichi, bilang hindi popular sa mga
babae, ay nabasted o umuwing luhaan at sugatan ang puso ng limampung
beses.Kahit ganito ang nangyari, napagtanto niya na si Haruko Akagi ang
babae ng kanyang mga panaginip, at masaya siya na hindi natatakot sa
kanya si Haruko. Napansin kaagad ni Haruko na may kakayahan si Sakuragi
sa pagiging atletiko kaya naman pinakilala niya ito sa Shohoku basketbol
team. Si Hanamichi ay padalos-dalos na sumali sa basketbol kahit na wala
siyang karanasan dito. Kahit na isip bata at madaling uminit ang ulo niya,
pinatunayan pa rin niya na isa siyang henyo sa basketbol. Ginawa niya ito
para humanga sa kanya si Haruko. Si Kaede Rukawa naman ang madalas na
karibal ni Hanamichi. Isa siyang star rookie at kaya niyang magnetin ang
mga babae.
Pagsusuri ng mga Anime
Slum Dunk

Sila ay nasa pangangalaga ng kanilang kapitan na si Takenori Akagi.


Pangarap ni Akagi na maging National Champion ang Shohoku. Ginawa ng
Shohoku team ang lahat ng magagawa nila kaya naman naging all star
contender sila ng Hapon. Mula sa Anime na ito masasaksihan ng
pagkakakaugnay-ugnay ng mga kultura. Ang konsepto ng basketbol ay mula
sa mga Amerikano. Ang kapaligiran ng mga iksena, itsura ng mga tauhan ay
may hawig sa Amerika. Ang itsura ni Akagi na nagmumukhang siyang Black
American, ang mga pambubuli, pati na rin ang cheerleading squad ay kitang
kita may impluwensya rin sa mga Hapon ang kultura ng Amrikano. Kapansin
pansin na ang mga tao ay sawa na sa panonood ng live basketball. Mas nais
ng mga Pinoy namaantig ang kanilang mga natatagong damdamin.
Maraming Salamat!

You might also like