You are on page 1of 3

Alingawngaw ng Maralita at Mga Mapangibabaw : Humanismo,Realismo at Marxismo sa

nobelang Banaag at Sikat

Naglalaban ang mga panig tungkol sa Sosyalismo at sa mga patakaran na umiiral sa

lipunan. Bagamat hindi alintana ni Don Ramon at Don Felipe ay pumapaimbabaw ang prinsipyo

nina Felipe at Delfin pinapangangatwiran nito ng dalawa. Mababanaag pa rin ang

katotohanan,katangian ugnayan at hidwaan ng antas ng lipunan. Ayon kay Karl Marx "Ang

lipunan ay kinakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan

ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang

pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol

sa produksiyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa

lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan."

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at

paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang

mayaman ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng

pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa

mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan,at pumasok na manggagawa sa

isang palimbagan

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa

marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao

upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa

pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.


Sa usapin ng nobelang ito ay kinakikitaan nang mga tauhan na si Delfin at Felipe ay may

pagpapahalaga at dignidad sa mga taong tinanggalan ng karapatan mamuhay ng tao . Ito ang

nagpapatibay sa pananaw na ang taong may karapatan at responsibilidad na nabibilang sa isang

teorya ng humanismo na “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at

panginoon ng kanyang kapalaran.” (Villafuerte, 1988)

Ang katuturan ng Sosyalismo ay di naming kinakain ni ipinakakain ng buo kundi unti-

unti.(Delfin pahina.33) Salat man sa buhay,may makain man ay hindi sapat ang usapin tungkol

sa salapi, kundi ang paghihirap ng ilang mamamayan upang sa kapakinabangan sa kanilang

pawis na inilabas at tumatagaktak sa lupa.Kinukwestyon ang pagkukulang ng namumuno sa

pamahalaan na ang batas ay isantabi at unahin ang mga mamamayan bilang bumubuo sa

pamayanan. Inilarawan ang iba’t ibang depinisyon ng patay-gutom – bunga ng pag-ibig,mga

bilanggo at tagapagtanggol,patriotismo ngunit bunga ito ng kamatayan na kung ibig pahiwatig ay

nalilimot ang sarili dahil sa pagiging maralita at pagpapaalila. Walang boses ang karamihan

ngunit iisa o dalawa ang sumisigaw at lumalaban.

Sa kabilang banda, lumalamang sa kahuli-hulian ang moral at pilosopiya ng mga maralita

ngunit sa usapin ng antas ng lipunan ang gulong ay nasa itaas at umiiral ang

kurapsyon,katiwalian,kahirapan at diskriminasyon.Kung pag babatayan ang kasalukuyan hindi

ito naiiba, sapagkat ayon kay Almario (2016) “Kung ano 'yung nakagisnan nung lipunan na

iyon, iyon ang kanyang hitsura," Hindi nagkamali ang pahayag na ito sapagkat lumalagay din

ang mga Pilipino sa kolonyal na mentalidad at nahihirapan tukuyin ang identitidad ng

indibidwal. Nangangahulugan na walang pagbabago dahil mana-mana ang kaugalian,tradisyon


kaya’t nanatiling imahe at pangarap lamang ang pag-unlad ng ekonomiya. Binasag ang kaisipan

ng iilang mga Pilipino na mas marangyang buhay ay maayos kaysa sa magtiis sa kakarampot na

salapi. Kaya’t kung ipaghahambing kasalukuyan at ngayon ay walang pagkakaiba.

Dona Limbo (2015) Ang realismo ay paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring

mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunan. Mabigat ang pagbabagong ito lalong lalo na sa mga

naghihikahos. Tulad sa nobelang “Banaag at Sikat” binigyang halaga ang mga produkto na

inaani at binibili ng mga mamamayan na siyang nagdurusa sa mga nasasayang at pagkatapos ay

sindak akalain na pagbayarin ang mga ito sa mga maralita na nagpapatunay sa sinasabi sa

pahayag ni (Delfin ph.40) “Ang sampung pisong utangin,lumalagong parang kalabasang-pula at

habang nakababasag ng kahit anong kasangkapan ang alila,habang natatakot o nakalilimot”

Dapat mabagsakang mga dapong nabubuhay sa dagta ng iba,iyang mga lintang

nagpapasasa sa dugo ng may dugo! (Delfin43)

Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang

pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan,

oportunidad, at kapangyarihan

You might also like