Professional Documents
Culture Documents
Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang panitikang Pilipino. Tayo ay may sarili nang
pantikiang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi bago pa man dumating ang mga Espanyol at iba
pang mga dayuhan sa bansa.
May mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo sa iba’t ibang panig
ng bansa tulad ng karunungang-bayan na tinatawag ding kaalamang-bayan. Ang panitikang ito ay
binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwng ang mga
ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahaban tula.
2. Sawikain – Ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong
pahayag.
Halimbawa:
4. Palaisipan – Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga
sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang inapo.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa, ilan
ang natira?
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalaw ang sombrero?
5. Bulong – Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit sa
pangkulam o pangtra sa kulam, engkanto, at masamang espiritu.
Halimbawa:
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay
ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar o pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. May dalawang
uri ng paghahambing.
2. Pahambing na Di magkatulad
a. Palamang – Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambig. Ginagamit ang
higit, lalo, mas, di-hamak.
ALAMAT
Ang alamat ay kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan na naglalaman ng
pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay. Ang
mga pangyayari sa alamat ay maaring maging totoo o likha lamang ng mayamang guniguni ng
manunulat.
Sinasabing noon pa mang unang panahon, ang gating mga ninuno ay nagkaroon nang mga
kuwentong-bayang kinabibilangan ng mga alamat. Ang mga ito’y lumaganap sa paraang pasalita at
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan. Higit na umunlad ang paglaganap ng mga alamat sa
bansa nang magsimulang makipag-ugnayan at makipagkalakalan ang ating mga ninuno sa mga Tsino,
Indian, at Arabe. Sa panahong ito, umunlad ang wika at paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno kaya
marami mga alamat ang naisulat. Gayunman, mas marami pa rin ang alamat na nagsalin-salin sa bibig
ng ating mga ninuno.
Sa pagdating naman ng mga Espanyol sa bansa ay saglit na nahinto ang paglaganap ng mga
kuwentong-bayan at panitikang tulad ng alamat sanhi ng paglaganap ng relihiyong Katolisismo.
Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan at ang ibang mga akda ay
ipinaanod sa ilog sapagkat ang mga ito raw ay gawa ng demonyo. Gayunman, dahil ang alamat ay
panitikang pagsalindila hindi ito tuluyang naglaho o nawala.
Bahagi rin ng akdang lumaganap sa bansa bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga
kuwentong-bayan. Bago pa man lumaganap ang panitikang pasulat ay laganap na sa Pilipinas ang uri
ng panitikang ito. Ang kuwentong-bayan ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga
tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga kwentong-bayan ng mga Pilipino ay tungkol sa kanilang mga
diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao. Ang mga kuwentong baying ito ay
naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan ng panahong iyon.
Kahit na ang mga kuwentong ito’y mga kababalaghan at di kapani-paniwalang mga pangyayari, marami
sa mga ito ang nagbibigay ng aral.
1. Alamat – Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus,
na nangangahulugang “upang mabasa”. Isang mahalagang bahaging kulturang Pilipino
ang mga alamat. Isinasaad dito kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Kalimitang ito’y
nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang
paksa ng mga alamat ay ating katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran. Narito ang
mga ilang halimbawa ng mga kilalang alamat.
Sa dahilang ang kuwentong-bayan ay isang uri ng salaysay, mababakas sa balangkas nito ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ang banghay ng kuwentong-bayan ay maaaring payak o
komplikado. Ang mga pangyayari ito ay hindi kapani-paniwala o makatotohanan bagama’t may mga
pangyayari ditong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin ang mga gintong aral na laging
nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
Gaya ng ibang akdang tuluyan, ang banghay ng kuwentong-bayan ay nagtataglay rin ng tatlong
bahagi: ang simula, gitna, at katapusan. Sa simula matatagpuan ang dalawang mahahalagang
sangkap o elemento, ang tauhan na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o
katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida. Ang ikalawa ay ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o mga eksenang nanghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-ulan; ng
oras, at ng lugar.
Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo
o eksena. Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwentong-bayan- walang iba kundi
ang diyagolo. Ang diyagolo ay ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyagolo ay magawang
natural at hindi artipisiyal. Kagaya rin ng ibang akdang tuluyan, sa gina rin makikita ang sumusunod na
katangian ng isang kuwento: ang saglit na kasiglahan na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang magpapakita ng labanan
o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili,
sa kapwa, sa kalikasan. At ang panghuli ay ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento
kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
ANDRES BONIFACIO
Si Andres Bonifacio na may-akda ng tulang iyong mababasa sa araling ito ay kinikilalang Ama ng
Demokrasiyang Pilipino. Siya ay maituturing na bituing maningning sa kasaysayang pamolitiko n gating
bansa. Ang kanyang pinag-aralan ay galling sa “paaralan ng karanasan” ngunit lubha siyang palabasa.
Ang mga akdang nabasa niyang tunay na nag-iwan ng bias sa buhay niya ay ang “kasaysayng ng
Rebolusiyong Pranes,” “Ang mga Ruinas ng Palmyra,” “Buhay ng pangulo ng Estados Unidos,” ang
Noli at Fili ni Rizal, ang Bibliya, ang Les Miserables ni Victor Hugo, Ley Internacional, Codigo Civil, at
ang El Judio Erranta, Umanib siya sa “La Liga Filipina” na itinatag ni Rizal noong1892, nang si Rizal
ay ipatapon sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang “Katipunan” na naging batis ng diwng Malaya ng mga
Pilipino.
Si Bonifacio ay higit na dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit mayroon siyang iniwang mga
akdang pampanitikan nagpaalab sa himagsikan. Ilan sa kanyang sinulat ang “Ang dapat Mabatid ng
mga Tagalog”, “Huling Paalam” na salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal, “Katungkulang ,
Uri ng Pangatnig
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa
kapwa parirala sa kapwa pararila, o ng sugnay sa kapwa sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan
ng isang pahayag. Ito ay maaaring makita sa unahan at gitnang bahagi ng pahayag o usapan. Ito ay
may dalawang pangkalahatang uri:
4. Pangatnig ng Panubali- May pagbabasakali o pag-aalinlangan ang pahayag. Ito ay ang kundi,
kung di kung, kapag, sana, at sakali. ( Ang mga pangatnig na ito ay karaniwang ginagamit sa
unahan ng pahayag)
Halimbawa:
Halimbawa:
Palibhasa’y laking simbahan kaya’t lumaking magalang ang batang iyan.
Dahil sa kanyang panalangin ay gumaling ang aking sakit.
6. Pangatnig na Panlinaw- Ginagamit upang linawin o mag-bigay linaw gaya ng anupa, kaya,
samakatwid, sa madaling salita, at kung gayon.
Halimbawa:
Laganap na laganap ngayon ang Salita ng Diyos kaya maraming tao ang nagsisisi sa kanilang
mga kasalanan.
Samakatwid, sa nararanasan ng Panginoon ay napatunayang hindi lamang sa tinapay
nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang mula sa Diyos.