You are on page 1of 12

GAMIT NG WIKA SA

LIPUNAN
• Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang
paraan at layunin. Maaari itong gamitin
upang magtakda ng isang kautusan,
magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse
ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang
bagay, bumuo at sumira ng relasyon,
kumalinga sa mga nahihirapan at
nasisiphayo, at sa marami pang
kaparaanan. Ayon nga sa Australyanong
linggwista na si M.A.K. Halliday, may iba’t
ibang gamit ang wika. Tinalakay niya ang
mga ito sa kanyang “systemic functional
linguistic model.”
•Gamit •Halimbawa

ng Wika
• Ang instrumental • “Gusto ko ng
na gamit ng wika gatas.”
ay nakatuon sa
pagpapahayag ng
pangangailangan
ng tao, tulad ng
anumang
kahilingan
kaugnay ng
pagkain, inumin
at iba pa.
• Ang gamit na • “Ilipat n’yo ang
regulatori o regulatoryo channel ng TV.”
naman ay nakapokus sa
paggamit ng wika sa
pagbibigay ng utos o
pagbibigay ng gabay sa
posibleng gagawin ng
ibang tao.
• Samantala, ang • “Share tayo sa
interaksyonal naman chocolate.”
na gamit ng wika ay
nagbibigay-pansin sa
pagpapahayag
kaugnay ng pagbuo
ng ugnayan o
relasyon, o anumang
gawain ng
pakikisalamuha sa
ibang tao.
• Ang personal na • “Mabait ako.”
gamit ng wika ay
tumutukoy naman sa
pagpapahayag ng
damdamin, opinyon,
at indibidwal na
identidad.
• Sa gamit na • “Paano ginagawa
heuristiko, ang ang ice cream?”
pagpapahayag ay
nakatuon sa
pagkalap ng
impormasyon o
kaalaman tungkol sa
kapaligiran ng
nagsasalita.
• Ang gamit na • “Parang bulsa ni
imahinatibo naman Doraemon ang
ay may kaugnayan sa wallet ni daddy.”
pagpapahayag ng
kwento at joke, at sa
paglikha ng
kapaligirang
imaginary (kathang-
isip).
• Ang • “Nagpunta sa
representasyonal o palengke si tatay.”
representatibo
naman na gamit ay
tumutukoy sa
pagpapahayag ng
datos at
impormasyon.
• Kapansin-pansin na ang mga halimbawang
ginamit ay pawang angkop sa sitwasyon ng
mga bata. Bunsod ito ng paliwanag ni Halliday
na ang mga nabanggit na gamit ng wika ay
• makikita sa mga bata, at sa kanyang
pananaliksik, unti-unting “umuunlad” ang
paggamit ng mga tao sa wika habang
tumatanda, kaya’t habang tumatagal ay unti-
unting naghahalu-halo ang mga gamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon. Halimbawa,
ang pagpapahayag ng datos ay maaaring may
kahalong pagpapahayag ng damdamin (kaya’t
naghahalo ang gamit na representasyonal at
personal).
• Panoorin ang Unang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa
Youtube, suriing mabuti ang kaniyang mga pahayag, at
tukuyin kung alin sa mga gamit ng wika ang kaniyang
isinakatuparan. Magbigay ng mga eksaktong pangungusap.
Ibahagi ang oberbasyon sa klase.

You might also like