You are on page 1of 2

Hiling

ni Bb. Delos Santos

Sumasabay sa tugtugin,

Pasalaysay aawitin,

Naglalakbay sa dilim,

Ibig kong ilihim.

Lumipas ang panahon,

Tuluyan babangon,

Maria Clara ng nakaraan,

Hinagpis niya'y babalikan.

Dayuhang sumakop,

Pilipino nagpasakop,

Sa kamay ng mangraraos,

Mga bulaklak nakagapos.

Dilim ng sigwa,

Kasaysayan lumuluha,

Tila bato sa dagat,

Inanod ng lingat.
Nilamon ng itim na balak,

Dayuhan humalakhak,

Isip nilay apoy

Nagliliyab sa mainit na taghoy.

Dalaga'y kawangis kandila

Mabuti't kapara

Hindi mapupundit hihina

Nakahiga sa gabing mahina.

Labis ang dalamhati,

Puno ng pighati

Dasal sa langit

Dayuhan ibingit.

You might also like