You are on page 1of 31

PROSESO AT

YUGTO
Kahulugan at Kalikasan
Pagsulat
Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa
para sa iba’t ibang layunin.

Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay


sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng
tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa
pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing
output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa
monitor ng kompyuter o print -out na.
Kahulugan at Kalikasan
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang
ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon
sa isang tiyak na metodo ng debelopment at
pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng
gramar na naayon sa mga tuntunin ng
wikang ginamit.
Kahulugan ng pagsulat ayon sa
iba’t-ibang tao:

Ang pagsulat ang bumubuhay at


humuhubog sa kaganapan ng ating
pagiging tao. (William Strunk, E.B
White)
Kahulugan ng pagsulat ayon sa
iba’t-ibang tao:
Ang pag-iisip at pagsusulat ay
kakambal ng utak, gayundin
naman, ang kalidad ng pagsulat
ay hindi matatamo kung
walang kalidad ng pag-iisip.
(Kellogg)
Kahulugan ng pagsulat ayon sa
iba’t-ibang tao:
Ang ay kabuuan ng at
pagsulat kaligayahan.
pangangailangan
(Helen Keller) komprehensibong
kakayahang
Ito ay naglalaman ng wastong
gamit
isang ng talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan, at retorika. (Xing Jin)
Proseso ng Pagsulat
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t-
ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga
sumusunod:
 Prewriting

 Writing

 Revising

 Editing
Proseso ng Pagsulat
Ang mga yugtong itoay sunod-sunod
ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng
mabatid na ang mga propesyunal na
manunulat ay hindi nagtratrabahonang
hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung
ang pagsulat aygayon ,
isang prosesong na ipalagay na
at
ispayraling, kayat ang mga manunulat ay
rekarsib
bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga yugtong
ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat
ng isang teksto.
Proseso ng Pagsulat
Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o
paglikha ng burador, ang isang manunulat ay
maaaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting
at magsagawa ng karagdagang pananaliksik.
Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, ang
manunulat ay maaring bumalik sa yugto ng
rebisyon at reorganays ang materyal.
Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat

Prewriting Drafting Revising

Final
Editing
Document
Proseso ng Pagsulat
Prewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng
impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa
yugtong ito.
Proseso ng Pagsulat
Ang Unang Burador
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay
kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong
dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit
depende kung gaano mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin
mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon.
Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Proseso ng Pagsulat
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng
hindi mawala ang momentum sa Kung
gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga
pagsulat.
salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat
nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng
pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na
lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong
unang burador.
Proseso ng Pagsulat
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang
burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit
maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa
pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili
ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap,
pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan.
Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang
burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon
ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon
ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong
rebisyon at editing.
Proseso ng Pagsulat
Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador
nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng
isang manunulat dito ang istraktura ng mga
pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang
isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito
ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag
na sa palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng
dokumento.
Proseso ng Pagsulat
Editing
Ito pagwawast ng mga posibleng
pagkakamali sao pagpili ng mga
gramar,
ang gamit at pagbabantas. Ang editing
salita, ang
ispeling,
pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago
maiprodyus ang pinal na dokumento.
Bakit Tayo Sumusulat?
Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong
kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa
pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sa
pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tango
ay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindi
nahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang sa pagbabasa ng
iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sa
pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh… ma’am/sir
nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at
mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat, malalaman
ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito ang
mababasa. Wala kang maililihim…walang maitatago.
Bakit Tayo Sumusulat?
Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat
sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa
paaralan upang siya ay makapasa.
Gayundin naman, ang isang manunulat ay
nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang
ikabubuhay. Kung walang
pahayagan
tulad na magtatala ng mga nagaganap sa lahat
nila, ng
walang
sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng
ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at
mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring
magasin na madalas nating piliing paglibangan.
Bakit Tayo Sumusulat?
Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay,
hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas
mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang
higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing
pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa
malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at
pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi
magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang
patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
Bakit Tayo Sumusulat?
Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng iba,
tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng
mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong
ang puwang sa ating
pagkatao
mapunan ng kaligayahan.
makadama upang
Layunin ng Gawaing
Pagsulat
Pansariling Pagpapahayag
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita,
narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa
ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y
mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito
ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
pa.
Layunin ng Gawaing
Pagsulat
Impormasyonal na Pagsulat
Kung sa unang layunin ang makikinabang ang
nagsusulat, dito ang makikinabang ay ang tao.
Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe
sa mga kaparaanang nangangatwiran, nagpapayo,
nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito
ay memorandum, rebyu at riserts.
Layunin ng Gawaing
Pagsulat
Malikhaing Pagsulat
Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao.
Sa tulong ng imahinasyon at kapangyarihan ng
rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na
ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang ginagalawan.
May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito
upang ipadama sa mambabasa ang panoramikong
larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang alamat,
dula, at iba pa. (ESG)
Pagtatalat
a Ang talata ay isang pangungusap o grupo ng
mga pangungusap na inorganisa upang
makadebelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa
bilang bahagi ng komposisyon o upang magsilbing
pinakakomposisyon mismo. Ang talatang binubuo
ng isang pangungusap ay maaring kahit na anong
uri ng pangungusap.
Pagtatalat
aPansinin ang halimbawa:
Ano ang synaesthesia?
Ang pag-aaral ng synaesthesia ay isang intriging at
kompleks na larangan ng neuroscience o pag-aaral ng
utak.
Intriging at kompleks ang anumang pag-aaral ng
utak ng tao sapagkat sa utak nagpupunta ang lahat ng
ating sensori, doon iniinterpret, iniimbak, at tinutugunan,
at kung saan sa ilalim ng mga kondisyong iyon, ang mga
signal ay nagkokominggel.
Pagtatalat
aay isang
Samantala, ang talatang binubuo ng mga pangungusap
komposisiyon ng mga pangungusap na pinagsama-
sama upang magkaroon ng simula, katawan at wakas.
Basahin ang halimbawa

