You are on page 1of 1

SCRIPT

Ang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos ay isa sa pinaka-klasikong panitikan na kung saan tinatalakay ang
mukha ng lipunan at sumasakatawan sa iba’t-ibang layunin, suliranin at resolusyon hinggil sa Sosyalismo
na kung saan tinuring itong :Bibliya ng manggagawang Pilipino” sapagkat binabanaag at tinutunton sa
aklat na ito ang kahalagahan ng mga manggagawa sa ating lipunan; na kung saan dahil sa kapangyarihan
at lakas; ay patuloy na nagdaraos ng matinding paghihirap ang mga taong nasa laylayan at tila
nauubusan na ng katarungan, puri at dangal.

Siya si Delfin, si Delfin ay isang sosyalista. Bilang sosyalista, naniniwala at hinahangad ni Delfin na
mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na
karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa.
Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang
pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng
dugo.

Si Felipe naman na may adhikaing anarkismo ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga


namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin ang mga
abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng
isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin
niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga
mahihirap at ang mga mayayaman.

Siya naman si Don Ramon, siya ay may dalawang anak na babae na sina Meni at Talia at isang anak
naman na lalake na nagaaral ng abogasya. Siya rin ang nagging amain ni Felipe ng lisanin nya ang
tahanan ng kanyang ama, subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong
pinagkaiba sa kaniyang ama na mayaman din at malupit sa mga tauhan nito.

Si Don Filemon naman ay isang mayaman na kaibigan ni Don Ramon. Ngunit sa di inaasahan pangyayare,
nagkaroon ng alitan ang dalawa sapagkat inagaw ni Don Ramon ang kanyang asawa mula sa kanya.

Iilan lamang yan sa mga karakter na nabanggit sa panitikang ito, ngunit labis na nagbibigay ng epekto at
kulay sa tinatamasa ng mga Filipino mula pa noon hanggang ngayon. Tila ba nakalathala na sa bawat
mamayang Filipino ang gantong mga pangyayare at istorya ng kanilang buhay.

You might also like