You are on page 1of 9

MEMAFILIPINO (Malawakang Ekspidesyon sa Mga Aralin sa Filipino)

Ang blog na ito ay pumapatungkol sa mga kaalaman sa Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral sa
sekondarya na magbibigay kapakinabangan at magbibigay ng malawakang impormasyon.

Kakayahang Lingguwistika

Setyembre 28, 2017

Tumutukoy ang Kakayahang Lingguwistika sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng


maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata
ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang
abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal
(Hymes 1972).

Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965) ang kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal
na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng
kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.

Kakayahang Lingguwistika sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayahang lingguwistika ng Filipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang


Filipino.

A. Mga salitang Pang-nilalaman

1. Mga Nominal

A. Pangalan- nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook.

B. Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat ng mga salita.

3. Mga Panuring

A. Pang-Uri - nagbibigay turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

B. Pang-abay- nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay


B. Mga Salitang Pangkayarian

1. Mga Pang-ugnay

A. Pangatnig- naguugnay ng dalawang salita parirala o sugnay

Halimbawa : at, pati, ni, subalit, ngunit

B. Pang-angkop- katagang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan

Hal. Na, ng,

C. Pang-ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

Hal. sa, ng

2. Mga pananda

A. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip

Hal. si, ang, ang mga

B. Pangawing o pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panag-uri

Hal. ay

Kakayang Diskorsal

Kakayahang magbigay ng wastong interpretasyon sa mga napakinggang pahayag upang makabuo ng


makabuluhang kahulugan.

Kakayang Istratejik

kakayahan kung paano niya gagamitin ang wika sa iba't-ibang sitwasyon

Ayon sa teoryang National -Function Syllabus ni David Wilkins ( Higgs at Clifford 1992 , sa badayos
1999)

Upang matamo ang kakayahang komunikatibo kailangang pantay na isaalang-alang ang


pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginagamit sa teksto.
Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Register ng Wika

Setyembre 26, 2017

Register bilang Espesyalisadong Termino

Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphone ay ginagamit din sa ibang
larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay
na kahulugan ng mga ito.

Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng


makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid,
nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay
tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang
nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang
kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.

Tinatawag na register ang mga espesyali…

MAGBASA NANG HIGIT PA

Ang Komunikasyon

Setyembre 25, 2017

Imahe

Kasangkot ng pinakapayak na prosesong komunikatibo ang apat na salik ; ang tagapagsalita, ang
mensahe, ang tsanel at ang tagatanggap. Komunikasyon ang instrumento ng isang tao upang maihatid
ang kanyang kaisipan. Maaaring makipagkomunikasyon gamit ang bibig(pasalita) o mga simbolong
nakatala sa papel(sulat).

Mahalaga ang komunikasyon, sapagkat nakatutulong ito upang matamo ang mga sumusunod :
Pagkakaunawaan Kaalaman at KarununganPakikipagpalitan ng Kaisipan

Dalawa ang uri ng komunikasyon na ginagamit ng tao upang magkaunawaan :

Di-Verbal - mahalagang salik sa pamamaraang ito ang mga kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito.
Sensyas ang kasangkapan upang maipabatid ang mensahe, madalas na may napagkasunuduan o
tinatanggap nang pagpapakahulugan sa mga ito.

Halimbawa : iling ng ulo- hindi pagsang-ayon, pagtanggi

pagtaas ng hinlalaki- aprubado, magaling ang inilahad

Alam natin na an…

MAGBASA NANG HIGIT PA

Pinapagana ng Blogger

Mga larawan ng tema ni/ng gmutlu

Aking larawan

MEMAFILIPINO

BISITAHIN ANG PROFILE

I-archive

Iulat ang Pag-abuso

Komunikasyon at Pananaliksik XI

GRAMAR AT LINGGWISTIKA
11C E-Tech 11C E-Tech

3 years ago

Advertisements

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO O COMMUNICATIVE COMPETENCE

Nagmula ito sa isang linguist, sociolinguist, anthropologist at folklonist sa Portland, Oregon na si Dell
Hathaway Hymes (1966)

Nilinang nila ni John J. Gumperz ang konseptong ito bilang tugon sa kakayahang linggwistika at bilang
reaksyon sa kakayahang linggwistika (linguistic competence) ni Noam Chomsky noong 1965.