Ang kahalagahan ng phenomenon ng synaesthesia ay higit


pa sa medesina. Ang mga pinakahuling pag-aaral ay
nagpapatunay na mayroon iyong koneksiyong genetic dahil
wari bang ito ay nasa dugo ng mga pamilya. Para tuloy
nakahinga nang maluwag ang mga synaesthetes nang
matuklasan ng mga dalubhasa na hindi sila ang delusyonal o
mga sugapa sa gamot na nagkakaroon na ng halusinasyon.
Ipinapalagay nang sila’ y mga aberasyon lamang ng kalikasan
na mistulang tinurukan ng mga almbre sa kanilang utak.
Pagtatalat
a Upang maging nito
epetibo ang
mga
talataan,
isang sumusunod na
kailangang taglayin ang
katangian:
 Kaisahan
 Kohirens
 Empasis
Pagtatalat
aKaisahan
Nangangahulugang pagkakaroon ng isang
ideya sa loob ng talata. Upang makamit ito:
a) Tukuyin ang ideyang nais mong idebelop;
b) Ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksang
pangungusap na maaari pang idebelop ayon sa iyong
layunin; at
c) Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga
pangungusap na makadebelop sa ideya.
Pagtatalat
aKohirens
Ito ay tumutukoy sa pagkakauganay-ugnay ng
mga bahagi sa loob ng isang talataan. Sa lebel ng
pangungusap, tumutukoy ito sa pagkakasundo ng
paksa at panaguri; sa lebel ng talata, tumutukoy ito sa
kohisebnes ng daloy ng mga pangungusap sa talataan.
Pagtatalat
aKohirens
Upang magamit ang kohirens, kailangang :
a) Gumamit ng epektibong metodo ng debelopment o
paraan ng pagpapahayag ;
b) Organisahin ang mga pangungusap mula simula
hanggang sa wakas sa tulong ng epektibong pattern
ng organisasyon; at
c) Gumamit ng mga epektibo na salitang transisyunal.
Pagtatalat
aEmpasis
Ito naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkop
at sapat na diin sa bahagi ng komposisyong
nangangailangan niyon. Makakamit ito sa
pamamagitan ng:
a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapat
bigyan ng diin
b) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sa
pamamagitan ng posisyon o proporsyon); at
c) Epektibong paggamit sa napiling metodo
ng pagbibigay-diin.

You might also like