Ayon kay Hymes, ang nagsasalita ay hindi sapat na magkaroon ng kakayahang linggwistika upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din na alam niya ang paraan ng paggamit nito.

KAKAYAHANG GRAMATIKAL

Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pagunawa at paggamait sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya,
Sintaks, gayundin sa mga tuntuning ortograpiya.

Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upsng magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pagunawanat pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.

Kakakayahang komponent ng Kakayahang linggwistiko o Kakayahang Gramatikal. (Celce-Murcia, Dornyei


at Thurell-1995

SINTAKS – pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.

1. Estruktura ng pangungusap

Simuno o paksa

Panaguri

2. Anyo ng pangungusap

Karaniwan
Di karaniwan

3. Uri ng pangungusap ayon sa gamit

Pasalaysay o Paturol

Patanong

Padamdam

Pautos o Pakiusap

4. Uri ng Pangungusap ayon sa Pagkabuo o Kayarian

payak

Tambalan

Hugnayan

Langkapan

MORPOLOHIYA – pag-aaral ng morpema ng isang wika at napagsasama-sama ng mga ito upang


makabuo nisang salita.

Screenshot_2017-10-20-01-36-16-1

Dalawang uri:

Leksikal (content words) – ang morpem ay nakatatayong magisa sapagkat may angkin siyang kahulugan
na hindi na nangagilangan pa ng ibang salita.
Pangkayarian (function words) – mga salitang nangangailangan pa ng ibang salita upang magamit ng
buo ang kanilang gamit sa pangunusap.

BAHAGI NG PANANALITA

Pangngalan – mga pangalan ng tao, bagay, hayop, pook , pangyayari.

Panghalip – panghalili sa pangngalan.

Pang-uri – naglalarawan ng katanian ng pangngalan o panghalip.

Pandiwa – nagsasaad ng kilos

Pang-abay – naglalarawan ng pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay.

Pang-angkop – bahagi ng pananalita na ginagamit upang maging maganda sa pandinig ang pagkakasabi
ng pangungusap.

Pangatnig – ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga sa pangungusap.

Pantukoy – tinutukoy ang relasyon ng siuno at panaguri sa pangungusap .

Pangawing – nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

Pang-ukol – ginagamit kung para kanino at saan ang kilos.

LEKSIKON – mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito. Tintawag din itong
“vokabularyo” ng isang wika.

MGA PARAAN NG PAGBUO NG MGA SALITA:

PAGTATAMBAL – sa paraang ito, ang mga salita ay nabuo sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga
morpema na naging bahagi ng wikng Filipino.

AKRONIM – sa paraang ito ang mga salitaay hango sa mga inisyal o mga unang pantig ng salita.

PAGBABAWAS O CLIPPING – pagpapaikli ng mga salita.

PAGDARAGDAG

PAGHAHALO O BLENDING – pagbabawas at pagtatambal ng mga salita.

MGA SALITA MULA SA PANGNGALAN

DALAWANG URI NG PAGKAKAHULUGAN


Denotasyon – ang kahulugan ay kadalasang nakukuha sa diksyunaryo. Ang salita ay nagbibigay ng isang
tiyak na kahulugan.

Konotasyon – ang pagkakahulugan ay iba sa mismong kahulugan nito.

PONOLOHIYA – tawag sa magham na pag-aaral ng tunog.

Dalawang uri:

Ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema

Poneman patinig – binubuo ng tatlong ponema.

ALLOPHONE – ang tunog na /e/ at /I/ o /o/ at /u/ ay malayang nakapagpapalitan na hindi nagbabago
ang kahulugan ng mga salita.

DIPTONGGO MALAPATINIG – tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at tunog ng isang


malapatinig.

KLASTER O KAMBAL KATINIG – magkasamang unog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig.

PARES MINIMAL – mgkatugmang salita na hindi magkaunay na kahulugan sublit tumang-tugma sa bigkas
maliban s isng ponema.

ORTOGRAPIYA – mga graferma (pasulat na simbolo ng praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa)

Bisitahin : https://documents.tips/documents/isang-gabay-sa-ortograpiya-ng-wikang-pambansa.html
Advertisements

Share this:

Categories: Uncategorized

Leave a Comment

Komunikasyon at Pananaliksik XI

Back to top

Advertisements

You might also like